Rizal-mi Ultimo Adios & Kundiman

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Rizal-mi Ultimo Adios & Kundiman as PDF for free.

More details

  • Words: 2,613
  • Pages: 4
Mi último adiós

Huling Paalam ni Rizal salin ni Agapito M. Joaquin

¡Adiós, Patria adorada, región del sol querida, Perla del mar de oriente, nuestro perdido Edén! A darte voy alegre la triste mustia vida, Y fuera más brillante, más fresca, más florida, También por ti la diera, la diera por tu bien.

Paalam, Inang Bayang mahal, lupaing kasuyo ng araw, Perlas ng dagat sa silangan, paraiso naming pumanaw, Malugod akong maghahandog ng aba at nalantang buhay, Na kahit naging sariwa pa, mabulaklak man o makulay, Ipagkakaloob ko pa ring sa ikabubuti mo'y alay.

En campos de batalla, luchando con delirio, Otros te dan sus vidas sin dudas, sin pesar; El sitio nada importa, ciprés, laurel o lirio, Cadalso o campo abierto, combate o cruel martirio, Lo mismo es si lo piden la patria y el hogar.

Sa larangan ng paghahamok, ng pagkahibang ay sapupo, Ang iba'y naghain ng buhay na ang isipa'y di-nagtalo, Hindi mahalaga ang pook: maging sipres, laurel o lirio, Bibitayan o parang, kamay ng kaaway o ng berdugo, Iisa, kung tahana't Inang Bayan ang humihiling dito.

Yo muero cuando veo que el cielo se colora Y al fin anuncia el día tras lóbrego capuz; si grana necesitas para teñir tu aurora, Vierte la sangre mía, derrámala en buen hora Y dórela un reflejo de su naciente luz.

Aalis akong sa langit mo'y nababanaag na ang hudyat, Na ang hinintay na umaga ay papalit na sa magdamag, Ang kulay ng madaling araw, kung kapos sa ikaririlag, Dugo kong sa tumpak na oras ay ibibigay nang maluwag, Kuni't nang sa ikapupula ng liwayway ay maparagdag!

Mis sueños cuando apenas muchacho adolescente, Mis sueños cuando joven ya lleno de vigor, Fueron el verte un día, joya del mar de oriente, Secos los negros ojos, alta la tersa frente, Sin ceño, sin arrugas, sin manchas de rubor

Pangarap ko noong bata pang bago pa lang nagkakaisip, Pangarap ko nang magbinatang kasiglahan ang diwa't bisig, O, Hiyas ng Dagat-Silangan ay makita kang walang hapis, Walang luha sa mga mata, noo'y nakataas, malinis, Walang bahid ng kahihiyan, ng lungkot o ng pagkalupig!

Ensueño de mi vida, mi ardiente vivo anhelo, ¡Salud te grita el alma que pronto va a partir! ¡Salud! Ah, que es hermoso caer por darte vuelo, Morir por darte vida, morir bajo tu cielo, Y en tu encantada tierra la eternidad dormir.

Pangarapin ng aking buhay, marubdob na nasa ng dibdib, Nagpupugay sa iyo itong kaluluwa kong papaalis! A, kay gandang magpakalugmok upang ikaw ay maitindig, Mamatay nang mabuhay ka, sa silong ng langit mo'y mapikit, At sa binalaning lupa mo'y walang katapusang maidlip!

Si sobre mi sepulcro vieres brotar un día Entre la espesa yerba sencilla, humilde flor, Acércala a tus labios y besa al alma mía, Y sienta yo en mi frente bajo la tumba fría, De tu ternura el soplo, de tu hálito el calor.

Sa aking puntod, isang araw, kung mayroon kang mapupuna, Isang maliit na bulaklak na sa karawaga'y bumuka, Ilapit mo sa labi, hagka't yaon ay aking kaluluwa, Kahit sa hukay na malamig, sa init ng iyong hininga, Ay madarama ko pang muli ang nag-aalab mong pagsinta!

Deja a la luna verme con luz tranquila y suave, Deja que el alba envíe su resplandor fugaz, Deja gemir al viento con su murmullo grave, Y si desciende y posa sobre mi cruz un ave, Deja que el ave entone su cántico de paz.

Patanglawan ako sa buwang sinag ay malamlam, marahan, Papaliguan ng liwanag ng liwayway na sumisilang, Hayaang madampian ako ng humihibik na amihan, At kung sa krus ng aking puntod ay may isang ibong dumalaw, Ang ipahuni mo sa kaniya ay awit ng kapayapaan.

