Rizal

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Rizal as PDF for free.

More details

  • Words: 1,932
  • Pages: 7
MGA BABAENG BUMIHAG SA PUSO NI RIZAL Segunda Katigbak --- ang unang nakakuha ng atensyon ni Rizal. “Miss K” ang tawag sa kanya ni Rizal. Labing apat na taon siya at labing anim naman si Rizal noong una silang magkatagpo. Leonor Valenzuela --- “Orang” ang bansag sa kanya ni Rizal. Nakilala siya ni Rizal nang manirahan ito sa Intramuros noong siya ay nasa ikalawang taon sa kolehiyo. Leonor Rivera --- siya ang sinasabing pinakaminahal ni Rizal. “Taimis ang ginamit niyang pangalan sa mga sulat ni Rizal, upang maitago ang relasyon nila sa mga kapamilya at kaibigan dahil sa magpinsan sila ni Rizal. Seiko Usui --- tinawag siyang O-Sei-San ni Rizal. Isa siyang haponesa at doon sila nagkakilala ni Rizal. Ginamit nila ang wikang Ingles at Pranses upang magkaintindihan. Gertrude Beckett --- “Gettie at Pettie” ang tawagan nila ni Rizal. Siya ang pinakamatanda sa tatlong magkakapatid. Sa kanila umupa ng kwarto si Rizal noong siya ay nasa London. Nelly Boustead --- una niyang nang katipan si Antonio Luna subalit nang umalis ito ay napalapit siya kay Rizal. Josephine Bracken --- isang Irish na nagtungo sa Dapitan kasama ang kanyang amaamahan upang ipagamot ang mata nito kay Rizal. Nagkaibigan sila subalit walang gusting magkasal sa kanila hanggat hindi nagbabalik loob si Rizal sa simbahan. leonor rivera palayaw: iba pang impormasyon ukol kay leonor rivera leonor Valenzuela palayaw: Orang iba pang impormasyon ukol kay leonor Valenzuela Sa pag-aaral ni Rizal ng medisina ay tumira siya sa bahay ni Donya Concha Leyva. Malapit sa lugar na iyon ang bahay nila Juan at Sanday Valenzuela na may anak na dalaga na si Leonor na kilala sa palayaw na Orang. Si Leonor ay matangkad na babae na kasing-taas ni Rizal. Dahil sa aking taglay na ganda ng dalaga, si Rizal ay humanga. Madalas silang namamasyal ng binata sa kanilang lugar. Niligiwan siya ni Rizal sa pamamagitan ng mga liham na isinulat sa inbisibol na tinta na ginawa niya buhat sa pinaghalong asin at tubig. Mababasa lamang ang anumang nakalagda kung itatapat ang papel sa liwanag ng kandila o lampara. Sila ni Rizal ay naging magkasintahan sa sandaling panahon lamang.

nelly boustead

makisig, matangos na ilong, baba at bibig na katulad sa kanyang lolo palayaw: nelly, Nellie lahi: anglo-pilipino lokasyon: paris iba pang impormasyon ukol kay nelly Hilig: fencing, magbasa Iba pang katangian: palaisip at relihiyosa, palaging pinangingibabaw ang dangal, intelektuwal, at may sariling desisyon minamahal ni antonio luna si nelly nagkakaroong ng di unawaan si rizal at nelly ukol sa paniniwala ni rizal sa relihiyon dahil sa protestante si nelly. nang magsabi si rizal kay ginoong boustead ay hindi ito tumutol at ibinigay pa ang kanang suporta pinilit ni nelly na maging isang protestante si rizal ngunit di niya ito pinagbigyan, sa bandang huli ay naghiwalay rin silang magkaibigan josephine bracken may anyong europeang-europea maliban sa taas na limang talampakan at kalahating pulgada lamang

edad: 14 taong gulang palayaw: binibining K. lokasyon: dapitan inang bayan: hongkong iba pang impormasyon ukol kay josephine nagpunta si josephine bracken sa dapitan para ipagamot ang mata ng kanyang amaamahang si george. sa unang pagkikita ay nabighani na si rizal kay josephine at ganoon din si joephine kay rizal. sa loob ng isang buwang pananatili ni G toufer at josephine ay nagpasya si rizal na pakasalan si josephine. si josephine ay anak ni james bracken, isang sundalong naglilikod bilang private sa 28th regiment of foot at ng isang babaeng intsik. nang mamatay ang tunay na asawa ni james ilang araw matapos isilang si joephine ay ipinarehistro niya ang bata bilang lehitimong anak. ngunit dahil sa di niya kayang alagaan ang bata ay ipinaampon niya ito sa magasawang Taufer. seiko usui

