Studying Synoptic Gospel

  • Uploaded by: Alberto L. Esmeralda
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Studying Synoptic Gospel as PDF for free.

More details

  • Words: 1,229
  • Pages: 3
BEC Advanced Training: Pagaaral ng isang Salaysaying Sinoptiko Ang Pagpapakain ng Limang-libo kay Markos

Ang pagpapakain ng limang-libo ay makikita sa apat na ebanghelyo. Ang salaysay -- sa mga ebanghelyong sinoptiko -- ay pagpapatibay na si Hesus ay ang Mesiyas na hinihintay. Ang salaysay sa orihinal na ebanghelyo (ni Markos) ay may ganitong balangkas: 1. Inabot ng gabi si Hesus at mga alagad sa isang ilang na lugar kasama ang maraming tao (limang libo ang bilang ng mga lalaki) 2. Bagama't nais ng mga alagad na paalisin na ang mga tao, hindi pumayag si Hesus. Nais nitong huli na pakainin na rin duon ang mga tao. 3. Sa pamamagitan ng limang tinapay at dalawang isda na ibinigay sa mga tao, nabusog ang lahat 4. Nakapuno pa sila ng labing-dalawang bakol sa mga tira. Sa ebanghelyo ni Markos, mapapansin ang mga sumusunod na elemento 1. Sinabi ni Hesus sa mga alagad na sila ang magpakain ng mga tao, ngunit namroblema ang mga alagad dahil mangangailangan sila ng malaking halaga ng salapi para mapakain ang lahat. Nguni't ipinalabas ni Hesus sa kanila ang kanilang baon na limang tinapay at dalawang isda. 2. Bago ibinigay ang pagkain, inatasan ni Hesus ang mga alagad na paupuin ang mga tao sa damuhan. Sila'y pinaupong pangkat-pangkat. 3. Nang makaayos na ang lahat, nanalangin si Hesus, pinaghati-hati niya ang pagkain at ibinigay niya sa mga alagad upang sila ang magbigay sa mga tao. 4. Lahat ay kumain at nabusog; sumobra pa nga ang pagkain. Nakapuno sila ng labin-dalawang kaing. Malinaw sa salaysay na ang limang-libong tao ay pinakain mula sa kakaunting baon ng mga alagad. Malinaw rin na sa pagaayos ng mga pakakainin, ipinapaalala ang ayos ng mga Israelita nuong sila'y nasa disyerto pa. Ang pagpapakain sa mga tao ay katulad ng pagpapakain ng mana sa disyerto. Isa sa mga tanda ng Huling Araw para sa mga Hudyo ay ang pagdating ng Mesiyas at ang pagpapakaing muli ng manna. Nguni't sa salaysay na ito, may idinagdag si Markos na kahulugan. Ang mga ginawa ni Hesus (pananalangin, paghati-hati ng pagkain) ay katulad ng kanyang gagawin sa Huling Hapunan. Sinasabi ni Markos sa salaysaying ito na ang pagpapakain sa limang-libo ay mauunawaan lamang sa Huling Hapunan. Na ang pagpapakain ay may kaugnayan sa mga Israelita ng disyerto ay makikita sa labindalawang bakol na napuno ng sumobrang pagkain. Labindalawang bakol para sa labindalawang tribo ng bagong Israel. Ang salaysaying ito ni Markos ay ginamit ni Mateo at Lukas para sa kani-kanilang mga ebanghelyo. Nguni't hindi lamang nila ito kinopya -- ito'y kanilang binigyan ng karagdagang kahulugan.

Ang Salaysay kay Mateo at Lukas

Sa ebanghelyo ni Lukas at Mateo ito ang mapapansin 1. Kay Mateo, malinaw na ayaw paalisin ni Hesus ang mga tao at nais niyang ang mga alagad ang magpakain sa kanila. Kay Lukas, nililiwanag na hindi lamang kung sino-sinong alagad ang inutusan ni Hesus na magpakain. Silang inutusan ay ang Labindalawa.

2. Kung kay Markos ang sagot ng mga alagad sa utos ay ang problema ng pera, kay Mateo at Lukas binibigyan ng diin ang kawalan ng sapat na pagkain. Ito ay makikita lalo na kay Lukas na idinugtong agad na limang-libo tao ang naroon. 3. Sa pagpapaupo sa mga tao, hindi binigyan ng diin ni Mateo ang kaayusan. Kay Lukas, si Hesus mismo ang nagsabi kung ano ang ayos (lima-limampu) 4. Halos pare-pareho ang pagkakasabi ni Mateo at Lukas sa ginawa ni Hesus na pagtingin sa langit at pagpipira-piraso ng mga pagkain. Ngunit sa pagbibigay ng pagkain sa mga tao, si Mateo at Lukas ay sumunod kay Markos sa pagsabing ibinigay muna ni Hesus sa mga alagad ang pagkain. 5. Sa huli, sumunod si Mateo kay Marko sa pagbanggit ng bilang ng mga taong nanduon nang makaipon na ng sisidlan. Ang pagbanggit ng bilang ng mga tao sa dulo ng salaysay ay parang pang-gulat para sa mga taga-pakinig ng Ebanghelyo. Kay Lukas, dahil nabanggit na niya ang bilang ng mga tao, ang kanyang binigyan ng diin ay ang paglabis ng pagkain. Ang Konteksto ng Salaysay

