Script-ng-el-filibusterismo1.docx

  • Uploaded by: Rey Alegria
  • 0
  • 0
  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Script-ng-el-filibusterismo1.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 2,668
  • Pages: 6
SCRIPT NG EL FILIBUSTERISMO Scene: Ibarra: Bilisan mo!! Nandyan na sila! (Pinagbabaril ng mga Guwardiya Sibil) Tao1: Ngunit Ginoo lubhang ahhhh... (Tinamaan ang tao1 sabay talon ni Ibarra) (Lalabas si Rizal at babarilin ng Guwardiya Sibil) (Mga tauhan sa unang tagpo ay magsasagwan habang sumisigaw ang Kapitan ng BAPORP, ESTRIBORP..) Scene: SA KUBYERTA Donya Victorina : buenos días a todos ustedes! Kalahati lamang ang takbo ng makina, Kapitan, Bakit hindi natin bilisan? Kapitan: Kapag bumilis pa’y maglalagos na tayo sa palayang iyon Ginang.. (sabay kindat kay Doña Victorina) Donya Victorina: Mangyari ay wala ni isa mang maayos na lawa sa lupaing ito! (nagkatinginan ang mga prayle) Simoun: Ang lunas ay napaka dali (slang) , at sa katotohanan ay di ko alam kung bakit wala ni sinuman ang nakaisip nito. (tinignan siya na may pagtataka) (tumuro sa isang dako at sinundan ng mga mata nang mga naroroon) Humukay ng isang tuwid na kanal buhat sa bunganga ng ilog hanggang sa l abasan at paraanin sa Maynila; alalaong baga’y magbukas ng isang bagong ilog sa pamamagitan ng paggawa ng kanal at sarhan ang dating ilog Pasig. Don Custodio: Ngunit saan kukuha ng ibabayad sa manggagawa? Simoun: Walang magugugol, Don Custodio, Pag ka’t mga bilanggo ang gagawa. Don Custodio: Walang sapat na bilanggo! Simoun: Kung gayo’y piliting gumawa ang mga mamamayan bata man o matanda! Don Custodio:

Kaguluhan lamang ang ibubunga niyan! Simoun: (tatalikod) Mga kaguluhan, ha! ha! Nag alsa na ba kahit minsan ang bayang Ehipto? Nag alsa na ba ang mga bilanggong Hudeo laban sa banal na si Tito? Tao kayo, akala ko’y lalo kayong nakauunawa sa kasaysayan! Don Custodio: Ngunit ang iyong mga kaharap ay di mga Ehipsyo ni Hudeo. At ang l upaing ito ay hindi miminsang naghimagsik, sa mga panahong ang mga tagarito ay pinipilit na maghakot ng malalaking kahoy upang gawing mga daong, kung hindi dahil sa mga pari... Simoun: Ang mga panahong yaon ay malayo na, ang mga pulong ito ay hindi na muling maghihimagsik, bigyan man sila ng lalong maraming gawain at patawan man sila ng lalong mataas na buwis. Don Custodio: Isang mulatong Amerikano! Ben Zayb: Indiong Ingles! Scene: SA ILALIM NG KUBYERTA Kapitan Basilio: Kamusta na a ng kalagayan ni kapitan Tiyago? Basilio: Tulad ng dati, ayaw pa rin niyang magpagamot at ngayon po ay inutusan akong pumunta sa San Diego upang tingnan ang mga paupahang bahay nito. Kapitan Basilio: (pailing na sumagot) Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago, wala pa ang droga na iyan. Hindi ko rin lubos maisip kung saan ba nagmula ang masamang gamot na iyan. Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay hindi isang gamot na katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamang katutubo pa lang sa ganitong kapanahunan, hindi ba, Basilio? Basilio:

