This story is the most memorable one for me maybe because this is the first story I’ve ever published here in the Cyberworld. This is the first story whom the people I first shared with appreciated so much.
Teaser It was 4 years ago when i last saw him. it was 4 years ago when he left without saying goodbye to me - officially. And i miss him. I really do. Everything about him. And i’m here, waiting - for four years. Hoping that he’ll come back and still feel the same way about me as he felt 4 years ago. I opened the box that is in my closet. Here are my tears again. Falling unstoppably. I saw the only picture i got na kasama siya. Natawa ako. We looked so funny back then. teasing each other. Walang araw na hindi kami nagaasaran. That started when we were still in kinder. But things changed when we reached our last year of high school.
“Ikaw? Pakakasalan ko? Hahahaha! Are you joking? Never as in n-e-v-e-r!” “Hahaha. Don’t think something bad. Hindi rin ako pakakasal sa iyo. HellO? dami kayang magagandang babae diyan - mas maganda pa sa iyo. And look at your body o? 23-15-10? Ang payat mo no! Di tayo bagay!” “Eh ano kung payat ako? Eh ano? maganda naman ako.” “Bloahwa!!! Masusuka ako.. wait lang..” tumakbo siya kaagad sa labas ng room and kunwari nagsusuka.
Lanhiya talagang lalaki. Nilait pa ang pagkababae ko. “Tapos na?” tanong ko sarcastically.
“Yuck! Mas malala ka pa ata sa kinain kong panis na tinapay kagabi.” “You know what? Aaminin ko, guwapo at mayaman ka, pero alam mo kung anong kulang sa iyo?”
“Hindi, kaya nga sasabihin mo e.” “Sheeeshh… respeto!”
“Yeah, right. At sino ka naman para respetuhin ko?” “Well, ako lang naman ang mapapangasawa mo balang araw.” i confidently said. “Yeah right.”
Chapter 01 “And who told you na magpapakasal ako sa iyo? Excuse me noh.. Kahit plinano na yan nina Mommy, I won’t allow it…” “Wala ka nang magagawa. That’s how it goes. Dapat nga, magpasalamat ka at napakagwapo ng mapapangasawa mo. And ikaw na din yung nagsabi diba? ikaw lan naman ang mapapangasawa ko.” “Duh? Okay, gwapo ka nga, pero hello?! Kulang ka naman sa right manners. I’d rather choose a man to marry na kahit di kaguwapuhan, knows how I feel naman.” “Ahh… but I thought you’re an alien? Walang nararamdaman.”he just simply reacted.
“Eh, si Kokey nga, may naramdaman naman ah..”
“That was Kokey. And Kokey is a fictional character. Are you that !@#$?”
“I know. I was just comparing myself to Kokey.” “And excuse me, ang layo na ni Kokey sa pinag-uusapan natin. Mahirap talaga makipag-usap sa walis tingting.”
“Ano?!
Tingting?!”
“Yeah, judge yourself.” He said simply at umalis. So, okay. Payat ako and maputi na parang walang dugo. Some call me lampayatot, but does he has to point it out to me? Why do I waste my breath ba sa lalaking yun? Since kinder ganun na ugali yun, so why do I have to keep up with him. He’s just another jerk. “Well, my answer is that Jose Rizal was born on morning.” “What made you say that Ms. Tan?” “Well, dahil nabasa ko.” “Other answers?” “Sir, Jose Rizal was born on a cold, crisp night.”he said while tingling his head on the window. Ni hindi lang man humarap sa teacher now tumayo. “What made you answer that Mr. Lizares?” “Well, at the third paragraph, if you’ve noticed, the sentence was ‘it was a cold, crisp night when his mother cried out for pain.” “Very good answer.” Ngumiti si Gio ng nakakaloko na parang nanlalait. I know what he thinks. Na !@#$ ako. Well nope. “Well, sir, it wasn’t identified at the story that his mother cried out for pain because she was going to give birth to her son.” I said smiling confidently.
“Ms. Tan, it doesn’t mean na pag hindi mo nabasa ang gustong ipahiwatig ng isang storya, hanggang dun nalang yun.” sabi sakin ng teacher at humarap siya sa lahat. “The other authors left it like that because they want the readers to think. Work their brains in what happens next.” And then humarap ulit sakin yung teacher. “Do you get it now Ms. Tan?”
“Yes sir.”
I said bowing down my head in shame.
Okay, 1-0. He scored. “That wasn’t a great answer.” He said as he passed by. “Yours too.” “Hmrp, yeah right.”
“Bakit di kanalang kaya lumayo sakin?”
“Bakit di kanalang kaya lumayo sakin?” exaggerated yung sa kanya.
he said imitating my actions and the way i said it. Nga lang,
“Ugh, ang hirap mong kausapin.”
“Hindi kappa ba nasanay? Since kinder ganito na ako. Dapat nasanay ka na.” “Well, I’m sorry. Ayokong isayang ang laway ko sa mga walang silbing kausap.”
“Well, kaw din. Papanis yan.”
At tumawa siya.
Papanis din yan? Duh…
“Bakit ba sa kadami-daming babae dito ako pa ang gusto mong asarin?”
I like your response e.”
Chapter 02
“I like your response?”
duh. What if kaya kung di na ko pumatol?
“Yeah.” He smiled. “Notice other girls, nagpapacute tuwing inaasar ko. And I know what they want.” He smiled again and went away. I looked at him. He’s really a jerk. I mean, dapat masanay na siya dun noh. Napakagwapo niya and for other girls, it’s a privelege na makaasaran siya. Pero iba ako. I don’t like him. Ever since. And to think of na arranged marriage kami, duh! Nasusuka ako. Anyways, I’m Nathalie Tan. 16 years old. Senior sa Phoenix University. That guy is Gio Lizares. We’ve been classmates since kinder. Matalik na magkakaibigan ang family namin. Kaya naman, napag-isipan nilang ipakasal kami baling araw. !@#$. Walang kwenta. Ni hindi man lang nila naisip kung anong mararamdaman namin. What’s the point? He’s a teaser simula ng kinder. Hindi ko alam pero favorite niya talaga ako sa lahat ng mga babaeng asarin. And I really hate it kapag sinisingit niya na yung “kasalan” na bagay. And also, yung pagiging payat ko. Ayaw niya nun? Kung pakakasalan niya nga ako, pang model ang beauty ng asawa niya? O diba? !@#$ talaga. Oh well, that’s how things work in our world. “Nathie!” Lumingon ako. Duh, siguro naman pag may tumatawag sa iyo, no question, lilingon ka talaga diba? “Hmm?” “Sabay tayo umuwi, susunduin kaba?”
“Hindi, sige, sabay tayo.” “Hay naku, ang dami kong kwento sa iyo.” “Talaga lang ha? eh, kakakwento mo lang sakin ng mga bagay bagay kanina, tapos ngayon, magkwekwento ka na naman? Tsk, tsk. Iba ka sister.” “Alam mo ba? Ang galing pala mag gitara ni Cedric.”
“Ows?” “Yeah. Gosh, mas maiinlab ka sis.” Okay, this is my bestfriend Cindy. She’s so daldalera. She thinks Gio and his kabarkada are the coolest among the guys in our school. Exaj. And then there’s Cedric. Kabarkada ni Gio. Okay, I mean it. He’s really cute. Pero kung icocompare siya sa kay Gio physically, hmm, for me, mas cute si Gio. Nga lang, mas may galang naman itong si Cedric compare kay Gio.
“Ewan ko talaga sa iyo Cindz ha.. Ang dami mong alam.”
At tumawa kaagad ako.
Naglakad kami papunta sa sakayan ng jeep. Yeah, mayaman ako pero sumasakay ako ng jeep. I mean, kung gusto mong maging masaya ang buhay mo at matikman ng buhay ng isang ordinaryong tao, sumakay ka ng jeep at amuyin mo ang polluted na ihip ng hangin.
Dumaan kami sa mga maliliit na tindahan. Hmm, mostly mga boutiques or gift shops. Tumitingin-tingin ako sa mga gift shops ng nakita ko si Gio sa window. Seryoso ang mukha. May tinitingnan. Sa mga gifts? Aha! May gusto siyang babae? And that only means, hindi na kami magpapakasal. Aalamin ko yan Gio. Humanda ka. “Tara na. Wala naman palang magaganda.” Hindi parin ako gumalaw. “Nathie? Tara na.” “Ahh.. sige..” Tiningnan ko ulit si Gio. Nakatingin parin siya dun sa window ng isang gift shop. Naglakad kami ulit ni Cindy. Magkalapit lang kami ng bahay kaya isang lugar lang kami. “You know what Nath, kung di mo lang pakakasalan si Gio later, liligawan ko na yan ngayon.”
Huh? Ano daw?”
Chapter 03 “What? You mean - you’re falling in love with him?!” bulalas ko. “that can’t be.” nasabi ko nalang ng pabulong. What? Bakit nga ba hindi? I mean.. duh. “No, no. Fall ek-ek ka diyan. Crush lang no.” “Aahh.. kala ko you fell for him na.” “Eh bakit parang todo react ka jan?” Oo nga noh? Bakit ba todo react ako? I mean, duh. Sino ba naman si Gio para magreact ako? Diba?
“Its just that..well…
..you know… you’re his opposite.”
Tama! Opposite siya ni Cindy. So, i think hindi pwede. “Pero diba sabi nila, opposite attracts?” “Huh? Wer’d ya get that?” “Sa iyo.” “Ooh… well diba may kasabihan din, birds of the same feathers flock together?” “Aminin mo na, kumukontra ka talaga samin. - if ever magkatuluyan kami.” “Yeah ryt.” i said then pumasok na sa jeep. Konting hintay lang at napuno na. Bumaba kami ng kanto at naglakad papuntang bahay. Nabigla ako ng makita ko na naman yung pamilyar na kotseng yun. “Good afternoon Mom.” “Oh, nandito na pala si Nathie e. Come inside. Usap kayo ni Gio.” “Bihis lang po ako.” Dumaan ako ng sala kaya yumuko lang ako at nagsmile. Umakyat na kaagad ako sa kwarto. Ang bilis naman ni Gio. Kani-kanina lang e nakita ko pa yun nakatayo sa store. Tapos ngayon, nandito na. “So, this is your room?” Ay puting kalabaw! Muntik na akong mapatalon nun ah. “And what are you doing here?!”
“Just peeking around. - not you. your room.
“
“Yeah right.” Sinirado ko kaagad ang door and locked it. I just heard his “awww”… shtupid talaga. Pagkatapos kong magbihis, i went out of my room. Nakita ko siyang nandun sa labas ng room ko nakatayo at nakasandal ang likod sa wall.
“What?” i asked him kasi ang sama ng tingin niya sakin. “Yuck. ang dumi ng room mo.” Okay, e ano kung madumi ang room ko? Hindi naman siya ang gumagamit ah.” “So what? As if you’re the one using my room.” “Not that. What i mean is, kababae mong tao ang dumi mo.” “Correction - not me - my room.” “Yeah whatever.” “Why don’t you just leave me alone?” “Woah. As if naman i’m really glad to be with you. Mag-isip ka nga.” “You know what? Why can’t you be like Cedric. Hindi malaki ang ulo and hindi nanggugulo ng buhay ng ibang tao!!” “And you know what? Cedric’s different from me.
I’m sorry, pero hindi ako si Cedric. We’re different. And i don’t have to pretend as someone else just for a girl like you.”
Chapter 04
Tiningnan ko siya ng masama. Somehow, he got a point. He’s different from Cedric. Kasi mas abnormal siya. Hindi ko na pinansin yung sinabi niya, badtrip lang siguro. I went down at sumunod naman siya sa akin. “Oh, Nathie, kakain na, come here na. Gio, umupo ka na.” “Opo Tita.” he said at umupo sa dining table. umupo siya sa harap ko. Ang tahi-tahimik namin habang kumakain. Ganito siya ka behave pag nasa harap ng mga parents namin. Akala mo kung sinong anghel na napadpad lang dito sa mundo. Dahil may pinag-usapan yung parents namin about sa business, pagkatapos kumain, lumabas ako malapit sa pool at nagbabad ng paa. Hindi ko alam kung nasan yung kumag na yun. Buti nga, tahimik ang paligid. Walang nagiingay at nang-aasar. Nagmumuni-muni ako dun ng may palakang tumalon sa likod ko.
Pucha!!!
ng liningon ko, tawa siya ng tawa. “Hahaha… mukha kang ewan diyan!” “Ano ba talaga problema mo?!” “Hmm, wag kang ganyan.. you look !@#$ e..” “Sooo what?!” “Sooo what? See you really look and sound !@#$.” he said smiling. There’s no use arguing with this guy. He’s a jerk. Diba nga? So, i’m just wasting my saliva with him. I stood up and went inside. “Hey, leaving me here alone?” “Talk to your hand, baka magkaintindihan kayo.” “Well, i’ll try.” he acted as if naman kinakausap niya nga talaga yung kamay niya. Insane. “well, obviously, we both know na hindi ako masasagot ng kamay. mind if i tease you for a minute?”
I looked at him na naiirita… sheeshshhh!! kung di ka lang gwapo, di talaga kita papatulan!!! So ayun nga, umupo ako dun sa garden set namin tapos kumuha nalang ako ng chess board. At ayun, naglaro kami.. “Naks, sorry, di talaga ako marunong nito, wala ka na bang ibang board games dun?”
“I’m sorry, pero wag ka ng magreklamo. I’m just playing with you para di ka naman magmukhang kawawa dito.” “Hmm, deal tayo?” “Deal deal ka diyan. Di ka naman marunong nito, baka matalo ka lang.”
“Uy, wag kang ganyan ha.. baka mamaya, damputin ka ng mama mo sa kangkongan.” “Whe! O, anong deal?!” inis na inis na talaga ako. “Pag nanalo ka, name your prize, gagawin ko hangga’t kaya ko.” he said smiling. “And pag nanalo ka?” “Well, hmm.. just say yes.” “Yes? Why would i say yes kung di ko naman alam yan?” “Na-uh. Hindi naman to karumal dumal e. Just say yes na lang no. If you don’t want to say yes, then say no.” “No? Bakit naman? Anong klaseng deal ba to?” “Yes or No?” Nag-isip isip ako ng konti. Anong klaseng deal ba to? pag nag yes ako, di ko rin naman alam kung anong ipapagawa sakin. Pag nag no naman ako, same din. So anong mas ayos-ayos na answer? “So?” he asked waiting for my answer.
