Vietnam Village sa Quiapo, dinemolis! Pinangunahan ni Mayor Alfredo Lim ang pagwawalis sa may 100 pamilya na nakatira sa tinaguriang Vietnam Village sa Quiapo. Kasama ang kaniyang mga tauhan mula sa Manila City Hall Engineering Office sinumulan nito ang paggiba sa nasabing lugar mga banding alas8 ng umaga. Wala namang naganap na karahasan sa pagitan ng mga residente at ng grupo ni Mayor. Tiniyak umano nitong si Mayor ang relokasyon para sa may 100 pamilya na mula dito. Pangalawang beses na umano ito ni Mayor na isagawa ang pagpapagiba sa nasabing lugar. Ang una raw ay naganap noon pang 1992. Bahagi umano ng kaniyang kampanya kontra droga ang isinagawa ng kaniyang pangkat sa quiapo. Matatandaang sa lugar na ito ay may natagpuan na labi ng dalawang babae na isinemento sa loob ng drum.