Mga Bahagi ng Tainga at ang Tungkulin nito
Gawain 3: Tainga, Nakakarinig!
Layunin: a. Nakikilala ang mga bahagi ng tainga at tungkulin nito Kagamitan: Larawan ng mga bahagi ng tainga,Video clip
Pamamaraan:
1.Kumuha ng kapareha.
2.Tignan ang tainga ng iyong kapareha. Iguhit ang bahagi na iyong nakikita.
3.Paghambingin ang iyong iginuhit na tainga sa inyong kapareha.
Maibibigay mo ba ng wasto ang mga bahagi ng tainga na iyong iginuhit? Ano-anong bahagi ang iyong makikita? Ano naman ang mga bahagi na hindi mo nakikita?
Mga Bahagi ng Tainga at ang Tungkulin Nito
PINNA Panlabas na bahagi ng tainga. Ito ang bahagi na iyong nakikita. Ito rin ang bahagi na pinagkakabitan ng hikaw.
Ang pinna ang sumasagap ng tunog na dinadala nito sa ear cannal.
Ear Canal
Ito ay isang tubo at dito nabubuo ang ear wax
Ang ear canal ay tuloy tuloy na naghahatid ng mensahe
Eardrum Ito ay isang manipis na balat na banat na banat Tulad ng isang drum.
Kapag ang tunog ay umabot na sa eardrum, ito ay gagalaw at nagbi-vibrate
3 Maliliit na buto na magkakaugnay sa likod ng eardrum >hammer >anvil >stirrup
Ang cochlea ang nakakaramdam ng paggalaw. Ang cochlea ay hugis suso na may lamang likido. Kapag ang likido na nasa loob ay gumalaw, naghahatid ito ng mensahe sa utak sa pamamagitan ng auditory nerve na nagbibigay kaalaman tungkol sa tunog na narinig.
Pinagdadaanan ng tunog pagkatapos pumasok sa pinna. Pinna > earcanal > Eardrum > hammer.anvil.stirrup > Cochlea > auditory nerve >brain
Tanong: 1.Anong bahagi ng tainga ang nakakasagap ng tunog? pinna 2.Ano ang mangyayari kapag umabot sa eardrum ang tunog? nagbi-vibtate
3. Kapag gumalaw ang eardrum, ano ang mangyayari sa tatlong maliliit na buto? Gumagalaw rin 4. Kapag ang gumalaw naman ang tatlong maliliit na buto, Ano ang nangyayari sa likido na nasa cochlea? Naghahatid ng mensahe sa utak
Gawin sa papel ang gawain sa p. 48 ng aklat number 2
Takda. Gawin sa bahay ang gawain sa aklat p. 47 number 6 Gawin ito sa short bondpaper.
Thank you for listening..