“No.” “Good.” he said smiling. “So let’s start the game na.”
Akala mo kung sinong magaling sa chess.
Talo ka na. Konting galaw lang diyan, patay ka na!
“3 moves.” he said. “3 moves daw o. As if naman no.” “Sabi ko sa iyo, wag kang kabahan e. Di ako marunong sa chess.”
“Sino bang kinakabahan?” Ginalawa ko yung horse dun banda sa 4th block in the middle. Ginalaw niya naman yung ibang officials niya. Then ako uli, then siya. Ako again and to my surprise, checkmate na ako.
Tiningnan ko siya nashock na shock, yung parang ‘how-did-you-do-that look’. “I told you 3 moves.” he said smiling. Eto na naman yung ngiti niyang kakaloko. “Pero, diba sabi mo hindi ka marunong?”
“Well, wala lang. Di nga ako marunong. tsamba lang yun.” “edi ulit tayo.” Umulit ulit kami and this time, talo parin ako. 3 moves ulit. pero ibang strategy na naman. Gosh, masyado siyang magaling. “I hate it, you really know how to play this game!” “I told you, hindi talaga.”
“Sheeshhh.. kainis.” “So, talo ka, yung deal natin? You said ‘no’.” “Yeah, so?”
“You said ‘no’, so you don’t agree sa ipapagawa ko sa iyo,madali pa naman yun.. so that means, lalabas tayo, maybe this saturday?”
Chapter 05
“What?! teka, teka, anong pinagsasabi mong lalabas tayo?” “You said no. Ayaw mo yung ipapagawa ko sana sa iyo.” “I should’ve said yes.” sabi ko ng pabulong. “Well, kahit yes yung sinagot mo kanina, lalabas parin tayo.” he grinned.
“Hindi pwede ako sa Saturday. Wala akong pera.”
“Edi libre kita.” “Uhmmm..hmm… may schoolpaper work pa ako.”
“Well, i’ll wait for you until matapos mo na.”
“Uhmm, baka may puntahan kami ni Mommy.”
“Well, i’ll talk to her.”
“Hindi mo ako papatakasin no?”
“Nope.” “I really hate you! Palage mo nalang akong naiisahan!” “Well, that’s life.” he grinned again.
Naiwan akong nakatayo dun sa labas. Pumasok siya habang nagwhiwhistle. Sheesssh!!! Lalabas kami? How can he do that to me? Hindi ko nga siya matagalan for only ten minutes tapos whole day sa Saturday, kasama ko siya?! Anak ng tsonggo naman o… Ayoko nga! Yan kasi Nathie e, nagdeal deal pa.. Alam mo namang magaling yung tsonggong yun sa lahat ng bagay… Sheessshh!!! And before i knew it, Saturday na!! “Mom, may gagawin po ba kayo this day? If you want, i can help you out with that.” “You mean, you want to tag along with me?” “Well, yes. If its alright with you.”
“Well, as much as i want to, pero hindi pwede.”
“Why not?” “Gio called last night. You’re going out today ryt?” “Well.. ahmmm…” “He’ll be here at 9.” “What?! Gosh.. its already 8:30… di man lang nagtxt!” Umakyat ako sa kwarto at naligo. Sjheessgh!! Di man lang nagsabi na susunduin niya ko ngayong umaga. Pasok ako ng banyo. 10 minutes lang ata ako dun.
Woah? Natanggal ba mga dumi ko sa katawan?! Kumuha na ako ng damit at nagbihis. Tamang-tama lang naman ako sa dating niya. I hurriedly went downstairs.. Ngumiti lang siya.. and then ng lumalakad na kami sa street… he looked at me straight in the eyes. Now what? “just want to say…
you look horrible in ur outfit.” “Bakit ba ganyan ang suot mo?” “Pakialam mo ba? Kung sana sinabihan mo ako kagabi na susunduin mo ako ng ganitong oras, di sana hinanda ko na yung damit ko kagabi pa lang.”
“Tingnan mo o, ang iksi ng skirt mo. Pag nabastos ka, walang pakialaman ha?”
“Ang sama mo talaga…”
Kungsabagay, ang iksi nga naman ng palda ko. Pero ayos lang, cute parin ako.
Ang masama lang nito mamaya e baka nga mabastos ako. “O san mo gusto pumunta?” Ako? Ako ba?
“Ako ba eh tinatanong mo?” “Ay hindi. Itong kamay ko o.” tinaas niya kaagad kamay niya. “O, kanang kamay, san mo gustong pumunta?” he looked at me kaagad sarcastically.
“Okay, okay. Diba ikaw naman yung gustong lumabas kasama ako? Edi ikaw magdecide.” “Okay, bahala ka.” Tumayo kami sandali doon sa waiting shed. After 48 years, pumara siya ng jeep. Excuse me? Hindi ka ba aware na may taxi at nakaskirt ako ng pagkaiksi iksi?
Tiningnan ko siya ng masama. “Ugh!” Pumasok lang siya at umupo. Dahan-dahan naman akong pumasok at umupo sa upuan. Hinila-hila ko pa yung palda ko.
“Yan kasi e..” Tumahimik nalang ako. Obvious naman na yung mga tao sa jeep nakatingin sa legs ko. Uncomfortable na ko. Sinasadya niya talaga tong sumakay kami ng jeep. Okay, i learned my lessons. Thank you. “So, here we are.” Mall. I should’ve known this already. Tama, san ba dapat kami maglilibot libot. Syempre sa mall lang naman diba? Tsk. Tsk. “And what are we going to do here?” “Well, wanna watch a movie?” “Yeah… well, gusto ko sana yung..” Bago pa ako nakatapos, hinila niya na ako papunta sa movie house ng mall. Tumayo kami sa labas. “Okay, anong gusto mong panoorin?” “Well, gusto ko yung love story.” “Huh? Hello? Hindi mo boifriend kasma mo.”
“Eh, diba fiance naman kita?” “Wag mo ngang dibdibin. Horror tayo.” “Ayoko nga.. Love story.” “Horror.”
“Love story.” “Horror.” “Bato-bato pick!” nagkatinginan kaming dalawa. “1…2…3…” papel ako, bato siya.
“Talo…
… love story tayo.”
Ang sama talagang lalaki, ako yung pinalinya para kumuha ng tickets. Sabi niya kasi, ako naman daw yung may gustong manood, edi ako daw yung maglinya. “Nathalie Tan?” Lumingon naman ako. “Hmm?” “Uy, sino kasama mo?” “Well, ayun oh.” “Oohh.. ang gwapo naman ng bf mo.” “Well, honestly, hindi ko siya bf..” “Oohh?? really?? That’s very nice to hear.”
“Nice? To hear?” “Ibalato mo nalang sakin.” Biatch! Ayoko nga! I mean… sure.. hehe… “Well, bahala ka..” Lumapit siya kay Gio… tumalikod nalang ako. Whe! Biatch yun e. Bahala sila diyan. Tumayo lang ako sa entrance habang naglalampungan silang dalawa dun sa gilid. “In fairness, kakapagod na ha..” “Huist! Ba’t di mo ako tinawag?” “Eh, mukhang naaaliw ka dun eh.” “Anong naaaliw? Hinihntay nalang nga kitang twagin mo ako. Para siyang ahas.. ayaw umalis sakin.” “Well.. edi masaya ka?” sabi ko ng lumalakad na kami papasok sa movie house. “Masaya ka diyan. Ang landi. Inalok nga ako, sabi niya, pwede niya daw akong maging bf.. sayang, maganda pa naman sana..”
“Eh, ano sabi mo?”
“Sabi ko, di pwede, happy na ako sa kasama ko ngayon.” Chapter 06 “Asus.” Ngumiti nalang ako at hinampas siya sa braso. Pumasok na kami kaagad sa movie house. Dun kami umupo sa itaas. And FYI, kinuha niya lahat ng dala ko kanina at siya nagdala ng drinks and foods namin. Aba’y dapat lang noh. “Matutulog na muna ako.” Bulong niya sakin. “Anong matutulog? Eh ang ganda-ganda ng movie o. Sayang pera mo.” “Sabi ko kasi sa iyo, horror.” “Horror horror ka diyan. Tumahimik ka na nga.” “I hate it when they get mushy and stuffs.” He said habang tumitingin sa likod. Napangiti nalang ako. The usual stuffs. May mga milagrong ginagawa na naman yung ibang couples dun. Ang babata pa at naglalampungan na sa mga boypren at gerlpren. Kaya mga readers, DON’T TRY THIS AT HOME NOR ANYWHERE ha. Mag-aral muna ng mabuti. “Pabayaan mo na nga lang sila.” Sabi ko sa kanya at humarap na uli sa big screen. Tumahimik naman siya at nanood na lang. “Hay sa wakas at natapos din.” “Ang ganda ng story.” “Ikaw lang ata yung nagandahan dun eh. San mo gustong kumain?” “Hmmm, bahala ka..” “Hmmm, san nga?” “Hmmm… sa may masarap na pagkain..” “Hmmm.. san ba?” “Hmmmm…” “Hmmmm…” “Wag ka ngang hhmmm ng hmmm diyan. Mukha na tayong ewan. Tara na.” Hinila ko siya at naglakad-lakad kami para humanap ng magandang makakainan sa mall. Honestly, marami naman talaga, yun nga lang, maarte itong kasama ko. Napatigil ako sa isang establishment dun.
Ice Monsters. Ice creams. Chocolates. Shakes. Nakatayo lang ako dun sa entrance. Si Gio naman bumalik sakin ng maramdaman niya sigurong hindi na ako sumusunod sa kanya. Nakitingin na rin sakin sa neon board ng establishment. “Ice Creams?”
Tumango ako habang ngiting-ngiti sa kanya. “Tara.” Pumasok kami at dumiretso sa counter. Can’t wait to have em. “Good afternoon, sir. Good afternoon ma’am. May I take your orders?” “Hmmm..” “Welll….” “Strawberry.” Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti lang naman yung babae. “Chocolate yung sa kanya.” Pasimpleng sagot ni Gio. “Strawberry sakin. Sa kanya yung chocolate Miss.” Sabi ko naman sa babae. “I can’t have chocolate. Sayo yung chocolate.” “No, sa iyo yung chocolate, sakin ang strawberry.” “Ma’am…” “Strawberry sakin, chocolate sa iyo.” “Sirr???” “Nope. Strawberry’s mine, chocolate sa iyo.” “Ma’am… sir…” “Ano?!!” Nabigla ata yung babae kaya napaurong siya bigla. Ngumiti lang si Gio ng pagkatamis-tamis. Eto na naman yung nakakaloko niyang smile na para bang nanunukso. “What if 2 strawberries nalang yung I order niyo?” “Sabi ko nga. Dalawang strawberries.” Sabi ni Gio. Pagkatapos niyang bayaran, humanap na kami ng mauupuan. Siniko naman siya. “Pag, nahulog to, babayaran mo to ha.”
Umupo kami dun banda sa gilid. Yun nalang kasi yung vacant seat para samin. Kain ako ng kain ng may napansin akong shadow na nakatayo sa gilid ng table. “May I join you? Kung di ako nakakaistorbo.” Wait. I know that voice. Cedric. “Pare! Tara, upo dito.” “Hi, Nathie.” Sabi niya sakin habang nakangiti. “Hello.” Sabi ko nalang sa mahinang boses. Ang ingay-ingay ni Gio. Mukha na siyang ewan. Si Cedric naman, tawa lang ng tawa sa kinikwento niya. Di kaya ng brain ko ang pinag-uusapan nila, and when I say di kaya ng brain ko, that means hindi ako makarelate sa pinaguusapan nila. As in, wala akong muwang. “Halata ko lang, pag kasama natin si Cedric, ang tahi-tahimik mo.” Ngumiti lang ako and that wasn’t a right move.
“See? Hmm, I smell something fishy at mabaho nga talaga.” Tumawa-tawa lang naman si Cedric.
“Pare, I think my wife-to-be likes you.”
he said smiling.
“Shut up! That’s not true. And correction, wife-to-be ka diyan!” Pagkatapos nun, nauna nang umuwi si Cedric. May gagawin pa daw siya eh. Hinatid naman ako ni Gio sa bahay. Katulad ng sinakyan namin kanina, nagjeep na din kami pauwi. And thank God, wlang nambastos sakin. Wait. Did I just say walang nambastos sakin? Hahahaha!! Right. Wala nga. Naglakad nalang kami papunta sa kanto. Nasa exclusive kasi kaming village kaya hindi basta-basta makakapasok yung mga nasa labas. Sobrang tahimik. Its like Gio. I feel so Alam niyo yun? Yung parang nininerbiyos kayo. Kung saan inisip kong mabibingi na ako sa katahimikan…
“You like Cedric.”
Chapter 07
“Huh?” Nabigla ata ako sa itinanong niya. “I said you like Cedric.” Sabi niya habang nakayuko.
“What gave you that idea.”
I smirked.
“Its obvious.” “Gio?! Hindi kaya.” “Hiya kapa. Aminin na kasi..” “Hindi nga eh..” “So, does that mean I have to give you up?” bulong niya. “What?” I really wasn’t sure sa narinig ko. “Ano?” “Ano sinabi mo?”
“Aminin mo na..” “No, no no. After that.”
“Hmmm.. I forgot e.” “Oh, well..” may idadagdag pa sana ako, yun nga lang nasa harap na kami ng bahay. “We’re here.” He said. “Thank you.” I said smiling. Ngumiti lang siya at tumalikod. Nabigla ata ako dun sa inasal niya. “Hindi kaba papasok?” Lumingon siya ulit. “Hindi na siguro, pakisabi kay Tita goodnight.” “Ahhh..sige..Bbye.. ingat sa daan ha..” Nagwave lang siya ng hands niya habang nakatalikod. What’s wrong with that guy? Hmp. Makapasok na nga. Sisipunin ako dito e. “Good evening Ma. I had a nice time with Gio. Akyat na po ako.” Inunahan ko na sina Mommy para di na ako kulitin.
