Requirement Sa Subject Na Rizal :tula

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Requirement Sa Subject Na Rizal :tula as PDF for free.

More details

  • Words: 1,131
  • Pages: 8
Katamaran at Kasipagan Alvin B. Buenconsejo

Katamaran… Kabatugan.., Ilan lamang ito sa salitang tinuran Pinagmalabisang pagpapakahulugan Hindi makakailang itoy umiiral .. Inuugnay sa atin… Sinasabing itoy likas sa atin ….. ...itong katamaran Katamaran… “Sakit na pinagkatandaan” Kabatugan… “Kasira-sirang nakamtan “ Buhat ng silay dumatal Kasipagan ay kinalimutan .

Nasan ang dati mong kasipagan ? Nasan ang dati nating karangalan ? Ngayon pag –unlad ay di makamtan Paano kaya ito malulunasan

Ano ba ang kadahilanan nitong sakit ng katamaran ? Aasa na lang ba sa suertet himala? Na sa kasalukuyan ay naghihintay sa wala O reaksyon ba ito sa mga kastila ?

Ang pagkakaisa ay kinalimutan, Gayundin edukasyon ay pinabayaan Katamaran ay nasilayan Hanggan sa kasalukuyan silay nasisilayan Sakit na dapat nating malunasan

Ano ba ang pagkukulang Nitong pamahalaan at simbahan Bunton ng sisi ay lagi sa mamamayan Na sanay iminulat ang kabataan Edukasyon ay mabigyan At kalayaan ay kanilang makamtan.

Katamaran, Palitan ng kasipagan Kabatagun , Ating bawiin ang nawalang karangalan Katamaran Atin nang kalimutan Busugin ang isipan Kalayaan ay ipaglaban Mag banat ng buto Sa daan ng kaginhawaan Kailanmay suerte ay kabalintanuan Sa rurok ng kaunlaran Katamaran , Ay kahirapan Kasipagan Ay kaginhawaan!

Alvin B. Buenconsejo B.S. Biology 3-1D Isinulat noong Ika – 29 ng Setyembre, 2009 12:00 ng tanghali at natapos noong 1:20 ng hapon sa aking kwarto habang nakikinig at nanunod ng balita sa t .v

Balangkas ng Nakaraan ,Kasalukuyan at ng Hinaharap Alvin B. Buenconsejo

Ng si Rizal ay pinag aralan ang kasaysayan

Bago paman itong mananakop ay lumulan Buhay sa lupa ginhawa ang kinakamtan Kalayaan ,kasaganahan ang syang nanahan . Nang itong lupa’y nakubkob Putungan ng korona ng pag kaalipin Dugo ,pawis ang pinagkaloob Pagkaalipin na ang namalas sa atin . Dagliang binago , nagpalit pilit anyo , Itong abang lupang kinubkob Nilipol ang mga mamamayan Kulturay binago’t ,pinabayaaan Batas ay pinalitan… Pusoy sinugatan ,pinagsamantalahan Kaugaliang minanay nilimot Pinalitan ng napakasalimuot. Gayundin ,isip ay niliko nililo ,inaglahi Tatak ng isang malayang tao. Ngayon sialy nawalan ng “tiwala sa nakaraan” “Walang pinanghahawakan sa kasalukuyan “ Wala rin pag-asang pinagkukunan Sa araw na kanilang kanasasadlakan “Dahil walang alam sa nakaraan Ano kaya ang magiging kinabukasan”. Noon din bagong buhay ay pinasimulan Kinalimutan ang sariling pinagmulan Itinapon pati panulat kapara’y kalat Nilimot din ang mga awit ,mga tula Upang maisaulo ang ilang paniniwala Na di naman mahinuha.

Mamalas sila sa isang napaaamong hayop “Mistulang taong walang utak at puso “ -walang katauhang pag-iisip

-walang katauhang puso!

Subalit diwa’y di tuluyang napatay “bagaman ito’y nakuba’t” sila’y lupaypay , Diwa’y nagkabuhay At ang panlilibak ay pinatay! Ang pagkamulat ay lumaganap At ang kalooban ay umaalab Parang apoy na lumalagablab Na ang bayan ay magbubo ng dugo Maging ito man ay mag sabog ng sanlibong bungo! Ang balangkas ng ating nakaraan Ngayon sa kasalukuyan ay may pinanghahawakan Lubos ang pag –asang pinagkukunan “Sa darating pang mga araw Para sa ating kinabukasan .

Alvin B. Buenconsejo B.S. Biology 3-1D Isinulat noong Ika – 28 ng Setyembre, 2009 8:30 ng gabi at natapos noong 1:20 ng umaga sa aking kwarto

Pagkabulag ay Pagkaalipin Alvin B. Buenconsejo

Siya ba ng bumubulag sayong mga mata? Siya bang nakasutana’ t tumulak sayo Sa putik na iyong dinadala At ang karungisang aking nakikita .

