PANGAKO NA KAILANMA’Y DI MAPAPAKO Awit 89:19-37
Sino- David – piniling lingkod Naranasan mo na bang mapangakuan? Yung asang-asa ka na, paniwalang-paniwala ka na tutuparin niya pangako niya sa’yo. Tapos sa huli, hindi tinupad, pinaasa ka lang pala. Natural na sa tao ang mangako, at natural na rin sa ilang mga tao na di tinutupad ang kanilang mga pangako. Meron pa ngang post sa facebook “Pinangakuan ka na nga, gusto mo pang tuparin niya. abusado K naman...” Pero sa tao lang yan. Tao lang ang hindi marunong tumupad sa pangako. Ang Panginoon tinutupad niya lahat ng kanyang pangako. Ang pangako kay David noon ng ating Panginoon, ay pangako rin niya sa atin ngayon. Si David ang lingkod na pinili ng Panginoon. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, si David ang napili. ShOrt throwback lng po tau. Alam ntn dat after King Saul, inutusan ng Diyos si Samuel n humanap Ng susunod na hari. Pinapunta Ng Diyos si Samuel ky Jesse at dito s mga anak nya Tinuro ng Panginoon Ky Samuel Ang kanyang napili na si David, na kilala sa pagiging matikas, mabuting tao at matapang na lalake. A Man after Gods own heart. sa tingin nyo bakit sya pinili ng Panginoon? Pinili siya ng Diyos dahil s kanyang puso. 1Samuel 16:7 Ung puso n david n busilak at malinis.. Ganito po yan e! Pagpupunta k ng Parlor ang titingnan sau buhok Pag pupunta k S manukurista ang titingnan sau kamay at paa Pero pg pupunta k s church ang titingnan sau Puso
Nang piliin ng Panginoon si David kalakip ng pagpili sa kanya ang maraming paNgako ng Panginoon. So ang title po ng God's message tonight ay PANGAKO NA KAILANMA'Y DI MAPAPAKO. Mula sa Awit 89:19-32 makikita natin ang Apat sa mga pangako ng Panginoon kay David na pangako rin ng Panginoon sa atin at maaari rin nating panghawakan: 1. Lakas V21 Kaya’t palagi ko siyang aakbayan At siya’y lalakas sa aking patnubay. Kung mapapansin natin hindi matatawaran ang kalakasan ni David kumpara sa ibang mga tao noon. Saan ba nanggaling ang kalakasan niya? Galing ito sa Panginoon. Ang Panginoon ang nagsilbing lakas ni David sa lahat ng pagkakataon. 2Tesalonica 3:3 Tapat ang Panginoon bibigyan niya kayo ng lakas at ililigtas sa diyablo. Hindi nais ng Panginoon na maagaw tayo ng kaaway, kung kaya’t sa panahon na nanghihina tayo sya ang ating magiging kalakasan.
Hal. Kapag ikaw ay bigat n bigat s problemang iyong kinakaharap, hinang hina ka Anjan ang Panginoon para palakasin ka.
Zacarias 10:12a Palalakasin ko ang aking bayan. Bilang isa sa mga pinili ng Diyos hindi niya hahayaang manghina tayo, lalo na sa mga pagharap sa mga pagsubok sa buhay maging sa ating buhay Kristiyano. Minsan s sobrang bigat ng pRoblema m taz alam n alam ng mga nakakakilala sau Ang pinagdadaanan mo, mapapatanong tlga sila, "Saan kaya to humuhugot ng lakas nya?" Saan nga kaya?
Application: Ikaw kanino ka humuhugot ng lakas mo? Umaasa ka pa rin ba sa sarili mong lakas? Naniniwala ka pa rin ba Na kaya ng sariling lakas mo ang lahat at di mo kailangan ng tulong ng iba lalo na ng Diyos?
Kung tayo ay magtitiwala sa Panginoon siya ang magiging lakas natin sa mga panahon na nanghihina na tayo.
