ood additives at preservatives sa pagkaing de-lata By Dr. Luis Gatmaitan M.D (Pang-Masa) - April 29, 2016 - 10:00am
NAPAKARAMING kemikal na idinadagdag sa ating mga kinakain sa araw-araw. Hindi natin ito nare-realize sapagkat nakahalo nga ito. Kung kakain tayo ng mga pagkaing de-lata, hindi natin naiisip na kaya hindi nabubulok ang pagkaing laman nito ay sapagkat maraming preservatives na taglay ito. Pansinin na ang kay tagal ng expiry date na nakalagay sa plastic o latang sisidlan, patunay na maraming kemikal ang nakahalo upang mapanatiling sariwa ito sa paglipas ng panahon.
Wala talagang tatalo sa pagkain ng sariwang gulay, prutas, karne, itlog, o manok. Pero sadyang hindi natin naiiwasan na makakain tayo ng mga pagkaing may preservatives. Lamang, dapat ay bawasan natin ang pagkain ng mga ito, kung posible.
Ang mga artificial sweetener na saccharin at cyclamates ay may kaugnayan sa pagkakaron ng kanser sa pantog. Ang tannic acid na matatagpuan sa alak at prutas ay puwedeng magbigay-daan sa kanser sa atay. Ang aflatoxin, na matatagpuan sa maantang mani, gatas, at mais, ay nauugnay din sa kanser sa atay, sikmura, at bato. Pati nga ang artificial sweetener na aspartame (na nakikita sa mga inuming cola na may label na “light” o “zero”) ay nauugnay din sa pagkakaroon ng kanser.
Ang pagkain ng mga dairy products at karne na maaaring kontaminado ng steroids at antibiotiko ay nagtataas din sa panganib ng pagkakaroon ng kanser. Ang mga ganitong food additives, kung papansinin, ay nagtataas sa panganib na magkaroon tayo ng kanser.
Heto ang ilang food additives na dapat iwasan o bawasan:
• Aspartame: Chemical sweetener na nakikita sa Equal at NutraSweet
• Saccharin: Artificial sweetener na ginagamit sa Sweet ‘n Low.
• Monosodium Glutamate (MSG): Nagpapasarap o nagbibigay ng dagdag na flavour sa pagkain.
• Butylated Hydroxyanisole (BHA) at Butylated Hydroxytoluene (BHT): Inihahalo para hindi umanta ang mantika o matatabang pagkain
• Nitrites: Preservative na inilalagay sa mga karneng iimbakin para hindi ito mabulok o magbago ang lasa gaya ng corned beef, tocino, longganisa, at iba pang de-lata
• Sulfur Dioxide, Sodium Bisulfite, Sulfites: Ginagamit para mapanatiling sariwa ang dried fruits at dried shrimps.
• Yellow Dye No. 6: Ginagamit sa kendi at softdrinks bilang pampakulay
• Citrus Red Dye No. 2: Ginagamit na pangkulay sa balat ng orange
Go to the profile of Alyssa Sadorra Alyssa Sadorra Nov 11, 2018 Epekto sa katawan ng mga pagkaing na-proseso tulad ng de-lata, instant noodles, at iba pa Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging mahilig kumain, kaya naman palagi tayong kumakain na parang walang kabusugan. Sa kadahilanang ito hindi natin masyadong napapahalagahan kung ano ba ang masustansya at nakakasama para ating katawan, ang mahalaga sa atin ngayon ay ito ay masarap at nakakamit ang satispaksyon ng kabusugan. Sa panahon ngayon wala ng oras ang mga tao upang maghanda ng masustansyang pagkain, sapagkat natatabunan ito ng mga gawain na nagdudulot upang mas tangkilikin ang mga prosesong pagkain o tinatawag na instant food.
