Ang Himagsikang Pilipino o Himagsikan ng 1896 (1896—1898) ay isang labanan sa pagitan ng Imperyong Kastila at ng Katipunan.
Prologo Nang magsimula ang Himagsikan, mahigit 300 taon nang pinamumunuan ng mga Kastila ang Pilipinas. Noong panahong iyon, nasa kamay ng mga nangangasiwa sa Intramuros at sa mga prayle ang kapangyarihan sa kolonya, kahit sa katotohanan, sa prayle lang talaga ang kapangyarihan noon, dahil sa hawak nila sa mga karaniwang tao. Pinahirapan ng mga Kastila ang mga katutubo (o sa termino ng mga Kastila, indio) sa pamamagitan ng sobrang pagpapabubuwis at sapilitang pagpapagawa (polo). Dahil dito, ilang pag-aalsa na ang naganap sa Pilipinas sa mahigit 4 na siglo, lahat di nagtagumpay. Ito'y salamat sa patakaran ng mga Kastila ng divide et impera-hatiin at sakupin. Halimbawa, magpapadala ang mga Kastila ng mga sundalo mula sa mga lalawigang Tagalog para supilin ang isang pag-aalsa sa Ilocos, at isang pag-aalsa sa Kabisayaan ang pinigil ng mga sundalo mula Pampanga. Ito ang nagpatindi ng hidwaan sa pagitan ng mga Pilipino, hindi magkakaisa hanggang sa ika-19 na siglo.
Sanhi Kung ano ba ang nagpalunsad sa Himagsikan ay mai-uugat sa mga panlabas at panloob na mga sanhi. Ang panlabas na sanhi ay ang pagbukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, dala ng pagbukas sa Kanal ng Suez noong 1869. Bukod sa mga produkto galing sa ibayong dagat, mga kaisipan tulad ng kalayaan at kasarinlan ay dumaan sa Suez at papunta sa Pilipinas-bagay na di lubos na nagustuhan ni ng mga nangangasiwa kulunyal o ng praylokrasya. Ang mga taong binago ng mga kaisipang ito ay siya ring nakinabang sa mapagkakakitaang kalakalang ito-ang mga ilustrado. Pinadala ng mga ilustrado ang kanilang mga anak sa mga pamantasan sa Europa, kung saan sinimulan ng marami sa kanila (sina Rizal,Lopez-Jaena, atbp) ang nagtatag ng Kilusang Propaganda. Ang panloob na sanhi ay ang walang-katarungang pagbitay sa GOMBURZA. Isang paring Pilipino, si Padre Pedro Pelaez ang nagpasimuno ng isang kilusang sikularisasyon noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Layon ng kilusang ito na ibigay sa mga paring katutubo ang mga parokya na hawak pa noon ng mga Kastilang pari. Pagkatapos na mamatay si Pelaez sa isang lindol, tinuloy ng tatlong pari-sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora. Hindi nagustuhan ng mga prayle ang bagay na ito at sila'y naghanap ng pwedeng maibintang sa tatlong pari. Natupad ito nang isang rebelyon ng mga sundalo sa moog sa Kabite ang madaling nasupil. Agad na isinisi ng mga prayle ang rebelyon (na pinamunuan ng isang nagngangalang Sarhento LaMadrid) kina Padre Gomez, Padre Burgos, at Padre Zamora (pagbawas sa suweldo ng mga sundalo ang sanhi ng rebelyon). Sa kabila ng kakulangan ng patunay na nagdidiin sa kanila sa rebelyon, hinatulan ang tatlo-kinilala pagkatapos bilang Gomburza-na garotihin noong ika-17 ng Pebrero, taong 1873. Hindi pinayagan ng arsobispo ng Maynila (na naniniwala sa kawalang-kasalanan
ng tatlo) na sila'y alisan ng sutana. Sa halip, inutos nito ang pagpapatunog ng mga kampana bilang tanda ng pagdadalamhati. Marami sa mga kakampi ng Gomburza ang tinapon papalabas o kusang umalis sa Pilipinas. At marami sa mga Pilipinong piniling manatili ang nanghilakbot sa nangyari. Ilang taong lumipas, isang ilustradong duktor na nagngangalang Jose Rizal ang magpapatunay na ito ang nagbago sa kanyang buhay.
