State Of The School Address.docx

  • Uploaded by: ᜀᜎ᜔ᜊᜒᜈ᜔ ᜂᜐ᜔ᜆᜒᜇᜒᜌ ᜋᜅᜈ᜔ᜆᜒ
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View State Of The School Address.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,188
  • Pages: 2
STATE OF THE SCHOOL ADDRESS 2019 Isang masaganang gabi sa ating lahat! Isang matagumpay na taon na naman ang lumipas para sa Magsaysay National High School. Napakaraming pagsubok ang ating pinagdaanan pero pinatunayan natin na walang suliranin ang hindi kayang malampasan kung tayo ay magbabayanihan. Sa kabila ng maitim na ulap ay sumilay ang liwanag ng pag-asa na naghatid ng tagumpay para sa ating sintang paaralan. Ating balikan ang mga kaganapang nangyari sa buong pampaaralang taong ito na nagbigay karangalan sa ating paaralan. Una, sa kabila ng matinding pagbaha na sumira sa ilang pasilidad ng ating paaralan, pinatunayan ng mga guro, mag-aaral at magulang na kayang bumangon ng MNHS. Sa katunayan, sa nakaraang Brigada Eskwela 2019, pinarangalan ang Magsaysay National High School bilang 5th Best Implementer sa Mega School CategorySecondary Level sa pangunguna ni G. Joed T. Rodriguez. Ikalawa, sa larangan ng iba’t ibang paligsahan, ibinandera ng ating mga mag-aaral sa tulong ng kanilang mga gurong tagapagsanay ang watawat ng MNHS at nagkamit ng mga medalya at tropeyo. Sinelyuhan ng Sikhay ang titulo bilang isa sa pinakamagaling sa larangan ng journalism nang makapag-uwi ito ng ilang mga karangalan mula sa division, regional at national competitions. Nakuha ni Sean Frankie D. Villafranca ang 6th Place sa Pambansang Pautakang Pampahayagan at 4th Place sa Feature Writing (Filipino) samantalang nakamit naman ni Cyan C. Mangaoang ang 4th Place sa Feature Writing (English) sa National Media Conference. Wagi rin ng tatlumpung karangalan ang Sikhay sa School Paper Contest sa nasabing pambansang kompetisyon kabilang na ang Overall Champion sa Filipino Category at Overall 3rd Place sa English Category sa pangunguna ng tagapayo ng Sikhay na si G. Jan Adams D. Magtanong. Sa Division Schools Press Conference naman, 2nd Place sa Photojournalism (English) si Rowel B. Patdu, 3rd Place sa Sports Writing (English) si Cyan C. Mangaoang at 5th Place sa Feature Writing (English) si Jade Angelu C. Correa na sinanay ni G. Jan Adams D. Magtanong samantalang 3rd Place naman sa Sports Writing (Filipino) si Christ Joseph B. Quiambao sa ilalim na gabay ni G. Alvin A. Manganti at 7th Place si Crystal Joy B. Barcelona sa Editorial Writing (Filipino) sa paggabay ni G. Joed T. Rodriguez. Minsan pang napagtagumpayan ni Rowel B. Patdu ang Regional Schools Press Conference nang makuha niya ang 9th Place sa Photojournalism (English). Itinanghal din na Overall Champion ang Sikhay na nakapag-uwi ng 55 na karangalan sa Bataan Inter-High School Journalism Competition na kinabibilangan nina Jade Angelu C. Correa, Jennelle B. Arquero, Rachel Lyn S. Liam, Jullienne Christine P. Capili, Rizabelle A. Osorio, Xena Jane Malaluan, Rowel B. Patdu, Sean Frankie D. Villafranca, Cyan C. Mangaoang, John Ian G. Marquez, Maria Carylle Felicies, Crystal Joy B. Barcelona, Bernard James B. Ebuña, Christ Joseph B. Quiambao, Razel Joy Lazatin, Harold B. Lacumbes, Hannah Jean L. Vengano, Shiene Nicole Sambat, John Lorenz S. Atienza, Juan Paulo Espino at Dhenny Faye Agkis sa tulong ng kanilang gurong tagapagsanay na si G. Jan Adams D. Magtanong at ng Head Teacher III ng English Department na si Dr. Anne Marie R. Señora-Bonifacio. Sa pangunguna naman ng MAPEH Department, ang MNHS Zumba dancers ang itinanghal na 2nd Runner-up sa Tobacco Free Generation Zumbalympics sa tulong nina Gng. Jovilyn Deada, Gng. Eleonor K. Simeon, Bb. Ronalyn C. Clavel at Bb. Jemilee G. Cañeda. Nagwagi rin ang ating mga mag-aaral sa nakaraang Provincial Meet: 1st Place sina George Lloyd Acson, James Catubag at John Lorenz Atienza sa Sepak Takraw at 1st Place sa Badminton Single si Hanami Salud. Ito ay naging posible sa tulong ng kanilang mga gurong tagapagsanay na sina Dr. Marilyn G. De Guzman at Gng. Mayla L. Constantino. Hindi rin nagpahuli ang Araling Panlipunan Department na umani ng mga parangal. Nagwagi si Razel Joy Lazatin ng 5th Place sa Division PopCom Quiz sa ilalim ng pamumuno AP Department Head Teacher III na si Gng. Rowena C. Calimbas at gurong tagapagsanay na si G. Joed T. Rodriguez. Panalo rin si Gerin Chavez ng 2nd Place sa Division Science Slogan Making Contest sa tulong ng kaniyang gurong tagapagsanay na si Gng. Lerma B. Ebuenga. Gayundin, nasungkit ni Kimberly Roque ang 3rd Place sa Autocad sa District Technolympics sa tulong ni G. Nestor Sison at sa ilalim ng Head Teacher III na si Gng. Rosa Teresa Baino. Sina Rowel B. Patdu, Franreza Rana S. Valenzuela at Catherine Agudera naman ang nakapag-uwi ng 3rd Place sa Division ESP Collage Making sa paggabay ni G. Jesus S. Simon samantalang nakapasok as qualifiers sina Kristine Mae Alfonso, Stephen Bonifacio at Reyon Jacob Rivera sa Division

