Oil Primer Sept04

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Oil Primer Sept04 as PDF for free.

More details

  • Words: 5,086
  • Pages: 16
1

KINAKAHARAP ngayon ng mamamayan ang matinding atake ng mga monopolyo sa industriya ng langis at ng gobyerno. Wala nang awat ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pangunguna ng Shell, Caltex at Petron o ang tinaguriang Big Three. Ngayong Setyembre napabalita ang lingguhang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Ayon sa mga monopolyo ng langis kinakailangan nilang bawiin ang kanilang pagkalugi dahil sa mataas na presyo sa pandaigdigang pamilihan. Ngunit kung aaralin, walang katotohanan ang pagkalugi ng mga kumpanya ng langis. Sa kabila nito, wala pa ring maayos na solusyon ang gobyerno para rito. 1. Gaano na kataas ang presyo ng langis? Buwan-buwan na lamang ay nagtataas ang presyo ng langis. Sa loob lamang ng walong buwan sa taong ito, mahigit sampung beses nang nagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo. Umabot na sa P5.38 at P4.33 ang kabuuang itinaas sa presyo ng gasolina at diesel. Samantala, P6.85 sa bawat kilogram naman ang itinaas ng LPG mula Enero. Talahanayan 1. Pagtaas ng Presyo ng mga Produktong Petrolyo mula Enero-Agosto 2004 (nasa piso kada litro)

Buwan Enero Pebrero

Gasolina

Diesel

0.80

0.30- 0.80

0.60- 0.80

0.30- 0.50

Kerosene 0.90

Marso

0.60

0.30 0.40

Abril

0.30

0.30

0.30- 1.00

1.00

Mayo Hunyo

LPG

0.90- 2.00

0.90- 2.00

0.90- 2.00

0.35- 1.35 5.30- 5.45

0.35- 1.35 4.25- 4.40

0.35- 1.35 6.85

1.70

Hulyo Agosto Kabuuan

Source: INS Oil Price Hike Monitoring 2

Labis na ang dinaranas na paghihirap ng mamamayan sa tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis na nagtutulak naman sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ng pamasahe. Talahanayan 2. Presyo ng mga Pangunahing Bilihin (nasa piso kada kilo)

Mga Bilihin

Disyembre ‘03

Marso ‘04 Setyembre‘04

Pagtaas 2.00

Bigas

19.00

19.00

Baboy

110.00

130.00

Isda

70.00

80.00

Asukal

26.00

27.00

Cooking Oil

14.00

14.00

21.00 160.00

50.00

90.00

20.00

32.00 16.00

6.00 2.00

Source: DTI

Sa kabila ng mataas na singilin at sangkatutak na pinagkakagastusan, kapos at walang kabuhayan ang mamamayan. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling maliit ang P250 minimum na sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila. Malayung-malayo ito sa P594 (Pebrero 2004, NWPC) na daily cost of living ng may 6 na miyembro na pamilya. 2. Bakit sunud-sunod at walang humpay ang pagtaas ng presyo ng langis? Dahil sa patakarang deregulasyon, malaya ang mga kumpanya ng langis na magtaas ng kanilang presyo kailanman at gaano man kataas nila naisin. Noong 1996, sa pamamagitan ng Oil Deregulation Law o Republic Act 8180, unang ipinatupad ng gobyerno ni Pres. Ramos ang deregulasyon sa industriya ng langis. Ngunit ito ay ibinasura ng Korte Suprema sa gitna ng protesta ng mamamayan. Subalit, noong Pebrero 1998, naipasa ang Republic Act 8479 o ang Downstream Oil Deregulation Law sa Kongreso, isang panibagong batas na sa saligan ay walang pinagkaiba sa naunang batas na pumapabor lamang sa mga kumpanya ng langis. Tampok na katangian ng ipinasang batas ng deregulasyon ay: a) Pagtanggal sa limitasyon sa tubo ng mga kumpanya ng langis na noon ay hanggang 12 % lamang ng rate of return base (RORB). Kaya naging malaya ang mga kumpanya na magkamal ng dambulahang tubo. b) Pagbuwag sa kapangyarihan ng Energy Regulatory Board (ERB) na mag-apruba ng pagtaas ng presyo ng langis. Dahil sa deregulasyon, hindi na obligado ang ERB na magpatawag ng public hearing at hindi na rin kailangang magpaliwanag pa ang mga kumpanya ng langis sa bawat pagtaas ng kanilang 3

