POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM Pototan, Iloilo ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT “PANLILIGAW, NOON AT NGAYON: ISANG KOMPARATIBONG PAG-AARAL AYON SA MAGAARAL NG BAITANG 11 NG SENIOR HIGH SCHOOL NG POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGHSCHOOL” Ang Pananaliksik ay ipriniprisinta kay Gng. Ma. Emma O. Pagayon Bilang pagtupad sa mga pangangailangan ng Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng ibat ibang Tekso tungo sa Pananaliksik Ipiniprisinta ng: Group 3 Charish Abayon Dhivinne Danielle Perez Rosario Rizalute Cientlyn Porras Jennebeth Arellano Jenica Mae Orbita Heinz Jhon Sadiang-abay 11-ABM S.Y. 2017-2018
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM Pototan, Iloilo ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT KABANATA I Ang Suliranin at ang Kaligiran nito Panimula o Introduksiyon Isa sa mahalagang katangian ng mga Pilipino ang pagiging mapagmahal. Pinapakita ng mga pinoy ang pagmamahal sa iba’t- ibang mga paraan ng pinaghihirapan at ang isa sa mga paraan na distinggido sa kulturang Pilipino ay ang panliligaw. Ayon sa Wiki Filipino, ang ligaw, panliligaw o pagligaw ay isang gawain ng taong nanunuyo sa kanyang taong napupusuan. Tinatawag din itong pangingibig. Isang tradisyunal o nakagawiang kultura ang panliligaw ng isang lalaki upang ipahayag niya ang kaniyang damdamin para sa babaeng kanyang iniibig ngunit sa pagdaan ng panahon at sa paglalaganap ng teknolohiya marami na ang nabago sa kulturang Pilipino at sa paraan ng panliligaw. Noon ang panliligaw ay isang paraan ng panunuyo ng mga lalaki sa mga babae bago humantong sa kasunduan ng pag-iisang dibdib. Isa sa mga paraan ng mga panliligaw noon ay paghaharana, paninilbihan sa pamilya ng babae at mayroon din namang ibang gumagawa ng liham ng pag-ibig dito pinapahayag sa pamamagitan ng isang liham ang kanyang nililigawan. Ito ang susi ng mga binata noon upang masungkit ang matamis na “oo” ng mga kababaihan. Kailangan madaanan ang iba’t ibang paraan ng panliligaw upang mapatunayan na seryoso at mahal ng lalaki ang babae. Ngunit sa panahon ngayon, tila nag-iba na ang ibig sabihin ng panliligaw at ang layunin nito.
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM Pototan, Iloilo ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT 2 Ang panliligaw ay pinaglalaanan ng oras at isang matagumpay na pagkikilala sa isang tao sapat para malaman kung silang dalawa ay nararapat na maging mag-asawa. (Tom Brown, 2011) Ang pamanahong papel na ito ay naglalayong ipabatid ang kaibahan ng panliligaw sa Kulturang Pilipino sa nakaraan panahon at sa kasalukuyang panahon ng teknolohiya. Ang pagsasaliksik na gagawin sa pag-aaral na ito ay naglalayong maipakita ang kaibahan ng paraan ng panliligaw at ang layuninb ng panliligaw. Upang matulungan din ang pagdedesisyon ng mga kabataan sa mga yugto ng ligawan. Isa din sa layunin nito ay ang maipa-alala ang mga kaganapan noon sa pagliligawan, sa mga kabataan ngayon sa makabagong henerasyon. Balangkas Teoretikal Ang Teoryang Romantisismo ay nagpapakita ng kahalagahan ng damdamin ng isang tao. Mas pinapahalagan pa ito kaysa sa mga gamit sa mundo. Anyo ito sap ag-iisip na nagpapahalaga sa indibidwal, imahinasyon, orihinalidad, at perpeksiyon. Tulad na lamang noong panahon ni balagtas na gumagamit ng maliligoy at mabubulaklak na salita. Tumatalakay sa kabiguan at kapighatian at kasiyahan sa pag-ibig. Sa pag-aaral na ito, ang teoryang romantisismo ay maihahambing sa panliligaw noon at ngayon sapagkat dito ipinapakita ang kahalagahan ng damdamin ng indibidwal pati narin ang orihinalidad. (Tan, 2013)
