Review of Related Literature.-
Ilan sa mga
nauusong social media sites ay ang Facebook, Twitter, Snapchat, Instagram, at Tumblr. Nakatutulong ito sa atin, ngunit madami rin itong hindi magandang epekto sa bawat isa. Bilang isang mag-aaral, alam naming isa ito sa mga salik na nagiging dahilan ng pagiging wala sa pokus ng mga kamag-aral naming. Maaaring maging adbanteyj and social media bilang portal ng madaling paraan ng pagpapasa ng mga fayls, reports, mensahe, at ideya. Ngunit maaari rin nitong kainin ang ating oras sa mga hindi produktibo at hindi kapaki-pakinabang na bagay. Sa puntong ito ay nais naming malaman kung nakatutulong ba o hindi ang social media sa mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – Sta. Cruz Campus. “As of 2015 the world’s largest social networking company, Facebook, has 1.49 billion active users, and the number of users is increasing every year. One of the most interesting things to look at is the increasing number of student users on such social networking sites. As per the survey conducted by Pew Research Center, 72 percent of high school and 78 percent of college students spend time on Facebook, Twitter, Instagram, etc. These numbers indicate how much the student community is involved in this virtual world of social networking.” -TECHNICIAN, The Student Newspaper of North Carolina State University, February 17, 2016 issue, Abhishek Karadkhar, correspondent
Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni Ma. Fe Gannaban,PhD (2013), ang social media o social networking sites ay isa sa mga dulog-teknolohikal na magagamit ng mga guro sa pagtuturo sa kanilang mga estudyante. Maaring magbigay ito ng oportunidad sa mga guro upang komonekta sa kaniyang mga mag aaral. Sinasabing hindi lamang sa mga mag aaral mayroong advanteyj ang social media,kundio maging sa mga guro. Fionamae Abainza 2014,ang social media katulad ng facebook ay isang daan na maaaring makapagdulot ng maganda sa mga kabataan. Isa na dito ay ang maaring magkaroon ng malayong ugnayan ang bawat tao para magkaroon ng komunikasyon dahiul sa paggamit nito.Isa ring dulot ng mga social media ayon sa mga pag aaral ay ang pagpapadali nito sa pangangalap ng mga impormasyon . Ito ay maoobsebahan
kahit sa grupo ng aming pangkat sa paaralan,dito nagpapahatid ng mga mahahalagang impormasyon ang pangulo ng aming klase ukol sa mga mahahalagang paalala sa aming mga kamag-aral. Ang mga naturang impormasyon ay naipapahatid ng mas mabilis at sa mas medaling paraan. Naging malaking tulong talaga at kaagapay sa mga magaaral ang social media, huwag lamang itong aabusuhin at ito na ang kumain sa ating mahalagang panahon. Marami ang nagpahayag na mabuti ang dulot ng social media sa ating mga pamumuhay bilang estudyante
Ayon sa pag – aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may malaking papel na ginagampanan sa paghubog ng kagandahang – asal ng mga estudyante. Subalit sa pamamagitan ng social media na produkto ng makabagong teknolohiya, kay gulo ng takbo ng kanilang pag – iisip sa larangan ng kanilang pag – aaral. 2 Nakakalungkot isipin na mas nangingibabaw na ang negatibong epekto ng Social Media sa mga estudyante at tila baga unti – unti nang nahihigitan ang kagandang asal at disiplina sa sarili. Dahil dito, ang mga guro bilang pangalawang mga magulang ng mga estudyante ay nararapat na gawing kawili – wili ang mga gawaing pang – akademiko, magkaroon ng kakaibang istratehiya sa pagtuturo at maghanda ng mga motibasyong nakakatawag – pansin o interes sa kanilang mga estudyante para mas mahikayat silang makinig at makilahok sa talakayan. Kaya’t nararapat ang ibayong patnubay at gabay ng mga guro. Higit silang naaapektuhan sa pagpasok sa iba’t ibang Social Networking Sites dahil sa walang sapat silang kaalaman hinggil sa tamang paggamit nito. Kaya bilang paghahanda sa mga kagamitang pangturo sa hinaharap, layunin ng pag – aaral na itong kumalap ng impormasyong kinakailangan para tuklasin ang epekto ng dulot ng Social Media sa mga
estudyante. Ito ay para maging gabay at daan kung paano maiwasan at masolusyunan ang sobrang pagkahumaling ng mga estudyante dito. .