BY: KATHLYN KAYE S. VARGAS
Sa isang malawak na kagubatan ay may nakatirang napakagandang pabo na nagngangalang “Pabora”.Siya ay may angking kagandahan kaya lahat ay nabibighani sa kanya. Madaling araw pa lamang ay lumabas na sa tahanan si pabora upang mamasyal, kahit mahamug – hamog pa at madilaim pa. Sa kanyang pamamasyal, bigla itong nakaramdam ng pagod at panghihina kaya naiasipan niyang magpahinga sa tabing batis. Habang siya ai nagpapahinga , napansin aiya ng manok na si “Manokor” na nauna sa batis. Napansin niManokor na mukhang pagod na pagd siya kaya nilapitan at inalukan niya ng maiinom. “Mawalang galng lang po binibini? Napakaganda ng iyong balahibo at mukhang pagod ka ata”, pagpuri ni Manokor. “Kung iyong mamaaratin, puwede bakitang maalok ng maiinom at makakain?”, tanong nito. “Napakaganda ng iyong hangarin, sige pagbibigyan kita sa iyong kagustuhan”, sagot ni Pabora. At iyon nga ang nangyari. Habang kumakain, sila’y magpakilala at nagkukuwentuhan sa isa’t isa. Nang sila’y uuwi na
niyaya ni Manokor ang binibini upang ihatid at bigla naman itong pumayag. Kinabukasan sinundo ni Manokor si Pabora nagaya na dati. Sila ay namasyal kung saan – saan hanggang dumilimm ang kapaligiran. Araw – arwa nag anon ang nangyayari hanggang nagging matalik na magkaibigan ang dalawa. Laking tuwa ni Pabora dahil sa wakas ay nagkaroon na siya ng matalik na kaibigan. Gayundin si Manokor na tuwang - tuwa, “Yesss! Sa wakas pagkakataon ko nang magtapat sa kanya ng aking nararamdaman”, sabi sa sarili. Niyaya ulit ni Manokor ang kaibigan na magpunta sa una nilang pinagpuan at doon nga siya nagtapat ng kanyang pagmamahal. “Binibining Pabora, hindi ko inakalang mamahalin kita ng ganito at tila’y nahulog ba ang loob ko sa’yo’’, wika ni Manokor. Nagulat ang binibini sa sinabi nito, nagalit siya kaya umalis at nagmukmok sa isang sulok at dun bumuhos ang kangyang mga luha. “Akala ko siya na nga ang tunay at matalik kong kaibigan, pero hindi pala, iba pala ang turing niya sa’ki, ginamit lang niya abg pagkakaibigan naming”, sabi ni Pabora habang umiiyak. Di niya
inakalang narinig pala ito ni kawitan at sinabing, “Maari bang makipagkilala?”, wika nito. “Sino ka?”, tanong naman ng isa. “Ako?, ako si Kawita , isang matapang at makisig na tandang’’, sagot niya. “Ah! Ganun ba?”, sang – ayon ni Pabora. Lalo siyang nalungkot. Kaya naman nag – isip si Kawitan upang mapasaa siya. Siya ay nagpatawa at naging magaan ang pakiramdam ni Pabora. “Isa kang napakagandan, kaya hindi ka dapat malungkot”, sambit ng isa. ‘sa iyaong kagandahan nabibighani mo ang aking puso at pilit mo itong hinihila nang tuluyan”, dagdag pa nito, saka sabing,”Maaari ko bang ipagtapat ang tunay kong nararamdaman para sa iyo?”. “Hay! Lahat ba kayo ay ngkakagusto sa akin? Ano ba abg kagandahang meron sa ‘kin?”, taning ni Pabora. Siya ay hndi mapakali sa nangyayari. Nag – isip siya. “Ah! Slam ko na. Kung paano ko sosolusyunan ang suliraning ito”, tuwang sabi niya.”Tama! napakagandang ideya nga ito, humanda sila”, Kinabukasan nakipagkita si Pabora kina Manokor at Kawitan. Ang tatlo ay nagtagpo sa tbing ilog. Laking gulat ni Manokor nang biglang dumating si Kawikan at sinabing, “Ikaw mortal king kaaway, bakit a