Binalot ba niya ang puso mo ng pagkaligalig Maging sa mga panaginip ay karatig Na ang bawat araw mo ay siya ang kasalig At ang mga kasinungalingan sa isipan mo’y Parang idinidilig

Namalas kita sa hapong tahimik Sa loob ng simbahan Doon ka ba lagi naliligayahan ? Sa matagal na pagluhod Mahabang dasal Ikaw bay nabubuhayan ? Na akala koy ikaw ay namatayan . Sa dami ng iyong panata Sa kanila ay binata Mga dasal na banyagat pagkahaba –haba Nagkabuho- buhol tuloy ang dila Mga sukbit na rosaryo Sa leeg ay kalbaryo Tila tali ang kapara nito Na ngayon sila ay itinituring mong amo. Mga handog na ipinanghlilimos Sa buto ng aba ipinangpipiga Na ang tuhod ay nasanay lumohod Pato aso ay naturuang mamanikluhod . Nasan ang dati mong pagliyag Nasan ang dati mong paglingap At Ang katapatan mo, Ang lakas mo Ang mabuting loob mo Ang walang maliw na pagkamasunurin mo sa katwiran nasan na ? at ngayon napalitan ng kamandag at tinatawg ka na ng linalang ng prayleng hungkag!

Tulad ka na ng lantang halaman Sumibol sa dilim “Namumulaklak” may walang samyo “Namumunga “ng walang hilagyo . Ang labis ang pagkatao At niloloko ang maga tao Hayan at nakasuot ng abito Sa mga dalagay masamang ehemplo . “Sa mga dalagang punlaaan ng mga bulaklak “ Sa mga anak anong kayaman ang ilalagak Tulad ba nilay hahalik ng kamay ,magbubulong ng dasal Await ng papauri , magagalusan ang tuhod O ang puri O magbabalatkayong banal. Sila bay magiging katoto ng paroko Sabungero ,sacristan , pakakanin ng tinapay ng kabuktutan O paiinumin ng alak ng kalokohan Sila bay ipinanganak mo ng alipin Aalipinin, o para supilin ? Isa rin ba sila sa mga taong uululin Kabataanng bubulagin ,kukutyain O babambuhin . Kadalagahang matatakutin o kalalakihang walang sariling galling.

Bibihisan mo din ba sila ng pagkalugami At yayapakan ng sirang kalooban ? Sila bay iinom sa “tubig mula sa labo at mapait na bukal ?” “na ang inaakaalang matamis na bunga Ay mula sa mapait na punla .

Ituturo mo din baa ang inaakalang daan ng kabanalan Ngunit sa huli palay Daan ng kapahamakan . Naghihrap na ba and diyos ? Kaya ang utos ay manghingi ng sapilitang limos Nabibili ba ng piso ang kaligtasan Kayat ang ating kita ay nakakaltasan Maging ang panlaman tiyan ay nauungusan .

Malilinis ba ng pisik ng tubis ang kaloob-looban Dili kaya manuyo ang tubig sa karagatan Ibig ba nyang makikain ng nakaw O bulag kayat kailangan ng ilaw ? Ito ang ba sinasamba ng mag prayle Kayat silay simisigaw ,sinisuyod ang buong kalye

Kapatid ba nag tingin nila sa mga tao O aliping paroot parito hanggang maging abo. Ang salita ba nilay puno ng pagmamahal O pagmamahal sa misang ubod ng mahal Tanggulan ba sila ng mga inapit sawi? O tagawasak ng puri Sa kasamaan palay kahati At pagtatawanan ka ng walang pasubali! Totoo kayang hirap na ang makapal Kaya ang mukha ng mag prayle’y kumakapal binubulid sa kahirapan ang buong kinapal

Anong uri ba diyos ang kanila

-salat sa pagmamahal -kapos sa katotohanan -bulag sa katotohana -nilalakaran ay kadiliman O sila mismo and dios diosang Aking tinuturan . Na dapat nating talikuran At sinasangkapan at tinatatwa ang turo ng Maykapl. Ang kadalagahang Pilipina Mayumi’t maganda Sa bansa’y yaman ang kapara Di dapat pabulag , katwiran ang ipangsalag Nang sa mga anak ay may hiyas na maipamana

Alvin B. Buenconsejo B.S. Biology 3-1D Isinulat noong Ika – 25 ng Setyembre, 2009 8:30 ng gabi at natapos Ika – 27 ng Setyembre noong 1:20 ng umaga sa aking kwarto

Related Documents