Suring Pelikula (Kita-Kita) I: Panimula II: Pagsusuring Pagnilalaman -
Kutura Damdamin Pangkasalukuyang Impluwensiya Kaugnay sa Realidad Bisa ng mga tao.
III: REKOMENDASYON - Puna - Sehestiyon
PANIMULA
PAGSUSURING PAGNILALAMAN (kultura) Sa pelikulang (kita- kita) may dalawang kultura akong napansin. Una ay ang Kultura nating mga Pilipino. Kilala tayong mga Pilipino bilang masayahin at positibong tao. Sa pelikula, kahit may sakit na “temporary blindness” si Leah ay kinakaya niya pa din. Pinakita din sa pelikula ang kulturang pagkaing Pilipino na tinolang manok at adobo na kung saan para sakin naging isang daan para mapalapit yung loob niya kay Tonyo na isang OFW at kanyang kapitbahay sa Japan. Ipinakita din doon iyong Kultura ng Japan na kung saan
DAMDAMIN Sa simula pa lang ng pelikula, trailer pa lang halatang heartbreaking story iikot iyong kwento. Sa simula na bored ako kasi diba kapag napanuood ng isang tao ang trailer may ideya na agad na mabubuo sa utak mo. So ako, nag- conclude talaga ako na ay ganto, ganyan. Hanggang sa iyon nga. Nagkaroon ng temporary blindness si Leah. Sabi ko ay heto na. Syempre nasaktan ako nung nalaman kong kakatapos niya lang sa pagkabigo sa pag-ibig tapos nagkaroon pa siya ng sakit. At nung part na dumating si Tonyo grabe laughtrip! Yung mga lines niya para lang maging close sila ni Leah, as in!. Pero sa huli, alam ko naman nang sad ending ang kakalabasan ng pelikula. Nung time na may bibilhin lang si Tonyo para kay Leah, iyong oras na unti-unti nang bumabalik yung paningin ni Leah tsaka naman nasagasaan si Tonyo. Ang sakit lang kasi, iyong part na din iyon tinanong ko sa sarili ko kung “BAKIT PA KAILANGANG MAGKITA KUNG HINDI NAMAN PALA KAYO ITINADHANA PARA SA ISAT- ISA? ”. Ang sakit lang. Wala man ako doon mismo sa sitwasyon ramdam ko yung pangungulila si Leah. Doon sa mga nabuo nilang memories, iyong mga panahong andoon si Tonyo sa tabi niya yung time na sobrang kailangan niya. But still, sobrang solid ng movie. Lahat makakarelate.
PANGKASALUKUYANG IMPLUWENSIYA Halos lahat naman siguro ng mga nakapanood ay may malaking- impact lalo na mismo sa mga sinubaybayan talaga iyong storya. Sa Pangkasalukuyang Impluwensiya, masasabi ko na maraming naka-relate lalo na siguro yung mga taong may iniibig, minamahal, jowa, o kahit anong tawag diyan. Maraming nagsabing dahil sa istoryang daw ito, masasabi daw na walang forever. Pinatunayan daw ito nina Leah at Tonyo. Pero para sakin, napakalaking impluwensiya ng pelikulang Kita- kita sa akin kasi alam mo iyon, kahit anong meron ka, kahit sino ka basta mahal ka ng isang tao, mahal ka. Pinatunayan din nila na hindi basehan na bulag ang isang tao para ang dalawang puso ay magmahalan.
KAUGNAY SA REALIDAD Kaugnay sa realidad ng pelikulang “Kita-kita” ay iyon mga eksena na talaga namanng nangyari sa totoong buhay. Halimbawa na lang ay iyong eksena na may kapansanan ang isa sa inyo katulad nila Leah at Tonyo pero sa kabila ng lahat nandoon pa din yung pag-alala at pagmamahal. Yung eksenang “Love is Bind” daw. Yung tipong sa realidad natin ngayon, basehan na ngayon ang mukha para diktahan yung pagsasama ng dalawang nagmamahalan? Kaugnay din sa realidad ng pelikulang KITA_ KITA ay yung mga katagang “ Walang Forever” at sila Leah at Tonyo daw ang nagpatunay ng mga ito.
Sa totoo lang kung sa realidad ang pag-uusapan wala naman talaga. Sa mundong ito, kailangang maging literal tayo. May mga mawawala at may babalik katulad na lamang nung biglang nasagasaan at namatay si Tonyo. Isa na din sigurong dahilan para patunayang walang permanente sa mundo . Masakit man ang nangyari sa pag- iibigan nilang dalawa, o kung matatawag bang love yun, kailangan nating gumising sa realidad ng buhay.
BISA NG TAO Ang bisa ng tao ay napakahalaga. Kung wala ang mga ito ay walang kabuluhan ang isang pelikula tulad na lang ng pelikulang KITA-KITA. Kung wala sila Leah at Tonyo sa pelikulang ito, ay parang wala lang .
Sa bisa ng mga mas nakakarelate ang mga maunuod . Mas dama at mas gaganahan ang mga manunuod kung merong mga tagaganap sa isang pelikula.
PUNA Ang napuna ko sa pelikulang KITA-KITA ay maganda yung production ng scene nila kasi hindi lang sila nag- focus sa Pilipinas at doon sila sa Japan ng shoot. Magaling din yung mga main character na sila Leah at Tonyo. Siguro, nabitin lang ako at the same time nalungkot dahil sa sad ending ng pelikula. Pero all in all, maganda. Magandang panuorin kasama ang mahal mo sa buhay at pamiya.
SUHESTIYON Ang suhestiyon ko sa pelikulang KITA –KITA ay siguro mas pinatagal pa nila yung buhay ni Tonyo. OO masasagasaan siya pero hindi mamatay tapos after ilang years magkikita ulit sila. Pagtatagpuin ulit yung puso nilang dalawa. Pero wla eh, gann talaga. Sa isang istorya at pelikula ay kailangang may isang mawawala. Pero sa lahat- lahat, grabe maiiyak ka lang talaga kahit hindi ikaw yung nasa sitwasyon.
Suring Pelikula (kIta- kita)