Panimulang Balarila: Palatuntunang Minimalismo Mga Aralin sa Balangkas ng Mga Wikang Pilipino Resty Cena
Aralin 2: Salita
Sa simula, ang salita. “Lahat ng balangkas ay itinatakda ng salita.”
Layunin Pag-usapan ang mga kaariang pangbalarila “grammatical properties” ng mga salita.
Kaariang Pangbalarila “Grammatical Properties”
Pangbalarila ang isang kaarian ng salita kung nakakatulong o nakakasira ng balangkas ng pangungusap ang kaarian. *Maayos ni Ben ang basi. cf. Ininom ni Ben ang basi. Uminom ng basi *Ben. cf. Uminom ng basi si Ben/ang sundalo. *Nangagsiinom si Ben ng basi. Naging *tumakbo si Ben. cf. Naging lasinggero si Ben.
Kaariang pangbalarila ba ang kahulugan “meaning” ng salita?
Mga Kaariang Pangbalarila
kategoriya “category” sab-kategoriya “sub-category” katangiang pangpili “selectional features”
Kategoriyang Pangbalarila “Grammatical Category”
Ang mga salita ay inilalapat sa isang kategoriya ayon sa mga katangiang semantik (kahulugan), morpolohikal (anyo) at sintaktik (gamit o lugar).
Mga kategoriya ayon sa semantik ng salita pangngalan “noun”, pandiwa “verb”, pang-uri “adjective”, pang-abay “adverb”, panghalip “pronoun”, pang-ukol “determiner”, pandamdam “interjection”, pangatnig “conjunction”, pangtukoy “preposition”, pandiwari “participle”
Bakit Kailangan ang Kategoriya?
Bakit Kailangan ang Kategoriya?
“Categorial information is so obviously necessary that one does not even need to provide an argument to justify its presence in a lexical entry.” (Lasnik, et al., 2004 attribute this view to Chomsky 1995). It will not be possible to provide a systematic account of inflectional and derivational morphology unless we were to posit that words belong to grammatical categories and that a specific types of inflection and derivation affixes attaches only to a specific category of word. [Wikipedia]
Uri ng Salita ayon sa Nilalalaman
Malamang salita “content word or contentive” Mga salitang makahulugan at naglalarawan, halimbawa: bata, bahay, matanda, malakas, mahina, atbp Matungkuling salita “function word or functor” Mga salitang nagtataglay ng tungkuling pangbalarila, tulad ng kailanan “number”, katauhan “person”, halimbawa: ang, ng, sa, mga, atbp.
Contentives belong to lexical categories Functors belong to functional categories
Uri ng Kategoriya ayon sa Uri ng Salita
Kategoriyang malaman “lexical category”: saklaw nito ang mga kategoriyang pangngalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay, at pantukoy Kategoriyang matungkulin “functional category”: saklaw nito ang mga kategoriyang panghalip, pangukol “determiner”, atbp
Bukas at Sarado
Bukas na kategorya. Tumatanggap ng mga bagong miyembro. Pandiwa, pangngalan, pang-uri, pang-abay? Meron pa?
Saradong kategorya. Hindi na, o mabagal, tumanggap ng bagong miyembro. Panghalip, pantukoy, pangatnig, pang-ukol. Meron pa?
Pagsasanay
Pagsama-samahin ang mga salita ayon sa anumang “makabalarilang” criteria na maiisip ninyo.
Para sa higit na mabisang pagpapatupad, ang wikang pambansa ay ipinahayag na isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas sa bisa ng … Kaugnay din ng batas na ito, ang wikang pambansa ay sinimulang ituro bilang asignatura mula sa unang baitang ng elementarya hanggang ikaapat na taon ng sekundarya noon … Isa sa mga pangunahing paraan ng pagpapalaganap ng wikang pambansa sa panahong iyon ay ang sistemang pampaaralan at pormal na edukasyon.
Pag-alam ng Kategorya
2. 3. 4. 5.