Umakyat ako sa kwarto at nahiga. Woah. Ano bang problema ni Gio kanina? Bakit niya nasabi na gusto ko daw si Cedric? Feeling ko tuloy, pabalik-balik yung sinabi niya sakin na parang sirang plaka. You like Cedric. “You like Cedric. Weird.” Pumunta ako sa bathroom at naligo. After nun, nagring yung phone ko. So, i hurriedly answered it. “Yes?”
“Hmm, hi… Nathie?” I know this voice again. “Oohh.. Cedric? Wazzup?” i said cooly. “Well, wala kasi akong magawa so i thought maybe i could chat up with you. Busy kaba?” “No, no. Okay lang.. wala namang pasok bukas e.”
“Hmm, mukhang nagkakamabutihan na kayo ng fiance mo ah.” “Shut up..inaasar nga ako buong araw e.” “Hehe, but i think you look good together.” “Ha-Ha. Now, that’s funny.” “Really. Hmm.. natatawa ako dun sa sinabi niya kanina..” “The what?” “Hmm, nung nandun tayo sa ice monsters?” “Ooohh… yun? xd. Yaan mo na yun.” “Well, just wondering, was it true?”
“Well, what if its true?”
“Too bad. I can’t court you.”
“Bakit hinde?” “You’re binded with him. I still can’t be with you.” Chapter 08 You’re binded with him. I still can’t be with you.
Kahit papano, pinapawork nila young brain ko ha.
And here’s my conclusion.
Therefore, i conclude, kung itatapon si Gio sa bottomless pit at hindi ko na makikita kahit na kelan…..hmmmm….. there’s a big chance na magiging kami ni Cedric.
Tama… bakit hindi ko naisip yun noon? Sa sobrang pag-iisip ko e nakatulog na lang ako. Sunday, 9:05 am. “Mom, i’ll go to church.” sabi ko habang papalabas ng bahay. She just looked at me and back to the documents she’s been reading. Crap. Hate it.
Oh yeah Nathie, as if naman hindi ka pa nasanay sa mga magulang mong ganun.
“Friendship!!!” i know that voice. Here’s my friendlaloo Cindy again. Sus, sa boses pa lang nun na nakakabinge sa tenga, eh kilalang-kilala na. “Uy, Cindy. Akala ko ba dun ka sa St. Jude nagsisimba? Naligaw ka yata dito ah.” “Hoy loka, dito na muna ako. Hindi ko naman kasabay sina Mama e. Tsaka mas exciting ditong magsimba.” “Ewan ko nga sa iyo. Tara, pasok na tayo.” Pumasok kami at naupo sa kalagitnaan. Dun nalang kasi yung maraming bakante. Nakinig naman kami ni Cindy kahit nag-iingay parin siya. Minsan, iniisip ko, hindi ba siya nauubusan ng laway niyan? Pero okay lang, kasi sa palasyo ng bruhildang yan, super! super tahimik niyan. Walang imik. Akala mo sinong santita na nalaglag dito sa lupa. After everything, syempre, yung fave part na ng mga teen agers. The Our Father song where you will hold hands with each other. DAhil ako ang nasa pinakagilid, nag extend ako ng arms ko sa kabilang tao. I was really serious in singing the song when i heard someone say.
“Hmmm, seryoso natin a.”
Cedric.
“Hi.. Nandito ka pala.”
Tumawa lang siya and kumanta narin. I wished that time na walang mag istorbo samin. “Excuse me?”
“Excuse me.. binge ba kayo?”
Sheessshh.. istorbo! “Uy, pare, naligaw ka ata dito ah.” “Ikaw dapat yung kong tanungin ng ganyan.” sabi niya kaagad kay Cedric. “Oo nga noh.” “Hi Gio.” bati naman ni Cindy sa kanya na ngiting-ngiti. “Hi Cindy. Ngayon lang kita nakita dito a. ba’t ka napaabot dito?” “Wala lang.Hmm, ano kaya kung umupo na tayo?” ngumiti na naman ito. Muntik na akong matawa nun. Dun ko lang nahalata na kaming apat nalang pala yung nakatayo dun sa gitna. Nakakahiya tuloy. Kaya madali naman kaming umupo. “Bakit ka nandito?” bulong ko kay Gio habang nakaupo na kami. “Hindi ba obvious? Para magsimba.” ” I mean, bakit dito pa?” “Hello? Matagal na kaya akong nagsisimba dito.” “Ewan ko sa iyo.” Pagkatapos ng mass, eh nagplano kaming maglilibot-libot nalang muna kami. Total Sunday naman e. Honestly, hindi pa nagrerest yung brain ko sa pagwowork sa mga nangyari kahapon. Yesterday was really weird. Pero i think today is a lot better. Why? Kasama ko si Cindy. So they won’t focus on me talaga. Especially Gio. “So, san tayo?” “Bo’s!” i suggested.
“Bo’s?
“
“Yup.” “Umiinom ka ba ng kape?” “H-hinde.” “Eh bakit sa BO’s?” Pakialam mo ba. E sa gusto ko dun eh.
“Hmm, kasi maganda yung atmosphere doon. Diba guys?” “Yeah.” sabi ni Cindy. Nagnod nalang si Cedric. That’s him. A man of few words. Dapat ngang motto niya for life is “action speaks louder than words” eh. So ayun, nag-agree nalang si Gio sa mga sinasabi ko. Sumakay kami ng jeep papunta dun. Okay, mayayaman kami pero dahil bata pa kami at hindi pa pwedeng gamitin ang mga eche burecheng kotse ng aming ina at ama, kelangan naming sumakay ng jeep. Ang gnda nga ng hairstyle namin e. Buhok na matigas pwede nang gawing brush. O diba? Natawa naman ako sa waiter ng pumasok kami sa restaurant. Hinihintay ko nalang yung waiter na sabihin samin na “mahangin ba sa labas?”. Pero fortunately, wala siyang binanggit. Ngumiti nalang siya.
Aba’y dapat lang. Kung ayaw niyang mawalan ng trabaho. Tumahimik siya! At ayun, nag-order sina Gio at Cedric. Umupo lang kami ni Cindy dun banda sa window. Nagjuice lang ako at nag bread. You know, the usual breakfast ng mga pinoy. Yun nga lang, pinasosyal lang at pinamahal ng konti. “Nga pala, may practice tayo sa b-ball bukas for the finals.” “Ahhh..sige.” “E diba captain niyo iyan?” “Yup.” “Nakakahiya ka naman Gio. Captain ka tapos kung san san ka nagsususuot.” “E ano ngayon? Captain nga e. Kahit di ako mag practice, magaling prin ako.” “Hindi ka naman masyadong makapal ano?” Tumawa nalang sila. Ngiting ngiti ako kay Cedric ng binigyan ako ni Gio ng table napkin sa bibig. “Ano ba?” “Tumutulo laway mo!” “Tumigil ka nga…”
“Hey Ced? You wanna know something about her?”
Chapter 09 “Gio?!” I said giving him that don’t-you-ever-tell-it look. He looked at me at nag wink lang siya sakin. “When we were younger, ang kulet na bata yan. Sobrang suplada. Spoiled brat. Naaalala ko pa nga ng pumunta kami sa Tagaytay. Ang tahi-tahimik niya doon sa likod. Nabigla nalang ako na may nangangamoy na.. yun pala..” Nakakahiya. I felt my face flushed in red. Bakit niya ba kelangang sabihin ito sa harap ni Cedric? Tumawa naman sila Cedric and Cindy. They got the idea. “That was very awful. Binuksan naman kaagad nina Tito yung mga windows. Tapos, pinahinto niya yung kotse sa gilid. Hahaha.” “Yeah. Nakakahiya naman yun bestfriend.” Sabi naman ni Cindy. I just nodded habang nakayuko. “And eto pa ha.. Meron siyang crush dati na sobrang taba. Eh nung nagpapacute siya, dahil nga sobrang payat niya, tapos tinutukso-tukso namin sila, bigla nalang siyang tinulak ng crush niya.. and alam niyo ba kung san siya tumilapon?” “Saan?” “Hahahaha… Doon sa putikan. Kawawa talaga. Na front page nga siya sa gradeschool paper namin eh.” Huminga ako ng malalim. Nakakainis. Naiinis na talaga ako. Sobra na talaga ito. Bakit ba kelangan niya talaga akong ipahiya sa mga kaibigan ko?! “And you know what? Eto pa ha… Nung nagswimming kami sa Whirl resort, we were the only ones dun sa maliit na private pool. Tatalon na sana ako ng may nakita akong mga red liquids sa pool. Nakakahiya. Meron pala siya nun. Yuk.” Tawa naman sila ng tawa. Gusto na talagang tumulo ng mga luha ko. Pero hindi pwede. Wag dito. Hindi pa pwede. Nung nakarating na kami sa bahay dahil hinatid niya ako. Dun na lumabas lahat ng galit ko simula ng bata pa kami. Hindi ko na napigilan. Sobra na talaga yung ginagawa niya. Hindi na yung tuksuhan. Nilait niya na talaga yung pagkatao ko. “Gio..” sabi ko sakanya. Mabilis naman siyang lumingon sakin. “Hmp?” “Bakit kelangan mo yung sabihin sa kanila? Bakit kelangan mo pa akong ipahiya? Masaya ka ba talga sa ginagawa mo? Masaya ka ba talaga na napapahiya ako? Well now.. I’m sure, you’re very happy. Really happy. Umiiyak na ako. Diba ito naman talga yung gusto mo simula pa noon?! Ang Makita akong umiyak? Well here. Siguro naman, tama na ito para tumigil ka diba?!” I waited for his answer or reactions. Pero wala. Tiningnan niya lang ako ng seryoso. Nakatayo lang siya doon. Walang sinasabi na parang walang iniisip. Yeah right. What can you expect from a man like him? I was surprised when I saw him smile at tumalikod na kaagad. I was really surprised sa inasal niya. Tinalikuran niya nalang ako basta-basta.
“I really hate you…” bulong ko sa sarili ko habang tumutulo ang mga luha sa mata ko. Pumasok ako ng bahay at nahiga sa kwarto. Nakakainis. I really hate you Gio. I really do! Monday, 7:15 am. Pumasok ako ng gate with my books on my hand. For the first time in my life, walang Gio na kumuha ng mga libro ko sa mga kamay ko. For the first time in my life, walang Gio na nang-aasar sakin sa ganoong oras. Nabigla ako. Pero diba yun naman yung gusto ko? Dumiretso ako sa classroom at umupo. There he was. Nakaupo malapit sa window with his earphones. Gusto ko siyang lapitan para humingi ng sorry. Pero later, nagbago na yung isip ko. Maybe, hindi ito yung tamang panahon para magkausap kami. Nang mag bell, umayos na siya ng upo at kinuha yung earphones sa tenga niya. Kanina ko pa siya pinagmamasdan, ewan ko ba kung bakit. Siguro kasi, naguilty lang ako sa mga sinabi ko kahapon. Hinde, dapat nga siya maguilty eh. It was recess time na nasabi ko sa sarili ko na hinde niya na talaga ako lalapitan pa kahit na kelan. “Gio…” I said kasi nahulog niya yung ballpen niya. Lumingon naman siya. “Ballpen mo.” Sabi ko at itinaas yung ballpen niya. Tiningnan niya lang ako at tumalikod na siya ulit. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko nung oras na yun. Parang napahiya ako na parang sumakit yung damdamin ko sa inasal niya. “Hey Gio.” Sabi ng isang babae dun sa cafeteria. “Hi…” sabi niya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Umupo naman kaagad siya doon at nakichika sa mga babae. At bago ko pa nalaman, nandun na ako sa cr umiiyak sa inis.
Chapter 10 Simula ng araw na yun, nagging malamig na ang pakikitungo niya sakin. Siguro dapat na akong masanay doon. Pero ewan ko ba kung bakit minsan, I’m still expecting na kahit papano, tuksuhin niya uli ako. “Hey Cindy!” Lumingon kami ni Cindy dahil nga tinawag siya. “Uy, Gio. Bakit?” sbi ni Cindy. Naiwan lang akong nakatayo dung mag-isa. Nag-usap sila sandali. Tawa pa ng tawa si Cindy. Minsan, nakakainggit silang panoorin. Teka, bakit ba ako maiinggit? Dapat nga maging masaya ako kasi hindi na ako yung kinukulit. Dapat nga maging masaya ako dahil wala ng masyadong nangungulit at nanunukso sakin. Pero bakit iba yung nararamdaman ko? Bumalik sakin si Cindy na tawa ng tawa. Nagsimula kaming maglakad palabas ng school. “Hay naku.. si Gio talaga…” sabi niya habang nakangiti. “Bakit?” tanong ko. “Wala lang. Nakakatuwa talaga siya. Nga pala, nahalata kong hindi na kayo gaanong nag-uusap at nagsasama?” Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tanong niya. “Hmmm, we’re just chilling.” Sabi ko habang nakangiti. ”Ahhh… ganun ba? Weird ha..” “Oo nga eh.” Sabi ko ng pabulong. Tumayo kami sa labas ng gate. Sabi ni Mommy, ipapasundo niya daw ako dahil delikado daw yung panahon na yun. “Mauuna na ako Cindy.” “Sige, ingat ka ha.” sabi naman ni Cindy. Pumasok ako ng kotse. Si Cindy naman e, dumiretso sa kabilang kanto. Nakita ko nalang sa rear mirror na sinabayan siya ni Gio sa paglakad. Hindi ko na talaga naiintindihan yung nararamdaman ko. Parang gusto kong bumaba ng oras na yun at hilahin si Gio palayo kay Cindy. Pero hindi pwede. Hindi pwede.Ilang buwan na rin kaming ganun. Yung mga kaklase namin eh taking-taka na saming dalawa. Kapag nagkakasalubungan kami sa hallways, ni hindi man lang niyang magawang ngumiti o tumingin sakin. We acted as if we never knew each other. Ewan ko ba, pero ayoko ng ganun. Ayoko. Hanggang isang araw, nakita ko siyang nakaupo dun sa ilalim ng puno malapit sa soccer field. Lumapit ako at umupo sa gilid niya. Hindi ko alam kung san ko nakuha ang lakas para tumabi sa kanya. “Hindi ko alam na marunong ka palang maglaro ng gitara.” Sabi ko sa kanya. Tumahimik lang naman siya. Strum parin siya ng strum ng gitara. “Alam mo ba yung chords ng Jeepney ng Sponge Cola?” tanong ko sakanya. Bigla naman siyang tumayo at umalis.
