II. Paglalahad ng Sariling Pag-aaral
A. Metodolohiya Ang mga mananaliksik ay nangalap ng impormasyon tungkol sa mga kabataang maagang naging mga magulang sa pamamagitan ng pag-interbyu sa apat na mga sabdyek. Ang naging basehan sa pagpili ng mga sabdyek ay ayon sa kanilang personal na background. Ang mga kinapanayam ay ang mga indibidwal na nakaranas maging mga teenage parents na ngayon ay masasabing matagumpay na nalampasan ang mga hamon na kaagapay nito. Ang mga naging sukatan ay ang mga aspetong socio-economic, personal, at marami pang iba. Pinanatiling kumpidensyal ng mga mananaliksik ang pagkakakilanlan ng mga sabdyek sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga screen names para sa kanila ayon na rin sa kanilang hiling. Nakalakip sa mga sumusunod na mga pahina ang mga larawan ng mga sabdyek na aming kinapanyam maliban kay Ana.
B. Paglalahad at Pagsusuri ng mga Datos Dahil sa nakaka-alarmang pagtaas ng antas ng teenage pregnancy dito sa Pilipinas, naisipan ng mga mananaliksik na talakayin ang sitwasyon ng mga kabataang maagang naging magulang. Sa lipunan, sila ay kadalasang nami-misinterpret ng ibang tao bilang mga “bad girls” at “bad mothers” [1] pero may mas malalim pa silang mga dahilan kung bakit nila nagawa iyon. “Dala ng aming kapusukan at curiosity, nabuntis ako.” –ana “Ipinagkasundo kami ng aming mga magulang at pagkalipas ng isang taon ay natanggap ko na rin ang aming sitwasyon at nagka-anak kami.” –jose
Ang ilan sa mga dahilan ng aming mga nakapanayam ay curiosity, pagiging ignorante at inosente, pagsunod sa pamilya at pagkakaroon ng pagmamahal, pagrerespeto, at pagtitiwala sa kanilang ka-relasyon. Ibig sabihin lamang nito na ang mga teenager ngayon ay napupunta sa ibang landas sa kadahilanang nasasabik silang matuto o makaalam sa bagay na nakakaakit ng pansin o interes tulad ng sex. Marapat sana na kapag nasa wastong gulang na ang mga kabataan ay gabayan sila ng kanilang mga magulang sa mga kaisipang sila lang ang makakapagpaliwanag ng tiyak upang hindi sila “maaksidente. Sa isang banda, ang dahilang pagsunod sa pamilya ay mula sa isang sabdyek na ipinagkasundo ng kanyang mga magulang dahil ito ay naganap sa mga panahong na-uso ito at sa pagdaan ng panahon ay natanggap na lang nila ang isa’t isa at naging magulang sa maagang edad. Samakatuwid, ang teenage preganacy ay kadalasang aksidente lamang at wala ito sa isip ng kabataan kung sila lamang ay magkakaroon sapat na impormasyon tungkol sa mga temang sex at ang mga responsibilidad bilang mga magulang. http://www.inmagine.com/px036/px036004-photo
At kapag nangyari na ang hindi inaasahan dahil sa kanilang pagsisidhing maranasan o madiskubre ang isang bagay tulad ng sex, sari-sari ang kanilang mga nagiging reaksyon. Itong mga reaksiyong ito ay subjective kung saan nakadepende ito sa mga paniniwala o pakahulugan ng isang indibidwal. Pagkagulat at pagkatakot ang una nilang naging reaksyon sa hindi inaasahang pangyayari na “Ang naging reaksiyon ko ng malaman kong buntis ako ay pagkatakot at pagkabigla.” –elena
pagiging mga magulang sa murang edad. Ngunit sa paglipas ng panahon ay napagtanto nila na ito ay makapagbibigay sa kanila ng isang makabuluhang karanasan. Ito ay pagpapakasakit at pabuya, pagiging responsible at pag-unlad at paggawa ng mga bagay sa isang bagong paraan [2]. Ngunit, hindi lahat ng mga teenager parents ay ganito ang pakahulugan. Mayroong ilan na mananatiling depressed [3] dahil ngayon pa lang nila ito mararanasan at hindi nila alam ang kanilang gagawin pati na rin ang magiging reaksyon ng ibang tao sa kanila. Narito ang pahayag ng ilan sa mga sabdyek:
1. 2. 3.
Davis, Deborah, You Look Too Young to be a Mom: Teen Mothers Speak Out on Love, Learning and Success, Pedigree Books, 2004 Rolfe, Alson, Journal of Community & Applied Social Psychology; Jul/Aug 2008, Vol 18 Issue 4, pp299-314, 16p, 1 chart Booth, et. al., “Early Family Transitions and Depressive Symptom Changes From Adolescence to Early Adulthood”, Journal of Marriage & Family, Feb 2008, Vol 7, No. 1, p10
“
http://www.fotosearch.com/bthumb/BDX/BDX298/bxp51686.jpg
Natakot ako sa mga dahilan ito: natakot ako na
baka itakwil ako ng aking mga magulang at pamilya, sa mga sasabihin ng ibang tao, kung pananagutan ng bf ko ‘yong anak ko, baka hindi ako makatapos ng pag-aaral, baka hindi namin kayanin ung mga responsibilidad dahil bata pa kami, baka mawalan ako ng mga kaibigan at baka hindi ako i-welcome sa family ng bf ko…dahil bata pa kami at baka mawalan ako ng mga kaibigan.
