Si Biuag At Malana (kathlyn Vargas & Coz.)

  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Si Biuag At Malana (kathlyn Vargas & Coz.) as PDF for free.

More details

  • Words: 1,274
  • Pages: 7
Si Biuag ay isang katutubong taga – Enrile, na matatagpuan sa pinakatimog ng Cagayan. Nang siya’y ipinanganak, may isang napakagandang binibini ang dumalaw sa kanilang bahay. Siya ay walang kibo habang kibo habang nakatayo ng may respeto sa bata.Nalaman ng ina na ang bisita ay isa pa lang diyosa, ang ina ay lumuhod bago siya nagdasal n asana bigyan niya ng mahabang buhay ang anak. Ang diyosa ay hindi sumagot. Bagkus, sinabitan niya ng tatlong hiyas na bato sa leeg ni Biuag. Minsan, siya ay nahulog sa kanyang higaan na gawa sa kawayan at ang kanyang ulo ay nauntog sa gilingaan ng mais na gawa sa bato.ang bata ay hindi nasaktan. Hinda man lang siya umiyak. Sa paglipas ng panahon, nilangoy ni Biuag ang Ilog Cagayan, ang mga buwaya na humaharang sa tubig ang naghawan sa daraanan para sa kanya. Ang natitirang dalawang bato ay nagbibigay ng kakaibang lakas at bilis. Kayang tapatan ni Biuag ang bilis nang hangin. Nang siya’y labindalawang taong gulang, kaya na niyang ihagis ang kalabaw sa burol. Kaya niya ring hilain ang buong ugat sa pamamagitan ng isang kamay ng tanim na puno.Dahil dito, ang ibang palatandaanb ng kanyang mahiwagang kapangyarihan, ang mga tao nagaling pa sa malalayaong lugar ay pumunta para tingnan at sambahin siya. Sa kabila ng angkin niyang kapangyarihan, hindi pa rin masaya si Biuag, nakaramdam siya ng pagmamahal sa isang napakagandang binibini sa bayan ng Tuao. Ngunit wala ni isa ang makakapagsabi kung saan siya nagmula. Tila di maalis – alis niBiuag ang napakagandang binibini iyon. Nakaramdam di siya na magiging masaya kung wala ang binibini.

Sa kabilang dako, isang balita ang kanilang natanggap sa bayan ng Malaueg na ngayo’y tinatawag na Rizal, na may kapangyarihan na gaya ni Biuag. Nang si Biuag ay labinwalong taong gulang, isang malakas na bagyo ang sumira sa kanil;ang pananim. Ang bunga ng malagim na pangyayaring ito, ang mga tao ay namatay dahil sa gutom. Ang tangi nilang pag – asa ay kumuha ng pagkain sa Santo Nino. Ang ilog ay napakahirap tawirin dahil ang tulay ng ilog ay nasira at punong – puno ng buwaya. Si Malana ay nagkusang loob na gawin ang mapanganib na paglalakbay. Pagkatapos ng kanyang paghihirap, narating din niya ito. Siya ay may pitong bangka, dito niya inilagay kasama ng mga sako ng bigas at lumutang papataas sa ilog Chico at ilog Natalag. Ang mga tao ay kinakabahan sa kanyang pagbalik. Ipinagdasal din nila ang kanyang kaligtasan. Nang dumating na si Malana, napaiyak sila sa kaligayahan dahil sa wakas meron na silang makakain. Binigyan ni Malana ang bawat isa ng bigas at saka umuwi. Pagdating niya sa kanyang bahay, nakita niya ang pana sa upuan na gawa sa kawayan. Inisip niya na gawa ito ng kanyang ama. Inihanda niya ang pana saka itinira sa hangin. Ito’y papataas patungong himpapawid at surpresang bumalik sa kanya. Sa dulo nito ay may dalawang maliliit na bato na katulad ng nasa leeg ni Biuag. Narinig ni Biuag ang pagsamba ng mga tao kay Malana ngunit hindi niya bibigyang pansin. Ang tanging laman ng kanyang isip ay ang binibini. Isang araw, siya’y bumisita sa binibini. Nakita niyang nag iisa ang binibini, niyaya niyang mag pakasal sa kanya. Tumanggi ang magandang binibini sa paanyaya ni Biuag dahil si Malana ang kanyang minamahal. Nang narinig ito ni Biuag, siya ay nagalit. Sinabi niya na papatunayan niya na hindi karapat dapat si Malana sa pagmamahal ng binibini. Hinablot nito ang kanyang pinakapopular na sibat. Inihagis niya ito patungo sa bintana ni Malana. Ang sibat ay tumama sa pintuan nina Malana.