2. Tagumpay V22 Di siya malulupig ng kanyang kaaway, Ang mga masama’y di magtatagumpay V23 Aking dudurugin sa kanyang harapan, Silang namumuhi na mga kaaway. Masasabi mo bang nagtagumpay ka na kung nagawa mo sa sariling kakayahan ang isang bagay? Hindi. Dahil ang tagumpay na hindi kasama ang Diyos ay walang kabuluhan. Zacarias 4:6 Sinabi sa akin ng anghel ang ipinasasabi ni Yahweh: “Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas o kapangyarihan kundi sa aking tulong lamang.” Kaninong tulong? Tulong ng Diyos. Tulong ba ng mga magulang o ng mga kapatid o ng iyong mga kaibigan? Hindi. Kundi tulong mula sa Diyos ang magiging dahilan ng iyong tagumpay. Anuman o sinuman ang nakalaban ni David hindi ito mananalo sa kanya. Laging siya ang magtatagumpay. Walang makakatalo sa kanya. Kahit tayo, di tayo matatalo ng kaaway, maaari siguro na sandali tayong manghina pero darating din ang panahon na mapagtatagumpayan natin anuman ang kinakaharap natin. Bakit kaya nakakamit ni David ang tagumpay? 1Samuel 18:14 At saanman mapalaban ay nagtatagumpay pagkat pinapatnubayan siya ni Yahweh. Sapagkat kasama niya ang Diyos, may patnubay na galling sa Diyos. Hindi siya nag-iisa. Bakit tayo magtatagumpay? Awit 44:7 Pagkat ikaw ang nanguna kaya kami nagtagumpay, sa lahat ng namumuhi na malupit na kaaway.
Deuteronomio 20:4 Pagkat kasama mo si Yahweh sa pakikibaka, ikaw ay magtatagumpay. Awit 60:12 Kung ang Diyos ang kasama,kasama sa panig natin. Matatamo ang tagumpay, ang kaaway tatalunin. So, anuman ang pagsubok o pakikibaka na ating gagawin basta kasama natin ang Diyos tayo ay magtatagumpay. Application: Naniniwala ka ba na kasama mo ang Diyos sa laban mo? Kung naniniwala ka pwes asahan mo na kasunod nito ang tagumpay na inaasam mo.
3. Pag-ibig V24 Ang pagtatapat ko’t pag-ibig na wagas, ay iuukol ko’t aking igagawad, at magtatagumpay siya oras-oras. Naranasan mo na bang umibig at ibigin? Sino rito ang may minamahal sa ngayon? Sino naman ang nagmamahal kahit di minamahal? Sino na rito ang nabigo dahil sa pag-ibig? Kasi po Ang pag-ibig ng tao Minsan ay nababago, minsan pa nga hindi totoo. Pero ang Panginoon, Ipaparamdam niya sa atin ang pag-ibig niya na di mababago at di mawawala. Ang sumpa ng Panginoon kay David na wagas na pag-ibig hanggang ngayon ramdam natin. Hindi hahayaan ng Panginoon na tayo ay mapahamak. Pero meron tayong mga dapat gawin upang makamtan natin ang wagas na pag-ibig ng Diyos. Paano natin makakamit ang wagas na pag-ibig ng Diyos? Awit 13:5 Lubos akong mananalig sa pag-ibig mong matapat. Nagagalak ang puso ko dahil sa iyong pagliligtas. Manalig ka sa Panginoon, yung pananalig na walang pag-aalinlangan, walang pagdududa. Sapagkat…. Awit 33:18 Ang may takot sa Diyos at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig ay kinakalinga Hnd tau pababayaan Ng Panginoon.. Ipaparamdam nya s atin ang tunay na pag ibig n d nagmamaliw. 19 Hindi babayaang sila ay mamatay, kahit magtaggutom sila ay binubuhay 1Corinto 13:8 Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil ang kakayahang magsalita sa iba’t-ibang wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pagibig ay walang katapusan. Mananatili ang pag-ibig ng Diyos kung ikaw ay mananalig sa kanya. Application: Naniniwala k aba na mahal ka ng Diyos? kapatid Ano ang kaya mong gawin para ipakita rin sa Diyos ang iyong pagmamahal sa kanya?
