Semantiks At.docx

  • Uploaded by: sammy
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Semantiks At.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,522
  • Pages: 7
Semantiks at Pragmatiks ·

Ano ang semantiks?

Nabanggit sa simula ng libro na ang grammar ng wika ay binubuo ng fonetiks, fonoloji, morfoloji, sintaks at semantiks. Ang unang apat na nabanggit ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga form at patern ng wika. Ang semantiks naman ang pag-aaral mismo ng kahulugan ng wika. Sinabi ni Matthews, hiwalay ang semantics sa grammar dahil ang grammar ay pagaaral sa formal na patern ng wika. Ayon din kay Harris, sakop ng ilang disiplina ang pag-aaral ng kahulugan dahil ang deskriptiv-linggwistiks ay hindi tumutukoy sa kabuuang sakop ng pagsasalita. Sina J.Katz at J.Fodor ang gumawa ng pag-aaral para maintegreyt ang semantic component sa freymwork ng jenerativ-gramar nang kanilang libro na The Structure of Semantic Theory nung 1963. Ayon sa kanila, ang semantic-tyuri ay nagpapaliwanag ng kakayahan ng spiker na magprodyus at makaintindi ng infinit-set ng mga sentens ng isang wika. Ayon kay Simpson, ang interpreteytiv na kakayahan ng isang spike rang dinedeskrayb at ipinapaliwanag ng semantic-tyuri. ·

Kaahulugan ng kahulugan sa wika

Ayon kay Lyons, ang mga kahulugan ay tumutukoy sa mga ideya o konsepto na pweding ilipat mula sa isipan ng nagsasalita tungo sa isipan ng tagapakinig sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga ito sa wika. Tinatawag naming konsepto o mental-imeyj ang mga paglalarawang ito sa isipan ng tao. Halimbawa kung sa Ingles ginagamit ang salitang rice para sa luto, sa Tagalog ginagamit ang mga salitang bigas kung hindi pa luto, kanin kapag luto na ito, bahaw para sa kaning-lamig, palay para sa halaman nito at mumo para sa butyl ng kanin na naiwan sa plato. Ayon kina O’Grady et al., ang kahulugan ng wika ay ang mga mensaheng inihahatid ng ating mga sinasabi. ·

Pag-ekspres ng Konsepto

Hindi lahat ng konsepto ay malinaw ang kahulugan subalit may mga konsepto ring kaagad naibibigay ang kahulugan nito. Sa halimbawa tungkol sa Ingles rice at iba pang salitang Tagalog ito ay tinatawag na leksikalisasyon. ·

Pagpepresent ng Kahulugan Ipapaliwanag dito ang mga term na denotasyon at konotasyon, ekstensyon at intension

sa kahulugan at ang tyuri ng komponensyal-analisis. ·

Denotasyon at Konotasyon

Ang denotasyon o denoteytiv na pagpapakahulugan, ibinabagay ang kahulugan ng salita o preys sa mismong referent o tinutukoy. Ang konotasyon naman na pagpapakahulugan, nag-aasosyet tayo ng iba’t ibang kahulugan sa paggamit natin ng isang salita o preys. ·

Ekstensyon at Intensyon

Ang ekstensyon ng isang salita sa mga tinutukoy nito sa mundo. Ang intension naman ay tinutukoy nitong konsepto. ·

Komponensyal-analisis

Ang semantic-fityur ay isang tyuring panglinggwistiks na nagpapaliwanag ng kahulugan ng isang salita gaya ng nawn. Ayon naman kina O’Grady et al., nagagamit din ang komponensyal-analisis sa mga verb. Inaanalays ang ilang verb batay sa pagbabago ng pusisyon, pagpapalit ng pagmamay-ari at pagbabago ng pagkatao. ·

Semantic na Relasyon ng Kahulugan sa Salita at Sentens

Dahil sa angking kahulugan, nagkakakroon ng semantic na relasyon ang mga salita tulad ng mga sinonim, antonym, polisemi at homofoni. Tinatawag na sinonim ang mga salita at mga preys na magkakapareho ang kahulugan. Tinatawag naman na antonim ang mga salita o preys na magkasalungat ang kahulugan. Polisemus ang tawag sa mga salitang may dalawa o higit pang kahulugan na magkaugnay. Tinatawag na mga hofomon ang mga salitang pareho ang tunog pero magkaiba ang kahulugan. Ang semantic na relasyon ay makikita rin sa parafreys, enteylment at kontradiksyon. Parafreys ang isang sentens na may magkaparehong kahulugan. Sinasabing may enteylment ang dalawang sentens kung bibigyan ng katotohanan ng pangalawang sentens ang sinasabi ng unang sentens. Kontradiksyon naman ang tawag sa relasyon ng mga pares ng sentens na di magkakaugnay. ·

