Slrp-history.docx

  • Uploaded by: Robert M. Viray
  • 0
  • 0
  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Slrp-history.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 452
  • Pages: 3
Diocese of Iba

San Lorenzo Ruiz Parish #117 Murphy St., Brgy. New Kalalake, Olongapo City Tel. No. (047) 222-5560 ǀ E-mail: [email protected]

Ang Kasaysayan ng Parokya ni San Lorenzo Ruiz, Olongapo City 1979 Ang kristyanong komunidad ng Kalalake at Pag-asa ay nagsimula sa pagtatag ng samahang KILUSANG ILAW , sa pamumuno ng redemptoristang pari Rev. Fr. David Tyther at ng mga kasamahang seminarista.

1986 Sa pamumuno ng samahang KILUSANG ILAW , nagkaroon ng pagdaraos ng misatuwing araw ng sabado sa ganap na ika-7:30 ng gabi, sa Barangay New kalalake day care center. Si rev. fr. Peter Kenny ang matiyagang nag-aalay ng misa at sa panahong ding ito itinatag ang Knights of the altar at parish choir.

1988-1989 Nagkaroon ng lugar na pagtatayuan ng gusaling dalanginan sa pangunguna ni Rev. Fr. Peter Kenny. Naging mabilis ang pagtugon sa mga hinihinging pangangailangan sa pagtayo ng gusali. Si Rev. Fr. Peter Kenny rin ang unang kura paroko sa itatayong simbahan na pinangalanang SAN LOENZO RUIZ. Sa panahon ding ito naitatag ang LEGION OF MARY.

1990 Sa taong ito sinimulan ang pagtatayo ng SAN LORENZO RUIZ at kaalinsabay nito ay ang pagbuo ng iba pang samahan at organisasyon tulad ng APOSTOLADO NG PANALANGIN, HOLY NAME SOCIETY, CURSILLO MOVEMENT, FAMILY LIFE AT CHARISMATIC PRAYER GROUP.

1991 Nasa kalahati pa lamang ang gusaling itinatayo nang biglang pumutok ang bulkang Pinatubo (Hunyo 15, 1991). Sa awa at gabay ng Poong Maykapal, hindi napinsala ang gusali, manapa’y naging kanlungan pa ito ng mga nawalan ng tahanan. Kinaumagahan matapos ang pagputok ng bulkan ay idinaos ang unang misa sa nakatayong kalahating parte ng bahay dalanginan. Ipinagpatuloy ang pagtatayo at pagbuo sa gusali sa loob ng limang buwan.

1992 Nadagdagan pa ang gusali sa pagkakaroon ng Rectory (Bahay Pari), tanggapan at Social Hall na siyang pagdarausan ng mga pulong pamparokya.

1993 Sa taong ito ay kinonsagra ang bahay dalanginan sa pangunguna at pag-babasbas ni Most Rev. Deogracias Iñiguez, Jr., D.D. at sa pamumuno ng kura paroko Rev. Fr. Peter Kenny at ng iba’t ibang organisasyon at samahan ng simbahan.

Diocese of Iba

San Lorenzo Ruiz Parish #117 Murphy St., Brgy. New Kalalake, Olongapo City Tel. No. (047) 222-5560 ǀ E-mail: [email protected]

1994 Sa masusing pagkakaisa at pagkakabuklod ng mga mananampalataya sa pangunguna ng iba;t ibang organisasyon at samahan, at sa patnubay ni Rev. Fr. Peter Kenny ay naging matagumpay ang layunin na bumuo ng isang komunidad na tatawaging parokya at ng isang bahay dalanginan na simbolo ng walang hanggang awa ng Diyos. Sa taong din ito ay nagkaroon ikalawang kura paroko ang simbahan, siya ay si Rev. Fr. Joebert Chiong.

Diocese of Iba

San Lorenzo Ruiz Parish #117 Murphy St., Brgy. New Kalalake, Olongapo City Tel. No. (047) 222-5560 ǀ E-mail: [email protected]

More Documents from "Robert M. Viray"