Paggamit_ng_mother_tongue_bilang_midyum.docx

  • Uploaded by: Dex de guzman
  • 0
  • 0
  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Paggamit_ng_mother_tongue_bilang_midyum.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 781
  • Pages: 4
Kabanata 1 Ang kaalaman ay ang kakayahang nakukuha ng isang tao sa pamamagitan ng karanasan o pag-aaral; ang pagkakaintindi sa isang paksa, sa gawa man o sa kaisipan. Ito ay nabibigay ng buhay sa isang tao upang iayon ang sarili sa ibang bagay at kung papaano gamitin ang isang bagay. Ito rin ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga makabagong imbensyon tulad ng telepono at iba pang mga bagay. Ang ating mundo ay lumalawak na sa mga paraan upang mas mapadali ang buhay ng isang tao. Ang kaalaman ay hindi lamang natutunan sa karanasan lamang, kung hindi ay sa pagtuturo ng mga guro. Ang pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim: ang pagbabahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at katunungan. Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi. Ang edukasyon ay isang puhunan ng bawat mamamayan ng isang partikular na bansa upang maging produktibo ang bawat isa sa pagpapataas ng ekonomiya. Sa pagtuturo ay gumagamit ng wika ang bawat isa. Sa araling ito, Matatalakay ang kahalagahan ng paggamit ng Mother Tongue bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan upang masanay at gayundin ay hindi malimutan ng bawat Pilipino ang kani-kanilang mga katutubong wika tulad ng Pangasinan,Ilokano, at marami pang iba.

Suliranin ng Pagaaral Ang pangunahing suliranin sa araling ito ay, “Kung makakatulong ba ang Mother Tongue sa pag-unlad ng bawat Pilipino?” Alam natin na hindi sapat ang kaalaman ng bawat Pilipino upang mapaunlad ang bansa, kaya maaari bang ito ang maging isang solusyon para sa kaunlaran? Tiyak na suliranin. Marami sa mga Pilipino ang nagsasalita ng kanilang katutubong wika. Halos araw-araw nating sinasambit ang bawat salita ng ating wika. Ngunit bakit natin kailangan pang ipatupad ang Mother Tongue? Nakasanayan na ng mga estudyante ang paggamit ng wikang Filipino sa bawat paaralan. Sa pagsagot sa mga katanungan ng mga guro, sa pagtatanong ng mga estudyante sa ibang kamag-aral, sa pagsulat ng kwento o sanaysay. Sa kabila ng paggamit ng wikang Filipino sa bawat aspeto sa paaralan, magkakaroon ba ng malaking pagbabago ang paggamit ng Mother Tongue sa bawat paaralan? Tayo ay may maraming katutubong wika, lahat ng lalawigan sa ating bansa ay may katutubong wika. Magkakaintindihan ba ang bawat mamamayan sa iba-ibang lalawigan kung papairalin ang paggamit ng Mother Tongue?

Kahalagahan ng Pananaliksik Sa araling ito, magkakaroon ang mga mag-aaral ng kaalaman kung bakit kailangan ang paggamit ng Mother Tongue sa buhay. Kung papaano ang tamang paggamit ng wika sa pakikipagugnayan sa bawat taong nakakasalamuha. Mabibigyang linaw ng araling ito ang pagkakaroon ng pagmamahal sa wikang nakagisnan at pagrespeto sa katutubong wika. Dito rin magkakaroon ng kaalaman para mapaunlad ang bawat sarili at pagkatao

Batayang Konseptwal Input -

Nilalayong mapaunlad ang kaalaman ang mga estudyante sa paaralan tungkol sa paggamit ng Mother Tongue. Gamitin ang Mother Tongue bilang paraan ng komunikasyon sa bawat Pilipino. Pagtuturo ng Mother Tongue sa mga bata simula 5 taong gulang hanggang 12 taong gulang.

Proseso -

Ang layunin ng paksang ito ay tulungan ang mga bata mula edad 5 hanggang edad 12 na gamitin ang Mother Tongue sa pag-aaral at komunikasyon.

Awtput -

Magkakaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa wikang nakagisnan. Makatutulong ito upang hindi mabaon o malimutan ng mamamayan ang wikang nakagisnan. Naaayon din ang pagtuturo ng Mother Tongue sa murang edad pa lamang at maaari nang ituro ang Academic Langauge tulad ng Ingles.

Batayang Teoretikal Ang Wikang nakagisnan o Katutubong wika ay dapat na ituro sa mga bata sa di hihigit sa 12 taon upang mahasa ang pananalita at malaman ang mga iba’t ibang kahukugan ng bawat salita ng katutubong wika. Kung matapos ang 12 taon sa pagtuturo ng Katutubong wika ay maaari nang matutunan ang pangmalawakang wika na Ingles. Sa paraang ito, hindi malilimutan ng bawat mag-aaral ang wikang nakagisnan at nang sa gayon ay mapaunlad pa ang wika ng bawat lalawigan sa Pilipinas.

Saklaw at Limitasyon Ang araling ito ay naglalayon na mapaunlad ang mga iba’t ibang wika ng Pilipinas at nagsisilbing gabay para hindi natin makalimutan ang ating sariling wika. Magsisilbi itong dahilan kung gaano kahalaga ang wika sa buhay ng mga Pilipino; kung papaano nito mababago ang buhay ng Pilipino at kung papaano ito magsisilbing intrumento upang mahalin natin ang ating sariling wika at pagmamahal sa ating bansa.

Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita Mother Tongue – Ang wika na nakagisnan ng isang tao. Pangasinan – tawag sa wika ng mga pangasinense. Ilokano – tawag sa wika ng mga Ilokano. Academics – ang mga agham na pinag-aaralan sa paaralan. Filipino – Pambansang Wika ng Pilipinas. Nakagisnan – Mga bagay na unang nakita o nagamit. Salamuha – pakikipag-ugnayan sa ibang tao.

More Documents from "Dex de guzman"