Sintaktik-straktyur at interpretasyon ng Sentens

Malaki ang relevans sa kahulugan ng mga sentens pati ng mga preys. Ayon kay Cann, tinatawag na prinsipol ng komposisyonaliti ang tyuring ito na nagsasabing ang kahulugan ng isang sentens. ·

Tematik-rol

Ipinapaliwanag nito ang papel o rol na ipina[pahayagng isang particular na bagay sa isang aktibiti sa loob ng sentens. Ayon kina O’Grady et al., ang Tematik-rol ay isang leybel na ginagamit para ikategorays ang relasyon sa pagitan ng mga bahagi ng isang sentens. Gumagamit sila ng: eyjentang gumagawa ng aksyon; peysyent/tema-ang tao o bagay na dumaranas ng pagkilos; ekspiryenser-ang entity na dumaranas ng kalagayang ipinapahayag; benefaktiv-ang nakikinabang sa aksyon; sors-ang pinanggagalingan ng isang bagy bunga ng aksyong ipinapahayag na aktibiti; gowl-ang patutunguhan ng aktibiti; instrument-giagamit sa aktibiti; at lugar-kinalalagyan o pinangyayarihan ng aksyon. ·

Interpretasyon ng mga Pronawn

Ang sintaktik-straktyur ay mahalaga rin sa semantic na interpretasyon ng mga pronawn tulad ng he, she, himself, herself o sya, sarili nya, kanya at marami pang iba. Ang antisident ng isang pronawn ang element sa sentens na nagtatakda ng interpretasyon nito. ·

Iba pang Factor Kaugnay ng Interpretasyon ng mga Sentens

Sa pag-aaral ng kahulugan sa wika malaki din ang papel ng sinasabing mga factor na ekstra-linggwistiks sa interpretaston ng mga sentens tulad ng paniniwala, atityud, intension ng mga nag-uusap at maging konteksto ng pag-uusap sa interpretasyon na ipinapahayag sa partikular na sitwasyon. ·

Ano ang Pragmatiks?

Ang pragmatics ay ang pag-aaral kung papaano iniimpluwensyahan ng konteksto ang paraan ng paghahatid ng impormasyon ng mga sentens. Samakatwid, ito ay pag-aaral ng aktwal na pagsasalita. ·

Mga Aktwal na Pagsasalita

Maraming bagay ang nagagawa natin sa pamamagitan ng pagsasalita. Tinatawag naperformativ-verb tulad ng mangako, ipangako at iba pa. kung saan ginagamit sa isang sentens. ·

Pwersa ng Layunin

Ang pwersa ng layunin ang naiintindihang intension ng nagsasalita sa punto de bisita ng nakikinig. May dalawa itong klase: (1) implisit, ang pang-ilalim at hindi sinasabi, (2) explicit, ang direk na sinasabi. Tatlo ang implisit na pwersa: asersyon o pahayag, interogativ o yanong at imperative o utos. Asersyon ang isang pahayag na naghahatid ng impormasyon at ito’y maiintindihan na totoo o hindi. Interogativ naman ito kapag gusto nating makakuha ng impormasyon. Imperativ naman kapag gusto nating pakilusin ang iba.

·

Mga Prinsipol na Kombersasyon

Ang prinsipol ng kombersasyon ay may kinalaman sa mga inaasahan ng sinumang nakikinig sa nagsasalita o ng lahat ng mga nag-uusap sa isang kombersasyon ang mga ito. Kooperativ-prinsipol ay may pangkalahatang gaydlayn para sa pagpapalitan ng mga pahayag sa isang kombersasyon. Ayon kay Paul Grice ang mga kombersasyunal-maksim na ginagamit para maging akma ang mga pahayag ng mga mag-kausap sa isang kombersasyon. Ang mga ito ay maksim na kwantiti, kwaliti, relevans at maner. Sa maksim na kwantiti kailangang gawing imformativ at naaayon sa hinihingi ng pagkakataon ang kontribusyon ng nagsasalita sa usapan. Sa maksim na kwaliti hindi tayo dapat magbigay ng impormasyon tungkol sa isang bagay na hindi natin alam kung totoo o kung kulang an gating evidens. Sa maskim na relevans ipinapalagay ng nakikinig na makabuluhan sa paksang pinag-uusapan ang sinasabi ng nagsasalita. Sa maskim na maner ipinapalagay na maliwanag at hindi Malabo ang sinasabi ng nagsasalita na hindi ito ipagkakait ang anumang bagay na importante. ·

Mga Pagpapalagay

Ito ay tungkol sa kung ano ang inaakala ng nagsasalita at nakikinig na alamng bawat isa bago ang aktwal na pagsasalita.