Ang Kilusang Propaganda Itinatag ng mga ilang mag-aaral sa europa ang kilusang propaganda, gulat sa kaibahan ng Espanya sa kanyang kulunya sa Timog-Silangang Asya. Layon ng kilusang ito, na kinabibilangan nina Jose Rizal, Marcelo del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Pedro Paterno, Gregorio Sanciangco at iba pa, ang pagpapalaganap ng mga reporma sa Pilipinas, tulad ng sikularisasyon at gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. Ginamit nila ang paraan ng pagsusulat upang maipahayag ang reklamo nila. Isinulat ni Gregorio Sanciangco ang El Progreso de Filipinas na tungkol sa mga patakaran ng mga kastila na di-makatarungan tungkol din ito sa economical state ng Pilipinas noong panahong iyon. Isa sa mga patakarang ito ay ang pagpataw ng mga Kastila ng mataas na buwis sa mga Tsino, Mestisong Tsino at Pilipino. Hindi na pinagbabayad ng buwis ang mga Kastila at Mestisong Kastila. Isinulat naman ni Pedro Paterno ang Ninay. Isang nobelang nagsasaad tungkol sa diwang makabansa. Noli Me Tangere at El Filibusterismo naman ang sinulat ni Rizal na tungkol sa masamang pamamalakad ng mga Kastila ng bansa. Ito ay nagdulot ng pagmamahal ng mga tao sa bansa. Sa pamamagitan ng tuwinggabihang pahayagan na La Solidaridad, pati na rin sa mga akda ng ilan sa mga kasapi nito, naihayag nila ang kanilang mga saloobin tungkol sa kung ano ba dapat ang baguhin sa Pilipinas. Sa kabila ng lahat ng ito, sa huli, nabigo ang Kilusang Propaganda na tuparin ang nakaatas na layon nito. Nahati ang kilusan sa isang maka-del Pilar na paksyon at isang maka-Rizal na paksyon, bagay na naging dahilan ni Rizal para iwanan ang Espanya-at Europa. Ang napakalungkot at napakamasalimuot na pagkamatay nina Lopez-Jaena at del Pilar ang huling dagok sa kilusan. Sa halip, ang nasimulan ng Kilusang Propaganda ang nagbigay-inspirasyon sa dalawang kilusang sumunod nito. May kasunod pa ito...........
La Liga Filipina Pagkatapos ang pagbalik ni Rizal sa "Perlas ng Silangan" noong 1892, itinatag niya ang La Liga Filipina (Samahang Pilipino) noong taong ding yaon. Layunin ng kilusang ito, na kinabibilangan ng mga tulad nina Andres Bonifacio at Apolinario Mabini, na ituloy ang programa ni Rizal na panloob na reporma sa Pilipinas. Hindi nagustuhan ng mga Kastila ang pagtatag sa kilusang ito (ito'y marahil sa isa sa mga nakasaad sa kasulatan ng Liga, na naghihikayat ng "pagtatanggol laban sa karahasan at kawalang-katarungan") at noong ika-6 ng Hulyo ay dinakip si Rizal at itinapon sa Dapitan sa lalawigan ng Zamboanga.
Nahati ang samahan pagkatapos ng pangyayaring ito. Ang makagitnang pangkat ay binuo muli ang sarili nito na Cuerpo de Compromisarios (Samahan ng mga Kumprumisaryo) na may layuning magbigay ng pera sa La Solidaridad. Ang radikal na pangkat, sa pamumuno ni Bonifacio, ay naging Katipunan. ANGELO CARANDANG Noong gabi ng ika-7 ng Hulyo, taong 1892, itinatag nina Andres Bonifacio, kasama ang mga dating kasapi ng La Liga Filipina na sina Ladislao Diwa, Deodato Arellano, Teodoro Plata, at Valentin Diaz ang Kataastaasang Kagalanggalang na Katipunan mga Anak ng Bayan sa isang bahay sa Calle Azcarraga (ngayo'y Abenida Claro M. Recto). (Sa kabila ng nilalaman ng karamihan, si Bonifacio ang ikatlong Pangulo ,at kinalauna'y Supremo, ng Katipunan at hindi ang una.) Hangarin ng kilusang ito ang pagpapalaya sa Pilipinas (o "Katagalugan" kung ito'y tawagin nila) mula sa kadenang mapaniil ng mga Kastila sa pamamagitan ng isang madugong himagsikan. Para tuparin ito, kumalap sila ng mga pondo at sandata, sa abot ng kanilang makakaya. Humingi rin sila ng tulong sa isang barkong pandigma ng Hapon na nakadaong sa Maynila - at nabigo. Para maikalat ang kanilang panawagan ng isang mapagpalayang himagsikan, inilimbag ng Katipunan, sa tulong ng isang palimbagan na binili ng dalawang katipunero na sina Candido Iban at Franciso del Castillo (na parehong nagtatag ng Katipunan sa Kabisayaan) mula sa kanilang napanalunan sa lotto, ang pahayagang Kalayaan. Para di malaman ng mga Kastila ang kinaroroonan ng palimbagan nito, ipinahayag nito si Marcelo H. del Pilar bilang "editor" nito at Yokohama bilang lugar ng limbagan nito. Dalawang beses lang inilimbag ang pahayagang ito; inilimbag na palihim ang ikalawang edisyon sa limbagan ng Diario de Manila. Hindi nagtagal at rumami ang mga kasapi ng Katipunan. Mula sa unang lukasyon nito sa Tondo, nagtatag ang Katipunan ng mga sanggunian nito sa mga bayan ng San Juan del Monte, Pasig, San Felipe Neri, Pateros, Marikina, Kalookan, Malabon, at di kalauna'y sa ilang mga bayan sa mga lalawigan sa Kabisayaan. Nagkaroon din ng sangay pangkababaihan ang Katipunan; umanib ang kauna-unahang babaeng kasapi nito noong taong 1893. Sa kabuuan, mula sa mahigit na 300, lumaki ang Katipunan sa mahigit 30,000 na mga katipunero. Ang Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o mas kilala bilang Katipunan at KKK ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas ni Andres Bonifacio na may layuning palayain ang bansa sa ilalim na ng mga mananakop na Espanyol. Naitatag ang Katipunan matapos mahuli ang mga pangunahing miyembro ng La Liga Filipina, na itinatag ni Dr. Jose Rizal, na kung saan miyembro rin si Bonifacio. Ang La Liga na binubuo ng mga middle class na intelektual ay nagtataguyod ng mapayapang reporma. Ang paghahadlang ng rehimeng Espanyol sa La Liga ang nagpatunay kay Bonifacio na walang saysay ang mapayapang reporma sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol.
Ang armadong pakikibaka ng Katipunan ay nagsimula noong Agosto 1896, pagkatapos natuklasan ng mga awtoridad ang Katipunan. Sinisi ng mga Espanyol si Rizal, na itinuturing ng Katipunan bilang pangulong pandangal, sa paghihimagsik at hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril noong Disyembre 30, 1896. Ang pagiging martir ni Rizal, gayon pa man, ang nagdagdag alab sa rebelyon, at sinisigaw ng mga Katipunero ang Mabuhay si Dr. Jose Rizal! sa pakikidigma. Si Teodora Patino, isang manunulat ng pahayagan ng Diario de Manila, ay ibinunyag ang tungkol sa Katipunan sa kapatid niyang si Honoria. Hinikayat ni Honoria ang kapatid na ikumpisal ang tungkol sa samahan kay Padre Mariano Gil. Nakipag-ugnayan si Padre Gil sa mga awtoridad at noong Agosto 19, 1896 nilusob ng mga Espanyol ang palimbagan ng Diario de Manila.
Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan sa Pilipinas noong 1872 hanggang 1892.[1] Sinimulan ito dahil sa pagbitay sa tatlong pari na sina Gomez, Burgos, at Zamora (Gomburza). Layunin ng kilusan ang kilalanin ng mga Kastila ang Pilipinas bilang bahagi at lalawigan ng bansang Espanya, pantay sa pagtingin sa bawat Pilipino at Kastila sa harapan ng batas, pakakaroon ng kinatawan sa Cortes Generales ang Pilipinas, pagkakaroon ng sekularisasyon sa mga parokya ng Pilipinas, kalayaan sa pagpupulong ng matiwasay, pagpapalathala at pagsasabi ng mga pang-aabuso at ano mang anomalya sa pamahalaan. Itinatag ito ng mga Pilipinong ilustrado sa Madrid para sa layuning pampanitikan at kultural sa halip na politikal na layunin.[1] Sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce at ang magkapatid na Luna--Juan at Antonio--ang ilan sa mga kasapi dito. Ang La Solidaridad ang pahayagan ng mga propagandista na binuo noong Disyembre 13, 1888. Sa pahayagang ito nalathala ang mga katiwalian sa kolonya ng Pilipinas. Natapos ang paglilimbag noong 1895. May mga sipi na palihim na iniluwas sa Pilipinas at lihim namang binabasa sa mga nakapinid na mga pintuan. Hindi nagtagumpay ang mga propangandista dahil nakaranas sila ng gutom sa Espanya, hindi sila pinakinggan ng mga prayle, hindi pagkakaunawaan sa mga kasapi at pinuno, at mas pinansin ng Espanya ang kanilang panloob na usapin na dapat nilang tugunan.