4. Pamumuno V 25 Mga kaharia’y kanyang masasakop, Dagat na malawak at malaking ilog 26 Ako’y tatawaging ama niya’t Diyos , Tagapagsanggalang niya’t manunubos
27 Gagawin ko siyang anak na panganay, Mataas na hari nitong daigdigan! 28 Ang aking pangako sa kanya’y iiral at mananatili sa kanya ang tipan. 29 Laging maghahari ang isa niyang angkan, Sintatag ng langit yaong kaharian. Sa pamumunong ito hnd lang s pamahalaan ang tinutukoy. O ung pamamahala s isang Malaking nasasakupan, maaring ito rn ay pamumuno s lifegroup, s ministry o maging s pamilya. Pagkakaroon ng bawat isa n ng maayos na pamumumuan. Deuteronomio 15:6b Hindi kayo masasakop ng sinuman, bagkus ay sasakupin ninyo ang maraming bayan. Kung …. 1Hari 11:37 Ikaw nga ang maghahari sa Israel at ilalagay sa ilalim ng iyong pamamahala ang lahat ng lupaing maibigan mo. 38 Kung tatalimahin mo ang aking mga utos, kung mamumuhay ka ayon, sa aking kalooban, kung ang iyong mga gawa’y magiging kalugod-lugod sa aking paningin at susundin mo ang aking mga batas at tuntunin, gaya ng ginawa ni David na aking lingkod, ako’y sasaiyo. Mapapasaiyo ang pangako ng pamumuno kung magagawa mo ang utos ng Panginoon. Application: Gusto mo bang mapasaiyo ang pamumuno na ipinangako ng Diyos? Gusto mo bang makapag lead ng group/lifegroup o ministry? Gusto mo bang maging maayos ang iyong pamumuno s iyong pamilya? Kung ganun sundin mo ang lahat ng kaniyang utos. Ang tanong kaya mo? Pero syempre kung my pangako ang Lord Sa atin mEron dapat tayong gawin. Paano kung d natin sya sinunod? Ano ang maaaring mangyari Kung tayo ay susuway? Sa mga ayaw sumunod, makinig at magtiwala: Pagpalo V30 “Kung ang mga anak niya ay susuway, At ang aking utos ay di igagalang 31 Kung ang aking aral ay di pakikinggan, At ang kautusa’y di iingatan 32 Kung gayon, daranas sila ng parusa , Sa ginawa nilang mga kasamaan , Sila’y hahampasin sa ginawang sala. Ano ang matatamo ng mga susuway? Maaari nating tanggapin ang pagpalo.
Jeremias 2:19 Parurusahan ka ng sarili mong kasamaan. Ipapahamak ka ng iyong pagtataksil. Mararanasan mo kung gaano kapait at kahirap ang tumalikod kay Yahweh na iyong Diyos, at nawalan ng takot sa kanya. Ako ang may pahayag nito ang Diyos na makapangyarihan. Bakit ba tayo nakakatanggao ng pagpalo? Hebreo 12:6 Sapagkat pinarurusahan ng Panginoon ang mga iniibig niya, At pinapalo ang tinuturing niyang anak. Nakakatanggap tau ng parusa sapagkat mahal tau ng Diyos.
Tapat siya sa kanyang pangako, kaya dapat tapat din tayong sumunod sa kaniya. Kung may pagpapala sa mga sumusunod, may pagpalo naman sa mga sumusuway. Application: Naranasan mo na bang mapalo ng Nanay mo nung bata ka pa at palaging pinaiiral ang katigasan ng ulo mo? Kinaya mo lang diba, keri lang ang sakit. Mas masakit ang pagpalo ng Diyos kung sa kanya ka magpapairal ng katigasan ng ulo. Gusto mo bang maranasan ang pagpalo niya? Ano ngayon ang gagawin mo? Conclusion: Sabi nila “Promises are made to be broken” sa tao yun. Pero sa Panginoon tandaan po natin “Promises are made to happen” Bilang 23:19 Ang Diyos ay di sinungaling, tulad ng tao. Ang isipan niya’y hindi nagbabago. Ang sinabi niya ay kanyang ginagawa. Ang kanyang pangako’y tinutupad niya. Deuteronomio 7:9 Alalahanin nyo na si Yahweh ay Diyos na hindi marunong sumira sa pangako. Tapat siya sa lahat ng umiibig at sumusunod sa kaniya at ipinadarama niya ang kanyang pagmamahal hanggang sa ikasanlibong lahi. Tinutupad ng Panginoon lahat nh kanyang pangako.. Sa mundong punong puno ng kasinungalingan, naniniwala ka pa ba sa pangako ng tao sa paligid mo? Nais mo bang maranasan ang buhay na punong puno ng pangako na hindi napapako? Kung may isang dapat asahan, paniwalaan ang kanyang pangako, walang iba kundi ang Diyos na nagbigay ng lakas, tagumpay, pag-ibig at pamumuno.
JOVELYN Q. ABALOS Leadership Class