naririto?”. “Ako dap tang magtaning kung bakit ka naririto? Aba! Aba! Aba!”, galit na sabi ni Kawitan. ‘Ibig makipagtagpo ng mahal kong Pabora sa akin”, paliwanag ni isa. ‘Hindi, ako!”, sambit no Kawitan. “Tumahimik kayo! Sinadya kong pagtagpuin kayo, alam natin na parehas kayo ng minamahal, at ako iyon. Napag – isip – isip ko na hindi ako maaaring mamili, kaya magbibigay ako ng hamon, na kung ang mananalo ay siyang aking pipiliin”, wika ni Pabora. “Hamon? Maganda nga iyan, tiyak ako ang magwawagi’, pagmamayabang ni Kawitan. “Anong hamon?”, sabi ni Manokor. “Isang karera”, sagot naman ng binibini. “Aha! Napakaganda ng iyong napili, dyan ako magaling’, pagmamataas ulit ni Kawitan. “Oo nga”, sang – ayon naman ng isa habang nanginginig. “Nanginginig ka ata Manokor? Wag mong sabihing natatakot ka sa ‘kin?”, wika ng mayabang na si Kawitan. Di nakaimik si Manokor sa takot. “Sige simulan na ang laban isa, dalawa, tatlo handa takbo! “, sigaw ni Pabora. Dali – daling tumakbo si Manokor ngunit agad naming naabutan ng isa. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para abutan si Kawatan hanggang malapit na sa dulo. Sa kabilang panig, “Ngayon
pagkakataon ko nang biglain ang dalawa sa plano ko”, tuwang sabi ni Pabora. Nang malapit na sa dulo ng karera. Ang dalawa ay may naririnig na sumisigaw. ”Tulong! Tulong! Tulungan niyoako!”, sigaw na pamilyar na boses. Biglang napahinto ang dalawa. “Si Pabora, boses niya iyon, baka nanganganib ang buhay niya?”, pag – aalaa ni Manokor. ‘Hindi naman ata siyaiyon? Nanonood lang sa atin ‘yon”, sagot naman ng isa. “Ano kaya? Itutuloy ko ba o hindi?”, pagdadalawang isip ni Manokor. “Sige na nga tutulungan ko ang sinumang nangangailangan ng tlong ko”, dagdag nito. “Ahhh, basta itutuloy ko ang labng ito, mas mahalaga ito”, desisiyon ng kalaban. Hinanap ni Manokor kung saan nagmumula ang boses. Sa may ilog nakita niya si Pabora na nalulunod. Di nagdalawang – isip si Manokorna tulungan at nilangoy nga niya ang ilog upang sagipin si Pabora. Iniahon niya ito kahit pa napakahirap, ngunit kinaya niya para lamang sa kanyang minamahal. Sa kabilang dako, saying - saya si Kawitan dahil sa kanyang pagkapanalo at sa pagkakataong mapapasakanya ang babaeng kanyang iniibig, ngunit bigla itong naputol nang dumating si
Manokor at Pabora. “Nanalo ka nga pero mas malaki naman ang natalo sa iyo”, sambit ni Pabora. “At ngayon kilala ko na ang may ginintuang puso na aking iibigin at siyang umiibig sa ‘kin ng tunay”, dagdag nito, sabay sabing, “Wang iba kundi si Manokor”. Nagulat at hindi makapaniwala sa narinig at sinabing, ”aking reyna maraming salamat dahil pinaunlakan mo ang pagmamahal ng aking puso. Pangako gagawin kitang sentro ng aking puso at maging sa aking buhay”, pangako niya habang nakaluhod sa kanyang harapan at sabay sabing, “Pglilingkurankita habang buhay at tiyak di ka mag sisisi, Oh! Aking Reyna”. Napahiya si Kawitan sa sarili kaya mabilis na tumalilis. Siya ay nagsisisi sa kanyang pagkakamali at sinabing din a muling gagawin. Patuloy siyang naglakbay sa paghanap ng kanyang kapalaran. Itinatak niya sa kanyang isipan ang “Ang tunay na pag – ibig ay pinagtitiyagaan, Hindi kinukuha sa madalian.