Budget Cut Na Naman! Stand Update

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Budget Cut Na Naman! Stand Update as PDF for free.

More details

  • Words: 1,026
  • Pages: 4
Sa panukalang 2010 badyet:

P280 M na Bawas sa MOOE at Zero na Capital Outlay para sa UP, Habang P88 Bilyong Dagdag na Alokasyon sa Pambayad Utang Pahayag ng UP Kilusan Laban sa Budget Cut Oktubre 6, 2009 Ngayong linggo, nakatakdang talakayin sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas ang pambansang badyet para sa 2010. Naghapag ang pamahalaang Arroyo ng panukalang P1.541 trilyong badyet para sa 2010. Mataas lamang ito ng 8.1% sa P1.426 trilyong badyet para sa 2009. Ngunit ang malaking bahagit nito, mahigit sa 22%, ay nakalaan sa pambayad utang. Tumaas ang alokasyon sa pambayad utang ng mahigit P88 bilyon! Tumaas din ang nakalaang badyet sa defense ng mahigit P8 bilyon! Samantala, bumaba ang alokasyon sa 2010 kung ikumpara sa 2009 para sa lahat ng state universities and colleges (SUCs) sa buong Pilipinas ng mahigit P3 bilyon: mula P24.228 bilyon noong 2009 tungo sa P21.034 bilyon ngayong 2010. Lumiit ang badyet ng PUP ng P43 milyon at ng PNU ng P12 milyon. Malaki ang nabawas sa badyet ng UP, mahigit sa P2 bilyon. Ang pagbawas ng alokasyon sa mga SUCs ay sa gitna ng patuloy na pagpapaliit ng bilang ng mga ito (mula 264 noong 2001 tungo sa 110 ngayong taon) habang lumaki naman ang porsyento ng kabuuang estudyante sa tersaryong antas na pumapasok sa mga SUCs: mula 10% noong 1980, 21% noong 1994 at 35% nitong 2008. Ang ganitong alokasyon, sa aktwal, ay isang misalokasyon. Sa kamay ng administrasyong Arroyo, hindi prayoridad ang edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan – mga batayang pangangailangan para sa isang makataong bansa:

Kabuuang Budget Bayad sa Interes ng Dayuhang Utang Defense Badyet sa lahat ng SUCs Budget ng UP Budget ng PUP Budget ng PNU

2009 Badyet 1.46 T 252.550 B

Panukalang 2010 Badyet 1.541 T 340.812 B

Pagtaas o Pagbawas +.081 T +88.262 bilyon

64.992 bilyon 24.228 bilyon 7.382 bilyon 704.637 milyon 299. 818 milyon

73.566 bilyon 21.034 bilyon 5.28 bilyon 661. 444 milyon 286. 916 milyon

+8.574 bilyon -3,194 bilyon -2.102 bilyon -43.193 milyon -12. 902 milyon

Batis: 2010 Budget, http://www.dbm. gov.ph/index. php?id=1239&pid=9&xid=32

Sa Unibersidad ng Pilipinas: P280 milyon na bawas sa MOOE at Zero na Capital Outlay Maaaring pagkumparahin ang mga badyet ng UP ng nakaraang dalawang taon at ang panukalang 2009 badyet:

Personal Services (PS) Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) Capital Outlay (CO) TOTAL

2008

2009

2010

4,508,992 928, 823

4,372,874 960,123

4,609,223 680,123

Dagdag/Bawas mula 2009 na alokasyon +236,349 milyon -280,000 milyon

1,315,000 6,752,815

2,049,947 7,382,944

0 5,289,346

-2 bilyon -2.09 bilyon

Batis: Tables G4,G5,G6: Statement of Expenditures- State Universities and Colleges (FY2008,2009, 2010), http://www.dbm. gov.ph/index. php?id=1239&pid=9&xid=32

