Sonny

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Sonny as PDF for free.

More details

  • Words: 1,636
  • Pages: 7
Limang Panukatan o Dimensyon sa Pagbasa Ang pagpapabasa ng guro sa mga mag-aaral ng mga aklat, magasin, pahayagan at iba’t ibang akdang pampanitikan katulad ng kwento, novella, sanaysay, talumpati, tula at iba pa ay may layuning hindi lamang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa kundi magkaroon sila ng mga kaalamang kaugnay ng pagmamahal ng Diyos, bayan, kapwa tao at kalikasan, mga kagandahang asal, kahalagahang pantao, mabuting saloobin, pagiging mabuting mamamayan at mga karanasang maiuugnay nila sa katotohanan ng buhay. May limang panukatan o dimension sa pagbasa na makatutulong sa paglinang ng mga nabanggit na layunin. Ang mga sumusunod ang limang panukatan o dimension sa pagbasa: I.

Unang Dimensyon – Pag-unawang Literal

A. Kahulugan (meaning) 1. Pagfokus ng atensyon sa mga ideya at impormasyong maliwanag na sinabi ng babasahin. 2. Pagkuha ng pangunahin, literal at tuwirang kahulugan ng salita, o pagkuha nito ayon sa pagkakagamit sa pangungusap. 3. Pagsasalin ng kaisipan ng may akda sa sariling pagkakaunawa ng bumabasa. B. Mga Kasanayang Napapaloob 1. Pagkilala (recognizing) Mahanap o makilala ang mga informasyon o ideyang malinaw na isinasaad ng binasa. a. Mga Detalye (Details) Mahanap o makilala ang mga nilalaman kung kwento katulad ng: 1. pangalan ng mga tauhan 2. panahon ng pangyayari 3. pook na pinangyarihan b. Mga pangunahing Kaisipan Mahanap o makilala nang malinaw ang mga sinasabi sa loob ng pangungusap sa seleksyon na maaaring: 1. pangunahing kaisipan ng talata 2. malaking bahagi ng kwento c. Paghahambing o Pagtutulad (Comparison) Mahanap o makilala pakakapareho o pagkakaiba ng: 1. mga tauhan 2. panahon 3. pook d. Sanhi at Bunga (Cause and Effect) Mahanap at makilala ang malinaw na sinasabing dahilan ng: 1. mga tiyak ng pangyayari 2. kilos sa loob ng seleksyon e. Mga katangian ng Tauhan (Character Traits)

Mahanap o makilala nang malinaw sa mga pangungusap ang makakatulong sa paglalarawan sa katauhan ng isang tao. 2. Paggunita (Recalling) Mahanap sa sariling pangungusap at maipaliwanag na mabuti ang mga sinasabi sa loob ng kwento. a. Detalye (Details) Nasasaulo ang mga pangyayari tulad ng: 1. pamagat ng kwento 2. panahon ng kwento 3. pook ng kwento b. Pangunahing Kaisipan ng Kuwento (Main Idea) Masabi at matalakay ang pangunahing kaisipan ng isang talata o ang malaking bahagi ng kwento na nasasaad nang maliwanag ng pangunahing kaisipan ng kwento. c. Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari (Sequence) Maibigay nang malinaw ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o ikinikilos sa kwento. d. Paghahambing (Comparisons) Mahinuha ang pagkakatulad at pagkakaiba ng: 1. mga tauhan 2. panahon 3. pook e. Pagkakaugnay ng Sanhi at Bunga (Cause and Effect) Maibigay nang malinaw ang mga dahilan ng mga tiyak na pangyayari o kilos sa loob ng kwento. f. Mga katangian ng Tauhan (Character Traits) Masabi sa sariling pangungusap ang mga katangian ng tauhan sa kwento. 3. Pagbubuo ng Kaisipan (Reorganization) Pag-aanalisa, pagsasagawa, pagbubuo ng mga kaisipan o impormasyong malinaw na isinasaad ng kwento. Maaring gamitin ang mga sumusunod: Paggamit ayon sa talagang sinabi ng may akda Pagbibigay ng kahulugan o pagpapakahulugan Pagsasalin a. Pagbubukud-bukod ayon sa kategorya (Classifying) 1. tao 2. bagay 3. pook 4. pangyayari b. Pagbabalangkas (Outlining) Pagsasaayos ng akda ayon sa balangkas ng: Tuwirang pagpapahayag Pagpapakahulugan sa mga pahayag sa loob ng akda c. Paglalagom (Summarizing) Pagbubuod ng akda sa pamamagitan ng tuwirang pagpapahayag o pagpapakahulugan sa mga pahayag sa loob ng akda.

d. Pagsasama-sama (Synthesizing) Pagsasama-sama ng mga informasyon o ideyang nangaling sa ibat’t ibang pananaliksik. II.