Ano ang magagamit na batayan sa pagtatag ng mga kategoryang malarawan? Batay sa katangiang semantik (konseptwal o nosyonal) ng salita Batay sa morpolohiya ng salita Batay sa diin “stress” Batay sa gamit o lugar sa pangungusap
Kategorya batay sa Semantik ang pandiwa ay nagsasaad ng aksiyon (tumakbo, kumain, bumili, atbp) ang pangngalan ay tumutukoy sa bagay “entity” (basi, sundalo, Ben, atbp) ang pang-uri ay nagsasaad ng kalagayan “state” o kaurian “attribute” (mabilis, mahal, makupad, atbp) ang pang-abay ay nagsasaad ng paraan (mabilis, makupad, maayos, atbp) ang pang-ukol ay nagsasaad ng relasyon ayon, alingsunod, tungkol, bagay sa, hinggil sa, ukol , laban, tungo Ano pa?
Pangngalan ba ang tinutukoy ng mga salitang hilig sa ibaba: Tumayo ang mga bata at ang babae. Umupo ang mga matatanda at ang mga tahimik. Basi ang inayawan ni Ben. Inayawan ni Ben ang basi.
Pang-uri o Pang-abay? Mabilis uminom si Ben. Mabilis si Ben. Mabilis si Ben sa pag-inom.
Batay sa anyo, paano makikilala ang pangngalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay?
Kategorya batay sa Morpolohya
Ang mga salitang kabilang sa isang kategorya ay nagpapakita ng pare-parehong katangiang pangimpleksyon at pangderibasyon. Impleksyon Ang pagbabago ng anyo ng salita para magpahayag ng kaukulan, bilang, kasarian, panahon, atbp. Deribasyon Ang pagbabago ng anyo ng salita (karaniwan nang sa pamamagitan ng pagdagdag ng morpema) para ipakita ang pagbabago ng kategorya.
Pag-alam ng Kategoriyang Malarawan … 2
Pangngalan ang salita kung may panlaping naghuhudyat ng occupation, gamit, tungkulin o responsibilidad, gawa, pinanggalingan. Deribasyon o impleksyon? ka- … -an, kabaitan, kalokohan sa- … -an, sapilitan pag-, pagpunta pag- + redup, pag-iisip mang- + redup, mangingisda taga- , tagapagsalita, taga-libis pang- , panghalibas
Panlaping naghuhudyat ng kategorya
Pangngalan kung naghuhudyat ng kasarian. abogado-abogada, mayor-mayora, doktor-doktora,
Mga “nanigas” na pangngalang galing sa pandiwa: -in- , sinangag, pinakbet, binata, sinigang, pinaksiw -um- , dumalaga
Panlaping Naghuhudyat ng Kategorya … 3
Panlaping naghuhudyat ng pang-uri ma- , mabilis napaka- , napakabilis pinaka- , pinakamabilis ka(sing)- , kabilis, kasing-bilis
Batay sa diin “stress” anihin, pitasin, pakyawin, Pandiwa anihin, pitasin, pakyawin, Pang-uri
Impleksyon
Pandiwa ang isang salita na nababanghay para magbadya ng daloy ng panahon “aspect”, tampulan “focus”, at paraan “mode”
Pandiwa: Banghay sa Daloy Pawatas Tapos Di-tapos
Di-naumpisahan
tumakbo bumili
tatakbo bibili
tumakbo bumili
tumatakbo bumibili
Impleksyon
Pandiwa: Banghay sa Tampulan “focus” Tampulang Ginaganap aktor
Panlapi -umUminom ng basi si Ben. magNagdala ng basi si Ben. mang- Nanghingi ng basi si Ben. apektado iIluto mo ang isda. -in Lutuin mo ang isda. kagamitan i(pang)- I(pang)putol mo ang itak. nakikinabang i(pag)- Ibili mo si Ben ng basi. Ipagluto mo si Ben.