Deja que el sol, ardiendo, las lluvias evapore Y al cielo tornen puras, con mi clamor en pos; Deja que un ser amigo mi fin temprano llore Y en las serenas tardes cuando por mí alguien ore, ¡Ora también, oh Patria, por mi descanso a Dios!

Hayaang higupin ng araw at dalhin sa langit ang ulan, Sa dalisay na tubig, naiwang pagtutol ko'y ilalakbay; Hayaang isang kaibiga'y saglit muna akong iyakan, At kung sa paglubog ng araw, may luluhod sa pagdarasal, Ipanalangin mo rin ako, upang sa Diyos ay mahimlay.

Ora por todos cuantos murieron sin ventura, Por cuantos padecieron tormentos sin igual, Por nuestras pobres madres que gimen su amargura; Por huérfanos y viudas, por presos en tortura Y ora por ti que veas tu redención final.

Ipagdasal mo rin ang lahat ng kapus-palad na nasawi, Yaong nangagtiis ng dusang wala nang makakasing-hapdi, Mga inang nagsisitangis sa dinaranas na pighati, Ang mga ulila at balo, ang mga bilanggong lupagi, At saka ang iyong sarili, nang ang laya mo ay ngumiti!

Y cuando en noche oscura se envuelva el cementerio Y solos sólo muertos queden velando allí, No turbes su reposo, no turbes el misterio, Tal vez acordes oigas de cítara o salterio, Soy yo, querida Patria, yo que te canto a ti.

Sa gabi, kapag ang libingan ay ulila at tahimik na, At mga patay lang ang doo'y tumatanod sa pag-iisa, H'wag ipapukaw ang hiwaga, h'wag gambalain ang pahinga; At kung may himig na mapanglaw, o huning mauulinig ka, Tinig ko yaon, o Bayan ko, dinggi't inaawitan kita!

Y cuando ya mi tumba de todos olvidada No tenga cruz ni piedra que marquen su lugar, Deja que la are el hombre, la esparza con la azada, Y mis cenizas, antes que vuelvan a la nada, El polvo de tu alfombra que vayan a formar.

At kung sa tagal ay limot na ang puntod kong kinasadlakan Walang krus o panandang bato na doo'y mapagkikilanlan, Hayaang ito ay mabungkal, at mapahalo na sa linang, Nang bago muna ang abo ko ay mapabalik sa kawalan, Magpakapal man lang sa lupang maaari mong matuntungan.

Entonces nada importa me pongas en olvido. Tu atmósfera, tu espacio, tus valles cruzaré. Vibrante y limpia nota seré para tu oído, Aroma, luz, colores, rumor, canto, gemido, Constante repitiendo la esencia de mi fe.

Sa gayon, di na mahalaga kung ako ma'y ganap nang limot, Sa himpapawid mo at parang, malaya akong maglilibot, Sa pandinig mo ay magiging tumataginting akong tunog, Sa samyo, liwanag at kulay, sa higing, sa awit at lamyos, Buod ng paninindigan ko'y muli't muling ipatatalos!

Mi patria idolatrada, dolor de mis dolores, Querida Filipinas, oye el postrer adiós. Ahí te dejo todo, mis padres, mis amores. Voy donde no hay esclavos, verdugos ni opresores, Donde la fe no mata, donde el que reina es Dios.

Sintang Bayan ko, o tiisin ng lahat kong mga tiisin! Minamahal kong Pilipinas, paalam ko ay ulinigin! Iiwan ko nang lahat: mga magulang at mahal sa akin, Sa patutunguhan ko'y walang maniniil, walang alipin, Paniwala'y di pumapatay, Diyos lamang ang nagtuturing!

Adiós, padres y hermanos, trozos del alma mía, Amigos de la infancia en el perdido hogar, Dad gracias que descanso del fatigoso día; Adiós, dulce extranjera, mi amiga, mi alegría, Adiós, queridos seres, morir es descansar.

Paalam, magulang, kapatid, kapilas nitong kaluluwa, Mga kaibigan sa kamusmusan sa tahanang inaba, Pasalamat kayo't ang pagod ng maghapon ay natapos na! Paalam, dayuhang magiliw, katuwaan ko, aking sinta, Paalam, mga minamahal! Mamatay ay pagpapahinga!

