Ano ang Epiko: Kahulugan, Elemento, Katangian at mga Halimbawa
Nakabasa ka na ba ng kwento na tungkol sa kabayanihan? Alam mo bang nabibilang ito ay isang anyo ng panitikan na tinawag na epiko? Halina’t alamin natin kung ano ang ibig sabihin o kahulugan ng epiko at alamin ng mga karagdagang impormasyon tungkol dito.
Table of Contents
Ano ang Epiko Mga Elemento ng Epiko Mga Katangian ng Epiko Mga Halimbawa ng Epiko o o
Halimbawa ng Epiko sa Pilipinas Halimbawa ng Epiko ng Mundo
Ano ang Epiko Ang epiko (epic) ay isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa kaniyang mga katunggali. Ito ay karaniwang naglalaman ng hindi kapanipaniwalang pangyayari tulad ng pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga tauhan. Tinatalakay din dito ang mga sinaunang paniniwala, kaugaliaan at mga huwaran ng mamayan kung saan nagmula ang akda. Nagmula ang salitang epiko sa salitang Griyego na “epos” na nangangahulugang “awit”. Ito ay hinango rin sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay “Dakilang Likha”. Dagdag pa, ito ay mahabang salaysay maaring bigkasin sa anyong patula o paawit. Maari din itong sabayan ng ilang instrumento at maari din namang wala. Kalimitang binubuo ito ng 1,000 hanggang 55,000 linya.
Tinatawag namang “macro-epic” ang isang epiko kung ito ay sobrang haba at maaring umabot o humigit pa sa isang-daang araw ang pagkukwento nito. Ang macro-epic ay naglalaman ng “microepic” o isang parte o bahagi kwento na maaring ihiwalay at makabuo ng isa pang bukod na kwento.
Mga Elemento ng Epiko Ang mga sumusunod ay ang elemento na bumubuo sa isang epiko:
Banghay – Ito ay ang pagkakasunod ng mga pangyayari. Ito ay maaring maging payak o kompikado. Ang banghay ng epiko ay nahahati sa limang bahagi: ang simula, saglit na kasiglahan, kaskdulan, kakalasan, at wakas. Matatalinhagang salita – Ang mga matatalinhagang salita ay ang mga salitang hindi nagbibigay ng direktang kahulugan. o Halimbawa: Balat sibuyas – mahiyain mapaglubid ng buhangin – sinungaling Sukat at Indayog – Ang sukat ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Sa epiko, may tiyak na sukat na sinusunod, ito ay wawaluhing pantig, lalabindalawahing pantig, at lalabingwaluhing pantig. Tagpuan – Ang tagpuan ay ang lugar at oras kung saan naganap ang mga pangyayari. Naapektuhan nito ang takbo ng kwento, kaugalian at desisyon ng mga tauhan. Nagbibigay daan din ito upang malinawan ang mga mambabasa sa banghay, paksa, at tauhan ng kwento. Tauhan – Ang tauhan ang siyang nagbibigay ng buhay sa epiko. Sa madaling salita, ang tauhan ay ang mga kumikilos sa akda. Sa epiko, ang mga tauhan ay karaniwang may taglay o angking kapangyarihan. Tugma – Ang tugma ay laging matatagpuan sa huling pantig ng bawat taludtod. Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga pantig sa dulo ng salita.
Mga Katangian ng Epiko Ang epiko ay may mga katangian na gumagabay sa mambabasa upang mas madaling mabatid na ang akdang kanilang binabasa ay nabibilang sa epiko. Narito sa ibaba ang ilan sa mahahalagang katangian na dapat makikita sa isang akda o kwento: 1. Umiikot ang kwento sa mapanganib na pakikipagsapalaran ng bayani. Tulad ng nabanggit sa itaas, ang epiko ay tumatalakay sa pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga makapangyarihang nilalang. 2. May mga bansag o pagkakakilanlan ang mga tauhan. Karaniwang dinadagdagan ng “epithet” ang mga pangalan ng tauhan upang mas matandaan ito ng mambabasa. Ang epithet ay pang-uri na naglalarawan sa tao o bagay. Halimbawa: Mighty Achilles mula sa akda ni Homer. 3. May malawak na tagpuan. Hindi lamang sa iisang tagpuan at oras naganap ang kwento. Maaring maganap ang istorya nito sa iba’t ibang parte ng mundo o maging sa buong kalawakan at ibang mundo. 4. Naglalaman ng mahahabang kawikaan na galing sa mga tauhan. 5. Pagkakaroon ng supernatural na mga pangyayari. Hindi mawawala sa epiko ang mga kabulabulalas na mga pangyayari tulad ng pakikisalamuha ng diyos sa mga tao. Naglalaman din ito ng mga hindi kapanipaniwalang mga pangyayari. 6. Ipinapakita ang agwat sa pagitan ng mga diyos at mga mortal na tao. Sa pakikisalamuha ng mga diyos sa mga tao, laging pinapakita ang kalamangan ng mga ito sa mga kayang gawin ng mga tao.
7. May mga bayahing nagsisilbing modelo at huwaran sa mga mamayan. Ang epiko ay ginawa upang maging inspirasyon ng mga katutubo para ipaglaban ang tama. Ang mga bayani sa uri ng panitikang ito ay nagpapakita ng mga katangian tulad ng pagiging matapang at pagkakaroon ng paninindigan na nagiging dahilan upang tularan sila ng mga tao. 8. Naglalaman ng mga matatalinhagang salita. Isa rin sa mga katangian ng epiko ang pagkakaroon ng matatalinhagamg salita kung saan napapagana ang isip ng mga mambabasa sa kung ano ba talaga ang ibig ng mga salitang nakapaloob sa akda.
Mga Halimbawa ng Epiko Narito ang ilan sa mga halimbawa ng epiko ng Pilipinas at sa mundo. Ang mga kwentong ito ay nagpapakita ng mga kabulabulalas na pangyayari at nagpapakita ng kabayanihan ng tauhan.
Halimbawa ng Epiko sa Pilipinas Ang Pilipinas ay mayaman sa panitikan lalo na pagdating sa Epiko. Ang bawat rehiyon sa ating bansa ay mayroong maipagmamalaking sarili nilang kwento ng kabayanihan at ilan dito ay mababasa mo sa ibaba (pamagat lamang): Epiko ng Luzon Biag ni Lam-ang – Nagmula sa lalawigan ng Ilocos. Hudhud: Kwento ni Aliguyon – Nagmula sa probinsya ng Ifugao. Ibalon (Bicol) Kudaman (Palawan) Manimimbin (Palawan) Ullalim (Kalinga) Hinilawod (Panay) Humadapnon ( Epic from Panay) Epiko ng Visayas Labaw Donggon Maragtas Epiko ng Mindanao Bantugan Darangan (Maranao) Indarapatra at Sulayman (Maguindanao) Agyu Bidasari Olaging (Bukidnon) Sandayo (Zamboanga) Tudbulul Tuwaang Ulahingan Ulod
Halimbawa ng Epiko ng Mundo Marami ding kwento ang tumatalakay sa kabayanihan ng mga pangunahing tauhan ang nailimbag sa iba’t-ibang parte ng mundo. Narito sa ibaba ang ilan sa mga halimbawa ng epiko na nakilala ng husto sa buong mundo.
The Epic of Gilgamesh The Illiad & The Odyssey (Gresya) Mahabharata (India) Beowulf (Inglatera)
The song of Roland (Fransya) Sundiata Ramayana (India)