Pandiwa: Banghay sa Tampulan … 2 Ginaganap Panlapi lunan -an direksiyon “to” -an direksiyon “from” -an cause, reason i(ka)
Tulugan mo ang bahay. Dalahan mo si Ben ng baso. Kunan mo ng tubig ang tapayan. Ikinayaman ni Ben ang sibuyas. Ikinauwi ni Ben ang Tatang. panahon (Blake) iPasko ang araw na idinating ni Ben. sukat iIsang metro ang inilaki ng palay. reserba ipangIpangbahay mo ang kamiseta. patungkol pag-...-an Pinag-usapan nila ang plano.
Pandiwa: Banghay sa Paraan “Mode”
Pandiwa ang salita kung may panlaping nagpapakita ng paraan ng pagkakagawa.
Mga panlaping pamamaraan pama-
injunctive abilitative nonvolitional
ipakuha makuha nadala
Pandiwa: Banghay sa Paraan … 2 pagmagpangmangka-
comprehensive comprehensive reservational
ipagbili magbigay ipangtulog, ipangbukas extensive mangisda causative ikakuha, inversive, reciprocal kaibiganin
Pandiwa: Banghay sa Paraan … 2
May mga panlaping pamamaraan na tali “bound” sa ibang panlaping pamamaraan.
-ki-si-ag-ti-sa-hi-
requestive intensive collective assistive directional intensive
makikuha magsikuha mangagkuha magpatihulog magpasa-Maynila maghimutok
Pandiwa: Banghay sa Paraan … 3
Isama natin sa listahan ang abstrak na mga anyong ulitbahagi “partial reduplication” at ulit-buo “full reduplication”, dahil sa ang pag-uulit ng pandiwa o bahagi ng pandiwa ay bumubuo ng ibang salita na may karagdagang kahulugan. Halimbawa: ULIT-BAHAGI disapprobational bumili-bili occasional bali-balitaan ULIT-BUO conditional bumiling-bumili
Tila nakabaong pang-abay “embedded adverb” ang mga pamamarang panlapi.
Banghay sa Bilang 2.
Ano-ano ang mga kategorya na nababanghay sa bilang? Pandiwa. Nagsasaad ba ng bilang (isahan o maramihan) ang mga ito: magtakbuhan, nangagsitakbo, paghahalikan, magbilihan, nagpagandahan
4. 5.
Pangngalan. Nababanghay ba ang pangngalan para magpakita ng bilang? Pang-uri. mabait-mababait,
7.
Pang-abay Mabibilis tumakbo sina Ben. *Mabibilis tumakbo si Ben.
Pang-uri: Banghay sa Katularan
Banghay ng Pang-uri Bukod sa maramihan (hal., magagalang), ano pa? kagalang-galang (mag)kasing-galang pinakamagalang napakagalang pagkagalang-galang kagalang-galangan
comparative superlative intensive intensive superlative
Pang-uri
Isa pang paraan ng pagpapakita ng superlative degree: Pangngalan na nagbabadya ng kasukdulan + salitangugat na pang-uri: hari ng galang nuno ng galang sultan ng yabang Pang-uri ba ang pangngalan ang buong parirala?
Deribasyon
Paraan ng deribasyon
2.
Salitang-ugat at panlapi
taga + ugat = pangngalan tagakain, tagaluto, tagasigaw, tagadrayb taga-ilog, tagabundok, taga-Maynila tagadoktor, taganars, *tagadrayber, *tagasenador, tagapangulo, tagapanguna *taga-isda (cf. tagapangisda), *tagalangaw, *tagalamok
Deribasyon mang+Redup +ugat = pangngalan mangingisda, mangangahoy, *mangbababoy, magbababoy ugat + panlapi = pandiwa kinain, atbp ugat + panlapi = pang-uri palasagot, palatawa, palabiro, *palakain, palakain malateynga, *malaganda, malasakit (pang-uri?)
Pag-alam ng Kategoryang Malarawan 1.