Larangan ng Pragmatiks ANO ANG PRAGMATIKS? - ANG PRAGMATIKS AY ISANG SANGAY NG LINGGUWISTIKA NA INILALARAWAN BILANG PAG-AARAL NG UGNAYAN NG MGA ANYONG LINGGUWISTIKO AT MGA GUMAGAMIT NITO. AYON KAY YULE,1996:

Yule “BINIBIGYANG-PANSIN DITO ANG GAMIT NG WIKA SA MGA KONTEKSTONG PANLIPUNAN GAYUNDIN KUNG PAANO LUMILIKHA AT NAKAUUNAWA NG KAHULUGAN ANG TAO SA PAMAMAGITAN NG WIKA.” NAKATUON ANG LARANGAN NG PRAGMATIKS SA KOMUNIKATI BONG AKSYON SA LOOB NG KONTEKSTONG SOSYOKULTURAL., SA MADALI NG SALITA, BINIBIGYANG PANSIN ANG KAANGKUPAN NG GAMIT NG WIKA SA ISANG PARTIKULAR NA SITWASYON. PARA KAY FRASER 2010: “NAKAPALOOB SA KAKAYAHANG ITO ANG PAGPAPARATING NG MENSAHENG NINANAIS--KASAMA ANG LAHAT NG IBA PANG KAHULUGAN--SA ANUMANG KONTEKSTONG SOSYO-KULTURAL.” PARA KAY CHOMSKY:

Chomsky

“ANG KAKAYAHANG ITO AY TUMUTUKOY SA KAALAMAN KUNG PAANO NAIUUGNAY ANG WIKA SA SITWASYON NA PINAGGAGAMITAN NITO.” SANG-AYON NAMAN KINA BADAYOS AT MGA KASAMA 2010: ANG PRAGMATIKS AY KINAPAPALOOBAN NG TATLONG PANGKALAHATANG KAKAYAHAN SA KOMUNIKASYON: 1. ANG GAMIT NG WIKA SA IBA’T IBANG LAYUNIN GAYA NG PAGBATI, PAGBIBIGAY IMPORMASYON, PAGNANAIS, PAGHILING, AT PAGBIBIGAY PANGAKO. 2. PAGHIRAM O PAGBABAGO NG WIKANG GAGAMITIN BATAY SA PANGANGAILANGAN O INAASAHAN NG TAGAPAKINIG AT/O SITWASYON. 3. ANG PAGGAMIT NG TUNTUNIN SA ISANG TALASTASAN AT MGA NARATIBONG DULOG GAYA NG PAGKUKUWENTO, PAGBIBIGAY NG ULAT, AT IBA PA.

PRAGMATIKS SA KOMUNIKASYON SALIGAN NG LARANGAN NG PRAGMATIKS ANG PAG-AARAL NG WIKA MULA SA PANANAW NG MGA GUMAGAMIT NITO, PARTIKULAR ANG KANILANG PAGPIPILIAN, ANG MGA BALAKID NA NARARANASAN SA PAGGAMIT NG WIKA SA ISANG INTERAKSIYONAL NA KONTEKSTO, TINATAYA SA TEORYANG PRAGMATIKS NA ANG ISANG MAHUSAY NA DISKURSO AY PALAGING NAKABATAY SA KINALALAGYANG SITWASYON NG MGA TAONG SANGKOT SA ISANG USAPAN. MAHALAGANG ELEMENTO NG KAKAYAHANG PRAGMATIK ANG PAGALAM SA KUMBENSIYON NG SOSYOLINGHUWISTIKA UPANG MAISAKATUPARAN NANG MAY KAANGKUPAN ANG GAMIT NG WIKA SA ISANG KONTEKSTO. MAKAKAMTAM ITO SA PAMAMAGITAN: * PAG-ALAM SA LAYUNIN NG PAKIKIPAG-USAP MGA SANGKOT SA USAPAN *PAKSA NG USAPAN *SITWASYONG UMIIRAL SA USAPAN

*UGNAYAN NG

ANG PAGSUSURING PRAGMATIK AY NAKATUON SA KUNG ANO ANG PAKAHULUGAN SA SINASABI O ISINULAT KAYSA MISMONG KAHULUGAN NG MGA SALITA, PARIRALA, AT PANGUNGUSAP. ANG PAGSUSURING PRAGMATIK SA KAHULUGAN NG MGA PAHAYAG AT NAUUGNAY SA PAG-AARAL NG MGA BAGAY NA NAILALAHAD NG TAGAPAGSALITA/MANUNULAT AT BINIBIGYANG PAGPAPAKAHULUGAN NG TAGAPAKINIG/MAMBABASA. PAUL GRICE (GRICEAN PRAGMATICS) PARA SA KANYA, ANG BAWAT MENSAHE AY MAYROONG KAHULUGAN PARA SA MGA TAGAPAGSALITA (SPEAKER MEANING) GRICE

Related Documents


More Documents from ""