Metrobank-MTAP Math Challenge sa tulong ng kanilang guro na si Gng. Eleonor K. Simeon at ng Head Teacher III ng Mathematics na si Gng. Jenalyn S. Dela Peña. Nang magbukas din ang panuruang taong ito ay nadagdagan ang strand na iniaalok ng paaralan para sa Senior High School. Maliban sa General Academic Strand, Food and Beverage Services at Information and Communication Technology, nag-alok na rin ang Magsaysay National High School ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM), Accountancy, Business and Management (ABM), Humanities and Social Sciences (HUMSS) at Electrical Installation and Maintenance (EIM). Ngayon taon ding dumating ang bagong Assistang Principal ng Senior High School na si Gng. Marlene G. Lulu. Isa pa sa dapat na ipagsaya ay ang pagpasa ng karamihan ng ating aming estudyante sa Technical-Vocvational Livelihood (TVL) sa assessment ng TESDA para sa National Certificate. Tunay ngang napakayabong ng mga parangal na nakamit ng ating paaralan sa iba’t ibang kompetitsyon na nagpapatunay ng kalidad na edukasyon na ibinabahagi ng mga kaguruan sa mga mag-aaral. Ang sakripisyo ng mga guro ay hindi lamang natatapos sa paaralan sapagkat sila ay nagsasagawa rin ng mga home visitation at remedial teaching para sa mga batang ayaw nang magtuloy ng pag-aaral at sa mga estudyante nanganganib ang mga grado. Ito ang dahilan kung bakit kahit papaano’y nabawasan ang failure at dropout rate ng MNHS. Sa aspeto naman ng pananalapi, ang ipinagkatiwalang pera ng ating kagawaran na tinatawag na MOOE o Maintaining and Other Operating Expenses ay ating nagastos ng naayon sa pangangailan ng paaralan. Ang mga gastusin sa mga dinadaluhang seminar at training ng mga guro upang madagdagan ang kanilang kaalamang maibabahagi sa mga mag-aaral at sa mga kompetisyong nilalabanan ng ating mga mag-aaral ay sa MOOE rin kinukuha. Maging ang sahod ng mga watchman at utility, bagamat ito ay hindi kalakihan, ay sa naturang pondo rin nanggagaling. Patuloy rin ang pagsusumikap ng ating bookkeeper at disbursing officer sa pagsisinop sa pananalapi ng ating paaralan. Maaring hindi lahat ng ating nais para sa paaralan ay ating natutugunan ngunit naroon pa rin ang ating pagsusumikap na ang lahat ng ito ay mabigyang pansin. Nariyan din ang LSB Fund na ipinagkaloob sa ating ng ating butihing mayor, Hon. Maria Angela S. Garcia na malaki ang naitutulong upang mapaunlad ang MNHS. Patuloy ninyo kaming samahan sa aming pagsusumikap na maging maayos ang ating paaralan. Tulong tulong nating abutin ang ating mithiing makapag-bigay ng maayos na eduaksyon para sa bawat mag-aaral natin. Sa tulong ng Poong Maykapal, ang lahat ng ating hangarin ay ating makakamtan. Muli, isang masaganang gabi sa ating lahat!

GLECERIA C. MATEO, Ed. D. School Principal I

Related Documents

State Of The State Cover
April 2020 38
Enemies Of The State
June 2020 31
State Of The Art
November 2019 26
State Of The City
December 2019 23
The State Of Matter
May 2020 24