“Sandali lang. Maupo ka lang diyan.” Sabi niya habang lumalakad siya papalayo. Pero hindi na siya bumalik. Instead, I saw Cedric walking towards me with a guitar on his hands. “Hmm, yung jeepney ba?” Nabigla ako. Ngumiti nalang ako kay Cedric at tumango.
“Oo. Pwede mo bang tugtugin?” “Sure.. kanta ka ha?” sabi niya habang nakangiti.
“Sige..” At ayun, kumanta nga ako habang nag gigitara siya. Pero hindi mapigilan ng mga mata kong magmasid sa paligid. Hindi mapigilan ng mga mata kong maghanap ng isang tao. Bukod dun, hindi rin mapigilan ng utak kong magtanong kung bakit siya umalis at ibinigay kay Cedric ang dapat sa kanya. Pagkatapos nun, naglakad kami ni Cedric papunta sa classroom para sa afternoon classes. Nakita ko naman siyang kausap si Cindy. Tinutukso-tukso niya ito at nagtatawanan sila. Bakit hindi kami ganyan noon? Hindi ko mapigilang panoorin sila sa cafeteria. Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan sila ng nagtatanong. “Nathie? Nathie? Malilate na tayo.” Narinig kong sinabi ni Cedric. “I’m sorry. Tara.” Sabi ko sakanya at umakyat na sa building. Mabilis na dumaan ang mga araw. Pagkagising ko, New Year na. Natatandaan ko yung New Year na yun. Yun yung tanging New Year na hindi siya nagpakita at sumama sa mga magulang niya sa bahay. Nakakabagot. Nasanay kasing ako na tuwing New Year, dumadating siya at nagdadala ng mga movies na pinapanood namin. Instead, pinadala niya lang kay Mommy niya yung gift niya para sakin. Umakyat ako sa kwarto at tiningnan yung regalo. Open this at twelve midnight. This is a surprise. Kong hei fat choi. Hinintay ko namang mag alas dose ng gabi at binuksan ito. WOAHHH!!
Natawa ako sa binigay niya. Isang pop up stuff toy sa box. Akala ko pa naman kung ano na. Kalokohan parin yung nasa isip niya. Bigla nalang tumunog yung cp ko. Gio Woah kong hei fatchoi,Nathalie. Chapter 11 Paulit-ulit kong binasa ang message niya. Nagreply ako ng Happy New Year sa kanya at tinanong siya kung bakit hindi siya pumunta dito sa bahay. Bigla namang tumunog ulit yung cp ko.
Hey, kong hei fatchoy.
mwah!
Akala ko si Gio na. . Si Cedric. Hinintay ko yung reply niya, pero namuti nalang yung mata ko, hindi ko nabasa ang Gio Woah na pangalan sa inbox ko. Lumabas ako ng balkonahe sa kwarto. Tiningnan yung mga fireworks na nagliliparan sa langit. Nakakatuwa. Another year had passed. Maraming nangyari noong nakaraang taon. At alam ko, lahat magbabago ngayong taong ito. Marami ang magbabago. Marami. Monday, 7:02 am. Dumating ako sa classroom. Marami paring nakasabit na mga echos chenes sa hallways. You can still feel the essence of the new year. Marami ring bumati sakin ng happy new year. Bati dito, bati doon. Pero hindi ko nakita si Gio. Babatiin ko pa naman siya ng harap-harapan. Siguro, this is the right time to clear things up. Nakita ko nga siya, lalapit na sana ako, pero he excused his self naman. Umiiwas parin siya. Bakit ganun? Umupo nalang ako sa upuan ko at tiningnan bawat galaw niya. Normal naman siyang makitungo sa iba, pero bakit sakin ang lamig-lamig niya? Halatang iniiwas niya talaga yung sarili niya sakin. “Hey, happy new year.” “Hello. Happy new year din.” “So, san ka lumabas nung new year?” “Nasa bahay lang ako.” “Ahh… sana pumunta ka sa EK.”
“Bakit?” “Ang ganda ng fireworks display doon. Nandun nga si Cindy and Gio e.” “Ano?” “Ang ganda ng fireworks display dun sa EK.” “No, no. After that.” “Ahh.. si Gio and Cindy… nanood dun.”
“Nanood sila?” “Yup. Lalapitan ko nga at tatanungin sana kung kasama ka nila.” “Ahhh…” sabi ko. Magkasama sila? Pero…Now I know. Hindi siya pumunta sa bahay dahil pumunta sila ni Cindy sa EK. Pero… ugh.. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang sama sama ng pakiramdam ko ng araw na yun. Sobrang sama. “Cindy, so, kumusta yung new year mo?” “Okay lang.” Sabi niya habang nakangiti.
“So, saan ka pumunta?” “Wala… nung new year pumunta ako ng EK. Nanood kami ni Gio ng fireworks display.” “Ahhh… Kaya pala..” “Anong kaya pala?” “Kaya pala, hindi ko siya nakita sa bahay nung new year.” “Ahhh.. tinanong ko rin nga siya kung bakit hindi ka niya kasama.”
“Anong sagot niya?” “Ayaw niya daw na masira ang new year mo. Kaya ganun.”
Chapter 12 Masira ang new year ko? Ano bang problema nun? Nakakainis. Ang sabihin niya, hindi siya pumunta kasi kasama ka niya. Katulad ng mga nakaraang araw nung nakaraang taon. Hindi parin kami nag-uusap. Minsan, magkasama kami sa isang group. Ginagawa niya naman yung part niya pero ni hindi niya talaga ako pinapansin nor kinakausap nor tinitingnan. And February came. Prom. Last time, siya yung partner ko. Pero ngayon, hindi ko alam. Siguro naman, mas magiging masaya yung prom ko ngayong 4th year. Nakita ko siya sa kanyang locker. Mabilis naman akong tumakbo doon. Binuksan ko kaagd yung locker as if na may kukunin ako dun. Pero gusto ko lang talaga siyang makausap. “Hi.” Sabi ko. Ni wala lang mang imik. Hinahalunkat niya parin yung locker niya. “So, may partner kana sa prom?” Tiningnan niya lang ako. 0_0 “Wala pa.”
“Bakit?” Sinirado niya yung locker niya at umalis. Ugh! Shocked beauty ko nun ha. Ano bang problema nun? Umabot na ba sa adropose stage? “Nathalie!” “Yeah?” “May partner ka na sa prom?” “Wala pa.” Tiningnan ko si Gio na naglalakad sa likod ni Cedric. Bigla nalang siyang napatigil at lumingon samin. Nakita niya naman akong nakatingin sa kanya kaya mabilis kong hinarap yung mukha ko kay Cedric. “Bakit Ced?” “Hmm, kung ayos lang sa iyo, pwede ba kitang maging partner?” Tiningnan ko ulit si Gio sa likod ni Cedric. Pero wala na siya. “Sige, ayos lang.” Sabi ko kay Cedric at tumakbo na kaagad ako palabas ng school. Nakita naman ako ni Cindy sa labas at tinawag ako. “Hoy! Lika nga dito.” “Bakit?” “Guess what?”
“What?” “May partner na ako sa prom.” “Ahh.. good..” “Guess who?” “Who?” “Gio Lizares!!!” Tumawa kaagad siya. “Niyaya niya ako kanina. Nakakatuwa talaga.” Ngumiti lang ako at tumango. I’m happy for her. Ano pa ba ang dapat kong sabihin? Tama, I’m really happy for her. I’m happy for her. I really am. Prom, 8:09 pm. Sinundo ako ni Cedric sa bahay. Ang guwapo niya. Nagpakuha lang kami sa katulong namin. Wala sina Mommy. Hinanda niya lang yung gown at make up artist para sakin. Wala rin si Daddy. As usual. “Will you stop staring at me?” “You’re so pretty eh.” “Sus, matagal na no.” sabi ko habang tumatawa. “Ang swerte ni Gio sa iyo.” He said softly. Speaking of Gio. Pag pasok namin, nakita ko siya kasama nina Cindy sa isang table. Tawa sila ng tawa. “Tara, dun tayo.” Yaya ni Cedric sakin. “Sige.” Pumunta kami sa table nila at umupo. Ngumiti naman sakin si Gio. Ngumiti rin ako sa kanya. Kumuha naman kaagad si Cedric ng inumin namin. Naiwan kaming tatlo doon. Nag-usap-usap kami ni Cindy kung sino ang tatanghaling queen and king. Sabi niya ako daw, sabi ko naman siya. “Wanna dance?” tanong ni Cedric. “Dance? Hinde. Hinde ako marunong e.” “Sige na, just once.” Tiningnan ko si Gio na nasa gilid ko. Of course, kahit hindi kami nagpapansinan for almost two months and more, siya parin ang fiancé ko. Ngumiti lang naman siya. So I stood up and went to the dancefloor. Akala ko pa naman, sayaw-sayaw lang.. yun pala, biglang pinalitan yung music. Naging slow ito. So we really have to dance slowly. And ayoko nun. Kaya nga hinde ako sumayaw nung last prom e. After nun, e, lumabas ako ng convention hall. Umupo ako sa labas, malapit sa garden. Sumunod naman sakin si Cedric. “Hey, ikaw pala.” Sabi ko sakanya habang inabot niya sakin yung root beer. “Nagpapahangin ka?”
“Yup… masyado kasing magulo sa loob. Feeling ko tuloy, mas gumugulo yung isipan ko.” “If you don’t mind, may I ask kung anong nagpapagulo ng isipan mo ngayon?” I smiled nang tinanong niya yun. Do I really have to say it to him? or should I just keep it? Pero later I decided maybe I should just share it with him. “Sa tingin mo? Anong makakapagpaligaya sa iyo?” “Well, siguro… just simple things. You know. Ikaw?” “Hmmm…. Siguro pag binigyan ako ng freedom. Alam mo na, yung freedom to choose anything I want.” “Like what?” “Freedom to choose any man whom I want to marry. Freedom to live my own life without following dictations from my parents. Yung ganun. And siguro pag nawala yung isang taong kinaiinisan ko simula pa noon. Siguro, maikukumpara ko na yung sarili ko sa isang prinsesa kung maglalaho yung isang lalaki na kontrabida ng buhay ko. Siguro, pwede ko ng ihalintulad yung buhay ko sa isang fairy tale kung mawawala yung isang Gio diyan. Siguro magiging masaya ako to the point na magiging tahimik yung buhay ko. Siguro…” Napatigil ako ng may narinig akong yapak. Pero nawala naman kaagad. “Pero would my life still be the same kung wala yung Giong yun?” Hindi ko na nakita si Gio nung gabing yun. Si Cindy yung nagging rpom queen. Si Cedric naman yung king. Ngumiti nalang ako habang papaakyat sila sa stage. After nun, nagpapicture na kami na 4th year para sa yearbook namin. Hinanap ko si Gio, pero hindi ko siya makita. Nahihiya naman akong tanungin si Cindy tungkol doon. Umuwi ako ng bahay na pagod na pagod. Hinatid rin naman ako ni Cedric. Nahihiya akong aminin, pero mas masaya yung junior prom ko noon. Kung saan si Gio ang partner ko. February had gone by. Isang araw, nagising nalang akong busy na sa pag papapirma ng clearances and paprapractice for the graduation. March na, pero hindi parin kami nag-uusap ni Gio. Tuwing pumupunta yung parents niya sa bahay, hindi naman siya sumasama. Maraming excuses na binibigay sa parents niya. Once nga, tinanong ako if there’s something wrong with us daw. “Iha, may nangyari ba sa inyo ni Gio?” tanong ng Mommy niya. Napatingin ako sa kanya habang kumakain kami ng dinner sa bahay. Tiningnan ko naman sina Mommy bago ako sumagot. Lahat sila nakafocus sakin.
“W-wala po.” “Ahhh, nahahalata ko kasing tuwing pumupunta kami dito e, maraming nang ginagawang excuses yung batang yun. May pupuntahan daw, or, masakit daw ang tiyan, or masakit yung ulo, kung hindi naman, marami pang tatapusing projects.”
“Ahhh, siguro nga po. Marami naman po kasi kaming ginagawa ngayon sa school.” Liar me. Liar. Liar. “Okay, buti naman at ganun.” Ayokong malaman nila yung nangyari dati. Baka katayin ako ng Mommy ko. Ganun nga, practice ng song dito, practice ng song doon. Pasign dito, pasign doon. You know, yung mga eche bureche na ginagawa ng mga gragraduate na. Pagkatapos ng graduation, pumunta kami sa Ohara beach for the retreat. Masaya dun. Tuwang-tuwa ang bawat isa. Nilalasap yung bawat oras dahil sa mga susunod na linggo, magkakalayo-layo na kami. Isa lang ang sigurado kong makakasama ko parin. Gio.
It was the last night of our retreat. My teacher organized a game. Spin the bottle. You all know how it works right? Yun nga, pinalibot nila yung bottle. Yung iba, excited sa mangyayari. Yung iba, e natatakot at baka sila ang mapoint ng bottle. Spin. Spin. Spin. . Lahat tiningnan yung taong hinintuan ng bottle. Gio. Marami ang nag volunteer na magtanong. Pero syempre, isa lang yung pinayagan. “Hmm, Gio Lizares. Gusto naming malaman kung anong tipo ng girl yung gusto mo.” Tapos naghiyawan naman yung iba. “You mean, dream girl?” “Uhuh..” naghiyawan na naman. “Tumahimik nga kayo.” “Well, mahaba yung buhok na black. Singkit yung mata. Maputi. Hmm.. yun lang.” Tapos naghiyawan na naman ulit. “Shhsshh… eh, sa tingin mo, among the girls here? Sino yung qualified as dream girl mo?” Tapos, ayun, nagturuan na. Yung mga guys, tawa lang ng tawa. Sabi na naman ng nagtanong na si Janine, tumahimik daw muna. Tiningnan ko si Gio. I can see his face beyond the fire. Hindi ko alam, pero parang tinitingnan niya ako. Then he smiled. We are all waiting for his answer. And alam ko, lahat iniexpect na ako yun. I too, was expecting. Pero…
“Cindy.”