”Mi Ultimo Adios” Sa salin ni Andres Bonifacio sa pamagat na ”Huling Paalam”

My Last Farewell (Modern English translation by Edwin Agustín Lozada)

Pinipintuho kong Bayan ay paalam, Lupang iniirog ng sikat ng araw, mutyang mahalaga sa dagat Silangan, kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.

Farewell, beloved Country, treasured region of the sun, Pearl of the sea of the Orient, our lost Eden! To you eagerly I surrender this sad and gloomy life; And were it brighter, fresher, more florid, Even then I’d give it to you, for your sake alone.

Masayang sa iyo'y aking idudulot ang lanta kong buhay na lubhang malungkot; maging maringal man at labis ang alindog sa kagalingan mo ay akin ding handog. Sa pakikidigma at pamimiyapis ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip, walang agam-agam, maluwag sa dibdib, matamis sa puso at di ikahahapis. Saan man mautas ay di kailangan, cipres o laurel, lirio ma'y patungan pakikipaghamok, at ang bibitayan, yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan. Ako'y mamamatay, ngayong namamalas na sa Silanganan ay namamanaag yaong maligayang araw na sisikat sa likod ng luksang nagtabing na ulap. Ang kulay na pula kung kinakailangan na maitina sa iyong liwayway, dugo ko'y isaboy at siyang ikikinang ng kislap ng iyong maningning na ilaw. Ang aking adhika sapul magkaisip noong kasalukuyang bata pang maliit, ay ang tanghalin ka at minsang masilip sa dagat Silangan hiyas na marikit. Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,

In fields of battle, deliriously fighting, Others give you their lives, without doubt, without regret; The place matters not: where there’s cypress, laurel or lily, On a plank or open field, in combat or cruel martyrdom, It’s all the same if the home or country asks. I die when I see the sky has unfurled its colors And at last after a cloak of darkness announces the day; If you need scarlet to tint your dawn, Shed my blood, pour it as the moment comes, And may it be gilded by a reflection of the heaven’s newly-born light. My dreams, when scarcely an adolescent, My dreams, when a young man already full of life, Were to see you one day, jewel of the sea of the Orient, Dry those eyes of black, that forehead high, Without frown, without wrinkles, without stains of shame. My lifelong dream, my deep burning desire, This soul that will soon depart cries out: Salud! To your health! Oh how beautiful to fall to give you flight, To die to give you life, to die under your sky, And in your enchanted land eternally sleep. If upon my grave one day you see appear, Amidst the dense grass, a simple humble flower, Place it near your lips and my soul you’ll kiss, And on my brow may I feel, under the cold tomb, The gentle blow of your tenderness, the warmth of your breath.

taas na ang noo't walang kapootan, walang bakas kunot ng kapighatian gabahid man dungis niyong kahihiyan. Sa kabuhayan ko ang laging gunita maningas na aking ninanasa-nasa ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa paghingang papanaw ngayong biglang-bigla. Ikaw'y guminhawa laking kagandahang akoy malugmok, at ikaw ay matanghal, hininga'y malagot, mabuhay ka lamang bangkay ko'y maisilong sa iyong Kalangitan. Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas sa malagong damo mahinhing bulaklak, sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat, sa kaluluwa ko halik ay igawad. At sa aking noo nawa'y iparamdam, sa lamig ng lupa ng aking libingan, ang init ng iyong paghingang dalisay at simoy ng iyong paggiliw na tunay. Bayaang ang buwan sa aki'y ititig ang liwanag niyang lamlam at tahimik, liwayway bayaang sa aki'y ihatid magalaw na sinag at hanging hagibis. Kung sakasakaling bumabang humantong sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon, doon ay bayaan humuning hinahon at dalitin niya payapang panahon. Bayaan ang ningas ng sikat ng araw ula'y pasingawin noong kainitan, magbalik sa langit ng buong dalisay kalakip ng aking pagdaing na hiyaw. Bayaang sino man sa katotong giliw tangisang maagang sa buhay pagkitil; kung tungkol sa akin ay may manalangin idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing. Idalanging lahat yaong nangamatay, Nangag-tiis hirap na walang kapantay; mga ina naming walang kapalaran na inihihibik ay kapighatian. Ang mga balo't pinapangulila, ang mga bilanggong nagsisipagdusa; dalanginin namang kanilang makita ang kalayaan mong ikagiginhawa. At kung ang madilim na gabing mapanglaw ay lumaganap na doon sa libinga't tanging mga patay ang nangaglalamay, huwag bagabagin ang katahimikan. Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain; kaipala'y marinig doon ang taginting, tunog ng gitara't salterio'y magsaliw, ako, Bayan yao't kita'y aawitan.

