Samahan Na Naman!

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Samahan Na Naman! as PDF for free.

More details

  • Words: 344
  • Pages: 2
Ang Bahaghari at ALMABA ay may iisang layunin at ito ay tulungan ang magsasaka. Ngunit ang Bahagahari ay wala na at ang ALMABA naman ay nanatili na lamang isang organisasyon na hindi na makakakilos dahil wala silang pondo. Ang dalawang organisasyon ay iniisip ang kapakanan ng nila magsasaka. Pero bakit parang wala na sila? Sa dahilan ba ng kawalan ng pondo. Ang ALMABA na nananatili pa rin nandiyan ay hindi na matibay ang kanilang pundasyon para makamit ang kanilang layunin. Tumutulong pa rin sila pero parang hindi mo na makikita ang organisasyon bagkus parang isang tao na lang ang gumagalaw. Pagtinanong mo ang mga magsasaka kung may organisasyon sila ay sasabihin nilang wala. Hindi napalawak ng ALMABA ang pagkakaroon nila ng kasapi sa kanilang organisasyon kundi nanatili pa rin ang dati nilang miyembro. Ngunit may nakikita naman kaming isang gawain ng ALMABA. Sa bahay ni tatay Mading ay may lumapit na tao para humingi ng tulong tungkol sa kanilang lupa. Nag-usap sila doon ng matagal at nagkamayan. Makikita mo doon sa kamayan ang suporta ni tatay Mading at bilang pangulo ng ALMABA ay gayundin siguro ang suporta ng mga miyembro nito. Ang ALMABA naman talaga ay pinaglalaban ang pagmamay-ari ng lupa. Kaya nga si tatay Mading ay tinutulungan at sinusuportahan si tatay Sisinando Yuga para mapasakanya na ang kanyang lupang sinasakahan. Sa tanda na kasi ni tatay Sisinando at tagal na rin ng pagsasaka sa lupang iyon ay hindi niya pa ito pag-aari. Hindi kagaya ng iba na kahit ka bagu-bago ay meron ng lupa. Siguro’y ipagpapatuloy ito tatay Mading kahit magkakaroon ng kawalan ng pondo sa kanilang organisasyon. Sa Bahaghari na matagal ng wala ay hindi mo na talaga makikita ang organisasyong ito. Parang nawala siya na parang bula. Hindi mo na mapapansin na may ganitong organisasyon pala. Siguro dahil sa tagal na nitong hindi na aktibo. Hindi mo na makikita na may nagpapatuloy ng layunin ng organisasyon. Nawala siya ng nawala na rin ang organisasyon.

May 11, 2007

I woke up 7:00 in the morning. Then, ate breakfast and take a bath

Related Documents

Samahan Na Naman!
November 2019 9
Umaga Na Naman
November 2019 7
Naman
December 2019 11
Naman
May 2020 15
Athma Naman
May 2020 12