Paglilipat ng Diin
Pandiwa nagiging pang-uri dahil sa paglipat ng diin: kainin > kainin, anihin > anihin, sibakin > sibakin
Pandiwa naging pangngalan dahil sa paglipat ng diin: manggagawa > manggagawa, mangangantiyaw > mangangantiyaw Pero: mangangako > *mangangako
Pag-alam ng Kategoryang Malarawan
Pangngalan nagiging ibang pangngalan dahil sa karagdagang panlapi: pangisda > tagapangisda tagahuli - tagapanghuli, tagaluto - *tagapangluto tagapangasiwa - ?tagaasiwa tao > mapa(sa)-tao bagay > mapa(sa)-bagay
Ano ang kategoriya ng salitang-ugat?
Mga mungkahi:
2.
Walang kategorya ang mga salitang ugat. May kategorya ang mga salitang ugat.
3.
Kategoriya ng Salitang-Ugat … 2
Mungkahi 1: Walang kategorya O “precategorial” words ang mga ito. Nagkakaroon lang ng kategorya ang mga salita kapag nabigyan na ng impleksyon o deribasyon o ginagamit sa pangungusap (Foley 1994). bahay (U), bumahay (V), mabahay (A), mga bahay (N).
Kategoriya ng Salitang-Ugat … 3 Mungkahi 2: May kategoriya na ang mga salitang-ugat: salitang-ugat na pangngalan?: tulog, teynga salitang-ugat na pandiwa?: takbo, inom salitang-ugat na pang-uri?: lakas, ganda salitang-ugat na pang-abay?: tunay, talaga
Tanong: Paano mapapatunayan na ang isang salitangugat ay pangngalan, pandiwa, o pang-uri?
Kategoriya ng Salitang-Ugat … 4
Anong ebidensiya o argumento ang maihahain para o laban sa mga mungkahing ito?
Kung tama ang mungkahi (1), paano ipapaliwanag ang mga salitang-ugat sa mga halimbawa sa ibaba, na may maliwanag na kategoriya kahit walang panlapi? Ang bilis ng takbo ni Ben. Ayaw ni Ben na makarinig ng hikbi. Iyak ang isinalubong ni Ben sa asawa.
Kategoriya ng Salitang-Ugat … 5
May mga ugat na kategoryang pang-uri ang gamit.
Tinapos na ni Ben ang basi ~ Tapos na ang basi. Ginawa na ni Ben ang trabaho ~ Gawa na ang trabaho. Binalak na ni Ben ang piknik ~ ?Balak na ang piknik. Tinakbo na ang marathon ~ *Takbo na ang marathon.
Sa (3), parang pangngalan ang “balak”, at sa (4), maliwanag na pandiwa. Bakit hindi puwede ang (4)? Sa (1) at (2), pansinin ang diin sa ugat. Ano ang katuturan nito sa isyu?
Kategoriya ng Salitang-Ugat … 6
At may mga ugat na maliwanag na ang kategorya ay pang-uri, at ayaw pang tumanggap ng panlaping “ma-” pandak, *mapandak, paling, *mapaling, sabik, *masabik
Magbigay ng alternative na paliwanag kung bakit hindi tinatanggap ang *mapandak, *mapaling. Pansinin: sabik, nasasabik, *sumasabik pandak, *napapandak, pumapandak
Kategoriya ng Salitang-Ugat … 7
May nagsasabing lahat ng salitang-ugat ay tumatayo sa lugar ng pangngalan. Tutuo? (Magbigay ng halimbawa ng ugat na hindi nakatatayong pangngalan.) Pangngalan ba ang kategoriya ng lahat ng salitang-ugat?
Pag-alam ng Kategorya batay sa Gamit ng Salita
Paraan Hahanap tayo ng mga lugar sa pangungusap ('hulmahan') na tumatanggap lang ng salita ng isang kategoryang nosyonal. Sa ganitong paraan mapapatibayan ang pagkakaruon ng nasabing kategorya.
