St. Paul University at San Miguel
(A Branch of St. Paul University Quezon City) Salangan, San Miguel, Bulacan
Ang Paglilitis kay Mang Serapio (Dennis S. Obispo)
Sacdalan, Alfrancis R. Paguinto SH 1 – St. Albert the Great
Ipinasa kay: G. Mike Irish Medrano
I.Panimula Ang Palabas na ginawa ng Society of Performing Arts Talents Development Guild, ay isinagawa nila sa paraang Pangpanitikan, Sarzuela, at naipasok din nila ang Komunikasyon. Dahil ayon sa Wikipedia, “Ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao” (ref#1) at nakikita natin na ang mga tauhan sa kwento ay tumutula ng mahusay at magpagkasabay sabay. At sa ganoong din paraan ng aking paghahanap, Ayon sa Wikipedia, “Zarzuela o Sarzuela is a Spanish lyric-dramatic genre that alternates between spoken and sung scenes” na nagsasabing ang Sarzuela daw ay isang madramatikong eksena na nagsasalit ng mga salitang ibinibigkas at ikinakanta, dahil makikita natin sa Palabas na ang mga tauhan ay may halong pagkanta sa kanilang pagtula at isang madramatikong eksena ang ating nakita noong ibinahagi ni Mang Serapio ang katangian ng kanyang asawa.