Chapter 13 Ngumiti nalang ako ng sinabi niya yun. Kaya pala. Akala ko ako yung tinitingnan niya. Nakalimutan kong magkatabi pala kami ni Cindy nang oras na yun. I’m so !@#$ to expect na ako yun. I hurriedly excused myself from the crowd. I really got to think things over. Bakit ba ako naaapektuhan ng sinabi niyang Cindy ang gusto niya? Naglakad-lakad ako sa beach para humanap ng magandang spot kung saan pwedeng umupo at mag-isip-isip. Umupo ako dun malapit sa may bato. Malayo-layo na yung sa mga kaklase ko. Wala akong nararamdaman. Tama, wala. Pinakinggan ko yung paghampas ng tubig sa mga bato. Tinitingnan yung kalangitan na punong-puno ng mga bituin. Binalot ko yung paa ko ng aking kamay. Think things over. Nabigla nalang ako ng may sumigaw sa gilid ko. “UFO o. UFO!! Ayun, nakita mo ba?!” “Saan?! Saan?!” “Uto-uto.” Sabi niya habang nakangiti. “Pwedeng umupo?” “Langhiya ka talaga.” Umupo siya sa gilid ko. “Hindi ko alam na dream girl mo pala si Cindy. Tama, mahaba ang buhok na maitim. Singkit ang mata at maputi. Tama, si Cindy nga.” “Yeah right.” Sabi niya. Lumingon ako sa gilid ko para tingnan siya. Nakatingin siya sa dagat na parang blanko yung isip. “Sa tingin mo si Cindy ba talaga? Sino sa tingin mo yung isa pang tao na qualified din sa characteristics na yun?”
Nabigla ako sa tanong niya. Meron pa ba? “Hmmm, eto siguro yung magiging una nating matinong pag-uusap ano?” Tumango ako. “Siguro, eto rin yung magiging huli.” Bulong niya. Napatingin ulit ako sa kanya. Pero diretso parin yung tingin niya sa dagat. “So, back to my question. Sa tingin mo, sino pa sa mga babae sa classroom ang merong ganoong characteristics?” Nakatingin parin siya sa dagat. “Hindi ko alam.” Sabi ko at yumuko. “Ikaw.” Napaangat kaagad ang ulo ko. “Yeah right.” Sabi ko habang nakangiti. “I just want to say sorry sa lahat ng ginawa ko. As in sa lahat. Sa panunukso, sa pangungulit. Lahat. Siguro kasi, teasing was my way of talking to you na hindi nanginginig yung mga paa ko. Na hindi ako nabubulol sa mga pinagsasabi ko. I really mean it. I like you since from the start. Sabi ni Mommy dati, kung hindi mo kayang kausapin ng matino yung gusto mong babae. Idaan mo nalang sa tukso.” “Pero..” naramdaman kong nangingilid na yung luha sa mata ko. “Kaya naman… gusto kong sabihin sa iyo, na malaya ka na. Kalimutan mo na yung tungkol sa kasalan. Simula ngayon, malayang-malaya ka na. Pwede ka ng pumili ng kahit anong gusto sa buhay. Kalimutan mo narin yung tungkol sa fiancé and some things. Lalayo na ako sa iyo. Pwamis yan. Pero sana kahit papano, pag nag kita tayo,
magawa pa nating ngumiti sa isa’t isa. Ayokong isang araw, sisihin mo ako dahil hindi naging masaya ang buhay mo.” Tumahimik siya. Hinarap niya ako. Nakatingin lang ako sa kanya, naninibago. Shocked sa lahat ng sinabi niya sakin. Papalapit yung mukha niya sakin. Imbes na umiwas ako, hinayaan ko siyang halikan ako sa labi. Madali lang naman yung halik na yun. Parang pinagtabi lang yung mga labi namin. “Nga pala, eto o.” kinuha niya yung kamay ko at binuksan niya ang palad ko. “Itapon mo.. itago mo.. bahala ka na kung anong gawin mo diyan. Mamimiss kita.” Sabi niya sakin at tumayo na. Tumakbo siya at sumigaw siya ng “Mahal ka ni Cedric!”
Chapter 14 Nabigla ako sa lahat nang nangyari. Panong ako ang gusto niya? pero diba nga-? Ahhhhhh… sumasakit tuloy yung ulo ko sa kanya e. Hinawakan ko yung parte ng mukha ko kung san dumampi yung labi niya. “Gio…” Sunday, 8:09 am Pauwi na kami from the retreat, ako kasi yung pinakahuling lumabas ng kwarto kasi nga masyado na akong gabi nakatulog. Buti naman hindi ako yung hinihintay. Marami pa rin pala yung bumili-buli ng mga souvenirs. Nang nakasakay na sila, nilinga-linga ko si Gio. “Okay, umakyat kana Miss Tan.” Sabi ni Miss. “Y-yeah.. sandali miss. May kulang ata e.” “Kulang?” “Yeah..” hinanap ng mata ko si Gio. Pero bakit wala? “At sino naman iyon?” “Si Gio po.” “You mean Mr. Lizares?” “Opo.” Tumawa yung teacher ko. “Nauna na yung umuwi. Kaya sumakay ka na.” Umakyat ako ng bus. Nakita ko naman si Cedric na tumatawa kasama ng ibang kalalakihan. “Cedric.” “Hey, Nath. Bakit?”
“N-nasan si Gio?” “Si Gio ba? Nauna ng umuwi e.” tiningnan niya kaagad yung relo niya. “Siguro, sa mga oras na ito, flight niya na papuntang States.”
Flight?
Teka, anong flight ang pinagsasabi nito?
“H-huh? F-flight?” “Hmm.. hindi niya ba sinabi sa iyo?”
“Hinde e.. S-sige.. salamat..” Hindi ko alam kung ano ba dapat yung maramdaman ko. Umalis siya ng hindi lang man nagpaalam sakin. Kaya pala.. ganun siya kagabi.. Kaya pala, sinabi niyang malaya na ako.. Ngayon, naiintindihan ko na ang Umupo ako sa upuan ko at sinandal yung ulo ko sa window. Wala akong nararamdaman. Wala. Hindi ako nalulungkot. Hindi rin ako masaya. Hindi ako nasasayangan. Hindi rin ako naiinis. Naisip ko lahat ng pinagdaanan namin. Pakiramdam ko, nagflash lahat ng mga nangyari samin at my very eyes. Bakit…. Dumating ako sa bahay. Nandun sina Mommy nag-uusap ni Daddy. Nasabi din sakin ni Cedric na hindi alam ng mga magulang ni Gio kung san siya pupunta. Nakakapagtaka. “I’m home.” Sabi ko sa mahinang boses. “How’s the retreat darling?” “Fine.” Sabi ko lang at umakyat sa kwarto ko. At the very moment na sinirado ko ang pinto ko, bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Napasandal na lang ako sa pinto at napaupo. Hindi ko alam kung bakit at umiiyak ako ng ganito. Pero isa lang ang alam ko, mamimiss ko si Gio. Bigla ko nalang narinig yung katok ni Mommy sa pintuan ko. “Baby, what’s wrong?” Himala ata at nahalata niyang malaki ang problema ko. “W-wala po.” “Sigurado ka? Kung ganun, go downstairs na, dinner’s ready.” “Sige po.” Pumunta muna ako ng bathroom at nanghilamos ng mukha. Ayokong Makita ako ni Mommy na namumula ang mga mata. Bumaba ako at umupo na kaagad. “Umalis na pala si Gio.” Sabi ko habang nakayuko. “Huh? Kelan pa at san daw papunta?” “H-hindi ko alam.” “Hindi yan sinabi sakin ni Mare a. Hayaan mo’t tatanungin ko siya.” “Hindi niyo alam?”
“Hinde. Hinde pepwede ito. Paano na ang kasal niyo?” Dun uminit ang ulo ko nang marinig ko ulit ang salitang kasal. Bakit ba ganyan na lang palage ang nasa isip nila?! “Bakit ba ganyan kayo!? Umalis na nga yung tao para maging malaya ako e! Umalis siya para maging masaya ako?! Pero bakit ganyan parin ang iniisip nio?! You’re only thinking about yourselves!! What about us?! What about our freedom?! Sana naman kahit papano, naiintindihan niyo ang salitang yun!!! I’m sorry…” Alam kong mali yung ginawa ko.. ang sumigaw sa mga nakakatanda sakin. Pero hindi ko na napigilan yung poot sa dibdib ko. Umalis yung isang tao dahil gusto niya akong maging masaya. Sinakripisyo niya yung mga bagay na hindi naman dapat. Umalis siya dahil akala niya yun ang makakabuti. Kaya sana naman, naintindihan nila yung ginawa ng taong yun. Umiyak ako ng umiyak sa kwarto. Hate it. Bigla ko nalang narinig ang katok sa pinto.. “Let’s talk Nathalie.”
Chapter 15 Pumasok si Mommy sa kwarto ko. Umupo siya sa gilid ng kama ko at hinagkan ako. “Nathalie.. I’m so sorry.. Hindi ko alam na nasasakal ka na pala sa mga nangyayari.. tama ka, siguro, its time to clear things up.” At yun nga, nag-usap kami ni Mommy tungkol dun. Humingi siya nang tawad. Pagkatapos ng araw na yun, my parents gave some time to be with me. Kahit busy sila, may nilalaan na talaga silang oras para sakin. And that really felt good. Walang may alam kung san talaga pumunta si Gio. Even his parents. Natataranta na talaga yung parents niya kung san siya hahanapin. Wala rin akong ideya kung san lugar siya napadpad. He didn’t even bother to call. I went into college sa isa sa mga prestigious na eskwelahan sa lugar namin. Cedric? Well, magkasama kami sa school. He tried to court me, pero I turned him down-in a good way. I wasn’t ready to enter any relationship. Sobrang miss na miss ko si Gio nang mga panahong yun. And the only way na alam kong makakalimutan ko siya was by studying hard. Sinubsob ko yung sarili ko sa pag-aaral. And what older people say, kung ano ang iyong itinanim, yun din yung iyong aanihin. I graduated from the course I chose to pursue.. And now, I’m the vice president of our own company. If i could only turn back the time…. if only…
“Nathalie!!!” Tinago ko yung necklace sa loob ng shirt ko. Past is past. Wala na akong magagawa dun. I’m still hoping na one day i’ll see him again. “Mom? Why?” “Tumawag si Halie. She can’t go to a party with the other company. So, she’s requesting you to fill it up for her.”
“Pero Ma? I hate parties.” “Sige na, go. Ayokong mag back out yang kompanyang yan. Its really important.” “Ma? Its late.” “Ikaw na bata ka, simula ng mag college ka, nawalan ka na ng social life. Magbihis ka na dun.” “Mom?” “Sige na..” I went back to my room at naghanap ng magandang damit na pwedeng suotin sa party. Yup, simula ng mag college ako, hindi ako nag-aaliw aliw ng sarili ko. Hindi ako dumadalo sa mga party pag hindi naman masyadong importante. Siguro kasi, nawalan lang talaga ako ng mga gana diyan. Walang driver sa bahay nun, and too bad. Color coding. So i have to ride a taxi going to the venue. Bumaba ako at pumasok sa convention hall. Hindi ko kakilala kung sino ang mga tao dun. I just smiled at them and made my way across the hall. Syempre, i interacted with them. In business, importante talaga ang inter action. “Good evening. I’m from Hanson Company.” That voice. I know that voice. Napatigil ako sa kinatatayuan ko. I felt my tears filled my eyes. Alam ko kung bakit. Gusto kong lumingon to know kung siya nga talaga yun. Pero ewan ko ba at natatakot ako. Inipon ko yung guts ko and looked behind me.
And there he is, standing right before my very eyes. Yeah. Marami na ang nag change sa kanya. I really couldn’t take my eyes off on him. I smiled to myself. Physically, marami ang nagbago sa knya. He grew taller. Mas gumwapo. Mas pumuti. Yung hairstyle iba na rin. Dati messy, ngayon, sobrang neat. Gio. He smiled to me. Then he headed straight towards me. “Hi.” he said smiling. I couldn’t find my voice. I just smiled at him while wiping my tears at my eyes. Avoiding his melting gaze. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi kami gaanong nag-usap. Marami akong tanong na gustong itanong sa kanya. Pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Hindi ko na nakayanan kaya maaga akong umalis. I said goodbye to all the people around there. Mabilis akong sumakay ng elevator at naglakad papunta sa entrance ng hotel. “Nathalie! Nathalie! Nathalie, wait!!” Lumingon ako at ngumiti. “Y-yes?” “Are you going home right now?”
“Yeah.” “Do you have a car?” “W-wala..sakay lang ako ng taxi.. S-sige.. got to go.” Tumalikod na ako nun and started to walk when he grabbed my right hand. “I was just thinking, if you’d like to.. you know.. chat for awhile.. away from this place.” he said. I looked at him… “S-sure..” i said. I followed him to his car. He opened the door for me. Pumasok ako and then he closed the door again. Awkward silence. “San tau?” I think hinde parin nagbabago ang ugali niya. Siya na nga etong nag invite sakin na maglibot-libot tapos ako pa yung tatanungin kung san ppnta? “You invitd me.. so bahala ka kung saan..” He nodded and continued driving. I looked at him and smiled again. Napatigil siya dun sa Egoz Bay. Bumaba kami. Umupo kami dun sa bench… kaharap nun eh dagat. Malakas ang hangin and malamig. Nahalata ko lang? tuwing mag-uusap kami ng matino, bakit palageng malapit sa dagat? “Alam kong marami kang gustong itanong.. so.. umpisahan mo na..”