Lugar sa Pangungusap
Anong mga kategorya, kung mayroon, ang inihihiwalay ng mga lugar na ito sa pangungusap? ang _ sa _ ng _ na _ _ ang _ sa _ ng _ na _ [ _ ang _]
Pangngalan
Hulmahan ng pangngalan: Wala silang [N] Sapat ba ang hulmahan para ihiwalay ang pangngalan lang? basi, alam, utang na loob, paggalang, tagaluto, pag-asa *upang (conjunction) *sa (determiner) *nga (clitic) *maganda (pang-uri; tinatanggap kung pangngalanin “nominal”) ?tumatakbo (pandiwa; tinatanggap kung pangngalanin)
Pandiwa
Hulmahan ng pandiwa: Kaya niyang [pandiwa] Sapat ba ang hulmahan para ihiwalay ang mga pandiwa lang? Kaya niyang tumakbo/umindayog/lumipad. *Kaya niyang *basi (noun). *Kaya niyang *mabait (adjective) *Kaya niyang *upang (conjunction) *Kaya niyang *sa (determiner) *Kaya niyang *na (sa, kay) (preposition)
Pang-uri
Hulmahan ng pang-uri: Talagang pinaka[pang-uri] si Ben. masigla, pandak, mahiyain ... *tao, *sundalo (pangngalan) *tumatakbo, *umiinom (pandiwa)
Pang-abay
Hulmahan Talagang [pang-abay] mabagal si Ben. masyadong, tutuong, parang, tila, . Talagang *saging mabagal si Ben. (pangngalan) Talagang *mabait mabagal si Ben. (pang-uri) Talagang *upang mabagal si Ben. (pantukoy)
Paglalagom
May “natural” na pagkakapangkat-pangkat ang mga salita ayon sa pag-aaring semantik, ayon sa anyo at ayon sa gamit. Ang isang pangkat ng mga salita na sumusunod sa tatlong pag-aaring ito ay bumubuo ng isang kategorya.
Morphological evidence for category-hood is suggestive rather than conclusive Morphological evidence in conjunction with syntactic criteria provides better results
Pagsasanay
Subukan nating isagisag ang mga hulmahan ng mga kategoriya batay sa mga salitang (pantukoy) ang, ng, sa, na
Pagsasanay … 2
Mabubuo ang pangungusap (a) sa ibaba ng alinman sa mga pangngalang sundalo, tao, kaibigan, atbp, at hindi ng alinman sa mga salitang ang, ng, kaya, mabilis, tunay, ... (a) Ginawa ng _ ng kapitan ang basi. (b) Ginawa ng {sundalo, kapit-bahay, kaibigan} ng kapitan ang basi. (b) Ginawa ng *{ang/ng/kaya/mabilis,tunay} ng kapitan ang basi.
Pagsasanay … 3
Pakahulugan ng Pangngalan: Masasabi natin na pangngalan ang isang salita kung: (a) Ang salita ay ipinakikilala ng pang-ukol na ng at (b) Maaaring magsilbi itong ulo ng salitang ang pangukol ay ng.
Ang [ng _ ng] ay maituturing na hulmahan ng pangngalan. Ang salitang lapat sa hulmahang ito ay pangngalan (pero hindi lahat ng salitang hindi lapat sa hulmahan ay hindi pangngalan).
Pagsasanay … 4
Ngayon, gamitin natin ang hulmahang [ng _ ng] sa paggawa ng hulmahan para sa ibang kategorya. Hulmahan ng pandiwa: _ [ng N ng] N Ginawa ng anak ng sundalo ang basi.
Hulmahan ng pang-uri: _ na [ V [ng N ng] N ] Mabilis na ginawa ng anak ng sundalo ang basi. Hulmahan ng pang-abay: _ na [ A na [ V [ng N ng] N ]] Talagang mabilis na ginawa ng anak ng sundalo ang basi.
Kategoriyang Matungkulin “functional category”, “grammatical category”
Matungkulin ang isang kategoriya kung ang gawain nito ay mag-ugnay ng mga salitang kabilang sa mga kategoriyang makahulugan, o magdala ng mga katangiang pangbalarila.
Ang mga salitang kabilang sa mga kategoriyang ito ay tatawagin nating salitang matungkulin “function words” o “functors”.
