TRANSCRIPT OF AMBUSH INTERVIEWS OF SEN. MAR ROXAS 12 November 2009 ON HACIENDA LUISITA AND NOYNOY Q: Nandun daw si Noynoy nun? MAR: Nandun si Noynoy para nga mapigilan ang kahit anumang karahasan na mangyari. Eh nangyari na iyon. Hindi ko alam kung nagkaroon ng imbestigsyon ng pulis sa pangyayaring ito. Pero ang alam ko ginawa ni Senator Noynoy ang lahat para maiwasan itong pangyayaring ito. ON SCTEX ANOMALY ALLEGEDLY INVOLVING THE COJUANGCOS MAR: Talagang black propaganda ito. Unang-una, itong SCTEX na ito bunga ito ng negosasyon ni Pangulong Estrada kay Oguchi. Kasi Oguchi fund ito. Bansang Hpon ang nagsupervise nito. Bansang Hapon ang nagpondo nito. Bansang Hapon ang nag-designate kung saan dadaan ito. Noong panahon na iyon, walang kinalaman si Senator Aquino sa desisyon o sa implementasyon nitong project na ito. Sunod, si Pangulong Arroyo, siya ang nagtuloy nitong project na ito. In-assign niya kung sinosino para sa katuparan nitong project na ito. Nung nanalo si Pangulong Arroyo nung 2004, itinuloy niya itong project na ito. Simula pa lang, itong si Senator Noynoy Aquino kritiko na ng Malakanyang. Wala siyang kakayahan para impluwensyahan kung saan dadaan, sinong gagawa, anong kontrata ang masusunod dito sa project na ito. Ibang-iba ito. Linawin lang natin kung talagang itong putik na ito na wala namang saysay na siyang itatapon nila kay Senador Noynoy...ibang-iba ito sa halimbawa na ang isang senador na chairman ng finance committee ang siyang direktang nakipag-usap sa DPWH na ang isang kalye idaan doon sa lugar na ang lupa ay kanyang pag-aari. Iba iyon. So kung magtatapunan, kung magbabatuhan rin lang ng putik, linawin natin kung ano talaga. Q: Overpriced daw? MAR: Eh di imbestigahan. Anong kinalaman ni Noynoy sa overpricing? Hindi siya DPWH, hindi siya adminitrasyon, hindi siya executive na nagsagawa nito. Ipa-imbestiga. Hindi siya kontratista, hindi siya yung nakialam sa DPWH. Wala siyang subdivision, Hindi siya ang nag-desisyon kung saan dadaan ito. Pera ng bansang Hapon ito. Mga kumpanyang Hapon ang nag-lobby sa kanilang gobyerno na tulungan sila. Walang kinalaman dito si Noynoy. Q: Anong post mo nung time na ito? MAR: Nasa trade and industry ako. Ito naman ay nasa DFA at sa NEDA.