presyo. k) Pagtanggal sa subsidyo sa mga produktong socially-sensitive tulad ng kerosene, LPG at diesel na ginagamit sa kuryente at kinokonsumo ng nakararami. d) Pag-alis sa Oil Price Stabilization Fund (OPSF) na isang paraan upang gawing estable ang presyo ng langis at petrolyo sa gitna ng pagbabagu-bago ng presyo sa pambansang pamilihan at ng palitan ng piso. e) Pagpasok ng mga bagong manlalarong kumpanya ng langis sa downstream oil industry at pagbibigay ng mga insentibo sa kanila sa unang limang taon ng kanilang operasyon. g) Pagpayag sa mga bagong kumpanya ng langis na mag-angkat ng refined petroleum products. Hindi na nila kailangang magtayo ng sariling pasilidad sa refining para makapagbenta ng langis at petrolyo sa Pilipinas. Ayon sa gobyerno, kinailangang ideregularisa ang industriya ng langis dahil sa kalagayang regulated ang presyo ng langis, hindi maaaring magtaas o magbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo ayon sa mga pagbabago ng presyo ng krudo sa merkado. Sa ganitong kalagayan di umano, kinakailangan niyang maglaan ng subsidyo sa pamamagitan ng OPSF tuwing tumataas ang presyo ng langis imbes na magamit ang pondong ito sa mga proyekto ng gobyerno at, kung gayon, magpataw ng dagdag na buwis sa mamamayan. Ayon pa rin sa gobyerno, sa pamamagitan ng patakarang deregulasyon, kung saan may ibibigay na insentibo sa mga bagong mamumuhunan sa industriya ng langis tulad ng Sa kawalan ng kontrol sa presyo ng langis at tax exemptions at mga produktong petrolyo naging mabilis at pagbabawas sa sunud-sunod ang pagtataas ng presyo ng labor expenses, mga kumpanya. Mula nang ideregularisa ang maakakaakit ng industriya ng langis noong 1996, umabot na maraming 64 beses o 250 porsyento ang naging bagong pagtaas ng presyo ng mga produktong manlalaro, na siya namang petrolyo. magluluwal ng kumpetisyon. Magdudulot diumano ito ng pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo. Aminado ang gobyerno na ang kartel ng Shell, Caltex at Petron ang nagtatakda ng mataas na presyo sa industriya. Subalit dahil na mismo sa kawalan ng kontrol ng gobyerno sa presyo ng langis at mga produktong petrolyo, naging mabilis at sunud-sunod ang pagtaas ng presyo. Mula nang ideregularisa ang industriya ng langis noong 4

1996, umabot na sa 64 beses o 250% ang naging pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Talahanayan 3. Presyo ng mga Produktong Petrolyo 1996- 2004 (nasa piso kada litro)

Petroleum Products

Agosto 1996

Hulyo 1998

Hulyo 2000

Premium Unleaded Regular AV Turbo Kerosene Diesel Fuel Oil LPG Average

10.00 10.00 9.49 * 5.99 * * * *

12.03 11.68 10.27 9.92 6.92 8.34 4.64 5.53 7.12

16.89 16.38 15.43 15.47 12.12 12.57 10.08 10.60 11.90

Pebrero 2003 20.68 20.08 19.09 20.24 15.71 15.78 13.83 13.60 17.38

Pebrero Added 2004 Price Hikes 23.03 13.06 22.43 12.43 21.44 11.95 21.94 12.02 17.76 11.77 17.83 9.49 13.39 8.75 13.97 8.44 18.97 10.33

Source: Ekonomiks 1999, AB Oil Primer 2000, DOE 2004, *walang datos

Malinaw na ang patakarang deregulasyon ay isang malaking panloloko ng gobyerno sa mamamayan. Wala itong ibang pinagsisilbihan kundi ang mga monopolyo kapitalista na siyang nagdidikta ng presyo ng langis at kumokontrol sa buong industriya ng langis. Integral na bahagi ang deregulasyon ng langis sa kabuuang patakaran ng gobyerno na sumunod sa dikta ng imperyalismong US na deregulasyon, liberalisasyon at pribatisasyon alinsunod sa “globalisasyon”. Kung gayon, ang pagpapakatuta ng reaksyunaryong gobyerno sa imperyalismong US ang puno’t dulo ng pahirap na batas na ito. 3. Paano nagsisilbi ang patakarang deregulasyon sa mga monopolyo kapitalista? Imbes na lumikha ng kumpetisyon sa Talahanayan 4. Bilang ng mga Pump Stations ng industriya, nanatiling mga Kumpanya ng Langis (Disyembre 2003) dominante at naging higit na mas Petron Corp. 1,188 31 % makapangyarihan ang Shell, Caltex at Petron, Pilipinas Shell 1,083 29 % ang bumumubo sa lokal na kartel ng langis. Caltex Phils 940 25 % Hawak ng Big Three ang 85% ng Bagong Manlalaro 571 15 % kabuuang bilang ng pump stations sa bansa, Kabuuan 3,782 100% 86% ng ibinebentang produktong petrolyo sa Source: IBONRED 5