Kategoriyang Matungkulin
Kabilang sa kategoriyang matungkulin ang mga sumusunod: pangtukoy “determiner”, pangtakal “quantifier”, pangturo “demonstrative”, panghalip “pronoun”, kaganapan “complementiser”.
Pangtukoy “Determiner”
Pangtukoy ang isang salita kung tinitiyak nito ang tao, lunan, bagay, o pangyayaring binabanggit.
Pantukoy na pangkaraniwan (ang, ng, sa) ginagamit sa pangngalang pangkaraniwan ang tatay, ng tao, sa sundalo
Pantukoy na panao (si, sina, ni, nina, kay, kina) ginagamit sa pangngalan ng tao. si Karma, ni Ben, kay Oscar
Pantukoy
Pangngalang pangkaraniwan ang pangalan ng mga lugar, kaya minamarkahan ang mga ito ng pantukoy na pangkaraniwan. ang Maynila, sa Maynila, ng Maynila.
Kapag ginagamit na panauhan ang mga pangngalang pangkaraniwang, minamarkahan ang mga ito ng pantukoy na panao. Nangisda si Tatang (Kuya, Ingkong, ...) Hatid ito ni Presidente (Senador, Kongresista, ...) Para kay Sundalo (Amerikano, Pilay, ...) ang basi.
Maari rin naman ang mga ngalang-tao ay pantukuyang balana. ang Kristong iyan ay gawa sa Paete iyan ang Kristong gawa sa Paete
(Lope K. Santos)
Pangtakal “Quantifier”
Tinatawag na pangtakal ang mga salitang nagsasaad ng dami ng sumusunod na pangngalan. lahat ng mga isda. bawat kasinungalingan. karamihan sa mga bata. isa sa kanila. ilan sa mga bata kalahati ng mga isda kaunting tao ang dumating
Pangtakal “Quantifier”
Paglutang ng Pangtakal “quantifier float” Ang pangtakal na lahat ay may abilidad na lumutang at kumapit sa ibang sangkap: Hinuli ni Ben ang lahat ng mga isda. Hinuli ni Ben lahat ang mga isda. Hinuli lahat ni Ben ang mga isda. Lahat hinuli ni Ben ang mga isda. *Hinuli ni Ben ang mga isdang lahat.
Kategoriyang Matungkulin: Panturo “Demonstrative”
2.
Ginagamit ang mga panturo para ipahayag ang agwat ng pangngalang tinutukoy ng nagsasalita at kausap Malapit sa Nagsasalita ito, ire, dito, dine, nito, nire
4.
Malapit sa Kausap iyan, diyan, niyan
Malayo iyon, doon, niyon
Panturo
Tulad ng mga pang-uri, maaaring lumitaw ang pangturo sa harap o likod ng tinutukoy: Nasa harap ang pangtukoy: Dumaing (ang) itong sundalo. Nagsalita (ang) iyong sundalo.
Nasa likod ang pangtukoy: Dumaing ang sundalong ito. Nagsalita ang sundalong iyon
Kategoriyang Matungkulin: Panghalip
Ang panghalip ay salitang matungkulin “functor”. Hindi sila naglalarawan, bagkus, nagdadala sila ng impormasiyong pangbalarila. Uminom siya. (“siya” ay [3Person]) Ibinigay ni Ben ang basi sa kanila (kanila ay [3Person, Plural]).
Panghalip
Panghalip na Pamatlig “pronominal demonstrative” (o panturo) Ang mga panturo “demonstrative” ay maaring gamiting panghalip. Binasa ni Ben itong libro > Binasa ni Ben ito. Ininom ni Ben iyong basi > Ininom ni Ben iyon. Pinasaya ni Ben silang mga bisita > Pinasaya ni Ben sila.
Panghalip
Panghalip na Pangtakal “pronominal quantifier” Ang mga pangtakal ay maaaring gamiting panghalip. Bumabasa ang lahat ng mga bata > Bumabasa ang lahat. Nailigtas ang maraming bata > Nailigtas ang marami. Ilang sundalo lang ang hinuli > Ilan lang ang hinuli.