Chapter 16 Hindi ko alam kung san ako magsisimula.. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong itanong.. Gulong-gulo yung isip ko nun. Until.. “Well, siguro naguguluhan ka pa. Ikekwento ko nalang sa iyo.. After that night, maaga akong umalis papunta sa interntional airport. Hindi alam nina Mommy na aalis ako. Plinano ko talaga yun. I was accepted as a scholar sa Princeton. Buti nalang at tinanggap nila yung application ko. That was another reason for me to get out from this place. When i was there, i became a working student. Kahit papano, nakatapos din ako. I came back here dahil nagawa ko na yung dapat kong gawin.” I looked at him na parang nagtatanong, bakit niya pa kelangang gawin yun, eh mayaman naman sila.. “I know what you’re thinking. Ayokong sabihin ng mga tao na naging successful lang naman ako, becuz my parents are rich. Na naging successful lang naman ako kasi nasa likod ko yung mga parents ko.” Tumahimik siya at tumingala sa langit. Ina absorb pa ng brain ko yung mga sinabi niya. Eto na naman yung mga luha ko sa mata.. “B-bakit ka umalis?” eto yung tanong na gustong-gusto kong masagot niya. Ngumit siya at yumuko. “Well, there’s this girl who wished na sana maglaho na daw ako sa buhay niya. Sabi niya.. magiging masaya daw siya pag wala ang taong yun. Sabi niya, she can compare herself to a princess pag wala na yung enemy na yun. She wanted freedom, so i gave it to her.” he paused and and smiled again. “M-mali ba yung umalis ka kasi gusto mong maging maligaya yung tanong mahal mo? Mali ba yung ginawa mo yung akala mong makakapagpasaya sa kanya? I really loved that girl so much that’s why i let go of her.” Pumatak yung mga luha sa mata ko. Pakiramdam ko eh parang squinisqueeze yung puso ko sa mga sinasabi niya. “You never even try to hear my side!” sabi ko habang umiiyak sa kanya. Tumayo siya at ngumiti. “Uwi na kita.”
Pumunta siya sa kotse at binuksan ang pinto. Pumasok ako ng walang tanong at pinahidan ang mga luha ko. Tahimik na tahimik kami sa kotse. Alam ko na namumula na yung mga mata ko ngayon. Nang makarating kami sa bahay. Mabilis akong bumaba. Bumaba siya para buksan ang pinto, pero nauna na ako. Wala akong sinabi sa kanya ng papasok na ako sa bahay. I just heard him say.. “I really hate it when I see you cry.”
Lumingon ako. “That really makes me guilty. Everytime we talk seriously, umiiyak ka. I don’t want to think na pinapaiyak kita. I’m sorry.” He said at sumakay na kaagad sa kotse niya. Naiwan akong nakatayo dun sa labas ng bahay. I wasn’t sure about what i saw. Pero i think i saw tears filling his eyes.
Chapter 17 Naiwan akong nakatayo dun sa labas ng bahay? Was that really tears? Marami nga ang nagbago sa kanya, pero there’s this one thing parin na hindi nagbabago. His eyes. Still cold as the ice and still warm as the sun. Gulo ko no? Pero kapag nagkaharap kayo ng lalaking yun, ganito din and masasabi niyo. Above those questions, meron paring isang tanong na nananatili sa puso at isipan ko. Does he still feel the same way about me just like he felt four years ago? I still hopes. Maaga akong nagising this morning. Hindi kasi ako nakatulog ng mabuti last night. We ate breakfast at the garden. “I just finished fixing my things at the car.” “Do you really have to go?” “Yeah. I think this is the right time to be more independent. Don’t worry, i’ll be alright.” i said smiling sweetly. She let out a sigh and continued eating. “I heard he’s back.” she said seriously. Natigilan ako at ngumiti. “Yeah.” i said in a small voice. “Nagkita naba kayo?” “yeah.” “Nag-usap ba kayo ng matino?” “Yes.” i said letting out a heavy breath. “We talked about his stay at States.” “yun lang?” “yeah.” Tumahimik naman kagad si Mommy, kaya hindi talaga kami nagtagal sa topic na yun. After that, umalis na kaagad ako at pumunta sa new condo unit ko. Aayusin ko pa yun at pagagandahin. 7:11 pm, Condo Unit i’m working out on the finishing touches of my new home, when i heard a knock at my door. Malalakas na katok at mabibilis.
“Natahlie!! Nathalie!!! Open the door!!” Wait. Gio? I mean, pano makakabot yung lalaking yun dito? Wala pa naman akong pinagssbihan na dito na ako magstestay starting tomorrow.
“Gio…”
0_o Seeing his reaction, i mentally scanned my appearance. Naka white ako na sleeveless and nakashorts ng pagkaikliikli. Tapos meron pang mga pinta sa mukha ko. I was like 0_o too. “I-im sorry. Come in.. maliligo lang ako..” i said habang natataranta kung anong gagawin. Mabilis akong dumiretso sa bathroom sa kwarto ko. Umupo naman siya sa couch dun sa living room.Pagkatapos kong maligo, luamabs na kaagad ako. Pero of course, pinalitan ko na yung damit ko, medyo mahaba-haba na siya. LOL. “Ano nga pala ang rason at napadaan ka dito?” “Well, ano kasi…” “Nga pala, kumain kna?” “H-hinde pa..” “Since nakaluto na ako, dito ka nalang kumain ng dinner.” “really?! Ehermm.. i mean, marunong ka ng magluto?” “Yes..” “You mean?” “Time can change people.” i said smiling. “Yeah. Can really change people.” Buti nalang, nakapagluto ako. Kasi, hindi rin naman kami makakalabas kung sakasakali.. Umuulan ng malakas sa labas at bumabaha pa daw sabi sa news. I wonder kung pano nakaabot itong si Gio dito sa lugar ko. “What brought you here..” “K-kasi.. ano.. hmm.. my parents and i were talking… about the..” “About?” “Hmm.. about… you..” “And what was about me?” “Well… i was really shock… when they told me.. na..” huminga siya ng malalim. “NBSB ka?”
Napangiti ako. “NBSB? Well, yeah.. wala namang masama dun e..” “P-pero bakit?” “Well, siguro.. kasi..” napatigil ako. I looked at him. He’s still waiting for an answer.
“Well, there’s this guy kasi who told me he loves me. But then he left without even saying goodbye to me.. he left without even giving me a chance to say what i really wanted to say.. Siguro kasi, my heart went with him. Hindi ko makuha-kuha yung puso ko kasi sobrang layo niya and wala akong idea kung sang lupalop ng mundo niya dinala ang puso ko. But then he came back. And.. i think.. for the first time in that 4 years, i felt my heart thumping again..” Tumutulo na yung mga luha ko nung oras na yun… He looked at me and wiped my tears.. “So you waited for him?” he said smiling. “Sa tingin mo?” “Ewan..” ngumiti na naman siya. Eto talaga o… asar parin hanggang ngayon.. “I guess i couldn’t go home.” “And why is that?” “See the rain? I couldn’t drive when the rain’s that heavy and thick.” “And what are you trying to say?”
“If its alright with you, can i sleep here for the night? I mean.. wala naman akong gagawing masama sa iyo..” “I know..” “So, its okey with ya?” “Yeah..” i said smiling.. Nung gabi na, we were sitting at the living room habang nanonood ng tv. “My dad’s planning na ikasal tayo since wala ka daw bf and since i’m not in a relationship din daw.” “Ano sabi mo..?” “Sabi ko, i still have to talk with you. I told him na isa yun sa mga rason kung bakit ako umalis noon. Ayokong umalis muli dahil dun.” “Pero kung ikaw ang papipiliin? Ayos lang ba sa iyo?” “Well, yeah. Ayos lang naman sakin. Ikaw yung iniisip ko.” “I think i should agree with that.” “Huh? i-i mean.. akala ko ba..” “Well, naisip ko, sa apat na taon na wala ka, sobrang boring ng buhay ko. Sobrang wala.. and when you came back.. parang everything went mulit colored again..dun ko naisip na, malalaman mo lang pala yung importance ng tao pag wala na siya..” “Teka, teka.. so you mean?” “I don’t want to say it.” i said then i pouted. “Okay, sa loob ng four years na yun, ikaw lang ang minahal ko.. kaya naman, i really agree sa marriage na pinaplano nila.. and…”
“What did you say?” “Agree ako sa marriage thing na to.” “No, no. before that.” “Na mahal parin kita?” “You mean? You still feel the same way about me just like you did four years ago?” “yeah..” he said in a small voice. Namumula sia o. I laughed loudly sa sinabi niya.
“What?” I laughed again as tears fill my eyes. Am i cInderella? Or snow white to have this good story in life and love? He smiled. Gets niya kung bakit ako tumawa. “Lika nga dito..” He pulled me close to his body and hugged me.. and before i knew it, our lips met. Siguro pinaglayo kami ng oras, lugar at panahon. Pero kahit ganun, we’re glad to find out na mahal parin namin yung isa’t-isa. Siguro hindi naging maganda ang mga unang bese ng pagsasama namin noong bata pa kami..Siguro kasi yung mga panunukso niya e sobra na at nasasaktan na ako. Pero dahil sa mga panunukso na yun, mas nakilala namin yung isa’t-isa. And now, i’m really happy to lie beside him in one bed.. Yup, kasal na kami. Mahirap paniwalaan pero the guy i once thought na kontrabida ng storya ko e naging prince pa ng fairy tale ko. “Hindi talaga ako makapaniwala na after all those years, ako lang naman pala..” “Hahaha… you know what? Gusto ko dalawa yung anak natin.. then dun tayo titira sa El Grande.. tapos… our son will be named Lee Dustin… pag girl naman, Francesca.. then her nickname will be Cheska..” He laughed… “Pano tayo magkakaroon niyan if hindi pa natin sisimulan?” There it is again.. he’s really a teaser.. sa mga ngiti niya, sa mga pinagsasabi niya.. and the way he moves.. You can always describe him as a teaser. And i love him for being that. Marami pa sigurong mangyayari samin… pero alam kong makakaya namin yun.. as long as were always together… And just like what the saying says, the best part of life is having someone worth waiting for. The End
BONUS: GIO’S POV Gio’s POV I first met her at my birthday party when I was 5. It was really change because she was introduced to me as my fiancé. Weird but true. She was so cute and pretty and smart. At a young age, I fell in love with her. Well, hindi naman talaga in love, more of a crush. Yeah. I got a crush on a girl at the age of 5. I really didn’t know how to deal with her since she’s so smart and pretty and well, I’m just another torpe. Sometimes, umiiyak ako habang papasok sa bahay kasi I hadn’t got any chance to talk to her. Sabi ni Mommy, if I like somebody daw at natotorpe akong kausapin siya, teasing could be another way of talking to her. And yeah, since then, I always tease her. Through that, nakakausap ko siya, though hindi ganun ka tino. Through that, nakakausap ko siya na hindi ko nararamdaman yung pag shake ng tuhod ko. Ganun na kami since kinder hanggang umabot kami sa high school. And to think of na baling araw, magpapakasal kami, and she never liked that idea. Kaya naman, iniiwasan niya ako. Pero hindi eh, magkasama na kami sa iisang school simula pa noon. Narinig ko nga na she wants to study in an all-girl school, pero hindi pwede kasi hindi ako makakasama sa kanya. Since we were young, freedom was out of our vocabulary. And I pity her for that. And since close friends yung parents namin, my mom, dad and I always spend the Christmas and New Year with them. I always brought her gifts. And yeah, I agreed to this marriage thingy. Pero ni minsan, I never took any advantages out of that. We entered high school. Magkasama parin kami, and then I met Cedric. Cedric Chiu was the son of my father’s business partner. We became close friends. Then I found out that Cedric liked her so much. So was she. It never crossed in my mind to break them up so I can have her. It was intended to be a funny joke lang naman. Pero tumagos e. And that was one of my biggest mistakes. “Bakit kelangan mo yung sabihin sa kanila? Bakit kelangan mo pa akong ipahiya? Masaya ka ba talga sa ginagawa mo? Masaya ka ba talaga na napapahiya ako? Well now.. I’m sure, you’re very happy. Really happy. Umiiyak na ako. Diba ito naman talga yung gusto mo simula pa noon?! Ang Makita akong umiyak? Well here. Siguro naman, tama na ito para tumigil ka diba?!” I didn’t answer her. Hindi ko alam, pero parang naiinis ako sa sarili ko because she cried. Hindi ko naman alam na masasaktan siya ng ganun and my intention was to have some laughtrips lang. I just stood there froze. Tiningnan ko lang siya. And then, dun pumasok sa isip ko, na things will be different. Siguro I just have to give up everything for her to be happy. Ngumiti ako as if na yun na yung magiging huling ngiti ko sa kanya. Ganito naman ako e, evrytime na nasasaktan o nahihirapan ako, nginingitian ko lang.. And yeah, boys do cry and get hurt. From that day on, umiwas na ako ng todo-todo sa kanya. I was another reason why Cedric wouldn’t court her at alam ko na naiinis siya dun. Ayoko na ulit na ako yung maging reason ng pag-iyak niya. Ayoko, kaya hangga’t maaari, hindi ako pwedeng lumapit sa kanya. Mahirap dahil hindi ako sanay na hindi siya tinutukso, pero kelangan kong gawin yon para sa kanya. Yup, para sa kanya. And then, I became close with Cindy. I couldn’t go near her so yung bestfriend niya na lang yung kinakausap ko to know something of what’s going on with her life. Hindi ko inisip na akala niya pala I’m liking Cindy na. LOL. Now that’s funny. If she only know.. Then it was noontime when I thought to sit and play my guitar. Nagsesenti kasi ako noon e when I heard someone sat beside me. Nabigla ako nun at yung pakiramdam ko e parang hindi ako makatingin sa kanya ng diretsahan. “Hindi ko alam na marunong ka palang maglaro ng gitara.” Tumahimik lang ako at patuloy na nag strum na para bang walang tao.Mahirap ang magpanggap na wala kang nararamdaman, pero kelangan. “Alam mo ba yung chords ng Jeepney ng Sponge Cola?”
