Mga Teoryang Pampanitikan
SY:2009-2010 Gubat National High School
Gubat,Sorsogon
Proyekto Sa Filipino SY:2009-2010
Ipinasa ni: John Pura Ipinasa kay: Mr.Gil Eresmas
Humanismo May bunga ang panitikan sa tao. Sa humanismo ang pananaw ay nakasentro sa tao. Kinikilala ang taobilang panukatan ng maraming bagay at pangyayari. Inilalarawan kung paanong ang tao ay nakikibaka sa buhay at mga karanasan sa mundo. Itinatanghal ang kalagayan ng
tao bilang isang indibidwal na may pananaw sa buhay at malayang ekspresyon ng kakayahang. Halimbawa: 1. ISANG HAPON NG MAYO ni Heidi Emily Eusebio-Abad
Formalismo May sariling daigdig ang akda. Sa formalismong pananaw ay mahalaga ang katangiang sarili ng mga sangkap ng isang akda at ang organikong pagkakaugnay ng bawat bahagi. Walang lugar ang bayografikal o kontekstong historikal at panlipunan sa pagbibigay ng kahulugan sa akda sapagkat ito ay may taglay na sariling kabuluhan. Mismong ang akda ang sinusuri batay sa batas na sarili at objektiv na dulog. Ang akda ay may sariling kaanyuan ayon sa taglay na anyo, disenyo, imahen o simbolismo, motif, tono at punto de vista sa ilalim ng sistemang tekstwal. SaNatutukoy ang nilalaman, kaanyuan,o kayarian at pamamaraan ng pagkakasulat ng may-akda. Dito inilalabas ng manunulat ang pagiging masining sa paglikha ng akda. Halimbawa: 1.Ang paglilitis ni mang Serapio Ni Paul Arvisu Dumol
Romantisismo Mayaman ang panitikan. Ang daigdigsa pananaw na romantesismo ay maganda at mabuti anuman ang bigat ng suliranin o higpit ng pagsubok na dumadating. Sa likod ng kasamaan atkaguluhan ay may bagay o pangyayaring magpapatingkad sa angking kabutihan ng tao at laging mangingibabaw ang pag-ibig. Ideyalistiko ang pananaw ngunit maypagtakas sa realidad at pagkawala sakatwiran sapagkat may pagkasetimentalismo. Gumagamit ngmabulaklak na pagpapahayag, Tumatalakay sa mga valyu at paksang tungkol sa pagkamakabayan, pagkamaginoo, pagkakristiyano ngunit may mga karakter na hayagang mapusok ang pagkatao, pinaiiral ang sarili at
rebolusyonaryo. Ipinakikita ang kahalagahan ng tao anuman ang kalagayan sa lipunan at sa nasa lipunan nag-uugat ang kasamaan ng tao. Higit na pinahahalagahan ang damdamin, kung gaano ang higpit ng klasisismo ay gayon ang kalayaan ng romantisismo. Halimbawa:
Eksistensyalismo Ang realidad ay ang nagaganap. Ang pananaw ng eksisytensyalismo ay kumikilala sa esensya ng tao nawalang iba kundi kung ano ang kanyang nililikha sa kanyang sarili depende sa lawak ng kanyang kakayahan at limistasyon o hangganan. Pananagutan ng tao ang kanyang sarili at walang kaugnayan ang kapaligiran at minanang katangian sa kanyang hangarin at Naniniwala ang mga romantisist naang tao ay may kapasidad na bumuo ng sarili nilang daigdig. Sa panahon ng mga suliranin makakalikha ang tao ng mga gawaing maaring makaaliw sa kanya upang sandaling lumipas ang dinadala na naghahari sa kabuuan ng akda. Ang mga ito ay maaring madama sa tulong ng mgasalitang ginagamit sa akda. Sapamamagitan nito, makikilala ng nangingibabaw na damdamingnapulutan sa kabuuan ng akda. Halimbawa: 1. Ako ang daigdig Ni Alejandro Abadilla
Realismo Makatotohanan ang panitikan. Ito ay gising, mulat at matapat. Sa realismong pananaw, obdyektib ang paglalarawan sa tao at lipunan at samga puwersang nakapangyayari sa buhay. Ang teksto ay tumatalakay sa mga suliranin sa mundo at ang kanilangpinag-ugatan. Inilalantad ang mgakatotohanan sa pamamagitan ng mgapaksa at salitang karaniwan ngunit gumagamit ng matapang kung hindi man mapangahas na paraan. Ang mga kaisipang inihahanay ay payak ngunit nakapagpapakilos. Binibigyangbuhay ang mga tauhang nakikisangkot, nanunuligsa o nanghihikayat upang mapabuti at maiangat ang kalagayan ng tao sa lipunan.
Kadalasang paksain ang karanasan ng mga mahihirap, pagiging bulag ng katarungan, paglabag sa karapatan at ang tunggalian ng ibat ibang uri ng tao sa lipunan. Ang awtor ay Malaya at walang kinikilingan sa paglalantad ng buong katotohanan. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ayhango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalangalang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat. Halimbawa: 1. Banaag at sikat Ni Lope K santos 2. Satanas sa Lupa Ni Celso Carunungan 3. Laro Sa Baga Ni Edgar Reyes Ilan lamang ito sa mga akdang nagpagising sa ating kamalayan upang masaksihan at madama ang tunay na katotohanang matapang inilantad ng ating panitikan.
Teoryang Bayograpikal Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. Halimbawa: 1. ‘Si Boy Nicolas’
Ni Pedro Ricarte 2. ‘Utos ng Hari ‘
Ni Jun Cruz Reyes 3. ‘Reseta At Letra’ ni Dr.Luis Gatmaitan(Gawad Palanca 1997 sa pagsulat ng sanaysay)
Sa paggamit ng teoryang ito ay laging inuugnay ng mananaliksik ang mga kondisyno kaakibat ng teoryang bayogrpikal.
Feminismo Teoryang pampanitikang nag-ugat sa malalim na paniniwala na sa kamay ng mga kalalakihan,. Hindi makatarungan ang representasyong ibinibigay sa mga kababaihan. Hinango ang ganitong representasyon sa paniniwala ng lipunan na ang babae ay hindi makahihigit sa lalaki sapagkat ang taglay lamang niya ay ang kanyang katawan. Sa teoryang ito, ipinakitang ang babae ay kapantay ng lalaki sa lahat ng bagay. Dito nangingibabaw ang pamamaraan, kakayahan, karanasan at paniniwala at pananaw ng isa babae. Halimbawa: 1. Ang Banyaga ni Liwayway Arceo
Sosyolohikal Ang teoryang sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin sy nsgiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na mababang uri.. Halimbawa: 1. Tata Selo ni Rogelio R. Sikat
Ang Teoryang pampanitikan ay angsistematikong pag-aaral ng panitikan atang mga paraan sa pagaaral ngpanitikanin.Mayroong iba't ibang teoryapara sa pagaaral na ito. Katotohanan kaysa kagandahan angmababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao aynasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasanng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili.