FILI 02 KONSEPTO NG PAGBASA
Kung ikaw ay magbabasa ng teksto, anong proseso ang susundin mo upang maunawaan ang iyong babasahin? Pagbuo ng hinuha _______ Pagtatalakayan _______ Pagtukoy sa mga salitang di pamilyar _______ Pag-uugnay ng binasa sa karanasan _______ Pagbasa sa teksto _______ Pag-uusap sa pamagat ng teksto _______ Pagtatala ng mga posibleng katanungan tungkol sa babasahing teksto Layunin ng Pagbasa Upang maaliw Upang tumuklas ng bagong kaalaman at maimbak sa isip Mabatid ang iba pang karanasan na kapupulutan ng aral Napaglalakbay ang ating diwa sa mga lugar na pinapangarap marating Napag-aralan ang kultura ng ibang lahi at mabatid ang pagkakatulad at pagkakaiba nito sa ating kinagisnan
Kahulugan ng Pagbasa Ang pagbabasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay isang proseso sa pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa. Isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante upang mapahusay at malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. (Gawahan at Montera, 2013) Isang kompleks na gawaing pangwika at pangkaisipan na kinapapalooban ng higit pa sa interaksyon ng mambabasa at ng teksto. (Johnston, 1990) Kasangkapan sa pagkatuto ng mga kabatiran ukol sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay. Sa katunayan, 90% sa napag-aralan ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa pagbasa. UGNAYAN NG PAGBASA AT PAGSULAT Kailangang ibatay ang iyong isusulat sa uri ng teksto na iyong gagawin (Plasencia et al, 2009). Kailangan ang lubos na kasanayan sa pagsulat upang mapakilos ng iyong mga salita ang diwang isinasaad ng mga nakalimbag na pahayag. (Espina et al, 200). Mahalagang tumatalakay ito sa mga bagong kaisipan. Ang matandang kaalaman ay magandang iugnay sa kasalukuyang pangyayari (Belvez, 2001). PANITIKAN AT PAGSUSURI Ang panitikan ay dapat lamang dumaan sa masusing pagsusuri upang lumabas ang magkabilangmukha ng mga argumentong nakapaloob sa isang sulatin. Ito ay isinasaalang-alang na wala tayong ideya ng kung ano ang daigdig ngayon kung walang panitikan na nagbibigay ng depinisyon, naglalahad sa anyo ng buhay; naglalarawan at nagtutunggali sa mga imahen ng mundo (Santiago, 2004).
Ayon kay Richards (sa Olsen, 1978, salin) maaaring kumilos ang wika sa emosyon ng mambabasa sa dalawang paraan: maaaring maghatid ito ng ideya na sa kalaunan ay maghahatid ng emosyon at maghahatid ito ng direktang emosyon sa mambabasa ng walang tagapamagitan sa mga ideya. Sangkap ng Pagbabasa -
Babasahin o teksto Manunulat/may akda Mambabasa
Mga kaHalagahan Ng Pagbabasa - Ang pagbabasa ay nagdudulot ng kasiyahan at nakakalunas ng pagkabagot - Pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng iba’t ibang larangan ng buhay - Gumaganap ito ng mahalagang tungkulin sa pang-araw-araw na buhay - Nakakalakbay tayo sa pamamagitan ng pagbabasa - Iniimpluwensya ang ating mga saloobin at palagay - Iniimpluwensya ang ating mga saloobin at palagay - Nakakatulong ito sa paglutas ng mga suliranin Proseso ng Pagbasa a. Persepsyon - Pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo b. Komprehensyon - Pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na simbolo. c. Reaksyon - Paghatol sa kawastuhan ng mga detalye, kahusayan ng pagkakasulat at halaga ng teksto. d. Asimilasyon Pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman mula sa binasa at sa dating kaalaman Estratehiya sa Pagbasa at Pagsusuri ng Panitikan 1. Pakikisangkot- Paglalapat ng karanasang emosyunal o relasyon ng mambabasa sa teksto. 2. Pakikipag-ugnayan- Pagsasalaysay ito ng magkakatulad na karanasan, saloobin at kaalaman ng tekstong binasa sa iba pang teksto. 3. Paglalarawan- Pagsasalaysay ng kilos, ugali, paniniwala, layunin at plano ng may-akda gamit ang wika. 4. Pagbibigay-kahulugan- Pagbibigay ng hinuha, pagpapaliwanag sa mga kahulugan ng mga simbolong ginagamit ng may-akda, kabilang din ito ang intensyon ng may-akda, ang persepsyon ng karakter at mga prediksyon sa pag-unawa ng binasang akda. 5. Paghatol- Ang pagkritik sa mga karakter o sa kalidad ng tekstong binasa.
Inihanda ni: Gng. Charlotte D. Lisondra