Tumayo ako at naglakad papalayo sa kanya. Alam kong pag kinausap ko ulit siya, magsisimula na naman yung panunukso ko.. Kaya tinawag ko si Cedric at binigay sa kanya ang gitara. Handa akong masaktan, pero hindi ngayon. Then it was New Year. Nandun lang ako sa kwarto nakaupo habang nagbibihis na sina Mommy para pumunta sa bahay nila. And yup. Wala akong planong pumunta dun. Bakit? Ayoko. Masisira lang yung new Year to see my face there. Kaya naiwan ako sa bahay. Tumawag sakin si Cindy na pumunta daw kami ng EK. May fireworks display daw at maganda. I tried to call her pero naka off yung cp niya. So, ayun, pumnta kaming “dalawa” ni Cindy sa EK. Habang naglalakad kami, tinanong niya ako kung bakit hindi ako pumunta sa bahay nina Nathie. Tahimik na tahimik kami nun. “Bakit nga ba?” Ngumiti ako. “I want her to be happy kahit ngayong new year lang.. para maiba naman diba?” She smiled. “You really like her that much huh?” “Cindy naman e..” “Don’t worry. Di kita ibubuking. I think she likes you too.” “She likes Cedric and ayokong sirain yung new year niya.” After nun e tumahimik na kami. Sumakay kami ng ferris wheel at tama naman yung timing namin. We were 45 feet high from the ground.. the fireworks flew up. Ganda ng view. I can only wish na sana si Nathie ang kasama ko. It doesn’t really feel great na hindi ko siya nakakausap. Pero kelangan kasi ayoko ng masaktan pa siya. Prom came. Honestly, gustong-gusto ko siyang yayain… pero hindi ko alam kung pano since things changed already. I was in my locker nung binuksan niya din yung locker niya since magkatabi lang naman kami ng locker. “Hi.” sabi niya. Tumahimik lang ako at hinalungkat yung locker ko. “So, may partner kana sa prom?” I looked at her. Bakit niya ako tinatanong? “Wala pa.” “Bakit?” Tinanong niya pa kung bakit. Hindi niya ba talaga nahahalata? Si Cindy nga nahalata e. Sa sobrang inis ko, sinirado ko ng malakas ang locker at umalis. 5 feet away from where she was standing, i heard someone shouted for her name. “Nathalie!” “Yeah?” “May partner ka na sa prom?”
“Wala pa.” Napatigil ako. I looked at her. Waiting for an answer. And then i saw her looked at me. Hindi ko alam pero parang meron sa mga mata niyang.. ewan! Hindi ko na narinig yung mga sinagot niya. Ayokong marinig kaya umalis kaagad ako. Then i saw Cindy na nakatayo dun sa lobby. “Hi Cindz!” “Oh, hi Gio.” “So, may partner kana?” “Wala pa nga e.. Pero ayos lang.. ikaw? Niyaya mo na ba siya? Sige ka.. baka maunahan ka ni Cedric.” Ngumiti ako. “Well, niyaya na siya ni Cedric.. i’m sure naman she’ll say yes. Tsaka, wala naman talaga akong planong yayain siya. Kung okay lang sa iyo, pwede ba kita maging partner sa prom?” “Sus.. ikaw pa.. eh ang lakas mo sakin. Sige ba..” “Thanks Cindz..” Sabi ko at tumakbo papunta sa classroom para kunin yung gamit ko. Prom. Sinundo ko si Cindy sa bahay nila. Yeah. She’s really pretty that evening. Dumating kami sa convention hall. Umupo kami sa table dun sa gilid. Okay naman kami. Masaya siyang kausap. Pero iba parin yung kakulitan ni Nathie. Then i saw them came in. If Cindy ws pretty, Nathie was more prettier. I smiled at her. She smiled at me too. Dumiretso sila sa table namin. Kumuha si Cedric ng drinks kaya naiwan kaming tatlo dun sa table. Cindy and Nathie were chatting happily. Kaya tumahimik nalang ako sa gilid. “Wanna dance?” tanong ni Cedric. “Dance? Hinde. Hinde ako marunong e.” “Sige na, just once.” Tiningnan ako ni Nathalie, i think, for approval kung ayos lang na makipagsayaw siya kay Cedric. Ngumiti lang naman ako. So, ayun, tumayo sila at sumayaw. Sumayaw din kami ni Cindy. Tawa parin kami ng tawa kasi kung ano-ano nalang yung pinagsasabi namin. “Hindi mo siya isasayaw?” sabi ni Cindy when i moved closer to her nung nag slow na yung music. “Gusto ko sana, pero mas mabuti na siguro yung ganito.” “I can see your pain Gio.” Ngumiti lang ako. Nakita kong lumabas si Nathalie after the dance. Si Cedric? Ewan ko kung saan. Lumabas ako, hoping to find Nathalie na mag-isa. Too bad, she’s still with Cedric. Then i heard those words na naging rason kung bakit naramdaman kong pinipisa yung puso ko. “Freedom to choose any man whom I want to marry. Freedom to live my own life without following dictations from my parents. Yung ganun. And siguro pag nawala yung isang taong kinaiinisan ko simula pa noon. Siguro, maikukumpara ko na yung sarili ko sa isang prinsesa kung maglalaho yung isang lalaki na kontrabida ng buhay ko. Siguro, pwede ko ng ihalintulad yung buhay ko sa isang fairy tale kung mawawala yung isang Gio diyan. Siguro magiging masaya ako to the point na magiging tahimik yung buhay ko. Siguro…”
I was like.. ganun pala.. kung mawawala ako, magiging masaya siya. Kung wala ako.. masaya siya.. Parang yung thought na yun e hindi na nawala sa isip ko. Umurong ako pero nakayapak ako sa isang sanga ng kahoy kaya tumunog. Tumahimik siya at nilingon ako, pero buti nalang di niya ako nakita. Pumasok ako sa loob at niyaya si Cindy na umuwi. Pero ayaw niya pa daw. So, nauna nalang ako. Nakita niya namang hindi maganda yung pakiramdam ko. Kaya ayos lang daw sa kanya. Umuwi ako ng bahay na gulong-gulo yung isip. Hindi ko alam kung ano ba talaga yung dapat kong maramdaman. Hindi ako nakatulog nung gabing yun. If you think boys don’t cry, well, you’re wrong. Boys do cry. Yeah. Umiyak ako nung gabing yun. Pero not to the point na mukha na akong bata. Just a little teardrops. I just had to. February had gone by. And yeah, March, so evrybody was busy practicing for the graduation. Yung iba naman e, kinokompleto na yung mga requirements. Such a busy month. Hindi parin kami nagpapapansinan. Minsan, pag pumupunta ng bahay nila sina Mommy, hindi nako sumasama. Maraming excuses na binibigay. Minsan, tatakbo agad ako ng bathroom at kunwari masyadng masakit ang tiyan at may LBM. Hehe. After graduation, pumunta kami ng Ohara Beact for the retreat and of course, farewell party ng batch. My teacher organized a game. Spin the bottle. You all know how it works right? Yun nga, pinalibot nila yung bottle. Yung iba, excited sa mangyayari. Yung iba, e natatakot at baka sila ang mapoint ng bottle. Spin. Spin. Spin. Lahat tiningnan yung taong hinintuan ng bottle. Bakit ako?! nagkaguluhan na kung sino at ano yung itatanong. Pero syempre, merong isa talagang nagtanong. “Hmm, Gio Lizares. Gusto naming malaman kung anong tipo ng girl yung gusto mo.” Tapos naghiyawan naman yung iba. “You mean, dream girl?” “Uhuh..” naghiyawan na naman. “Tumahimik nga kayo.” “Well, mahaba yung buhok na black. Singkit yung mata. Maputi. Hmm.. yun lang.” Tapos naghiyawan na naman ulit. “Shhsshh… eh, sa tingin mo, among the girls here? Sino yung qualified as dream girl mo?” Nabigla ako sa tinanong niya. Truth yung pinili ko diba? Kung pwede ko lang sanang sabihin yung totoo sa harap niyo. I looked at her, hindi ko alam kung sasabihin ko o hinde. Ngumiti sakin si Cindy na nasa gilid niya na parang sabihin-mo-na-yung-totoo look. Ngumiti ako. Hindi pa ngayon.. “Cindy.” Yeah, lahat nabigla. Tiningnan ko ulit siya. Pati si Cindy eh nabigla. Nakita ko namang tumayo siya at biglang umalis. Hindi ko alam kung susundan ko siya, pero tumango si Cindy, that means kelangang ko siyang sundan. I excused myself and followed her.. “UFO o. UFO!! Ayun, nakita mo ba?!” “Saan?! Saan?!” “Uto-uto.” sabi ko habang nakangiti. “Pwedeng umupo?”
“Langhiya ka talaga.” Umupo ako sa gilid niya.“Hindi ko alam na dream girl mo pala si Cindy. Tama, mahaba ang buhok na maitim. Singkit ang mata at maputi. Tama, si Cindy nga.” “Yeah right.” Sabi ko. Diniretso ko lang yung tingin ko sa dagat kasi baka pag hinarap ko siya, tuluyan nang bumigay yung mga luha ko.“Sa tingin mo si Cindy ba talaga? Sino sa tingin mo yung isa pang tao na qualified din sa characteristics na yun?” Alam kong nabigla siya. “Hmmm, eto siguro yung magiging una nating matinong pag-uusap ano?” nakita kong tumango siya. “Siguro, eto rin yung magiging huli.” I said silently. Tiningnan niya ulit ako. “So, back to my question. Sa tingin mo, sino pa sa mga babae sa classroom ang merong ganoong characteristics?” “Hindi ko alam.” sabi niya at yumuko. “Ikaw.” Napaangat kaagad ang ulo niya. “Yeah right.” sabi niya habang napangiti. “I just want to say sorry sa lahat ng ginawa ko. As in sa lahat. Sa panunukso, sa pangungulit. Lahat. Siguro kasi, teasing was my way of talking to you na hindi nanginginig yung mga paa ko. Na hindi ako nabubulol sa mga pinagsasabi ko. I really mean it. I like you since from the start. Sabi ni Mommy dati, kung hindi mo kayang kausapin ng matino yung gusto mong babae. Idaan mo nalang sa tukso.” “Pero..” “Kaya naman… gusto kong sabihin sa iyo, na malaya ka na. Kalimutan mo na yung tungkol sa kasalan. Simula ngayon, malayang-malaya ka na. Pwede ka ng pumili ng kahit anong gusto sa buhay. Kalimutan mo narin yung tungkol sa fiancé and some things. Lalayo na ako sa iyo. Pwamis yan. Pero sana kahit papano, pag nag kita tayo, magawa pa nating ngumiti sa isa’t isa. Ayokong isang araw, sisihin mo ako dahil hindi naging masaya ang buhay mo.” I stopped. I looked at her. Yung mga luha ko e nasa dulo na ng mga mata ko. She just looked at me na parang she saw another me. Hindi ko alam kung bakit ginawa ko yung sunod kong ginawa. I just had the feeling na parang its the right thing to do. Alam kong alam niya ang susunod kong gagawin. Pero bakit hindi siya umiwas? “Nga pala, eto o.” kinuha ko yung kamay niya at binuksan iyon. Nilagay ko sa palad niya yung necklace. “Itapon mo.. itago mo.. bahala ka na kung anong gawin mo diyan. Mamimiss kita.” sabi ko at tumakbo. “Mahal ka ni Cedric!” Bigla kong pinahiran yung luha sa mata ko. Sobrang sakit. Sobra. Pero kelangang gawin yun. Yun ang nararapat. Yun ang makakapagpaligaya sa kanya. Iyon yun. Maaga pa lang e umalis nako sa resort. 7:45 ang flight ko papunta sa States. Nakakuha ako ng scholarship sa Princeton. Too good to be true pero totoo. That was another reason to get out of the country. Hindi yun alam ng parents ko na aalis ako. Dinala ko lang yung mga ATM’s and credit cards na extension from my parents. Nung dumating ako dun e naging working student ako. Araw-araw siyang nasa isip ko. Minsan, pag nakakakita ako ng telepono, gusto ko siyang tawagan. Pero… Pero hinde pwede. Natatandaan ko pa lang yung sinabi niyang magiging masaya siya kung walang Gio sa buhay niya, nanginginig na yung mga kamay ko. Ang hirap. I really love her, too bad, hindi niya yun makita. Too bad, she didn’t offer back the love I offered her. Years had passed. What amazed was the fact that I still feel the same way about her. Yep, maraming magagandang babae dun sa States, pero siya parin. Yeah. I’m !@#$. Really !@#$. Umaasa parin ako na mamahalin niya at may Makita siya saking mas higit pa kay Cedric. There were times na sobrang gipit ko na. I have no choice but to use my Mom’s extension credits cards. They know where I was. Nang icheck ko yung account ko, pinapasukan parin ni Dad and Mom yung mga credit cards. Pero twice ko lang talaga yun nagamit. She sent me a letter pa nga na mag-ingat daw ako dito. I’m always welcome sa
bahay na yun. Pero she never mentioned anything about Nathalie. Never. Siguro dapat na akong tumigil. Right, siguro tama na yung ganito. Mas masaya siya. After years of hardships at pangungulila, I graduated. Don’t ask kung anong kinuha kong course. LOL. So there, I thought, its time to face all the things that I’ve been trying to ran away simula pa noon. Naisip ko, its time to clear things out. I went back to Philippines. 4 years akong nawala. And yeah, marami nang pagbabago. Mas mausok na ito, mas polluted, mas madumi at mas matraffic. Lahat nasa superlative form na. And that instance, dun ko naisip, matagal na rin nga pala talaga akong nawala. Bumaba ako ng taxi sa harap ng bahay. Tumayo ako dun habang nakangiti. “Ano pong kelan- Sir Gio?! Sir?” si Manang Tessa. LOL. Gulat na gulat. Binuksan niya yung gate at mabilis akong pinapasok. Tinawag niya yung ibang kasambahay at nabigla din sila sa pagbabalik ko. Mabilis naman nilang kinuha ang mga dala kong gamit. Hawak-hawak parin ako ni Manang Tessa. “Nakow, saan ka ba nanggaling? Alam mo bang alalang-alala kami sa iyo?” “Manang naman… nagpahangin lang ako..” sabi ko habang nakatawa. “Nagpahangin… Sus.. ang gwapo na talaga ng alaga ko o..” “Matagal na akong gwapo no.. dapat ang sabihin niyo ngayon, mas gumwapo na ang alaga niyo..” sabi ko ng nakatawa parin. Ng makaabot kami sa harap ng pintuan, nabigla ako. Tumakbo si Mommy sakin. “Gio…!!” niyakap niya ako ng pagkahigpit-higpit. “Mom…” sabi ko. Gawd, how I missed my Mom. “I’m so proud of you..” sabi niya with teary-eyed. Sino nga bang hinde? LOL. Then my Dad hugged me. “I’m so proud of you son.” He whispered. Man of few words. That’s my Dad. Pagkatapos nun, pumasok ako sa kwarto ko. Yup, ang dating kwarto ko. Walang pinagbago. Ganun parin. Kung ano iyon ng umalis ako, ganun din pagbalik ko. Walang ginalaw sa mga gamit ko. Napangiti ulit ako. Binuksan ko ang drawer na nasa kanto. Nathalie.. Bumaba kaagad ako at kumain ng hapunan. Dun kami nag-usap usap nina Mommy. “So, what happened sa yo sa States? You didn’t even bother to ask permission from us.” “Sorry.” “Pero okay lang. Glad that nagsikap ka din for your own good.” “Naisip ko kasi, I think its time for me to have my own life and work for myself. Hinde naman pwede na umasa nalang ako sa inyo habang buhay.” “Aww… my dear son… Nga pala, your Dad’s planning to put you as Assistant CEO of the company. Is it alryt wit ya?” “Yeah, sure. No problem.” Ngumiti si daddy. Tumango lang siya at kumain. Yeah, that’s what I planned. To rule the company and universe. LOL.