Ano nga ba ang mga na-prosesong pagkain? Ito ang mga pagkain na karaniwan nating makikita sa mga de-lata na kaunting init lamang ay maaari nang kainin. Ang mga ito ay nakakatulong sa atin ngayon dahil na rin sa labis na kawalan ng oras upang makapagprepara ng mga masustansya at nakabubuti para sa ating pangangatawan. Ngunit ito rin ay mayroong masamang epektosa ating katawan. Mga masasamang epekto sa madalas na pagkain ng mga na-prosesong pagkain: 1. Problema sa bato Ang mga na-prosesong pagkain ay may mataas na lebel ng sodium, phosporus, at iba't ibang artipisyal na pampalasa. Ang madalas na pagkonsumo ng mga sangkap na ito ay maaaring makasama sa ating kalusugan, partikular na sa ating bato. Maaring magdulot ng pamumuo ng bato (kidney stones) na maaaring magdulot sa pagbara ng daluyan ng ihi. 2. Altapresyon Nakakaapekto sa presyon ng dugo ang mataas na lebel ng sodium. Sa sobrang pagkonsumo nito tumataas ang presyon ng dugo at nakararanas ng altapresyon o high blood pressure. Kung ito'y mapapabayaan, mahahantong ito sa stroke o atake sa puso. 3. Malnutrisyon Sa araw-araw na pagkonsumo ng mga na-prosesong pagkain hindi na nito natatapatan ang wastong pangangailangan ng ating katawan pagdating sa mga sustansya na ating kailangan. Sa kadahilanang limitado lamang ang mga bitamina, mineral at iba pang mahahalagang sustansya, malnutrisyon ang kahihinatnan ng mga indibidwal na umaasa lamang sa mga ganitong uri ng pagkain. Hindi tama na araw araw tayong nag-uulam ng de-lata. isa sa panganib nito sa ating kalusugan ay ang kemikal na bisphenol A. ang bisphenol A ay ang nilalagay sa lining ng de-lata at ito ang nagsisilbing pangprotekta upang di mapunta ang metal at aluminum sa pagkain. Maari itong makaapekto sa ating hormone. Mas delikado ang pagkain ng de-lata para sa mga nagbubuntis, maaari nitong maapektuhan ang reproductive system ng sanggol. Ang mga tao ngayon ay mas nahuhumaling kapag mas mapula ang karne ngunit laging tandaan na mas mapula ang karne mas maraming preservatives ang nakalagay. Hindi naman masama ang pagkain ng mga nakade-latang pagkain ngunit kung ito'y aaraw- arawin dito na nagsisimula ang problema, ang bunga nito ay chronic poisoning na nangangahulugang dahan-dahang paglason sa iyong katawan, sa pagkain ng mga ganitong klaseng pagkain ay nagdudulot na magkaroon ng kanser at maapektuhan ang lahat ng parte ng katawan. Maaari din itong magdulot ng hypertension at obesity. Payo pa ng mga eksperto tignan mabuti ang label ng isang produkto, kung marami itong sangkap na kemikal mas delikado sa ating kalusugan, hinay-hinay rin sa pagkonsumo ng mapupulang produkto gaano man ito kasarap iba na ang nag iingat kaysa magsisi sa huli pagdating ng matinding karamdaman. Ang pagkain ay napakaimportante sa buhay ng isang tao pati na rin sa ating kalusugan. Ang wastong pagkain ay isang malaking bagay para sa ating kalusugan. Mahalaga ang pagkain ng mga masusustansyang pagkain, hindi na importante kung ito'y inangkat galing sa ibang bansa at kung ito'y mamahalin ang mahalaga ay masustansya ito para sa ating kalusugan. Makatutulong ang pagkain ng mga
luntiang dahong gulay, sarieang prutas at pag-inom ng gatas at tubig at pag-eehersisyo para maiwasan ang pagkakasakit.
Ayon sa pag aaral ng mga researcher sa Bayer at Harvard University sa Amerika, mas mataas ang posiblidad na makaranas ng stroke at dapuan ng sakit sa puso ang mga taong madalas kumain ng instant noodles.
Taglay ng instant noodles ang isang uri ng preservative na hinahalo sa maraming uri ng pagkainparaito ay magtagal.
Lumabas sa pag aaral na ang sangkap na preservative na inihahalo sa instant noodles ay walang benepisyo sa kalusugan at hindi rin kayang tunawin ng katawan.
Ito ay magiging sanhi ng paghina ng metabolismo na maaari namang humantong sa pagkakaron ng sakit sa puso, stroke at iba pang sakit.