pamilihan at 100% ng kapasidad sa pag-refine ng krudo. Hindi lamang pump stations ang pag-aari ng Big Three. Monopolyado nila ang buong industriya ng langis sa bansa mula sa importasyon, eksportasyon, re-eksportasyon, shipping, transportasyon, pagproseso hanggang refining, pagiimbak at distribusyon ng mga produktong petrolyo. Totoong sa pamamagitan ng patakarang deregulasyon, nakapasok ang maraming bagong mamumuhunan sa industriya. Mula sa inisyal na 22 manlalaro noong 1997, lumaki ang bilang nito sa 60 noong 2000. Sa kasalukuyan, umaabot na sa 70 ang kabuuang bilang ng mga bagong manlalaro. Ngunit ang mga bagong manlalaro ito ay walang kapasidad sa pagrefine ng krudo na isang mahalagang aspeto ng industriya ng langis. Umaasa lamang sila sa pagangkat ng mga produktong petrolyo. Kaya walang signipikanteng pagkakaiba ang presyo ng mga monopolyo kapitalista at ng mga bagong manlalaro. Sa pamamagitan din ng deregulasyon madaling naiikutan ng mga monopolyo kapitalista ang “rule of thumb” na isang mekanismo ng Department of Energy para sa pagtataas o pagpapababa ng presyo ng langis na nakabatay sa pagbabago ng presyo sa pandaigdigang pamilihan at sa palitan ng piso sa dolyar. Batay dito, sa bawat dolyar na itinaas (o ibinaba) ng presyo ng bariles ng krudo sa pandaigdigang pamilihan, may 30-sentimo sa bawat litrong kaukulang pagtaas (o pagbaba) sa pump prices ng petrolyo sa Pilipinas. Samantala, sa bawat pagtaas (o pagbaba) ng palitan ng piso sa dolyar, may 10sentimong kaukulang pagtaas (o pagbaba) sa presyo ng petrolyo sa bansa. Kaya naman nagagawa ng mga monopolyo kapitalista na mag-overprice ng kanilang mga produkto. Sobra-sobra ang kanilang pagtataas ng presyo sa bawat pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan ngunit bahagya o hindi sila nagbababa tuwing bumababa ang presyo sa pandaigdigang pamilihan. Noong Enero hanggang Nobyembre 1998, ipinakita ng komputasyon ng IBON ang malaking kinita ng Big Three sa pamamagitan pa lamang ng overpricing kung saan P831.9 milyon ang napunta sa Petron samantalang nagkamal naman ang Shell at Caltex ng P636.7 milyon at P478.5 milyon. Sa nakalap na datos na ito, nangangahulugan na P243,630 bawat oras ang 6

kinikita ng mga monopolyo kapitalista. Samantalang ang mga bagong manlalaro ay mayroon lamang pinagsamang dagdag na kita na P5.9 milyon mula Enero hanggang Nobyembre 1998. Ito ay 0.70% lamang ng kinita ng Petron o 0.30% lamang ng kabuuang kinita ng Big Three. Sa nakaraang pag-aaral ng IBON, tinatayang aabot sa P0.91 (US$0.01625) bawat litro ang sobrang ipinataw na presyo ng langis ng Big Three mula Disyembre 2002 hanggang Disyembre 2003. Nagbigay ito ng P1.1 bilyon (US$19.64 milyon) dagdag na tubo sa mga monopolyo ng langis. Sa unang limang buwan lamang ng taong ito, may P0.16 (US$0.0029) bawat litro ang sobrang iprinesyo ng mga kumpanya ng langis. Aabot sa P216.2 milyon (US$3.86 milyon) ang kabuuang tinubo ng mga kumpanya mula rito, kung saan P194 milyon ang napunta sa Shell, Caltex at Petron. Talahanayan 5. Kita ng Big Three mula 1991--2001 (nasa bilyong piso)