Ikalawang Dimensyon –Interpretasyon (Interpretation) A. Kahulugan 1. Pagbasa sa pagitan ng mga pangungusap kung kwento at mga taludtod kung tula. 2. Pagkuha ng malalalim na kahulugan, bukod sa mga nakuha ng literal na kahulugan. 3. Pagbibigay ng inaasahang kahulugan ng mga salita na hindi tuwirang sinasabi sa aklat. 4. Paglalahad ng tunay na kaisipan ng may akda kasama pati ang mga implikasyon at karagdagang kahulugan nito. 5. Pagkilala sa tunay na hangarin at layunin ng may akda. 6. Mabigyan ng kahulugan ang kaisipan ng may akda. 7. Makilala at mabigyan ng kahulugan ang mga pamamaraan sa pagsulat at paggamit ng mga tayutay. 8. Pagbibigay ng kabuuan ng kwento na hindi malinaw na ipinapahayag ng may akda. 9. Pagsasaayos sa panibagong balangkas ng kaisipan ng may akda, pinalalawak ang kaisipang ito at isinasama sa mga ideyang nakuha ng bumabasa sa pagbasa. 10. Pagbibigay ng opinion at pala-palagay ayon sa mga kaisipan at informasyong malinaw na isinasaad ng akda. 11. Pag-aanalisa at pagsasama-sama upang magkaroon ng panibagong pananaw o mataas na pamantayan ng pag-unawa upang bayaan ang bumabasa na makapag-isip sa nais na ipakahulugan sa mahahalagang kaisipan ng may akda. B. Mga Kasanayang Napapaloob 1. Paghinuha (Inferring) a. Pagpapatunay o pagtatanggol sa detalye Pagbibigay ng haka-haka sa karagdagang bagay na maaaring naisama ng may akda na nakakatulong upang ito’y makapagturo, maging kawili-wili at makatawag pansin. 2. Mga Pangunahin Kaisipan Maibigay ang mga sumusunod na hindi gaanong naipahayag nang malinaw sa akda: a. pangunahing kaisipan b. ang ibig ipakahulugan c. paksa d. aral ng kwento

C. Pagkakasunud-sunod (Sequence) 1. Pagbibigay ng palagay kung anong mga kilos o pangyayari ang maaaring maganap sa pagitan ng dalawang malinaw na ipinahayag na mga kilos o mga pangyayari. 2. Pagbibigay ng haka-haka sa kung anu-ano ang maaaring susunod na mangyari kung ang akda ay natapos nang hindi inaasahan, ngunit ito’y pinabayaang mangyari. D. Paghahambing (Comparison) Mahulaan o mabigyan ng sariling palagay o masabi ang pagkakaiba ng: 1. mga tauhan 2. panahon 3. mga pook E. Pagkakaugnay ng sanhi at bunga 1. Paghahaka sa mga motivo ng mga tauhan at kanilang mga kinikilos ayon sa takbo ng panahon at pook 2. Pagbibigay ng palagay kung bakit isinasama ng may-akda sa kanyang panulat ang: a. mga kaisipan b. mha gayong pananalita c. katauhan ng tauhan F. Katangian ng Tauhan Pagbibigay ng haka-haka tungkol sa likas na ugali ng mga tauhan batay sa malinaw na palatandaangipinahahayag ng akda. 1. Pagkuha sa maaring kalabasan ng kwento Pagbasa sa unang bahagi ng akda at ibase sa pagbasang ito ang palagay sa maaringkahinatnanng akda. 2. Pagbibigay kahiluganng akda. Mahinilaan ang leteral na kahulugan ng matatalinghagang pananalitang nagamit ng akda. III. Ikatlong Dimensyon-Mapaniring Pagbasa (Critical Reading) A. Kahulugan 1. Pagbibigay halaga sa katumpakan ng pagbabasa 2. Tiyakin ang kaugnayan nito sa isang particular sa suliranin 3. Pagbibigay ng sariling pasya tungkol sa: a. katangian b. kabuluhan c. katumpakan d. pagkanakatotohanan 4. Pagbibigay ng sariling reaksyon tungkol sa mga kaisipang natutuhan o sa akdang nabasa a. naibigan o di naibigan sa pananaw ang akda b. sang-ayon o di sang-ayon sa sa kababasang akda