Ulat ni: Anabelle Surara
Mga Paboritong Pagkain Martes, Pebrero 10, 2015 Katakam-takam ngunit masama sa kalusugan...
Ano ang madalas mong kainin?Mahilig ka ba sa mga maaalat na pagkain na nagtataglay ng mataas na gramo ng Monosodium Glutamate (MSG)?Sa mga inuming may taglay na alcohol katulad ng softdrinks? O di kaya nama’y sa mga street foods ?Alam mo ba kung anu-ano ang epekto nito sa ating kalusugan?
Likas na sa atin lalo na sa ating mga Pilipino ang pagiging mahilig kumain, takot raw kasi tayong magutom. Kaya naman maya’t maya tayong kumakain na parang walang kabusugan.
At dahil sa ugali nating ito minsan hindi na natin naiisip kung ano ba ang dapat nating kainin, kung masustansya ba ito o makasasama sa ating kalusugan, ang mahalaga ay masarap ito at tayo’y nabusog. Di nga ba’t nagkalat ang mga nagtitinda ng street foods sa kahit saan? Alam mo bang pwede kang magkasakit ng Hepatitis sa pagkahilig sa inihaw lalo na sa masarap at paborito ng lahat na isaw? Alam mo rin bang may posibilidad na magkaroon ka ng cancer sa pagkain ng inihaw? Ayon sa pagaaral, ang pagkain sa sunog na parte ng inihaw na pagkain ay pwedeng maging dahilan ng cancer, dahil hindi ito natutunaw at naiiwan lang sa ating katawan. Pwede ka ring makakuha ng iba’t ibang mikrobyo sa pagkain ng mga pagkain sa lansangan dahil sa polusyon sa paligid. Ang pagkakaroon ng diarrhea o pagsusuka ay ilan lamang sa mga sakit na maaari mong makuha kung di ka magiingat.
Ang pagkahilig naman sa mga inuming may alcohol katulad ng softdrinks, ay maaaring magresulta sa diabetes dahil ang isang bote nito ay mayroong 10 kutsaritang asukal.Gayundin ang pagkakaroon ng Urinary Track Infection o UTI na karaniwan ng sakit ng mga tao ngayon. Bihira na lang siguro ang wala ng sakit na ito dahil magamot man ang nasabing sakit, babalik at babalik rin ito sa oras na uminom kang muli ng inuming makakatrigger dito upang muling maging aktibo. Bilang estudyante, nasasaksihan ko sa araw-araw na pagpasok sa paaralan ang pagkahilig ng marami sa softdrinks. Ito kasi ang karaniwang pamatid uhaw na makikita sa kahit saang tindahan. Bakit nga ba marami ang nahihilig sa ganitong inumin? Una, masarap. Pangalawa, nakakapresko, dahil lagi itong available na ice cold. At ang pangatlo, MURA! Totoo! mura ang softdrinks. Kadalasan ang isang bote ng inuming ito ay nagkakahalaga ng pito hanggang sampung piso, 8oz. Ngunit ang tubig? Yung pinakamaliit na bote kadalasan ay halagang sampung piso! Kaya naman mas madalas itong bilhin ng mga estudyante. Aanhin mo nga naman ang tubig kung may mas murang pamatid uhaw na masarap at may kulay?
Instant noodles, chichirya, burgers, pizza, french fries o mas kilala sa tawag na junk foods. At mula sa pangalan nito ay literal ang ibig sabihin nito na hindi masustansya . Pero aminin man natin o hindi lahat tayo hilig ang mga pagkaing ganito. Masarap kasi, at ito narin ang karaniwang makikita nating pagkain sa ating paligid. Sa umaga pa lang puno na ng betsin ang ating mga kinakain. Halimbawa na lamang ang instan noodles. Alam mo ba na ang pagkaing ito ay umaabot ng ilang oras bago matunaw sa ating katawan?