Let the moon see me in a soft and tranquil light, Let the dawn send its fleeting radiance, Let the wind moan with its low murmur, And should a bird descend and rest on my cross, Let it sing its canticle of peace. Let the burning sun evaporate the rains, And with my clamor behind, towards the sky may they turn pure; Let a friend mourn my early demise, And in the serene afternoons, when someone prays for me, O Country, pray to God also for my rest! Pray for all the unfortunate ones who died, For all who suffered torments unequaled, For our poor mothers who in their grief and bitterness cry, For orphans and widows, for prisoners in torture, And for yourself pray that your final redemption you’ll see. And when the cemetery is enveloped in dark night, And there, alone, only those who have gone remain in vigil, Disturb not their rest, nor the mystery, And should you hear chords from a zither or psaltery, It is I, beloved Country, singing to you. And when my grave, then by all forgotten, has not a cross nor stone to mark its place, Let men plow and with a spade scatter it, And before my ashes return to nothing, May they be the dust that carpets your fields. Then nothing matters, cast me in oblivion. Your atmosphere, your space and valleys I’ll cross. I will be a vibrant and clear note to your ears, Aroma, light, colors, murmur, moan, and song, Constantly repeating the essence of my faith. My idolized country, sorrow of my sorrows, Beloved Filipinas, hear my last good-bye. There I leave you all, my parents, my loves. I’ll go where there are no slaves, hangmen nor oppressors, Where faith doesn’t kill, where the one who reigns is God. Goodbye, dear parents, brother and sisters, fragments of my soul, Childhood friends in the home now lost, Give thanks that I rest from this wearisome day; Goodbye, sweet foreigner, my friend, my joy; Farewell, loved ones, to die is to rest.

Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat at wala ng kurus at batong mabakas, bayaang linangin ng taong masipag, lupa'y asarolin at kahuya’y ikalat. Ang mga buto ko ay bago matunaw, mauwi sa wala at kusang maparam, alabok na iyong latag ay bayaang siya ang babalang doo'y makipisan. Kung magkagayon ma'y, alintanahin na ako sa limot iyong ihabilin, pagka't himpapawid at ang panganorin, mga lansangan mo'y aking lilibutin. Matining na tunog ako sa dinig mo, ilaw, mga kulay, masamyong pabango, ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo, pag-asang dalisay ng pananalig ko. Bayang iniirog, sakit niyaring hirap, Katagalugan kong pinakaliliyag, dinggin mo ang aking pagpapahimakas; diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat. Ako'y patutungo sa walang busabos, walang umiinis at berdugong hayop; pananalig doo'y di nakasasalot, si Bathala lamang doo’y haring lubos. Paalam, magulang at mga kapatid kapilas ng aking kaluluwa't dibdib mga kaibigan, bata pang maliit, sa aking tahanan di na masisilip. Pag-papasalamat at napahinga rin, paalam estranherang kasuyo ko't aliw, paalam sa inyo, mga ginigiliw; mamatay ay siyang pagkakagupiling!

Kundiman Jose Rizal Tunay ngayong umid yaring dila't puso Sinta'y umiilag, tuwa'y lumalayo, Bayan palibhasa'y lupig at sumuko Sa kapabayaan ng nagturong puno. Datapuwa't muling sisikat ang araw, Pilit maliligtas ang inaping bayan, Magbabalik mandin at muling iiral Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan. Ibubuhos namin ang dugo't babaha Matubos nga lamang ang sa amang lupa Habang di ninilang panahong tadhana, Sinta'y tatahimik, iidlip ang nasa. Kundiman Translated by Nick Joaquin Now mute indeed are tongue and heart: love shies away, joy stands apart. Neglected by its leaders and defeated, the country was subdued and it submitted. But O the sun will shine again! Itself the land shall disenchain; and once more round the world with growing praise shall sound the name of the Tagalog race. We shall pour out our blood in a gread flood to liberate the parent sod; but till that day arrives for which we weep, love shall be mute, desire shall sleep.

Related Documents

Adios
October 2019 38
Adios
December 2019 26
Adios
April 2020 15
Adios
November 2019 30
Ultimo
April 2020 40