Page 4

  • Uploaded by: czarissa
  • 0
  • 0
  • April 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Page 4 as PDF for free.

More details

  • Words: 527
  • Pages: 1
A. Konklusyon Mula sa naging karanasan nina Jose, Jojo, Elena at Ana (mga hindi tunay na pangalan) pati na rin ng kanilang asawa, ating nalaman ang kanilang naging puna sa young parenthood. Lahat sila ay hindi nagpagapi sa mga hamon ng maagang pagaasawa. Marahil ay isa itong kamaliang hinding-hindi nila makakalimutan dahil sa hirap na kanilang dinanas ngunit ito naman ay nagsilbing inspirasyon sa kanila na magkaroon ng pagasa para sa kanilang hinaharap at isang matinding aral na kanilang maibabahagi sa kanilang mga anak at sa kabataan. Ukol dito, mahihinuha na hindi biro ang maging isang teenage parent. Una, ang kanilang pagtanggap sa kanilang sitwasyon. Ikalawa, ang pagpapasyang ipagpalit ang kanilang buhay teenager sa pagiging mga magulang sa sanggol na kanilang naidulot. At ikatlo, ang kanilang mga paghihirap na gampanan ang kanilang mga responsibilidad bilang mga ganap na magulang ng kanilang mga anak sa murang edad. B. Rekomendasyon

http://images.inmagine.com/img/polkadot/itf037/itf037020.jpg

May tamang panahon para sa lahat ng bagay sa mundo. Sabi ng mga nakaranas na nito, masarap daw ang sex. Dahil sa kapusukan at kawalan ng tamang pagpapatnubay sa mga kabataan, hindi nila namamalayan na masyado na silang nagiging interesado sa bagay na ito hanggang sa darating ang panahon na bigla na lang mabuntis si Nene o makabuntis si Totoy. Habang lumilipas ang panahon, pabata na nga nang pabata ang mga nagiging magulang. Ang pinaka-ugat nito – teenage pregnancy. Kung magkakaroon lamang ng sex education para sa lahat ng kabataan, hindi na nila hahanaphanapin pa ang kasagutan sa kanilang mga katanungan tungkol sa mga bagay-bagay katulad ng sex, kung paano ba ito nangyayari, at marami pang iba. Dagdag pa rito, magkakaroon na rin sila ng ideya tungkol sa mga epekto ng sex at ang mga responsibilidad na kailangan nilang gampanan bilang mga magulang sa hinaharap.

http://www.wynnummanly.com.au/newsimages/Pregnant_silhouette.jpg

At sa pamamagitan ng sex education at tamang paggabay sa mga kabataan, inaasahang magkakaroon ng pagbaba ng bahagdan ng mga kabataang “nadidisgrasya” sa sex at magkakaroon na rin sila ng tamang pananaw tungkol dito at sa mga bungang pangyayari na kaaikibat nito. Sa kabilang banda, iminumungkahi ng mga mananaliksik na magkaroon ng iba pang mga pag-aaral na may mas masusi at mas malawak na pagkalap ng datos ukol sa wastong pag-aaruga ng mga teenage parents sa kanilang mga anak upang magsilbing gabay sa mga kabataang nasadlak sa kanilang kamalian para kahit na nasa murang edad, magiging epektibo pa rin ang kanilang pagpapalaki sa kanilang mga anak. Nangangailangan din ng mas marami pang sabdyek upang higit na mailahad ang mga epekto ng pagiging isang batang magulang upang maliwanagan nang lubos ang madla sa kung anu-ano ang pinagdadaanan nila. Bibliograpiya Annie E. Casey Foundation, 1998 Booth, et. al., “Early Family Transitions and Depressive Symptom Changes From Adolescence to Early Adulthood”, Journal of Marriage & Family, Feb 2008, Vol 7, No. 1, p10 Davis, Deborah, You Look Too Young to be a Mom: Teen Mothers Speak Out on Love, Learning and Success, Pedigree Books, 2004 McGraw-Hill Concise Dictionary of Modern Medicine. © 2002 by The McGraw-Hill Companies, Inc. Rolfe, Alson, Journal of Community & Applied Social Psychology; Jul/Aug 2008, Vol 18 Issue 4, pp299-314, 16p, 1 chart Mga URL: http://www.buzzle.com/ http://www.qolsandiego.net/docs/Teen%20Parent%20Research%20Paper.htm http://www.teenfad.ph/beintheknow_content.php?id=54 http://www.yapa.org.au/openingdoors/parents/needs_issues.php http://www.womenshealthcannel.com/teenage pregnancy/index.shtml

Related Documents

Page 3 & Page 4
May 2020 21
Page 4
June 2020 8
Page 4
April 2020 10
Page 4
May 2020 4
Page 4
October 2019 27
Page 4
November 2019 18

More Documents from ""

Page 1
April 2020 10
Page 4
April 2020 10
Page 3
April 2020 6
Page 2
April 2020 10