Nalaman ni Malana na ito ay pagmamay ari ni Biuag. Ang tagpong ito ay iasang pagtutuos. Si Biuag ay tumawa nang natanggap ang mensahe, “Ang iyong iniibig ay napakalakas”, sambit ni Biuag sa binibini. Lumubog ang araw nang umalis si Biuag sa bahay ng binibini, nakarinig siya ng libong tunog kung tawagin ay “patanggue”, na kung saan ang tubong kawayan na naglalabas ng kakaibang tunog kapag ito ay tumama sa palad. “Ano ang ibig sabihin nito?”, sabi ni Biuag. Sa di kalayuan, nakakita siya ng mga sundalong kalalakihan. Nalaman nila na ang mga sundalong kalalakihan ay katutubong mula sa Mlaueg, na pinangungunahan ng makisig na si Malana. Nang nalaman ni Biuag ang pagsugod nina Malana, siya ay galit nag alit. Nagsalita si Malana, “Ngayon, alam ko na kung bakit gusto mong makipagtuos sa akin, dahil gusto mo ang babaeng mahal ko, sabi ng diyos ‘wag mong angkinin ang hindi mo pagmamay – ari ‘, bibigyan kita ng isang pagkakataon, kung papayagan tayo upang malaman kung kanino siya karapat – dapat na mapunta ”, sabi ni Malana. Dumating ang araw ng pagtutuos. Ang balita ay kumalat nang napakabilis. Ang dalawang bundok, ang kapatagan, at lahat ng mga burol ay napuno ng mga tao para panoorin ang paglalaban. Nang si Biuag ay nakarating. May malaking puno ng niyog ang tumama sa ilalim ng kanyang kamay. Sa kanang kamay ay naroon ang kanyang nakakamatay na sibat. Pag karating sa tuktok ng bundok, narinig niya ang hiyawan ng tagahanga ni Malana. Naramdaman niya na gusto niyang utusan ang mga tauhan niya na patayin silang lahat. Tumayo si Malana sa tuktok ng bundok. Habang nagsasalubong si Biuag at Malana, nakita nila ang napakagandang binibini, na parang may panganib sa kanyang mukha. Nang dumating ang binibini, si Biuag ay sumigaw dahil sa kanyang galit,”Malana, ang pareho nating iniibig ay nasa ating gitna. Kung kasinlakas mo ako sa akala mo, “ humanda kang tanggapin ang regalo ko para sa iyo “.

Nang hindi mahintay ang kanyang sagot, itinapon niya puno ng niyog kay Malana. Ang mga tao ay napahinto sa paghinga. Ito ay napakabilis gaya ng pana, ang puno ay lumipad tungo sa hangin. Sinalo ito ni Malana at inunat ang kanyang braso gaya ni Biuag. Nang matapos, itinapon niya ito ngunit hindi sa kanyang kalaban kundi tungo sa Il – luru. Sa paghulog nito, ito ay nagging pinagmulan ng makapal na niyog. Mas lalong nagalit si Biuag. Inilagay niya ang kanyang sa ibaba, kung saan binitawan nito at muli itong ginawa. Ang mga tao ay nagulat. Nais angkinin ni Biuag ang puso ni Malana. Tinapon ni Biuag ang sibat patungo sa kinaroroonan ni Malana. “ Ihanda mo ‘yong sarili Biuag “, sambit ni Malana. “ Lahat ng ‘yong gamit pandigma ay nawala na, ngayon pagkakataon ko naman na sumugod “. Bago pa man matapos sa sinasabi ni Malana, tunalon si Biuag sa ilog sa ibaba, ihinagis ang bato at umalog ang bundok kung saan si Malana ay nakatapos. Nang si Biuag ay nagkita muli, siya ay nasa ibaba ng braso ng napakalaking buwaya, ang mga tao ay hindi muling nakita. Ibinukas niya ang bunganga ng buwaya para hamunin si Malana na para tumalon sa tubig. Tinanggap ni Malana ang hamon. Bigla nilang naramdaman na parang may nagmamasid , isang nakakasilaw na liwanag ang kumislap sa isang dako. May isang napakagandang dalaga ang lumitaw. Siya ay pumunta kay Malana at huminto. Ang dalaga ay tumingin kay Biuag at sinabing,”Ikaw ay may kapangyarihan, isa kang duwag sa pag kamit ng tulong sa bwaya, ako ang anak ng dyosa na nagbigay ng iyong kapangyarihan. Ikaw ay hindi karapat dapat sa regalong iyon”. Ginamit niya ang kanyang makapangyarihang sibat upang pagpalain ang mga tao sa ibaba at lumipad pahimpapawid tungo kay Malana. Nakaramdam si Biuag ng pagkapahiya sa sarili. Si Biuag ay tumalon sa ilog. Mula noon ay hindi na siya nakita muli.

Sinasabi at pinapaniwalaan nila na ang kanyang espirito ay naninirahan sa dalawang magkaibang bundok ng Il – luru. Malikhaing pagsusulat II

SALIN NINA : *KATHLYN KAYE S. VARGAS *BEA CAMILLE DE LEON *PAOLO CALUCAG

IPAPASA KAY: GINANG VICKY ADDATU

Related Documents