Taon

Petron

Shell

Caltex

1991 1992 1993 1994 1995 1996 1997 1998 1999 2000 2001 Cumulative na kita

1.2 1.5 2.8 7.5 4.0 4.2 (0.6) 3.7 2.4 (1.0) 1.2

0.8 0.5 0.4 0.6 1.7 2.5 (1.5) 1.7 2.1 (1.0) 2.7

1.1 0.9 1.0 0.9 1.1 0.7 (2.4) 1.3 1.4 (3.0) 1.0

26.7

10.5

4.0

Added Income 3.1 2.9 4.2 9.0 6.8 7.4 (4.5) 6.7 5.9 (5.0) 4.9 41.4

Source: Securities Exchange Commission

Noong Hulyo 2004, iniulat ng Petron ang P1.36 bilyong kita nito sa unang bahagi ng taong ito. Ito ay mas mataas ng 6 porsyento kaysa sa P1.28 bilyong kita nito sa parehong mga buwan noong nakaraang taon. Ayon sa tagapangulo nito, sa susunod na limang taon ay plano pa nitong magtayo ng mahigit 200 gasolinahan sa bansa. Samantala ang Shell naman ay nag-ulat ng P2.6 bilyong unaudited net income noong 2003. Dambuhalang tubo ang nakakamkam ng mga monopolyo ng langis mula sa mataas na pagpipresyo at patuloy na pagtataas ng mga presyo ng kanilang mga produkto. Kabilang ang Big Three sa 10 pinakamayayamang korporasyon sa bansa ngayon. Sa paghahangad ng mga monopolyo kapitalista ng dambuhalang tubo at pagkabigo ng patakarang deregulasyon na magbunsod ng kumpetisyon sa pagitan ng mga kumpanya ng langis, hindi naganap ang iniilusyon ng gobyerno na pagbaba ng presyo ng langis at pagiging accessible ng mga produktong petrolyo. 7

4. Paano nakakapaghari ang iilang monopolyo sa industriya ng langis sa bansa at sa buong mundo? Ang lokal na kartel ng langis ay bahagi lamang ng pandaigdigang monopolyo sa industriya ng langis. Ang Shell ay pag-aari ng Royal Dutch Shell samantalang ang Caltex naman ay pag-aari ng Chevron Texaco. Ang Petron naman ay pinaghahatian ng Phil. National Oil Company (PNOC) na may hawak na 40 porsyento nito at Saudi Arab American Oil Company (Saudi Aramco) na mayroong 40% rin. Ang 20% ay pinaghahatian na ng may 500,000 indibidwal. Ang Big Three ay may mga ekslusibong kontrata sa kani-kanilang parent company. Obligado silang bumili rito ng kanilang mga suplay at hindi sa mga independent suppliers. Katulad na lamang ng Petron, na halos 90 porysento ng kanyang langis ay inaangkat nito, ay may kontrata sa Saudi Aramco na dito bumili ng krudo sa loob ng 25 taon mula pa noong 1999. Dahil sa transfer pricing o ang pagpasa ng pinalobong presyo ng krudo at iba pang Talahanayan 6. Landed Cost sa produktong petrolyo at serbisyo ng parent Pilipinas at sa Estados Unidos companies sa kanilang kumpanya sa (nasa US$ kada bariles) Pilipinas, palaging mas mataas ang landed 1996 cost ng mga produktong petrolyo sa Pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa. Pilipinas 17.8 Kabilang sa listahan ng pinakamalalaking US 17.61 korporasyon sa buong mundo ang mga Agwat 0.19 pandaigdigang monopolyo sa industriya ng 1997 langis. Mula sa tinatawag noon na Seven Sisters: Pilipinas 17.6 Standard Oil of New Jersey, Standard Oil of US 16.94 California, Standard Oil of New York, Texaco, Agwat 0.66 Anglo-Persian Oil, Royal Dutch Shell at Gulf Oil, sa pamamagitan ng pagsasanib at pagbili, lalo pang lumakas ang mga pandaigdigang monopolyo ng langis. Sa pagbili ng Exxon (dating Standard Oil of New Jersey) sa Mobil (dating Standard Oil of New York) sa halagang US$81.2 bilyon noong 1999, naging nangungunang pinakamalaking monopolyo sa industriya ng langis ang ExxonMobil sa buong mundo. Sa unang bahagi lamang ng taong ito, kumita ang ExxonMobil ng US$5.79 bilyon. Noong 2002, mayroong operasyon para sa pagre-refine ang ExxonMobil sa 26 bansa at 45,000 service stations sa 100 bansa. Noong 2000, mayroong itong 34 exploration projects sa buong mundo. Ang Standard Oil of California naman ay naging Chevron na siyang bumili sa Gulf Oil at nakipagsanib sa Texaco. Ngayon ay mas kilala na itong Chevron Texaco. Ang dating Anglo-Persian Oil ay British Petroleum ngayon, samantala ang Total Fina at dating Elf Aquitaine na parehong pag-aari ng mga Pranses ay nagsanib din. Tinatayang aabot sa US$788 bilyon ang kita ng kasalukuyang anim na pandaigdigang monopolyo. US$34 bilyon ang kanilang pinagsamang tubo, US$619 bilyon ang kanilang assets at mayroong mahigit kalahating milyong manggagawa. 8