May pagtaas sa alokasyon sa Personal Services (PS) sa 2010 kung ikumpara sa 2009. Bunga ito ng adjustments sa mga sweldo ng mga empleyado ng pamahalaan, kabilang na ang UP. Pero mahigit sa P280 milyon ang binawas sa MOOE at walang alokasyon para sa CO. Malinaw na budget cut ito para sa UP. Kahit na sabihin ng ibang administrador na ang CO na inilaan noong 2009 ay nagamit o ginagamit na at hindi dapat asahang mailaan pa rin sa 2010, may patuloy na pangangailangan ang unibersidad ng alokasyon para sa inprastruktura at ibang kagamitan. Ang pangangailangan sa dagdag na MOOE at CO ng UP ay nasa P18.3 bilyong budget proposal ng unibersidad sa Department of Budget and Management (DBM).[1] Nangangailangan ng dagdag nang hindi bababa sa P1 bilyon ang unibersidad para sa MOOE. Di pa kabilang dito ang P120 milyon na nakalaaan sana para sa senior citizens’ discount sa Philippine General Hospital (PGH). Samantala, nangangailangan ng alokasyon para sa CO tulad ng dormitoryo para sa mga estudyante ng UP Mindanao, bagong gusali para sa UP Diliman Extension Program in Pampanga at para sa mga kagamitan sa PGH. Saan kukunin ang kakapusan sa badyet ng UP? Sa dagdag na bayarin ng mga estudyante, komersyalisasyon ng unibersidad at iba’t ibang iskema para kumita? Kung batay sa DBM projected statement of receipts ng UP para sa 2010, dagdag na bayarin ng mga estudyante at iba’t ibang paraan para kumita ang UP ang ipatutupad para maragdagan ang pinaliit na budget para sa 2010.

Tuition Iba pang Koleksyon Mula sa mga Estudyante Iba pang Pinagkakakitaan Kita mula sa Revolving Fund Grants at Donasyon Iba Pa Total

2008 362,094 18,950

2009 350.770 18,989

2010 355,218 18,944

221,828 383,790 2,976 596,970

211,056 381,501 3,255 507,632 1,473,203

210,964 386,627 3,230 538,225 1,513,208

Mula sa Statement of Receipts of State Universities and Colleges, http://www.dbm. gov.ph/index. php?id=1239&pid=9&xid=32

Ang alokasyon ng gobyerno para sa UP sa taong 2010 ay paglabag sa ipinasang 2008 UP Charter na nagsaad na papalakasin ng estado ang UP bilang national university (sa Section 2, Declaration of Policy of RA 9500, nakasaad na “the University of the Philippines is hereby declared as the national university. The State shall promote, foster, nurture and protect the right of all citizens to accessible quality education. Toward this end, it is the policy of the State to strengthen the University of the Philippines as the national university”). Hindi rin ipinatutupad ng naturang alokasyon ang Section 28 (Appropriations) ng UP Charter: “In addition to the regular appropriations and increases (atin ang diin) for the university under the annual GAA, a centennial fund shall be appropriated in the amount of One Hundred Million Pesos per year for a period of five years, which shall likewise be included in the annual GAA.”

Kailangang mahigpit nating tutulan ang pagbawas sa badyet ng UP at ng lahat ng SUCs at igiit ang mas mataas na badyet para sa mga pampublikong unibersidad at kolehiyo.

Badyet ng UP at lahat ng SUCs, dagdagan, huwag bawasan! Tutulan at labanan ang pagtalikod ng pamahalaan sa obligasyon nito sa pampublikong edukasyong tersaryo! Irechannel sa serbisyong panlipunan ang badyet na inilaan sa pagbabayad ng utang panlabas!

UP Kilusan Laban sa Budget Cut Offices of the Student, Staff and Faculty Regents All UP Workers Union All UP Academic Employees Union Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-UP) Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (STAND UP) Ugnayan ng Mag-aaral Laban sa Komersiyalisasyon sa UP (UMAKSYON-UP)

[1] University of the Philippines Budget Proposal for CY 2010 in the amount of P18.3 billion

Related Documents

Samahan Na Naman!
November 2019 9
Umaga Na Naman
November 2019 7
Naman
December 2019 11
Naman
May 2020 15
Budget Cut Details
May 2020 3