Panghalip
Panghalip na Pangtakda “pronominal determiner” Ginagamit din na pangtakda ng pangngalan ang panghalip na panao “personal pronouns” tulad ng ako, ikaw, siya, kami, kayo, sila, atbp. Masasaya silang mga kusinero. Akong doktor na, nagkakasakit pa. Kayong mga Pilipino, oo!
Iparis ang gamit ng sila, ako, at kayo sa pangtukoy na ang sa ibaba: ang mga kusinero, ang doktor, ang mga Pilipino
Kategoriyang Matungkulin: Pangganap Complementiser”
Ang kategoriyang pangganap “complementiser” ay nagpapakilala ng mga sugnay. Ang mga pangganap ay na, kung, at para. Na : Nagpapakilala ng sugnay na paturol “declarative clause” ang kaganapang na. Suspetsa ni Ben [na [malakas uminom ng lambanog si Nori]]
Tanong: Pangganap ba ang gamit ng salitang na sa. bahay na bato, umaga na. Complementizer: rougly subordinating clause introducer
Pangganap: kung
Kung : Nagpapakilala ng sugnay na pananong “interrogative clause” ang pangganap na kung. Nagdududa si Ben [kung [malakas ngang uminom ng basi si Nori]]
Tanong: Pangganap ba ang kung sa: Uuwi ako kung uuwi si Ben.
Pagkakaiba ng pangganap na kung at pangatnig na kung: *Kung malakas ngang uminom ng basi si Nori, nagdududa si Ben. Kung uuwi si Ben, uuwi ako.
Pangganap: para
Para : Nagpapakilala ng sugnay na pawatas “infinitival clause” ang pangganap na para. Kinausap ko si Ben [para [umuwi siya lagi]] Kinumbinsi ko si Ben [para [umuwi siya agad]]
Tanong : Pangganap ba ang para sa: Sinabi ni Ben na para sa iyo ito.
Pagkakaiba: Para sa iyo ito, sinabi ni Ben. Para umuwi siya lagi, kinausap ko si Ben.
Pangganap
Mga pangganap pa? Umuwi ako dahil (sa) nagkasakit ang Inang. Umuwi ako sapagkat nagkasakit ang Inang. Cf. sapagka at Umuwi ako kahit (na) bumabagyo sa Iloilo. Umuwi ako bagamat pinigil ako ng Tatang. Cf. bagaman at Uuwi ako /ngunit, pero, subalit, datapuwat/ tumutol siya.
Tipik “Clitics”
Tinatawag na tipik “clitics” ang mga salitang ito: ba, kasi, kaya, daw/raw, din/rin, ho, lamang/lang, man, muna, na, naman, nga, ?noon, pa, pala, po, sana, tuloy, yata Ininom daw ni Ben ang basi. Ininom lang din daw nga pala muna ni Ben ang basi.
Maaari kayang isama sa ibang kategorya ang mga tipik? Bakit?
Tipik
May pagkakaiba ba ang mga pangungusap sa ibaba na dala ng magkakaibang lugar ng daw? (a) Ikaw ang aalis daw. (b) Ikaw daw ang aalis. (k) Ikaw daw ang aalis daw. (Tinatanggap? Kung hindi, bakit?)
Kung iba ang basa ng (a) sa (b), pang-abay ba ang daw sa (b)? Kung tinatanggap ang (k), ebidensiya ba ito na ang daw ay hindi pang-abay?
Tipik
Ano ang ayos ng mga tipik? Ininom lang din daw nga pala muna ni Ben ang basi. *?Ininom pala muna din nga pala daw ni Ben ang basi?
Aling mga tipik ang hindi maaaring lumitaw na magkakasama sa isang pangungusap?
