Tula

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Tula as PDF for free.

More details

  • Words: 1,002
  • Pages: 5
Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Ang tula ay isang pagbabagong-hugis ng buhay. Isang paglalarawan ng buhay na hinango sa guniguni na pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa mga sukat at tugma,� ayon kay Alejandro at Pineda. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba. Anyo ng tula: • Malayang taludturan • Tradisyonal • May sukat na walang tugma. • Walang sukat na may tugma. Mga uri ng tula •

Liriko o pandamdaming tula o Awit o Kanta - tungkol sa pag-ibig; kundiman Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. o

o

Elihiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan ; Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya ay tula ng pananangis lalo na sa paggunita sa isang yumao. Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal) ; Ito ay nagpapahayag ng isang papuri, ng isang panaghoy o ng iba pang masiglang

o

o

damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong. Soneto - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro ; hinggil sa damdamin at kaisipan, may malimaw na kabatiran sa likas na pagkatao. Dalit - Ito ay mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.



Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari



Naratibo o nagsasalaysay - Tulang Pasalaysay. Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa mga taludtod na nagsasalaysay ng isang kwento. a. Epiko o Tulang Bayani Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Halimbawa nito ang epiko ng mga Ilokano na Biag ni Lam-ang. b. Korido Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at karamihan ay hiram sa paksang Europeo. Ang halimbawa nito ay Ibong Adarna. c. Awit Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng malalim na kaisipan. Ang halimbawa nito ay ang tulang Florante at Laura.

*Padula/Drama - Sadyang ginawa ito upang itanghal. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya ay naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula ang usapan dito.

Uri ng Drama: komedya, trahedya, melodramang tula, dulang parsa. *Tulang Patnigan. Tulang sagutan na itinatanghal ng mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula.

a. Balagtasan � Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito ay sa karangalan ni Francisco �Balagtas� Baltazar. b. Karagatan � Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na �libangang itinatanghal� na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat. c. Duplo � Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan. Ang duplo ay palaisipang tula na walang sukat, tugma at talinghaga samantalang ang Karagatan ay may sukat at pagandahan ng tula.

*Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin; halimbawa: balagtasan *Pampagkataon - may tiyak na pagdiriwang

Elemento ng tula

• • •

• •

• • •

Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod. Sukat - bilang ng pantig ng tula. Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod. o Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig. o Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig. o Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma:  Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig  Mga nagtatapos sa l,m, n, ng, w, r, y Sining o kariktang - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa. Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay. o Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula Anyo - porma ng tula. Tono/Indayog - diwa ng tula. Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

Salamat nang Ualang Hoyang (Dalit) by: By Pedro Suarez Ossorio Salamat nang ulang hoyang Sa iyo Dios cong maalam Nitong iyong auang mahal Sa aming catagalogan. Ang ito ngang librong mahal Na ang lama'I, iyong aral Iyong tambing tinutulan Ilimbag at nang marangal. Nang caming manga binyagan May basahin gabi't, arao Na aming pag aaliuan Dito sa bayan nang lumbay. Cun dito isipi't, tunghan Ang gaua't, ang dilang asal Uala ring liuag muntic man Matuto sa cabanalan. Caya ngani cun sino man Ang catamaran ay iuan Mangag pilit ding mag-aral Nitong dilang casaysayan.

Cun atin ngang pagtamanan Sundi't, camtan itong aral Madlang lubhang paquinabang Ang caloloua,I, mamamahal Guiguihaung magca gulang. O librong mabuti't, mahal Na ang dilang iyong laman Di sucat mahalagahan Nang yaman sa isang libutan. O sulat na calulugdan Daong na lubhang matibay Na sucat sacyang oouian Sa bayang caguinhauahan. Icao paraluman namin Ang sucat nga naming sundin Hanggang di cami macarating Sa lalauigang mahimbing. Icao ang dulangang mahal Na aming pag hahanapan Nang totoong cayamanan, At buhay na ulang hangan

Related Documents

Tula
June 2020 9
Tula 2015
August 2019 28
Ang Tula Ni.docx
December 2019 24
Tula.4-2
May 2020 7
Tula Sa Karapatan
June 2020 6
6 Tula 2519
October 2019 10