c. makikita ng mga kaisipang nakagugulo ng damdamin o kaya’ynakapagpapalubag-loob 5. Paggawa ng tiyak na pagpapasya sa pamamagitan ng paghahambing ng ipinahayag na mga kaisipan sa loob ng akda na: a. pamantayang galling sa guro, ibang tao o sa ibang babasahing pinangagalingan ng ginawang pananliksik b. pamantayang galling sa karanasan, kaalaman at pagpapahalaga ng mga bumabasa 6. Paghatol at pagbibigay-pansin sa katangian ng material na ginamit ayon sa: a. katumpakan b. pagiging kasiya-siya c. kung ito’y kinalulugdan d. kalimitan ng pangyayari B. Mga Kasanayang Napapaloob 1. Pagpapasaya kung ito’y maaring tunay na pangyayari o fantasya lamang batay sa karanasan ng bumabasa. 2. Pagpapasya kung ito’y katotohanan o opinion lamang, analisahin o tantyahin: a. ang pagsulat ay ibinase ayon sa kaalaman ng paksa ng mga bumabasa b. ang intension ng may akda Mga tanong ng maaaring sundan: a. Binibigyan ban g sapat na pagpapatotoo ang kanyang katapusan? b. Nagtatangka ba ang may akda na ibaling ang inyong pagiisip? 3. Pagpapasya sa katumpakan at kasapatan Paghambingin ang mga pinanggalingan ng informasyon patungo sa: a. pagkakasang-ayon at pagsalungat b. pagkabup o di-pagkabuo Tanong na maaaring sundan: Ang informasyon bang ibinibigay ng akda ay naaayon din sa inyong mga paksang binasa sa ibang wika? 4. Pagpasya sa kaangkupan Bininigyang pasya ang kasapatan nito alinsunod sa iba’t ibang bahagi ng akda. Sa anong bahagi ng kwento inilalarawang mabuti ang tunay na katangian ng pangunahing tauhan? 5. Pagpapasya sa pagpapahalagang moral Pasyahan ang kinalulugdan at kinasisiyahang ugali ng mga tauhan batay sa alituntunig moralidad o sistema ng pagpapahalaga.

Tanong na maaaring sundan: a. Tama ba o mali ang tauhan sa kanyang ginawa? b. Ang ikinikilos ba niya ay mabuti o masama? IV . Ikaapat na Dimensyon-Aplikasyon ng mga Kaisipang Nakuha sa Pagbasa A. Kahulugan 1. Malaman ang kahalagahan ng nilalaman ng binabasa sa karanasan ng bumabasa. 2. Maragdagan ang pansariling pang-unawa sa sarili. 3. Pagpapahalaga sa ibang tao, pag-unawa sa daigdig na kanyang tinanahanan at ang mga bagay sa mundo na nagpapakilos sa tao upang siya’y mag-isip, makadama at umasal ng kanyang ikinikilos. B. Mga Kasanayang Napapaloob 1. Pag-uugnay ng nilalaman sa personal na karanasan. Naranasan mo rin ba ang katulad ng nangyari sa tauhan sa loob ng kwento? Ano ang ginawa mo? 2. Aplikasyon ng mga kaisipan sa binasa sa kasalukuyang isyu at mga problema. Kung ikaw ang tauhan, ano ang iyong gagawin kung? 3. Pagbabalangkas ng mga prinsipyo o pamamaraan sa pagkilos Mula sa sitwasyon sa loob ng istorya, kunin ang tamang tuntuning o pamamaran ng bumabasa. 4. Pagsamahin ang mga kaisipang natutuhan sa binasa sa kabuuan ng karanasan ng bumabasa. Bilang isang estudyante, ano ang maaari mong gawin (ayon sa sitwasyon sa loob ng kwento)? V. Ikalimang Dimensyon-pagpapahalaga (Appreciation) A. Kahulugan 1. Pagdama sa kagandahan ng ipinahiiwatig ng nilalaman ng kwento. 2. Pagbasa upang matugunan ang bias ng sikolohiya ng pamamaraan ng may akda o masining na elemento nito. 3. Madama ang mga damdamin o kaisipang likha ng guniguni o mga damdamin ng mga tauhan sa kanilang pakikipagtunggali, papupunyagi at paghihirap. 4. Maipahayag ang mga damdamin(kasiyahan, kagalakan, kalungkutan, pagkabigo, pagdakila o kabaliktaran nito) ayon sa pamamaraan ng may akda sa kanyang: a. mabisang pagpapahayag b. pamamaraan ng pagbibigay ng mga katangian ng mga tauhan

B. Mga Kasanayang Napapaloob Pagdama sa nilalaman ng seleksyon. Masabi ang mga damdaming napapaloob sa seleksyon ayon sa: a. interes b. kagalakan c. pagkainip d. pagkatakot e. pagkayamot f. pagkagalit g. pagkasuklam h. kalungkutan i. iba pa

Related Documents