Talambuhay

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Talambuhay as PDF for free.

More details

  • Words: 553
  • Pages: 3
Gerona Ecumenical Christian School, Inc.

Ipinasa kay: G. Daryll Sabado Ipinasa ni: Ramil Solano

Oktubre 20, 2008

Ang Talambuhay ni Gloria Palencia

Bilang isang bata na lumaki sa isa sa mga pobreng bansa sa Asia, nakita ko na kung gaano magsumikap ang isang tao para lang may makain sa araw araw. Dito sa America mas maunlad ang buhay ng mga tao dito. Basta may trabaho puwede kang makabili ng kahit na anong gustuhin mo. Sabi nga nila, ang America daw ay isang lugar na mayaman sa oportunidad. Isa na ako sa mga taong nakatuklas nito. Mag pipitong taon na ang nakakaraan mula noong umalis ako sa bansang Pilipinas. Labing tatlo ako noon ng lumisan ako papunta sa bansang America. Ako'y taos pusong nagpapasalamat dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makita ang bansang pinapangarap puntahan ng mga kapwa nating Pilipino para maihaon nila ang kanilang mga pamilya sa hirap. Mag-isa akong umalis ng pilipinas patungong Los Angeles, California at doon ako nanirahan ng tatlong taon. Nagustuhan ko sa Los Angeles dahil ang dami daming mga Pilipino doon. Lahat ng mga naging kaibigan ko ay mga Pilipino din. Pero natutunan ko ring makipag kaibigan sa mga ibang lahi at sila'y mababait naman. Ipinasok ako kaagad sa eskuwelahan nung dumating ako at medyo nahirap ng unti dahil hindi pa ako mahusay mag ingles noon. Ang pagkakaiba lang ng eskuwelahan dito at saka sa Pilipinas ay ang trato ng mga estudyante sa mga guro. Sa Pilipinas, ang mga guro ay inirerespeto at iginagalang ng mga estudyante. Ang mga estudyante ay pinaparusan pag hindi sila nagpapakita ng respeto sa kanilang guro. Dito naman sa America, talagang nabigla ako sa mga nakita ko dahil ang mga trato ng mga estudyante sa mga guro ay talagang hindi pupuwede sa Pilipinas. Ang mga guro dito ay binabastos lang ng mga estudyante. At saka sobrang tamad mag-aral yung mga kaklase ko dahil hindi nila ginagawa yung mga gawain nila. Pagkatapos ng tatlong taon, ako'y lumipat sa San Antonio, Texas para manirahan sa piling ng nanay ko. Ang mga magulang ko kasi ay naghiwalay noong bata pa ako. Kaya ako pumunta uli sa nanay ko ay dahil nagkasakit sya ng cancer kaya gusto ko kapiling ko siya kung ano man ang mangyari. Sa awa naman ng dyos, nasa mabuti parin syang kalagayan hanggang ngayon. Doon sa Texas ako natutong kumain ng mga pagkain ng Americano at Mexicano. Unti lang kasi ang mga Pilipino restaurante doon at saka walang din masyadong mga Pilipino. Kaya medyo nailing akong pumasok sa bago kung eskuwelahan dahil

ako lang ang nag-iisang taga asia na estudyante dahil karamihan sa kanila ay mga taga Mexico. Natapos ko ang pag-aaral ko ng high school sa San Antonio ng may honor at ako'y tumuloy kaagad sa kolehiyo. Ngayon ako'y nasa Universidad ng Wisconsin-Madison at nag-aaral ako ng pharmacy. Medyo nahihirapan ako ngayon pero ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para matupad ko ang mga pangarap ko sa buhay. Gusto ko kasi pagkatapos ko mag-aral, ay makapagtrabaho ako sa isang ospital o kaya sa isang kumpanya na gumagawa o nagbebenta ng mga gamot sa iba't ibang bansa. Mahalaga talaga ang makatapos ng pag-aaral dito sa America dahil ito lang ang makakagarantisado na maganda ang magiging trabaho mo. Basta masipag at masigasig ang isang tao, matutupad niya ang lahat pangarap niya sa buhay.

Related Documents

Talambuhay
November 2019 29
Talambuhay
May 2020 16
Ang Talambuhay Ng Propeta
August 2019 95