So there, as an assistant CEO, Dad introduced me to the workers. Yung mga baguhan, eh nagtataka ata, kung pano nagkaanak si Mr. President. LOL. Yung mga dati nang workers, eh nagagalak na Makita muli ang kaguwapuhan ko. So yun nga. On my third night, sabi ni Dad may meeting daw akong dadaluhan. Well, its not really meeting. More like a convention. Pumunta ako sa convention na yun. And since wala akong masyadong kakilala, tumayo lang ako sa gilid. Pero syempre, interaction with other is a big YES YES. So, kahit di ko sila gaanong kilala, nakipag join ako sa usapan nila. proposed some big business projects etc. Then ng lumingon ako, i caught a familiar face. Hinde ko alam kung ano ba talaga yung dapat kong maramdaman. Dapat masaya ako kasi nakita ko siya ulit. Pero bakit parang nalulungkot ako? “Good evening. I’m from Hanson Company.” sabi ko. I smiled at her. “Hi.” Yeah, i know she was surprised to see me again. She just smiled at me. Pero tears? in her eyes? Why? We didn’t talk that much. May mga kumausap at nagtanong sakin bout the company. Marami akong gustong ikwento at itanong sa kanya. Pero.. Nang lingunin ko siya, i saw her walked out of the hall. Kaya naman i hurriedly excused myself from them. Hinabol ko siya hanggang sa lobby ng hotel. “Nathalie! Nathalie! Nathalie, wait!!” She looked back and smiled. “Y-yes?” “Are you going home right now?” “Yeah.” “Do you have a car?” “W-wala..sakay lang ako ng taxi.. S-sige.. got to go.” Tumalikod siya.. I wouldn’t let her ride a taxi at that hour. Masyadong delikado. Especially for that pretty face of hers. “I was just thinking, if you’d like to.. you know.. chat for awhile.. away from this place.” i said. She looked at me. “S-sure..” She followed me to my car. I opened the door for her at mabilis naman na sumakay sa driver’s seat. “San tau?” she smiled. “You invitd me.. so bahala ka kung saan..” Tumango lang ako. Alam kong alam niya na hinde parin ako nagbabago. And i really want her to know that. Huminto ako sa Egoz Bay. Bumaba kami. Umupo kami dun sa bench… kaharap nun eh dagat. Malakas ang hangin and malamig. Nahalata ko lang, tuwing mag-uusap kami ng matino, bakit nanjan palage ang dagat? “Alam kong marami kang gustong itanong.. so.. umpisahan mo na..”
Yup, alam kong marami siya katanungan sakin. And as i said, its time to clear things out. Nahalata kong gulong-gulo parin siya. Kaya ako nalang ang nag-umpisa. “Well, siguro naguguluhan ka pa. Ikekwento ko nalang sa iyo.. After that night, maaga akong umalis papunta sa interntional airport. Hindi alam nina Mommy na aalis ako. Plinano ko talaga yun. I was accepted as a scholar sa Princeton. Buti nalang at tinanggap nila yung application ko. That was another reason for me to get out from this place. When i was there, i became a working student. Kahit papano, nakatapos din ako. I came back here dahil nagawa ko na yung dapat kong gawin.” She looked at me like she’s saying what-did-you-do-that-for-mayaman-ka-naman look. I smiled. “I know what you’re thinking. Ayokong sabihin ng mga tao na naging successful lang naman ako, becuz my parents are rich. Na naging successful lang naman ako kasi nasa likod ko yung mga parents ko.” Tumahimik ako at tumingala sa langit. “B-bakit ka umalis?” Ngumit ako at yumuko. Gusto niya ba talagang malaman ang sagot ko? “Well, there’s this girl who wished na sana maglaho na daw ako sa buhay niya. Sabi niya.. magiging masaya daw siya pag wala ang taong yun. Sabi niya, she can compare herself to a princess pag wala na yung enemy na yun. She wanted freedom, so i gave it to her.”i paused and and smiled again. “M-mali ba yung umalis ka kasi gusto mong maging maligaya yung tanong mahal mo? Mali ba yung ginawa mo yung akala mong makakapagpasaya sa kanya? I really loved that girl so much that’s why i let go of her.” Naramdaman kong pumatak ang mga luha sa mata niya. “You never even try to hear my side!” tumayo siya at sinigaw sakin yun habang umiiyak. I thought to myself, bakit pa? Would that made any difference kung saka-sakaling nakinig nga talaga ako? Anong sasabihin niya? Na she liked Cedric than me? Tumayo ako at ngumiti. “Uwi na kita.” Pumunta ako sa kotse at binuksan ang pinto. Pumasok siya ng walang tanong at pinahidan ang mga luha niya. Tahimik na tahimik kami sa kotse. Nang makarating kami sa bahay nila, mabilis siyang bumaba. Bumaba ako para buksan ang pinto, pero nauna na siya. Wala akong sinabi sa kanya ng papasok na siya sa bahay. I just said.. “I really hate it when I see you cry.” She looked back with teary eyes. “That really makes me guilty. Everytime we talk seriously, umiiyak ka. I don’t want to think na pinapaiyak kita. I’m sorry.” Yeah, she always cry when we’re talking seriously. Bakit ganun? Hinde ko alam pero nagiguilty ako. And i don’t know why, tears filled my eyes. Kaya mabilis akong pumasok sa kotse at umalis. Ayokong makita niya akong umiiyak. Maaga akong nagising. Pano naman kasi no, hinde ako masyadong nakatulog. Hay.. Usual day. Went to the office. nagmeeting. U know. Early that night..
“Is it true na wala paring bf si Nathie simula pa noon?” tanong ni Mom kay dad. Napatigil ako sa pagkain. “Yeah. That’s what i heard from her dad. Nagtataka nga e. He heard that Gio was bakc too. He asked, bakit hinde nalang ituloy yung napag-usapan dati. Since Nathie’s not in a relationship and so is Gio.” humarap siya kaagad sakin. “Maliban nalang kung may naiwan kang babae dun sa States.” he joked. “D-dad.. sigurdo kayong wala pang bf si Nathie simula noon?” “yeah. NBSB.” “Well, bout the marriage thing, ayos lang naman sakin… yung pinoproblema ko e si Nathie.” i said in a small voice. Pero i felt my blood rushed into my brain ng nalaman kong NBSB siya. What happened to them with Cedric? Umalis nga ako para maging sila, pero bakit wala parin siyang bf? Pagkatapos kong kumain, umalis kaagad ako. Umuulan pa nun(balita e may bagyo), pero i have to know about that. Dumiretso ako sa bahay nila, pero sabi ng Mom niya she got a Condo unit na daw. So i hurriedly went there bago ako maabutan ng baha. “Natahlie!! Nathalie!!! Open the door!!” She opened the door. I was 0_o. Pinapasok niya ako and maliligo lang daw siya. Ganda nga ng Unit e. Umupo ako dun sa sofa at nagtingin-tingin sa paligid. Then a picture caught my eye. Me and Nathalie. “Ano nga pala ang rason at napadaan ka dito?” “Well, ano kasi…” “Nga pala, kumain kna?” “H-hinde pa..” “Since nakaluto na ako, dito ka nalang kumain ng dinner.” “really?! Ehermm.. i mean, marunong ka ng magluto?” “Yes..” “You mean?” “Time can change people.” she said smiling. tagos. “Yeah. Can really change people.” “What brought you here..” “K-kasi.. ano.. hmm.. my parents and i were talking… about the..” “About?” “Hmm.. about… you..” “And what was about me?” “Well… i was really shock… when they told me.. na..” huminga ako ng malalim. “NBSB ka?”
Napangiti siya. “NBSB? Well, yeah.. wala namang masama dun e..” “P-pero bakit?” “Well, siguro.. kasi..” napatigil siya. She looked at me. Its obvious na i’m waiting for her answer. She smiled again. “Well, there’s this guy kasi who told me he loves me. But then he left without even saying goodbye to me.. he left without even giving me a chance to say what i really wanted to say.. Siguro kasi, my heart went with him. Hindi ko makuha-kuha yung puso ko kasi sobrang layo niya and wala akong idea kung sang lupalop ng mundo niya dinala ang puso ko. But then he came back. And.. i think.. for the first time in that 4 years, i felt my heart thumping again..” Tumutulo na naman ang mga luha niya. I moved closer to her and wiped her tears. “So you waited for him?” i said smiling. Hinde ko madescribe ang nararamdaman ko. Pero i was very happy. Very happy. “Sa tingin mo?” “Ewan..” i smiled again. “I guess i couldn’t go home.” i said. “And why is that?” “See the rain? I couldn’t drive when the rain’s that heavy and thick.” “And what are you trying to say?” “If its alright with you, can i sleep here for the night? I mean.. wala naman akong gagawing masama sa iyo..” “I know..” “So, its okey with ya?” “Yeah..” she said smiling. Nung gabi na, we were sitting at the living room habang nanonood ng tv. “My dad’s planning na ikasal tayo since wala ka daw bf and since i’m not in a relationship din daw.” “Ano sabi mo..?” “Sabi ko, i still have to talk with you. I told him na isa yun sa mga rason kung bakit ako umalis noon. Ayokong umalis muli dahil dun.” “kung ikaw ang papipiliin? Ayos lang ba sa iyo?” “Well, yeah. Ayos lang naman sakin. Ikaw yung iniisip ko.” “I think i should agree with that.” “Huh? i-i mean.. akala ko ba..” O_o
“Well, naisip ko, sa apat na taon na wala ka, sobrang boring ng buhay ko. Sobrang wala.. and when you came back.. parang everything went mulit colored again..dun ko naisip na, malalaman mo lang pala yung importance ng tao pag wala na siya..”
“Teka, teka.. so you mean?” “I don’t want to say it.” she said then she pouted. “Okay, sa loob ng four years na yun, ikaw lang ang minahal ko.. kaya naman, i really agree sa marriage na pinaplano nila.. and…” “What did you say?” “Agree ako sa marriage thing na to.” “No, no. before that.”
“Na mahal parin kita?” “You mean? You still feel the same way about me just like you did four years ago?” “yeah..” i said in a small voice. Naks. Im sure, namumula nako. She laughed loudly. Bakit? “What?” She laughed again. Now i know.. Tears of joy? I smiled at her. “Lika nga dito..” And since we knew that instance what we felt for each other, i pulled her close to me. When our lips met, i knew then that the memory will last forever. —————————————————————————————————– Everything started with a tease. At sino bang mag-iisip na yung tuksuhan na yun e mapupunta sa pagmamahalan. Siguro teasing was my way of talking with her. At yung panunukso ko e kinainisan niya. Pero, come to think of this. Kung hinde ko ba siya tinutukso noon, magiging close at mapapamahal siya sakin? Would that change everything i have now? Hinde ko alam. Ang alam ko lang, I’m really happy to be with her. “Hindi talaga ako makapaniwala na after all those years, ako lang naman pala..Ano ba talaga nangyari sa inyo ni Cedric?” Ngumiti lang siya. “Hahaha… you know what? Gusto ko dalawa yung anak natin.. then dun tayo titira sa El Grande.. tapos… our son will be named Lee Dustin… pag girl naman, Francesca.. then her nickname will be Cheska..” Aba.. di sinagot yung tanong ko.. Heehee.. “Pano tayo magkakaroon niyan if hindi pa natin sisimulan?” Tama naman diba? Pano kami magkakaroon niyan kung hinde pa kami magsisimula ngayon? LOL.
i hugged her and kissed her. Hinde pa dito nagtatapos ang storya namin. I know. We will have a family at pahahalahan namin yun. Since hinde sinabi ni Nathie ang tungkol kina Cedric and Cindy. Ako nalang ang magkwekwento. After all, ako naman talaga yung nakakaalam kung san yung mga kumag na yun. LOL. Well, Cedric was based on Hongkong. Siya yung naging CEO dun ng company nila. Last month lang, before going back here at Phil, i bumped with Cindy at Connecticut. Kakagraduate niya lang sa Yale. Yeah. Ang swerte niya din no? So there. Dumalo naman sila sa kasal namin. Alam niyo kasi, yang si Nathalie, sa sobrang dami ng gustong sabihin, nakakalimutan yung ibang bagay-bagay. Heehee.
Till here. Tinatawag na ako ni darling.
THE END
TO GOD BE THE GLORY!