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM Pototan, Iloilo ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT 3 Paglalahad ng mga Suliranin Ang pananaliksik na ito ay isasagawa upang bigyan ng kasagutan ang kaibahan sa pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon ayon sa kalalakihang mag-aaral ng baitang 11 na Senior High School sa Pototan National Comprehensive High School. Ito ay ginagabayan ng mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang pamamaraan ng panliligaw noon? 2. Ano ang pamamaraan ng panliligaw ngayon? 3. Ano ang kaibahan ng pamamaraan ng panliligaw noon at ngayon? Layunin o Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito naglalayong na masuri ang mga kalalakihang mag-aaral ng Senior High School sa Pototan National Comprehensive High School ukol sa panliligaw noon at ngayon. Magiging kapaki-pakinabang ang pag-aaral na ito para sa mga sumusunod: Mag-aaral. Makakatulong ito sa mga mag-aaral para lubos nilang maintindihan ang pagkakaiba ng panliligaw noon at ngayon at mabigyang ideya sa pagdedesisyon sa tamang kahulugan ng pag-ibig. Guro. Makakatulong ito sa mga guro upang magabayan ang mga mag-aaral sa pakikipagrelasyon gayon nadin ang kanilang mga anak.
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM Pototan, Iloilo ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT 4 Magulang. Makakatulong ito sa mga magulang upang magabayan ng mabuti ang kanilang mga anak. Sunod na Mananaliksik. Sa paraang magkakaroon sila ng saoat na kaalaman tungkol sa kaibahan ng panliligaw noon at ngayon. Kahulugan ng mga Termino Ang mga sumusunod na kahulugan ay ibinigay upang magbigay ng mga ideya at kaliwanagan ng mga terminong ito sa buong pag-aaral. Panliligaw-Ayon kay Juan Flavier(2010), ang panliligaw ay ang paraan ng panunuyo ng isang lalaki sa kaniyang nagustuhang babae Sa pag-aaral na ito, ang panliligaw ay isang tradisyunal o nakagawiang kultura ng isang lalaki upang ipahayag niya ang kaniyang damdamin para sa babaeng kanyang iniibig. Mag-aaral-Ayon sa Wiki Filipino(2007),ang mag-aaral ay siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino. Sa pag-aaral na ito, tumutukoy ito sa mga mag aaral ng Senior High School sa Pototan National Comprehensive High School na kalahok sa pag-aaral na ito.
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM Pototan, Iloilo ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa lalaking mag-aaral o estudyante ng Pototan National Comprehensive High School sa Senior High School. Sila ang pangunahing paksa at respondenet ng pag-aaral na ito. Tatanongin sila ng harap-harapan ng mga mananaliksik upang makakuha ng impormasyon. Ang pag-aaral na ito ay gagawin sa Pototan National Comprehensive High School, Pototan Iloilo. Ang gagamiting desinyo sa pag-aaral na ito ay deskriptib.
