Proyekto Sa Filipino

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Proyekto Sa Filipino as PDF for free.

More details

  • Words: 1,133
  • Pages: 5
Pamagat ng Pelikula: Anak Pangalan ng Produksyon: Star Cinema Pangalan ng Director: Rory B. Quintos Tampok na mga Artista at ang kanilang karakter:

Vilma Santos -Josie

Tess Dumpit - Norma

Claudine Barretto - Carla

Cris Michelena - Arnel

Joel Torre- Rudy

Hazel Ann Mendoza - Young

Baron Geisler - Michael Sheila Mae Alvero- Daday Amy Austria - Lyn Cherry Pie Picache - Mercy Leandro Muñoz - Brian

Carla Daniel Morial - Young Michael Gino Paul Guzman - Don Don Jodi Sta. Maria - Bernadette Odette Khan - Mrs. Madrid

Mga Katanungan 1. Ano ang ipinahihiwatig na ideya o kaisipan ng pamagat?

Ito ay isang Philippine film tungkol sa isang ina na nagbigay at gumawa ng isang mas mabuting buhay para sa kanyang pamilya. ito rin ay tumutukoy sa paghihirap ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa. 2. Angkop ba o hindi ang pamagat ng istorya? ipaliwanag.

Angkop ang pamagat na Anak sa istorya dahil pinapakita nito ang pagmamahal ng isang magulang sa anak. Sa maraming pagkakataon, ang mga anak ay parating tinitaken for granted ang kanilang mga magulang. Parati nilang iniisip ang sarili. Walang pakialam kung ano ang mangyari sa magulang, basta lamang nakukuha nila ang kailangan nila mula dito.

3. Ano ang puna mo sa iskrip ng pelikula? kapana-panabik ba?

ipaliwanag. Nakita ko kung papano mahalin ng isang ina ang kanyang mga anak. kapana-panabik ang bawat istorya dahil maraming mga eksena ang nakakaiyak, minsan ay nakakatawa at minsan rin maraming mapupulutan ng aral. 4. Makatotohanan ba ang paglalarawan sa mga tauhan? magbigay ng halimbawa. May ibang makatotohanan tulad nina Josie at Daday, naramdaman ko talaga ang pagiging isang ina ni Josie sa katauhan ni Vilma Santos, nahaplos niya ang aking puso sa kanyang makatotohanag acting. Para bang siya mismo si Josie at para bang nadanas niya ang nadanas ni Josie. Tunay na binigyang hustisya at buhay ang tauhan ni V. Santos ang tauhang si Josie. Naramdaman ko si Daday. Binigyang buhay niya ang isang bata na kahit matagal na hindi nakita ang ina, ay mamahalin nito at pipiliting maging malapit sa ina. 5. Mahusay ba ang pagganap ng mga artista? ipaliwanag

Mahusay at walang pag-aalinlangan nilang ginampanan ang iba’t-ibang karakter. binigyan nila ng tamang emosyon tulad na kung paano magalit, umiyak at tumawa. 6. Ibigay ang tema ng pelikula. naipakita ba ang tema at ideya ng

pelikula? ipaliwanag Ang pinakapaksa na nakita ko sa pelikula ay walang magulang ang makakatiis sa anak o kaya naman ay gagawin lahat ng isang magulang para sa kanyang anak. Una kay Michael, kahit siya ay natanggal sa pagiging scholar, nagawa parin ito ni Josie na ito’y intindihin at ipinagpatuloy sa pag-aaral. Lalo na nang si Michael ay naglayas, napatawad na ni Josie si Michael bago paman ito humingi ng tawad sa kanya. kitang-kita na kahit anong disappointment ang ibinigay ni Michael kay Josie ay mahal at hindi kaya ni Josie na tiisin ito. pangalawa ang sa kaso ni Carla. sa pagbalik pa lamang ni Josie sa Pilipinas, pinapakita na walang pakialam si Carla. pati ng ipakita at ibinigay ni Josie ang mga pasalubong niya kay Carla, hindi man niya magawang kunin ito at magpasalamat sa ina. ang mga pagsuway niya kay Josie, ang pagsagot niya dito, ang ilang beses niyang paglayas sa bahay, na nagdulot ng sakit at kirot kay Josie, ang pinakamasakit sa lahat ang hindi niya pagkilala kay Josie bilang ina. itong lahat ay nagawang matiis ni Josie, kahit sobrang sakit ay nagagawa niyang