Na maaaring magdulot ng metabolic syndrome dahil napupuwersa ang ating digestive system na tunawin ito. Ayon sa pagaral ng US Recommended Dietary Allowance (RDA) ang ang isang tao ay dapat kumukonsumo ng 2,400mg lamang ng sodium sa isang araw, ngunit nakita rin sa nasabing pagaaral na ang isang pakete ng instant noodles ay may taglay na 830mg na napakataas para sa isang pagkain lamang. Ang pagkain nito ay pwedeng magresulta sa sobrang konsumo ng sodium lalo pa at karaniwang sangkap rin sa iba pa nating pagkain ang sodium. Napakasama sa kalusugan hindi ba? Pwede itong magdulot ng type 2 diabetes, problema sa digestive system, posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso, sakit sa bato at atay, pwede rin itong makaapekto sa pagiisip at ang pinakamatinding epekto?mataas na posibilidad ng pagkakaroon ng cancer. Gayundin ang masamang pwedeng maging epekto ng madalas na pagkain ng mga junk foods.Marami ang nahihilig dito sapagkat mabilis itong makapagpataas ng enerhiya ng katawan. Ngunit hindi nila napapansin na kung gaano kabilis ang pagtaas nito ay ganoon rin kabilis bumaba na nagreresulta sa muli nilang paghahanap ng makakaing junk foods. Ang karaniwang sintomas nito ay pagiging matamlay o di kaya'y sobrang taba. Madalas ang mga taong mahilig sa ganito ay walang ganang kumain ng kanin, naninilaw, nahihirapang magfocus at iritable.kaya makabubuti ang pagiwas at paglimita sa pagkaing ito.
Alam nating masarap kumain. Ngunit lagi sana rin nating isipin kung ano ang pwedeng idulot ng ating kinakain sa ating kalusugan. Hindi masamang tumikim ng mga pagkaing uso, ngunit sana isipin natin na lahat ng sobra ay masama. Palagi sana nating isipin ang ating kalusugan upang magkaroon tayo ng malusog at masayang buhay. J J J
Michelle Lincallo sa 3:06 AM
Ibahagi Walang komento: Mag-post ng isang Komento Home Tingnan ang bersyon ng web Tungkol sa Akin
Michelle Lincallo
Tingnan ang aking kumpletong profile Pinapagana ng Blogger.
pananaliksik naman ng > 9treet 8oods in ADDA, Ghana? =ow 9a8e are;heyF@ pinunto nina Patien$e Mensah, :orothy Yeboah-Manu, Kwaku Ewusu-:arko,at Anthony Ablordey %())(* na, Maraming sakit ang maaring makuha sa madalas napagtangkilik sa pagkaing kalye. Ang mga sakit ayon sa mga pananaliksik, ay :iarrhea,=epatitis, =epatitis A at =epatitis 2 at ;yphoid #e'er. Ang mga ito ay nakukuha sapamamagitan ng pagtangkilik ng mga pagkain na kung saan dinapuan na ng bakterya. Ang diarrhea ay nakukuha naman sa hindi malinis na inumin. Ang hepatitis ay isangsakit na kung saaan tinatamaan ang atay, at nakukuha sa paghahalo-halo ng mganakakalasong bakterya at bayrus. Ayon kanina Muinde Ek at 7. Kuria %())1* sa pananaliksik na >=ygieni$ and9anitary Pra$ti$es o8 6endors o8 the 9treet@, ;atlumpu
=epatitis 2 naman ay sakit mataas ang tsansa na mamatay, dahil inaatake ng =epatitis2 bayrus ang atay na nagreresulta sa >Dhroni$ !i'er :isease at Dhroni$ 4n8e$tion@. AngDhroni$ !i'er :isease ay sakit sa atay kung saan unti-unting nawawalan ng sustansyaang atay na nagreresulta sa pagliit nito at pag tumagal pagkamatay nito. Ang ;yphoid#e'er ay sakit kung saan nagsimula sa 9almonella ang salmonella ay nakukuha rin samga maruruming pagkain at tubig. Nakuha mula sa %www.who.int.en*Nasasaad naman sa 4mplementing ules and egulations o8 Dhapter 444 #ood7stablishments o8 the Dod on 9anitation o8 the Philippines %+//1* 9eksyon 444 D nadapat lahat ng karne ay kinukuha sa tamang katayan, at