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM Pototan, Iloilo ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT KABANATA II Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura Panliligaw Noon Bulaklak, liham, at harana- ilan lamang ito sa mga bagay na nagpapahiwatig ng tradisyunal na paraan ng panliligaw. Ang paraan ng panliligaw na ito ang nakagisnang ng ating mga magulang at nakilala nila sa paligid noong sila ay bata pa. o baka nga ang ating mga magulang ay nakaranas mismo ng ganyang paraan ng panliligaw noon ngayong ikaw ay dalaga o binata na, maaaring gusto mong malaman kung paano sila manligaw noong unang panahon. Pahirapan ang paraan ng panliligaw noon. Ang lalaki ay dadaan muna sa butas ng karayom upang makuha lamang ang matamis na “oo” ng kanyang iniibig. Ang panliligaw ay maaaring magsimula sa munting liham para sa babae na naglalahad ng kanyang pagsinta. Gumagamit ng makatang mga salita ang lalaki sa kanyang liham. Syempre, hindi pa nagtatapos sa pagsasabi ng saloobin ang kanyang panliligaw. Sa susunod na hakbang ng lalaki ay ang paghaharana sa harap ng bahay ng babae. Kadalasan ay nagsasama ng ilang mga kaibigan ang lalaki sa paghaharana at umaawit ng mga awit ng pag-ibig kahit na sintunado. Kailangan din na makuha ng lalaki, hindi lamang ang pag-ibig ng babae, kundi ang pagsang-ayon din ng mga magulang nito sa kanyang panliligaw. Ang pagsang-ayong ito ay hindi madaling makuha dahil bago pumayag ang mga magulang ng babae, kailangan dumaan ang lalaki sa ilang pagsubok. Halimbawa nito ay ang
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM Pototan, Iloilo ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT 6 pagsisibak ng kahoy o kaya ay pag-iigib ng tubig. Ang pagsubok na ito ay para masuri ng mga magulang ng babae kung karapatdapat ba ang lalaki para sa kanilang anak sinusukat din nito ang katatagan at determinasyon ng lalaki na makamit ang kanyang minamahal. Dahil dito , napapakita ang pagiging masipag, matiyaga at matatag ng isang lalaki. Ang panliligaw ng lalaki ay ginagawa sa pamamagitan ng paghaharana kasama ng kanyang mga barkada na pupunta sa bahay ng dalagang kaniyang sinisinta ,bitbit ang gitara at lakas ng loob.Sa tapat ng durungawan ng babae,idaraan ng lalaki ang kaniyang pagsinta sa pamamagitan ng pag-awit,kahit sintunado’t pipiyok-piyokang boses at pulos palya ang paggigitara. Noon,hindi lamang basta-basta na nililigawan ng lalaki ang isang babae.Kailangan niya munang makuha ang pagsang-ayonng mga magulang ng kaniyang ibig ligawan.At kadalasan,ang mga magulang ng isang babae ay hindi agarang nagbibigay ng pahintulot sa kaniyang panliligaw.At kung desidido talaga ang isang lalaki,ano pa man ang nais ng mga magulang ng babae ay kaniyang gagawin magsibak man ng kahoy o mag igib ng tubig sa kabilang baryo. Noong sinauna,ang panliligaw ay isang ritwal na inuugnay sa daan patungo sa kasal. Kapag nanligaw ang isang lalaki sa isang babae, seryoso ang kanyang pakay sa dilag.Handa siyang gawin ang kahit anong mahirap na pagsubok para lamang makamtan ang matamis na loob ng dilag,(Beatriz 1998). Isang kaugalian sa mga Pilipino ang pag-akyat ng ligaw o pagdalaw ng binata sa tahanan ng kanyang iniibig na babae. Sa pamamaraan na ito, maaaring manghiram
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM Pototan, Iloilo ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT 7 ang kabataang lalaki ng aklat o anumang babasahin bilang pagsubok sa babae.Kapag nagpahiram ang babae ng babasahin, mataimtim na makapag-iipit ang dalawa ng mga lihim naliham para maipaalam nila ang kanilang mga damdamin para sa isat isa.Lihim ito sapagkat kapag dumadalaw ang isang lalaki sa tahanan ng babae, naroroon ang mga magulang nito, nakinakaharap din ng binatang nanliligaw, hindi lamang ang usaping pag-ibig ang napag-uusapan kapag kaharap ang mga magulang ng dalaga, kabilang dito ang taya ng panahon, politika, at iba pang mga bagay na mapag-uusapan. Isang tanda na may pag-asa ang lalaki na maging kasintahan Panliligaw Ngayon Ayon kay Ronald Verzo(2009),humihina ang mga kabataan sa tamang paggamit ng lenggwahe at wika sa paraan ng panliligaw ,particular na dito ang cellphone na maaaring gamitin sa pagpapaabot ng ating mensahe sa pamamagitan ng SMS o Txt messaging.Tinutukoy rito ang unti unting paghihina ng mga kabataan ngayon sa paggamit ng tamang paraan ng pananalita at pagpapahayag ng isang mensahe sa kanilang nililigawan.Mas higit na napapaunlad ang mga salitang balbal gaya na lamang ng jejemon.Ang mga kabataan ngayon ay ibang iba ang paraan ng panliligaw kaysa sa kabataan noong unang panahon.Nag iiba-iba raw sa bawat pagbabago ng henerasyon at sumasabay raw ito sap ag ikot ng mundo. May mga salik na nakakaapekto dito kabilang na ang pag usad ng ekonomiya,siyensya at teknolohiya at pati na rin sa patakaran at inaasahan sa taong nanliligaw.Sumusuporta naman dito
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM Pototan, Iloilo ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT 8 ay si Danilo Emilio Jr (2014), na nagsasabing naapektuhan ang mapaglarong isip at kilos ng kabataan.Sa panahon ngayon,kadalasan ay cellphone at computer ang ginagamit sa panliligaw.Higit pa dito,mas madalas na tago sa magulang ang mga relasyon ng kabataan.Ma napadali ng makabagong teknolohiya ang paraan ng panliligaw.Basta may load ka mapapasagot mo na ang isang babae at hindi mo na kailangan na mag harana sa kanilang bahay. Sa paglipas ng panahon,Nakita natin ang malaking pagbabago sa paraan ng panliligaw sa Pilipinas.Sa tindi ng bilis ng panliligaw sa ngayon ay ganoon din kabilis ang kanilang relasyon sapagkat sa text o chat ay pwede niya kayong ligawan ng sabay-sabay nang di niyo alam.Kasabay ng modern at pagbabago ng panahon ay nagging modern na din ang panliligaw ng mga kalalakihan.Kung noon kailangan pang pumunta sa bahay ng dalaga para umakyat ng ligaw ngayon isang text o chat lang ng malalambing na mensahe maaari ka nang magkaroon ng kasintahan.
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM Pototan, Iloilo ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT
KABANATA III Methodolohiya Ipinapakita sa bahaging ito ng pananaliksik at metodong ginamit ng mga mananaliksik upang makamtan ang layuning alamin ang “Panliligaw, Noon at Ngayon : Isang Komparatibong Pag-aaral sa mga Kalalakihan ng Baitang 11 sa Senior High School ng Pototan National Comprehensive High School”. Disenyo ng Pananaliksik Gumamit ang mananaliksik ng Deskriptibong pamamaraan. Isasagawa ito sa pamamagitan ng paglalarawan ng nakaraan at kasalukuyang pamamaraan ng panliligaw ng mga kalalakihan ng baitang 11 sa senior high school. Ang kaparaanang paglalarawan ang tutuklas sa kaibahan ng panliligaw noon at ngayon. Sa pag-aaral na ito, aalamin ng pananaliksik kung nagbago ang paraan ng panliligaw noon at ngayon ayon sa mga lalaking mag-aaral sa baitang 11 ng Pototan National Comprehensive High School. Paglalarawan ng Respodente Ang mga piling kalalakihang mag-aaral ng Pototan National Comprehensive High School na nasa baitang 11 ay magsisilbing respondente ng pananaliksik. Pinili ang mga mag-aaral sa kaisipang ang mga kalalakihan ang karaniwang nanliligaw at may higit na kaalaman sa kaibahan ng panliligaw noon at ngayon. Gagamitin ang random sampling sa pagpili ng respondente.
POTOTAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL CURRICULUM Pototan, Iloilo ACCOUNTANCY BUSINESS AND MANAGEMENT 10 Paraan ng Pangangalap ng Datos Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng Focus Group Discussion o FGD upang makuha ang datos. Ang pagsisimula ng pananayam ay matapos aprubahan ng principal ng Pototan National Comprehensive High School ang liham sa pagsasagawa ng pananaliksik. Instrumentasyon Upang makalikom ng kinakailangang datos, nagsasagawa ng isang pananayam ang mga mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng 15 na tanong para sa mga respondente. Ito ang natatanging pamamaraan ng mga mananaliksik upang malaman ang kaibahan ng panliligaw sa paglipas ng panahon. Analysis ng mga Datos Gumagamit ang mga mananaliksik ng talahanayan upang ipakita ang mga nakalap na datos tungkol sa nakaraan at kasalukuyang pamamaraan ng panliligaw ng mga kalalakihan ng baitang 11 sa senior high school.