mahinhin, maganda, kabigha-bighani, at matalino palayaw: o sei san edad: 23 taong namatay: sa edad na 80 noong May 1, 1947 iba pang impormasyon ukol kay osei-san Nagsimula ang pag-iibigan nina Rizal at Seiko nang lumipat si Rizal sa Legasyon ng Espanya sa Azabu, distrito ng Tokyo. Nakita ni Rizal ang isang magandang babae na dumaan sa harap ng gate ng Legasyon. Hindi niya alam kung paano niya makikilala ang babae kaya ang ginawa niya ay nagtanong-tanong siya sa mga empleyado at sinabi ng isang hardinerong Hapon na Seiko Usui ang pangalan ng babae.nang sumunod na araw

ay hinintay ni Rizal si Seiko, nagpakilala siya dito at tinanggal ang sumbrero. Ito kasi ang naging kaugalian ng mga Aleman. Medyo mahina si Rizal sa Niponggo kay tinutulungan siya ng hardinero na magpakilala. Sinabi ng hardinero na isa siyang manggagamot na galing sa Maynila at bisita ng Legasyon. Humanga si Seko kay Rizal dahil sa pagkamaginoo nito at kahit hindi gaanong marunong ng wikang Niponggo ay pinipilt niya para lang makausap siya kaya ang ginawa ni Seiko ay nagsalita siya ng wikang Pranses at Ingles. Simula noon ay araw-araw na silang nagkikita at tinawag ni Rizal si Seiko na OSei-San. Madalas silang mamasyal at sinasabi na ang nagbuklod kina Rizal at Seiko ay ang sining. Nakita rin ni Rizal kay Seiko ang katangian na hinahanap niya sa isang babae mahinhin, maganda, kabigha-bighani, at matalino. Ang nagustuhan naman ni Seiko kay Rizal ay ang pagiging maginoo, may dignidad, matapang, at maraming talento na tao. Bukod sa pagiging magkasintahan ay naging tutor din ni Rizal si Seiko sa wikang Niponggoat gumagabay sa kanya sa pag-oobserba sa mga Village at Shrine sa Tokyo. Pagkaalis ni Rizal naiwang bigo sa pag-ibig si Seiko. Nagluksa siya sa pagkawala ni Rizal. Taong 1897 pagkatapos ng mahatulan si Rizal, nagpakasal siya kay Ginoong Alfred Charlton, isang guro. Ngunit namatay din ito noong Nobyembre 2, 1915. Namatay si Seiko sa edad na 80 noong May 1, Doon na sana titira sa Tokyo si Rizal dahil bibigyan siya ng trabaho ng Legasyon at makakasama niya pa si Seiko subalit mas pinili niya pa rin ang misyon niya sa pagpapalaya sa Pilipinas. Bago umalis si Rizal ay sumulat siya sa diary. Napakaloob dito na hindi niya makakalimutan ang mukha ni Seiko sa kanyang isip at binabanggit niya pa rin ang pangalan nito, ayon din sa kanya ay walang ibang babae na nagmahal at nagsakripisyo sa kanya tulad ni O-Sei-San. Umalis si Rizal na mabigat ang loob, bumalik sa Europa para sa isang misyon at sinakripisyo ang sarili. nilibing siya na katabi ang asawa sa Zoshigawa Cemetery. • •

isa siya sa mga pinakakilalalng babae na naging bahagi ng buhay ni rizal nagustuhan ni rizal ang bansang hapon ng labis dahil sa magandang tanawin, mga bulaklak, mga punong kahoy at ang tahimik, magalang at laging handang tumulong na mamamayan

bahagi ng tala ni rizal: "wala pang ibang babaing hihigit na nagmahal at nagpakasakit para sa akin kagaya ng iyong ginawa; paalam, paalam. hindi mo na malalaman na ang larawan mo ay mananatili sa aking isipan... kailan kaya magbabalik ang matatamis na araw na pinalipas ko sa iyong piling" segunda katigbak

edad: 14 taong gulang palayaw: binibining K. lokasyon: London iba pang impormasyon ukol kay segunda Ang unang pag-ibig ni Rizal. Sa gulang na 16 na taon, pagkaraan ng pag-aaral sa Ateneo, nagsimulang umibig si Rizal sa isang dalagang 14 na taong gulang taga-Lipa, Batangas. Ang dalaga ay kaibigan at kasama sa inuupahang bahay ng kapatid ni Rizal na si Olimpia na ang-aaral sa kalehiyo ng La Concordia. Ito ang pag-ibig sa unang pagkikita at ito rin ang kauna-unahang pagkabigo sa pag-ibig ni Rizal sapagkat ang dalaga ay nakatakda ng ikasal sa isang Manuel Cruz. gertrude beckett