nakalisensya sa pamahalaan. Ang mga lamang dagat ay nagmumula sa malinis na dagat, hindi sa nakontamina ngmga basura. Ang mga bendor ay dapat nasa tamang kaayusan. Nagsusuot ng tamangdamit at malinis ang mga kamay. Nararapat ding ang buhok ay nakatali, o naka >hair net@, ang mga kuko dapat ay natriman. =abang nasa trabaho iwasan ang pagbahing atpaninigarilyo kasi maaring makontamina ang pagkain. :apat ang pinaglulutuan aymalinis, dapat ang pinaglulutuan ay nasa isang saradong lugar at nasa tamangtemperatura. Ang mga nalutong pagkain ay dapat takpan at ilayo sa lugar na maaringmahanginan o maarawan. Ang pinaglulutuan dapat ay malayo sa mga kanal, oanumang lugar na may basura o basurahan. =igit sa lahat dapat ang pagkaing nilulutoay bago at hindi bulok, ganun din sa inumin, dapat ito ay hindi kontaminado at nasalangmabuti. Ayon sa Urban #ood and 7mployment in :e'eloping Dountries %+//0* ang mganagtitinda ay kadalasang hindi nakapagtapos ng pag-aaral at hindi nasanay sapaghahanda ng pagkain. Madalas nagtratrabaho din sila na hindi man lang iniisip angkalinisan at kaligtasan ng mga mamimili. Kaya, ayon sa mga pananaliksik, nagpapakita Kalusugan.ph BUKSAN ANG MENU MASASAMANG EPEKTO NG PAGKAIN NG INSTANT FOOD Sa panahon ngayon na ang mga tao ay abala at walang sapat na oras upang makapaghanda pa pagkain na kakainin, usong-uso ang mga instant food. Konting init lang o konting buhos ng mainit na tubig, at ilang minuto lang ng paghihintay, agad na mayroon nang pagkain. Sa kasamaang palad, ang mga pagkaing “instant” ay kadalasang kulang sa nutrisyon na kinakailangan ng tao sa araw-araw, bukod pa sa taglay nitong mga sangkap na maaaring makasama rin sa kalusugan. Kaya naman, kung mapaparami ang pagkonsumo sa ganitong uri ng pagkain, hindi malayong magkaroon ng problema sa kalusugan. IMG_9449 ANO ANG MASASAMANG EPEKTO NG MADALAS NA PAGKAIN NG INSTANT FOOD?
Problema sa bato (kidney)
Ang mga instant food ay kadalasang may mataas na lebel ng sodium, phosphorus, at mga artipisyal na pampalasa. Ang pagkonsumo sa mga sangkap na ito, kung mapaparami, ay maaaring makasama sa kalusugan, partikular sa mga bato. Maaari itong magdulot ng pamumuo ng bato (kidney stones) sa mga bato at magdulot ng pagbabara sa daluyan ng ihi. Altapresyon Ang mineral na sodium na mataas din sa mga instand food ay nakaaapekto sa presyon ng dugo. Kung ang lebel nito sa katawan ay tataas nang husto mula sa sobrang pagkonsumo ng mga instant food, malamang ay tumaas ang presyon ng dugo at maranasan ang kondisyon ng altapresyon o high blood pressure. Ang kondisyong ito ay hindi biro sapagkat kung mapapabayaan, maaari itong humantong sa stroke o atake sa puso. Malnutrisyon Dahil pa rin sa dalas ng pagkain ng mga instant food, posible na hindi matapatan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng katawan sa iba’t ibang mahahalagang sustansya. Ito’y sapagkat limitado ang mga bitamina, mineral at iba pang mahahalagang sustansya na matatagpuan sa mga pagkaing instant. Malnutrisyon ang maaaring kahinatnan ng mga indibidwal na aasa nang husto sa mga ganitong uri ng pagkain. Mga Bagong Artikulo HIV/AIDS sa Pilipinas: 9,264 na kaso naitala noong 2016 Temperatura sa Maynila, umabot ng 34.7 C! Narito ang mga health tips ngayong tag-init DOH, naghahanda na laban sa Zika virus Mga kaalaman tungkol sa Zika virus Mga sakit at kondisyon na konektado sa pananakit ng sikmura © 2014-2015 GIDEON LASCO MD AT KALUSUGAN.PH