intindihin. napakita talaga kahit ano pa man ang gawin ng isang anak sa kanyang magulang ay mamahalin at mamahalin niya ito hanggang sa kamatayan. 7. Ang mga tauhan ba’y kumikilos at may pag-uugaling tulad ng

karaniwang nilikha? nagpakita ba ito ng kabutihan o kahinaan? ipaliwanag. Lahat ng karakter sa eksena ay nagpakita ng kanilang kabutihan at kahinaan. tulad ni Josie, maraming kabutihan ang naidulot ni Josie sa kanyang mga anak, kaibigan at kababayan. Ang naging kahinaan ni Josie ay ang kanyang mga anak. 8. Wasto ba ang pagkasunod sunod ng mga pangyayari? ipaliwanag

Para sa akin ay maayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Ang mga flashbacks ay hindi naging hadlang sa magandang timeline ng istorya, dahil ipinakita ng maliwanag na ito ay isang flashback. Ngunit, minsan ay may konting gulo sa flow ng kwento dahil minsan ay mayroong unseen scenes ito ay mga senaryo na kailangan nandoon upang hindi malito ang mga nanood. Ito ang mga detalye ngunit sila ay wala sa pagkasunod-sunod ng pangyayari, kaya sa nasa manonood na lamang ang desisyon kung ano nga ba ang nangyari. Sa kabuuan, wasto naman ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. 9. Kapani-paniwala

bang nangyayari ang mga pangyayari sa mga particular na tauhan? ipaliwanag Oo, ang pagiging OFW ni Josie sa Hongkong- marami sa ating mahal sa buhay ay mga OFW hindi lamang sa Honkong, ngunit sa iba pang maraming bansa na maaring makapagbigay yaman sa naghihikaos nating kababayan. Ang babae ang nagtatrabaho para sa pamilya, tunay itong nangyayari. Pagmamaltrato ng mga dayuhang employer kay Josie - madami na ring balita ang narinig natin ukol dito. Minsan mas masahol pa nga ang ginagawa nila kaysa sa ginawa nila kay Josie. Minsan pinagbubugbog, hindi pinapakain, hindi pinapasweldo at iba pang makahayop na Gawain. Ito ay tunay na nangyayari sa tunay na buhay. Pagkakaroon ng kalaguyo ni Lyn sa HongkongMadalas nangyayari ang kasong ito, pero ito ay tunay sa ating buhay. Dahil sa pangungulila nila sa minamahal, naghahanap sila ng kapalit na magbibigay pagmamahal sa kanila. Ang pagkawala ng scholarship ni Michael dahil sa pag-ibig. Bumababa ang kanilang marka dahil wala

nang inisip kung hindi ang pag-ibig. Pagrerebelde ni Carla sa ina- ang palaging problema ngayon ng mga mayayaman ay kung paano papaamuhin ang mga anak. Dahil sa puro trabaho na lamang ang iniisip at wala nang oras para sa anak ay nagiging malayo ang loob nila sa kanilan mga anak. At ang mga anak nila ay nagrerebelde upang mapansin ng kanilang mga magulang. Ang pag-papaabort ni Carlamadami sa mga kadalagahan ngayon ay nabubuntis sa murang edad, dahil hindi nila kayang pangalagaan ang magiging anak nila, Ang ginagawa nila ay pinapa-abort ito upang wala silang magiging problema. Ang pagiging mabisyo ni Carla- sa panahon ngayon, kahit ang mga babae ay nagkakaroon na ng mga bisyo kasing sahol ng sa mga lalake. Ang mga kabataan sa Maynila ay maraming bisyo dahil sa peer pressure at upang mapatay ang oras o kaya naman upang takasan ang sari-sariling problema. 10. Maayos ba ang dayalog? ipinakikita ba sa pamamagitan ng pagsasalita

ang kanilang katauhan? ipaliwanag. Maayos ang mga dayalog ng bawat karakter. naipadama nila sa pamamagitan ng pagsasalita kung ano ang dapat at bagay na emosyon ang gamitin sa bawat eksena at linya na kanilang binabasa.

Proyekto sa Filipino Pagsusuring Pelikula

ANAK

ipinasa kay:

Gng. Ma. Rosella D. Saavedra

ipinasa ni:

Dione Lei Requina

petsa

November 3, 2009

Related Documents

Proyekto Sa Filipino
December 2019 15
Proyekto Sa Filipino
July 2020 12
Proyekto Sa Filipino
November 2019 11
Proyekto Sa Filipino
June 2020 7
Proyekto
November 2019 9