asul ang mata palayaw: tottie lokasyon: London

inang bayan: chalchott crescent, london pinanganak sa: south london iba pang impormasyon ukol kay Gertrude Ang Haligi ng Tahanan na si Charles Beckette pinanganak sa south London distrito ng Blackfriars, 36 taong gulang, isang (civil servant) *government employee* isang pampublikong manggawa at isang boluntayo bilang isang tagatugtog ng organ sa simbahan. Ang St. Paul di kalayuan sa Chalcot Cresent, malapit sa Swiss Cottage at ang isa naman ays a Camden square. Ang iLaw ng tahanan na c Georgina beckette ang asawa ni charles galling sa maliit na bayan ng Ely sa Cambridgeshire,at duon nagsimula ang kanilang pagmamahalan at duon nagpakasal at bumuo ng pamilya. Ipinanganak sina Gertrude at Blanche ang dalawang nakakatanda at ang huli ay si Ely. Labing walong taon si ‘Gettie’ nuon ng humanga sa isang Filipino na nangungupahan sa kanilang paupahan. Pero si rizal ay agad lumisan papuntang Paris upang pigilan ang nararamdaman kay Gettie, para ipagpatuloy ang kangyang mga Gawain para sa pilipinas, iniwanan niya dito ang Group carving upang tanda ng kanilang sandaling pag iibigan. Labing pitong taon nama si Blanche o “sissie” nuong panahong iyon. Nandito ang halimbawa ng Liham ni Gettie kay Rizal o Pettie: Aking Ginoong Rizal: Wag mo sanang isipin na akoy isang suplada o makakalimutin sa hindi sa pagsagot sa sulat mo nung nakaraan,pero sa totoo lang hinihintay kong masrinig sayo,hindi ko alam kung natanggap mo ang kahon sa mabuting kalagayan, hindi ako sigurado kung tama ang address, dahil ikaw ay palipat-lipat: natutuwa ako g kaunti dahil ditto, sana ako’y kasama mo, sana meron tayong isang maliit na silid at hindi tama ang paglipat lipat ng walang pahinga. Nangamba kaba ng hindi mo natanggap ang unang liham ko sayo? Binalik ko to nung sumunod na araw, nakakatuwa hindi ba? Pagkatapos ng mahabang panahon sumulat ako ng direkta pag kaalis mo,kaya ito’y natanggap mo kinabukasan ng umaga. Oh! Ako’y malungkot nuon; Hindi maiwasang sumulat sa iyo, walang nakakaalam nitong ginagawa ko. Maraming salamat sa pagpapadala mo ng Fashion paper pero wala akong nakitang magandang kasuotan, ni’kalahati nito ay hindi kasing gandan n gaming mga fashion o kasuotan naming ito. Tanggap nila ang mga bust na gawa namin? pero syempre oo, magaganda ang gawa mo hindi nila mapagkakaila yun… Julia nakilala ni rizal noong: abril 1877 nakilala ni rizal sa: ilog dampalit, losbanos, laguna

labing anim na taon na taon si Rizal ng makilala ang dalagita iba pang impormasyon ukol kay Julia sa pagkakatayo ni rizal sa may dalampasigan ay napagmasdan niya ang maraming kababaihang nagsisipaggugo ng kanilang mg aulo. isang magandang dalagita ang nakita ni rizal na lumabas mula sa malalagong halaman. ang dalagang narinig ni rizal na nagngangalang julia ay nagsabi sa kanyang lola na nais niyang manghuli ng paru paro bago umuwi ng kanilang bahay. dahil sa narinig ay nagpakitang gilas si rzal sa paghuli sa paru paro ngunit nakawala ang paru paro. sinikap nyang makahuli ng paru paro at ibinigay ito sa dalaga. nagkakilala sila ng dalaga at inihatid ang mag lola sa kanilang bahay sa los banos laguna. subalit tulad ng ibang kabataan, ang paghangang kanyang nadama ay agad na nawala ng makilala ang dalagang taga-lipa, batangas. Bb. L iba pang impormasyon ukol kay Bb. L si binibining L ay higit na mas matanda kaysa kay rizal at pinaniniwalaang guro ni rizal na si Jacinta Ibardo Laza. nakatira si Bb L sa bahay ni Nicolas regalado na kaibigan ni Rizal. madalas dalawin ni rizal si Bb L ngunit ang puso nya ay para kay segeunda katigbak. natigil lang ang pagdalaw nya dito ng pagbawalan siya ng kanyang ama. consuelo ortega y perez lahi: kastila lokasyon: madrid iba pang impormasyon ukol kay Consuelo nang umalis si rizal sa pilipinas, nakatagpo niya sa nmadrid si consuelo. bagama't hindi maliwanag kung nagkaroon ng unawaan o umibig si rizal sa babaing ito, ito ay pinaghandugan niya ng isang tula na " sa iyo, Bb. C.O. y P.". sa kanyang tala arawan naman ay isinulat ni xonsuelo ang alaala ng araw na si rizal ay tumigil sa tahanan ng kanyang magulang. ang huling pangungusap na isinulat ni consuelo ay "ang araw na lumipas ay isa sa mga araw na lagi na'y manantili sa aking alaala".

Related Documents

Rizal
June 2020 28
Rizal
November 2019 51
Rizal
November 2019 56
Rizal
November 2019 42
Rizal-present.docx
June 2020 21
Rizal Engineer
June 2020 7