Panagano “Modal”
A modal verb (also modal, modal auxiliary verb, modal auxiliary) is a type of auxiliary verb that is used to indicate modality. Can, shall, will, must, may, dare, need
Modal verbs (also known as helping verbs or auxiliary verbs) give additional information about the mood of the main verb that follows it. In other words, they help to incorporate or add the level of necessity: (must/need to/have to = obligation, requirement, no choice); (should/ought to = suggested obligation); (can/could = it is possible); and (may/might = option, choice)
In linguistics, many grammars have the concept of grammatical mood (or mode), which describes the relationship of a verb with reality and intent.
Currently identified moods include conditional, imperative, indicative, injunctive, negative, optative (hopes, wishes), potential, subjunctive, and more.
The indicative mood is used in factual statements. The potential mood is a mood of probability, indicating that in the opinion of the speaker, the action or occurrence is considered likely. The subjunctive mood expresses hypothetical or unlikely events, expressing opinions or emotions, or making polite requests
Mga panagano: dapat, baka, tila, kailangan, maari, puwede, parang, tiyak, tunay, talaga, siguro, sigurado, sana, Baka umalis si Ben. Tila umalis si Ben. Parang umalis si Ben. Kailangang umalis si Ben.
Panagano
Panagano ba ang gamit ng baka, tila, parang, sana? Baka si Ben. Tila si Ben. Parang si Ben. Sana si Ben.
Kung ang panagano ay tumatayong auxiliary to a main verb, paano nagiging panagano ang mga salita sa itaas? Pansinin: Tila nasa kusina si Ben. Parang may pera si Ben. Siguradong masaya si Ben. Anong bahagi ng pangungusap ang pinapanaganohan?
Panagano
Panagano ba ang ayaw, hindi: Ayaw umalis ni Ben. Hindi umalis si Ben. Hindi ayaw umalis ni Ben. Hindi si Ben.
Ano ang ibig sabihin? Maaari sigurong umuwi si Ben. *Maaari siguradong umuwi si Ben.
Panagano at Tipik
Panagano o tipik? Wish Sana, umalis si Ben.
Umalis sana si Ben.
Doubt *Yata umalis si Ben. Parang umalis si Ben Surprise *Pala umalis si Ben.
Umalis yata si Ben. Umalis *parang si Ben. Umalis pala si Ben.
Panagano
Pang-abay ba ang mga panagano? Pang-abay: Mabilis (na) umalis si Ben. Panagano: Dapat (na) umalis si Ben.
Naihihiwalay ang panagano ng ay, pero hindi lahat ng pang-abay ay maihihiwalay ng ay: Pang-abay: *Mabilis ay umalis si Ben. Panagano: Dapat ay umalis si Ben.
Nakapagpapalitan ng lugar ang pang-abay at pandiwa (a), pero hindi ang panagano at pandiwa (b). (a) Mabilis na umalis si Ben > Umalis na mabilis si Ben. (b) Dapat na umalis si Ben > *Umalis na dapat si Ben
Ano Naman ang Kategoriya ng ...?
Anong kategoriya ang kinabibilangan ng mga salitang initiman sa ibaba:
Ay, karamba! Si Ben ay dumighay. Pamaya-maya e dumighay si Ben. Paalam na. Kumusta? Kapagdaka, dumighay si Ben. Kamala-mala mo, dumighay si Ben. (*Kapagdaka mo, dumighay si Ben.) Busog na si Ben sapagka't dumighay na.
Ano Naman ang Kategoriya ng ...?
Aalis ka na, hano? Si Ben mismo ang dumighay. May pera si Ben. May pera kay Ben. May giyera sa bundok. Ayaw ng sundalo ng pansit. Ayaw umalis ng sundalo.
Mga Daglat ng Kategoriya
Kategoriyang Makahulugan pangngalan pang-uri pandiwa pang-abay pang-ukol
N noun A adjective V verb ADV adverb P preposition
Daglat ng mga Kategorya
Kategoriyang Matungkulin panghalip pangganap pantukoy pangtakal pangatnig
PRN pronoun C complementizer D determiner Q quantifier Conj conjunction
Itutuloy …