Sang ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (palihim na napangiti sa sinabi ng kasama) Kapitan Basilio: Sa pagkakatanda ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga! Ngunit ito’y hindi gaanong napapansin dahil abala ang marami sa pag aaral. Maiba ako, kamusta na nga pala ang itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila? Basilio: Mabuti naman po, nakahanda na po ang mga guro at ang paaralang gagamitin Kapitan B asilio: Palagay kong di matutuloy iyon dahil tututulan ni Padre Sibyla. Isagani: Matutuloy po sapagkat hinihintay na lang po namin ang permiso pagkatapos na makipagkita ni Padre Irene kay Kapitan Heneral. Niregaluhan namin ng dalawang kabayong kastanyo at nangakong tutulungan niya kami. Kapitan Basilio: Saan kayo kukuha ng pera? Isagani: Aambag ang bawat eskwela, ang mga guro ay hati sa Pilipino at Kastila. Ang kagamitan naman ay handog ng mayamang si Macaraig at ang isa sa kanyang bahay. Kapitan Basilio: Mabuti kung ganoon. Sana’y magtagumpay kayo sa inyong plano. Paano, mauna na ako sa inyo. Kailingan ko ng pumunta sa itaas. Maiwan ko na kayo. Basilio: Maiba nga ako, ano nga pala ang sabi ng iyong tiyo tungkol kay Paulita...? (napangiti lamang si Isagani) Basilio: Teka, kaibigan... (natatawa) tila yata ikaw ay namula nang ating mapagusapan ang iyong kasintahan! Ang umiibig nga naman!!! Sabagay ay talaga namang kaibig ibig ang iyong kasintahan, maganda na’y mayaman pa. Kaya lang ay... Isagani:

Kaya lang ay ano? (kinakabahan at umarko ang kilay) Basilio: Teka, wag kang kabahan... ang gusto ko lamang sabihin ay kaya lang, lagi niyang kasama ang tiya niyang ubod ng sungit (bubulong ngunit malakas pa rin) Palibhasa’y ma tanda na! Basilio & Isagani: Hahahahaha!!!! (dumating ng mag aalahas na sa Simoun at nakisalo sa usapan nang dalawang binata) Simoun: Magandang araw sa inyo. Maaari ba akong makisali sa usapan ninyo? Tila kayo’y nagkakatuwaan. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon? Basilio: Ganoon na nga po Ginoong Simoun. Simoun: At sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya? Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi pa po ba kayo nakakarating sa bayan nila? Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao doo’y hindi naman bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon. Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili ng mg a gamit na hindi naman namin kailangan. (ngumiti ng pilit si Simoun ngunit bakas ang kanyanggalit) Simoun: Bueno heto saluhan niyo na lamang ako sa pag inom ng serbesa Basilio: Salamat Ginoo, ngunit hindi kami umiinom ng alak Simoun: Hindi umiinom? Ika nga ni Padre Camorra masama raw ang puro tubig ang iniinom. (gumuhit ang inis sa mukha ni Isagani) Basilio: Kung tubig lang ang iniinom ni Padre Camorra ay wala sigurong tsismis silang maririnig. Isagani:

‘Di tulad ng alkohol, ang matabang na tubig ay nakamamatay ng apoy. At kapag tubig ay nagalit, iyon ay maaring lumawak at maging dagat na handang magwasak at pumatay, kapag iyon ay pinainit at naging singaw ay handang tumunaw. (natigilan si Simoun at halatang namangha) (tinignan ni Basilio ang dalawa saka siniko si Isagani) Basilio: Ipagpaumanhin ninyo Ginoong Simoun, kami’y mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking kasama ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan. Simoun: Walang anuman. Pangarap, Basilio p awang mga pangarap! Basilio: Napakatapang mong sumagot kay Don Simoun. Isagani: Ang taong iyan ay nakapanghihilakbot! Halos kinakatakutan ko! Basilio: Siya ang tinatawag na “Kayumangging Kardinal!” Isagani: Kardinal? Basilio: Kamahal mahalang itim kung siya mong ibig. Si Don Simoun ang sanggunian ng Kapitan Heneral! (Sa kabilang banda) Kapitan: Padre Florentino! Halina sa itaas! Naroon sina Padre Camorra at Padre Salvi! Padre Florentino: Salamat Kapitan, subalit.. Kapitan: Kung hindi kayo papanhik sa kubyerta ay iisipin ng mga prayleng ayaw kayong makisalamuha sa kanila Padre Florentino: Ako’y susunod na lamang.. Kakausapin ko lamang muna ang aking pamangkin na si Isagani. ( lalapitan si Isagani) Isagani, huwag kang aakyat ng kubyerta habang ako’y naroroon, baka magpakalabis na tayo sa kagandahang loob ng Kapitan! Isagani: Opo! (pag alis ni Padre Florentino) Hindi iyon

