DROGA Hindi na ako mabibigla Kung bakit maraming buhay na ang nasira’t nawala Ilang taon na itong problema ng ating bansa Subalit, bakit wala pa ding nakakapuksa sa salot na dulot ng droga.
Sa mundong puno ng problema Droga ang sandalan ng iba para takasan at makalimutan ang pait na kanilang iniinda. Sa bawat buka ng kanilang bunganga ay; Papasok ang isang tabletang dala ay pagkalimot, pagkawasak ng kanilang pagkabata.
Inosente sila, oo sa umpisa Nguinit katagala’y kapag nasanay na , Ay parang palaka na nagiging agresibo kapag naulanan at nabasa bigla.
Hindi sila nag-iisa, oo marami sila Marami silang tanging kailangan lang ang kalinga at aruga ng isang ama’t ina, pamilya kumbaga. Hindi sila dapat hinuhusgahan bigla-bigla Bawat problema may kwento, sila pa kaya.
Resulta nito ay puro negatibo Pero bakit tinatangkilik pa din ito ng mga kapwa nating Pilipino? Hindi naman ito mabilibili sa mababang presyo Tanging sakit sa ulo lang ang dulot nito.
Pero bakit marami pa ding ginagawa itong permanenteng negosyo? Dahil ba sa walang permanenteng trabaho? Pampatanggal ng sakit sa ulo? Para kumita ng libo-libo? O baka naman kaunting hirap lang biglang sumuko.
Nasa ating kamay ang salitang PAGBABAGO at pag-angat ng kapwa natin Pilipino Huwag nating hahayaang pagkalulong sa droga mamayani sa buong pagkatao. Hindi ito maganda sa kalusugan mo Lalo na sa kinabukasang tinatahak mo.