”
–ana
Mabigat ang pinagdadaanan ng mga teenage parents. Bukod sa pagiging shocked sa kanilang sitwasyon ay kailangan agad nila itong lampasan at harapin ang pagpapalaki nang maayos sa kanilang anak. Sa mga sitwasyon na ito ay nangangailangan ang mga teenage parents ng gabay at tulong mula sa kanilang mga kapamilya: “Naging mabuti ang pagpapalaki sa bata dahil taos-pusong tumulong at sumuporta ang buong pamilya pati na rin ang aking mga kaibigan.” –jojo “Kaming dalawa ng aking asawa ang nagtrabaho at ang aming mga magulang naman ang nagbantay sa mga anak namin.” –jose
Ngunit hindi lahat ay tinatanggap ng kanilang mga magulang ang kanilang sitwasyon: “Pinalayas ako noong una at nakituloy muna ako sa tita ko na naiintindihan ako, pagkatapos ng isang lingo, sinundo nila ako.” -ana
May iba na kinailangang gawin ang lahat ng maaring gawin upang matustusan at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya: “…nagbenta ng karne sa palengke, gumawa at naglako ng suka at marami pang iba ang aking asawa habang nanatili naman ako sa pagsasaka.” –jose www.weeklygripe.co.uk/AImg/teenager_support.jpg “Iipinagpatuloy namin ng aking asawa ang aming pag-aaral.” –jojo
Sa pagpapalaki naman sa kanilang anak, inilarawan ng mga sabdyek na nahirapan sila sa kadahilanang hindi pa sila handa sa mga suliraning kinahantungan nila. Iba-iba ang mga paraan sa pagpapalaki nila sa kanilang mga anak:
“
Istrikto. Sa tuwing may gagawin silang mali o hindi karapatdapat ay pinapalo namin sila. Ito ay isang mabisang paraan upang hindi na ulitin ng bata ang kamaliang ginawa. –jose
”
“Pinalaki namin ang aming anak na may takot sa Diyos, ng mga mabubuting gawain at ang pagtuturo kung ano ang tama at mali.” –jojo
Sa gayon, mahihinuha na may mga pagkakataong maaring hindi maging epektibo ang uri ng pagpapalaki nila sa kanilang mga anak katulad na lang ng sitwasyon ni Jose. Dahil dito, maaring na-misinterpret ng kanilang
mga anak ang paraan ng kanilang pagdidisiplina at malamang na sa isang banda ay naka-apekto ito sa kanilang relasyon sa kanilang mga anak. Sa kabuuan, ang mga karanasan nila sa pagiging mga teenage parents ay parehong may adbentahe at disadbentahe at narito ang mga pahayag ng mga sabdyek tungkol sa kanilang mga karanasang masasabing aksidenteng nangyari:
“
pag-isipan ang isang bagay bago ito gawin.
”
– jojo
“… hindi ko masyadong naenjoy ang aking pagkadalaga dahil nga sa maaga akong nabuntis. Maaga akong namulat sa realidad at naranasang magkaanak nang ako’y 17 pa lamang. –elena “Hindi pala gano’n kadali ang umako ng responsibilidad. Ang pagiging ina sa maagang edad ay sadyang napakahirap. Tama nga ang kasabihan na ‘ang pagpapakasal ay hindi parang kanin na kapag napaso ang dila ay maari pang iluwa’, dahil kapag nandiyan ka na, dapat panagutan mo ang mga consequences na maaaring idulot ng pagkakamali na iyong nagawa…” –ana
Ang kanilang mga mensahe sa mga teenage parents at sa mga kabataan: “Magpakatatag lang kayo at huwag ninyong hayaang panghinaan kayo ng loob. Gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang maging mabuting magulang para sa inyong anak”. – jose **************** “Unahin muna ang pag-aaral. Pag-isipan ang mga bagay-bagay bago gawin. Umiwas sa mga bisyo at pre-marital sex.” – jojo http://www.healthink.com/FloridaBlue/spring02/images/story9_2.gif
“
http://www.pep.ph/images/guide/67b50fbdb.jpg
Magtapos muna ng pag-aaral bago mag-asawa o mag-isip ng pamilya dahil wala namang mawawala kung maghihintay tayo. Huwag magmadali sa buhay at lubusin ang bawat oras na ibinigay sa atin ng Panginoon at makinig sa mga payo ng magulang dahil sa natutunan ko ay tama naman lahat ng sinasabi nila. Ang kanilang mga payo ay para sa ikakabuti natin at para hindi tayo malayo sa tamang landas. Basta palakihin ninyo ang inyong mga anak nang may takot sa Diyos. Harapin ninyo ang mga responsibilidad ninyo bilang mga magulang at kayo ay magtulungan. Kayo ay magtapos muna ng pag-aaral bago mag boyfriend at mag-girlfriend. Ang pag-aasawa ay hindi minamadali, lalo na sa panahon ngayon ay mahirap ang buhay. Para naman sa mga magulang ng mga bata ay sana’y gabayan ninyo pa rin ang inyong mga anak dahil wala na tayong magagawa kung buntis na ang inyong anak. Ang magandang gawin ay gabayan at tulungan ang bata pati na rin ang pagpapalaki sa sanggol. Alam naman nating magiging mahirap ito pero magtulungan lamang ay mairaraos naman ang lahat. – elena
”
****************
“Pag-aaral niyo muna ang unahin niyo.. Sundin niyo ang mga sinasabi ng inyong mga magulang dahil sila ang mas nakakaalam ng kung ano ang tama para sa inyo…Kung istrikto sila, ito rin ay makakabuti para sainyo. Huwag kayong mag-aasawa ng maaga tulad ko...” –ana