ang tunay na dahilan. Ang totoo’y ayaw niyang makausap ko si Donya Victorina! Sce ne: SA KUBYERTA (sumungaw ang ulo ni Simoun sa may hagdanan) Don Custodio: (pasigaw na anunsyo) Ano, saan naman kayo nagtago? Hindi ninyo nakita ang bahaging pinakamainam sa paglalakbay. Simoun: Ay naku! Hindi ako nagtatago. Nakakita na ako ng mga ilog at tanawin. Ang may kabuluhan lamang sa akin ay yaong may mga alamat! Kapitan: Kung sa alamat lang din naman ang pag uusapan, mayroon din niyan ang ilog Pasig. Nariyan ang malapad na bato, batumbuhay na sagrado bago pa dumating ang mga kastila at pinagtitirahan ng mga espiritu. May isang alamat, ang alamat ni Doña Geromina na... na... (naghahanap at biglang itinuro si Padre Florentino) na alam ni Padre Florentino. Padre Sibyla: (nagmamalaki at nag halukipkip) Lahat ng tao ay nakakaalam niyan! Doña Victorina: Ngunit padre hindi ko pa alam ang alamat na iyon? Ben Zayb: Siyanga! Ano ba ang tungkol sa kwentong iyon padre? Padre Sibyla: (naglakad ng kaunti at tumanaw sa malayo) (inaakto ang mga pangyayari) Sabi nila ma y isang estudyante... Ben Zayb: Mawalang galang. ngunit Kapitan, alam ba ninyo kung saang dako ng lawa napatay ang isang nagngangalang Gueverra, Navarra o Ibarra? Doña Victorina: Ibarra, Crisostomo Ibarra iyon ginoong Ben Zayb (pinalo ng pamaypay si Ben Zayb) . Siyanga pala! Saan nga ba, Kapitan? May naiwan kayang bakas sa tubig?

(natahimik ang kapitan at napukol ang tingin ng lahat sa kanya) (sound effects: kagimbal gimbal ) Kapitan: (itinuro ang isang direksyon at napukol ang tingin ng lahat kay Simoun) Hindi sa kanya! Doon...tumingin kayo sa malayo... (sabay tingin ng lahat sa malayo) Ayon sa kabo ng mga kawal na tumugis kay Ibarra, nang malapit na siyang masukol, ay tumalon at sumisid. Sinasabing may mga dalawang milya ang kanyang nalala ngoy at sa minsang litaw ng ulo niya sa tubig ay inulan siya ng bala. Doon sa malayo ay nawala na siya sa kanilang paningin, ngunit ang tubig sa mga dakong iyon ay nagkulay dugo. Ngayo’y hustong labintatlong taon na ang nakakalipas simula nang iyan ay mang yari. Ben Zayb: Kung gayon, ang kanyang bangkay ay... Padre Sibyla: Nakasama sa bangkay ng kanyang ama! Padre Salvi: Hindi ba’t isa rin siyang filibustero? Ben Zayb: Iyan ang tinatawag na napakamurang paglilibing, hindi ba Padre Camorra? Padre Camorra: (patawang sumagot) Lagi ko ngang nasasabi na ang mga filibustero ay hindi maaasahang magkaroon ng maringal na libing. Ben Zayb: (nabaling ang pansin kay Simoun) Ngunit ano ang nangyayari sa inyo, Ginoong Simoun? Nahihilo ba kayo? Kayo pa naman na datihang manlalakbay! Kayo ba ay nalulula sa ganitong halos patak lang ng tubig ang laman? Kapitan: Dapat ninyong malaman na hindi ninyo maipaparis sa isang patak ng tubig ang lakbaying ito. Ang lawang ito ay higit na malaki sa alinmang la wa sa