Ang mga pagkakatulad na ito ng salaysay ng pagpapakain ng limang-libo ay lalo pang kumikinang kung titingnan sa kontekstong kinalalagyan ng mga ito. Kay Markos, ang konteksto ay ang pagbalik ng mga alagad mula sa kanilang misyon. Ang mga alagad na pinili ni Hesus upang maging mangingisda ng tao ay nagdala ng kanilang mga huli sa Panginoon. Ito namang huli ay nagturo sa kanila at nagpakain. Samakatwid, ang pagpapakain ng limang-libo kay Markos ay naganap sa konteksto ng misyon ng Labindalawa. At dahil ang misyon ng labindalawa ay may kaugnayan sa Kaligtasan, ang pagpapakain ay sinundan ng paglalakad ni Hesus sa dagat. Itong huli ay hindi naunawaan ng mga alagad, ayon kay Markos. Ito'y dahil hindi rin nila naunawaan ang kahulugan ng pagpapakain. Sa ebanghelyo ni Lukas, ang pagpapakain ng limanglibo ay sumunod din sa pagdating mula sa misyon ng Labindalawa. Ngunit dito may pangalan ang lugar na kanilang pinuntahan, Betsaida. Dito si Hesus ay nagturo tungkol sa Paghahari ng Diyos at siya'y nagpagaling ng maysakit. Mahalagang mapansin ito sapagka't para kay Lukas ang pagpapakain ng limang-libo ay may kaugnayan sa Paghahari ng Diyos. Sa Kaharian ng Diyos walang magugutom. (Mapapansin din na para kay Lukas, ang Iglesya na siyang lugar sa mundo na kung saan ang Diyos ay naghahari ay walang kasapi na nagdarahop. [Acts 4:34]) Mapapansin din na pagkatapos ng pagpapakain ng limang-libo isinalaysay ni Lukas ang pagpapahayag ni Pedro tungkol kay Hesus bilang ang Pinahiran ng Diyos (Ang Kristo). Sa ebanghelyo ni Mateo naman, ang pagpapakain ay sumusunod sa pagdadalamhati ni Hesus dahil sa pagkamatay ni Juan Bautista. Malungkot man siya ay hindi naman siya nagmaramot sa mga taong pumunta sa kanya upang magpagaling. Ang tema ng Aliping Nagsusumakit (Suffering Servant) ay ipinagpapatuloy dito (tingnan Mt. 8:17). Si Hesus ay nagpapagaling ng mga maysakit nang abutan sila ng dilim at siya ay magpakain. Malinaw sa konteksto na ang limang-libong katao na pumunta kay Hesus ay mga may-sakit at yaong mga kasama nito. Hindi ito makikita kay Markos. Ang diin ni Mateo dito ay ito: ang Diyos na nagpakain ng mga Israelita sa ilang at tinawag ang sariling "Manggagamot ng Israel" (Ex. 15:26; Hos. 11:4) ay nakikita kay Hesus. Ito ay bibigyan ng tingkad sa sumusunod na eksena: ang paglalakad ni Hesus sa tubig na kung saan si Pedro ang bida. Konklusyon 1. May pagkakatulad ang tatlong ebanghelyong sinoptiko dahil nga ang orihinal na ebanghelyo (ni Markos) ay nabasa't ginamit din ni Mateo at Lukas 2. Magkakatulad man ang mga salaysayin ay mayroon din itong mga pagkakaibang dala ng teolohiya ng mga may-akda at ng nais nilang maunawaan ng kanilang mga tagapakinig. 3. Para kay Markos, ang pagpapakain ng limang-libo ay hindi agad naunawaan ng mga alagad. Ito ay mauunawaan lamang nila sa Huling Hapunan. Para kay Lukas, ang pagpapakain ay

patunay na si Hesus nga ang Kristo, at ito ay hindi malilingat kay Pedro. Bukod pa rito, ang pagpapakain sa limang-libo ay isang aspeto lamang ng Paghahari ng Diyos na magkakaroon ng katuparan sa Iglesya. Para kay Mateo ang pagpapakain ng limang-libo ay pagpapakilala kay Hesus bilang Diyos na nangangalaga sa Bagong Israel. Ang mga kahulugang ito sa salaysay ng tatlong ebanghelyong sinoptiko ay makikita sa salaysay ni Juan na kung saan binibigyang diin ang Eukaristiya, ang pagdatal ng mga Huling Araw kay Kristo, at ang kaugnayan nito sa Buhay ng Diyos na ibinigay sa pamamagitan ni Hesus.

Related Documents

Studying
October 2019 33
Studying Robotics
May 2020 11
Gospel
November 2019 58
Gospel
October 2019 65
Studying Prayer
April 2020 7

More Documents from ""