Banghay Aralin sa Filipino Unang Markahan Ikapitong Linggo Ikatlong Araw I.
Layunin: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip na pananong sa iba’t ibang sitwasyon Pagpapahalaga: Pagmamahal sa kalikasan
II.
Paksang Aralin Paksa: Gamit ng panghalip na pananong sa iba’t ibang sitwasyon Sanggunian: Landas sa Pagbasa pahina 76, Bagong Filipino Tungo sa Globalisasyon pahina 124-125
III.
Yugto ng Pagkatuto: 1. Pagsasanay: Sundin ang sumusunod na panuto. -
Isulat ang pangalan ng guro sa Filipino 6 sa loob ng parihaba Gumuhit ng araw sa itaas ng bundok. Isara ang bintana na may likuran. Punasan ng mabuti ang dingding.
2. Balik- Aral Piliin sa sumusunod na salita ang panghalip na paari.
akin
ganyan
ganire
sinuman
ilan man
kanila
saan man
balana
ninyo
kanya
3. Mga Gawain: A. Pagganyak: Ipabasa ang tanungan ng mga bata. Ano ano ang napansin mo sa mga tanong ng mga mag aaral? Bakit minsan ay nakakatawa ang mga tanong natin?
B. Paglalahad: Pag aralan natin ngayon ang gamit ng iba’t ibang uri ng panghalip na pananong sa iba’t ibang sitwasyon. C. Pagtatalakay: Sagutin ang mga tanong: Bakit nasira ang ating kalikasan? Paano natin mapangalagaan ang ating paligid? Bakit kumakaunti na ang mga isda sa dagat? Paano natin mapauunlad ang ating pamayanan? Panghalip na pananong ang tawag sa salitang pananong na ginagamit na pamalit sa pangngalan na maaaring isahan o maramihan. Isahan
Maramihan
Sino
Sino-sino
Ano
Ano-ano
Ilan
Ilan- ilan
Alin
Alin – alin
Saan
Saan- saan
Kailan
Kai- kailan
Kanino
Kani-kanino
Paano
Paa-paano
Gaano
Gaa-gaano
Magkano
Magka-magkano
D. Gawin Natin Alamin natin ngayon sa pamamagitan ng pakikinig ng diyalogo kung bakit mahalaga ang maayos na pagtatanong.
Pumili ng dalawang bata at ipabasa ang diyalogo . (Ipakita ang larawan sa pahina 76 Landas sa Wika) Ipasagot ang mga tanong sa talakayin. Ano ang ginagawa ninyo? Sino-sino ang mga kasama mo sa pagtula? Saan kaya nagpunta sina Ate at Kuya? Sa anong mga salita nagsisimula ang pangungusap? Ano ang tawag sa mga salitang ito? E. Gawin Ninyo Salungguhitan ang panghalip na pananong na ginagamit sa bawat pangungusap. 1. Saan ka nanggaling kahapon? 2. Ano ang ginawa mo sa palengke? 3. Sino ang kasama mo roon? 4. Ano-ano ang napamili mo? 5. Magkano na ba ang isang kilo ng manok ngayon? 6. Kanino ka bumili ng mangga? 7. Sino ang nagsabi sa iyong doon ka bumili? 8. Gaano katagal ang biyahe mula rito sa atin hanggang sa palengke? 9. Kailan ka babalik doon? 10. Ano ang sasakyan natin? F.
Gawin Mo Basahin ang balita sa pahina 78-79 Landas sa Wika. Bumuo ng mga tanong tungkol dito. Sundan ang halimbawa.
A. Basahin ang balita. Bumuo ng mga tanong tungkol dito. Sundan ang halimbawa. Gobyerno., Nagtatag ng Ahensiya para sa Katutubo Matagal nang panahong nangangailangan ng kalinga mula sa gobyerno ang mga katutubong minorya o indigenous cultural communities sa bansa. Nangawala ang mga lupaing tinitirhan ng mga katutubo na minana pa nila sa kanilang mga ninuno bunga ng pagsulpot ng sibilisasyon sa kanilang mga lugar. Ang suliraning ito ng mga katutubo ang nagbunsod sa gobyerno upang likhain ang National Commission on Indigenous Peoples. Batay ito sa Republic Act No. 8371 na kilala naman bilang Indigenous People’s Rights Act of 1997. Kikilanin, pangangalagaan, at pauunlarin nito ang mga karapatan ng lahat ng katutubo sa bansa.
Partikular na isinasakatuparan ng itinatag na ahensya “ ang bumuo at magpatupad ng mga patakaran sa pag sasaalang- alang sa kanilang kultura, tradisyon, at interes at magpatupad ng mga hakbang na mangangalaga sa mga katutubo hinggil sa kanilang mga lupaing minana.” Gayudin, pangunahing gawain ng itinatag na ahensiya ng gobyerno na pangalagaan at isulong ang kapakanan ng mga katutubo at kilalanin ang kanilang mga paniniwala, kultura, at interes sa ilalim ng balangkas ng pambansang pagkakaisa at pag unlad. Halimbawa ng tanong; Sino ang itinatawag na mga katutubo? Ano ang itinatag ng gobyerno para sa kanila? G. Paglalahat Anong uri ng panghalip ang ginagamit sa pagtatanong?
H. Paglalapat Magbigay ng mga tanong tungkol sa sumusunod na mga karikatura.
IV.
Pagtataya Basahin ang balita. Bumuo ng mga tanong mula sa binasa. Gamitin ang mga panghalip na pananong.
Tinatayang bilyong piso ng mga ari-arian ang nawasak at daang tao ang nasawi sa pinsalang iniwan ng Bagyong Pablo sa Mindanao noong nakaraang linggo. Ayon sa pahayag ng mga nakaligtas, rumaragasa ang agos ng tubigputik kung kaya’t madaling nawasak ang kanilang sinilungan kung kaya’t napahiwalay sila sa kanilang mga mahal sa buhay. Dagdag pa ng mga biktama, naging mahirap sa kanila na makaligtas dahil sa dami ng trosong dumadausdos mula sa kagubatan na humahampas sa kanilang katawan. Samantala, nagpadala naman ng tulong ang pamahalaan at mga pribadong sektor sa mga nasalanta.