Suisa o lahat ng lawa sa España pagsama samahin man. Nakakita na ako ng mgasanay na mandaragat na nangahilo rito. Doña Vicorina: Ginoong Simoun, mabuti pa’y bibigyan ko kayo ng eficasent oil. Paulita Paki abot mo nga sakin ang eficasent oil. Paulita: Tiya hindi niyo po nadala. Doña Victorina: (hinila si Ginoon Simoun) Kung gayon sumama kayo sa akin at mayroon akong Bonamine sa aking bagahe. Scene: TAHANAN NI KABESANG TALES Huli: (nagwawalis) Kuya sa iyong palagay, ako kaya’y makakapag aral din sa Maynila tulad mo? Tano: Aba oo naman. (lumabas ng bahay si Tales at Tata Selo) (lumapit si Huli at Tano kay Tales) Tano: Ama, si Huli? Kailan kaya siya makakapunta nang Maynila upang mag aral? Huli: Kuya... Kabesang Tales: Sa isang taon. Magsaya ka nang mahaba at mag aaral ka na sa Maynilakatulad ng mga dalaga sa bayan. Huli: Talaga ama?! (niyakap ang ama) Tano: Alam mo ama iniisip na niya si Basilio sa mga oras na ito at ang pangako sa kanya nito na pakasal sa kanya... Huli: (sinisiko siko si Tano) Kuya naman... (hinabol si Tano) Kabesang Tales: Maganda ang ani natin ama... (bumuntong hininga)

Tata Selo: Maganda? Ngunit ano ang iyong ipinag aalala? Kabesang Tales: (naglakad upang tanawin ang lupain) Ang mga prayle ama... (bumuntong hininga) Tata Selo: Magpaumanhin ka! Ipagpalagay mo na ang iyong salapi ay nahulog sa tubig at sinakmal ng malaking buwaya at ang kanyang mga kamag anak ay sumama sa kanya. Kabesang Tales: Nguni t ama sila ay umaabuso na! Tata Selo: Magpaumanhin ka! (dumating si Padre Camorra kasama si Padre Salvi at mga Guwardiya Civil) Padre Camorra: Telesforo! Mabuti at nandito ka! Kabesang Tales: Magandang araw Padre ano po ang naparito ninyo? Padre Camorra: Kailangan mo nang magbayad nang buwis! Ang buwis ay dalawandaang piso! Kabesang Tales: Dalawandaang piso??!! Ngunit iyon ay napaka laki naman. Padre Salvi: Kung hindi magbabayad ibigay sa iba ang tungkulin ng paglilinang dito... ! Padre Camorra: Tama! Kung hindi ka magbabayad ang lupain ay ipalilinang ko na lamang sa aking kasambahay. Matagal na din siyang naging tapat na maninilbihan sakin. Kabesang Tales: Ako ang nag hirap na mag tanim at mag ani dito. Ibinuhos ko ang pa wis at dugo ko upang maiahon sa hirap ang pamilya ko. Padre Camorra: Ngunit hindi sa iyo ang lupang nililinang mo! Padre Salvi: Ito ay pag

aari ng korporasyon. Kabesang Tales: Pag aari?? May kasulatan ba kayo na nag papatunay na sa inyo ang lup ang ito?? Padre Camorra: Meron!! Kabesang Tales: At nasaan naman iyon? Padre Salvi: At bakit mo kailangan makita? Kabesang Tales: Hindi ako magbabayad ni kalahati ng buwis hanggat wala akong nakikitang katibayan na inyo nga ang lupang ito. Tata Selo: (bumulong sa anak) Anak huwag ka nang magmatigas... Padre Camorra: Hindi ba’t tama ang iyong ama, Telesforo? Wala kang mahihita kung patuloy kang mag mamatigas. Kabesang Tales: Handa akong makipag usapin maipag laban lamang ang karap atan namin!! (bahagyang lumapit upang sugurin ang dalawang prayle) (pinigilan ng mga Guwardiya Civil si Tales na sugurin ang mga prayle at tinutukan siya ng riffle) Padre Camorra: Qué barbaridad! Kunin ang anak na lalaki at gawing Guwardiya Civil (pinalo ng riffle ang ulo ni Tata Selo at hinila si Tano) Huli: Bitiwan niyo siya! Ama!! Kabesang Tales: Hindi!!! Wag ang aking anak!! Tano: Ama!!! Huli!!! Aaahhh!!!! (pag alis ay babalik ang mga guwardiya sibil) Guwardiya Sibil: Limang daang piso ang hinihingi ng aming pinuno! Kung hindi’y mamamatay ang iyong ama, binibini. Huli: Saan ako kukuha ng limang daang piso? Ang mga

alahas! Liban lamang itong Agnos. Handog ito sa akin ni Basilio! (hahalikan ang Agnos) (Isusuot ang Ag nos) Ngunit ito’y hindi sapat. Tama! Mamamasukan muna ako kay Hermana Penchang bilang utusan. Scene: nakakaraan. Sa aking palagay kayo po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay, ikaliligaya ko kung ako’y makatutulong naman sa inyo. (Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio.) Simoun: At sa tingin mo’y sino ako? (humakbang paurong) Basilio: Isang taong ipinalalagay kong napakadakila. Isang taong ipinagpapalagay ng lahat, maliban sa akin, na patay na at ang tinamong kasawian ay labis kong ipinagdaramdam. Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nal aman. Isang lihim na maaari mong ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil dito ay maaari kang masawi sa aking kamay? Totoong ako’y naparito may labing tatlong taon na ang nakakaraan, upang dakilain ang isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa mga mapang api. At ngayo’y nagbalik ako upang ipagaptuloy ang kanyang nasimulan. Hindi ko akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng ginawa kundi sumunod! Magpa alipin! Hin di pinakikinggan! Basilio: Hindi G. Simoun! Kung hindi dahil sa pag aaral ng mga kabataan ng wikang Kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng tuluyan sa mga Pilipino. Simoun: Isang pagkakamali! Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin natin ang wikang

ito? Itatago lamang ng huwad na wiikang ito ang ating mga karapatan! Ang ating mga pagkatao! Basilio: Ginoong Simoun, mali ang inyong iniisip. Simoun: At ano ang iyong mahihita kung i kaw ay makakapagtapos? Makikita mo bang masaya ang iyong bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At ano, iyo na lamang bang hahayaan ang iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na tinatapakan ng mga taong siya mismong pumatay sa kanila? B asilio: Ano ang nais ninyong gawin ko Ginoong Simoun? Kaya ko ba silang ipaglaban gayong ako mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay. Hindi maaaring hukayin ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyanng bangkay at pagkatapos ay mangbintang nang kung sino sinong kastila. (Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun sa kanyang kinatatayuan.) Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! Mamamatay ang mahihina at matitira ang mga malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting tiis na lang. Scene: (inilatag ni Simoun ang mga kahon ng alahas niya) Simoun: (kinuha ang isang kwintas at inangat) Mayroon akong kwintas dito na dati ay kay Cleopatra. Natagpuan ito sa mga pirámide. Mayroon di akong mga singsing na dati ay pag aari ng mga mambabatas na Romano na natagpuan sa labi ng guho sa Cartago... Kapitan Basilio: (humakbang at parang nangangarap) Marahil yaong ipinadala ni Hannibal matapos ang digmaang Cannes.

More Documents from "Rey Alegria"