Ayon sa mga monopolyo ng langis mayroon daw limang mayor na dahilan ng mabilis na pagtaas ng presyo ng langis sa daigdig: ang lumalaking pangangailangan ng langis sa mga pamilihan ng Tsina at India, kakulangan sa reserbang langis, Talahanayan 7. Mga pandaigdigang monopolyo sa mahihigpit na industriya ng langis regulasyong pangkalikasan at Korporasyon Nasyunalidad kakaunting suplay ExxonMobil US ng langis. Royal Dutch Shell Britain-Netherlands Ayon naman British Petroleum Britain sa Energy Information Total Fina France Agency, kontrolado Chevron Texaco US ng OPEC ConocoPhillips US (Organization of Source: IBONRED Petroleum Exporting Countries) ang 40% ng produksyon ng langis at 67% ng tinatayang reserba ng langis sa mundo. Kaya naman daw sa pagpapataw ng OPEC ng mga pagbabago sa presyo ng kanilang langis, mabilis na naaapektuhan ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Ang katotohanan, malaki ang kontrol ng mga monopolyo sa industriya ng langis sa buong mundo. Sa 744 refineries sa buong mundo, pag-aari ng anim na monopolyo ng langis ang 186 dito. Noong 2003, kaya nilang gumawa ng 80 milyong bariles ng krudo sa isang araw na kumakatawan sa 14% ng produksyon ng langis sa mundo at mag-refine ng 112.4 milyong bariles ng iba’t ibang produktong petrolyo araw-araw Gayundin, hindi maaaring magbago ang mga bansang prodyuser ng langis ng kanilang presyo nang hindi umaayon sa interes ng mga monopolyo. Ito ay dahil malaking bahagi ng langis ng mga monopolyo ay mula sa mga bansang ito. Ang Chevron Texaco ay kumukuha ng 40% ng langis nito mula sa mga bansang kasapi ng OPEC. Samantala ang ExxonMobil ay kumukuha ng mahigit 25%. Sobra-sobrang tubo ang nakakamkam ng mga ganid na monopolyo sa sobrang ipinapataw nilang presyo ng kanilang krudo. Ang presyo ng krudo mula sa OPEC ay aabot lamang ng US$7-8 bawat bariles. Gumagastos lamang ang mga kumpanya ng US$3-4 bawat bariles sa eksplorasyon at nagbabayad ng US$5 bawat bariles sa royalties sa mga bansang produsyer ng langis. Kung kukuwentahin, aabot lamang ng US$15-17 bawat bariles ang 9

gastos ng mga dayuhang monopolyo kapitalista. Sa presyong US$34.74 bawat bariles (Mayo 2004) sa pamilihan, aabot sa US$18-20 bawat bariles ang kinikita ng mga dayuhang monopolyo kapitalista. Maging ang US$4.5 bilyong Malampaya Deep Water Gas-toPower Project sa Palawan ay mayroon ding parte ang mga dayuhang monopolyo. Ang Malampaya Project ay isang pinagsamang proyekto ng Phil. National Oil Company-Exploration Corporation (PNOC-EC), Shell Phils. Exploration (SPEX), isang yunit ng Royal Dutch Shell, at Chevron Texaco kung saan ang SPEX at Chevron Texaco ay mayroong 45% bahagi sa proyektong ito. Sa kasalukuyan, ipinagbebenta ng PNOC-EC ang 49% ng 10% bahagi nito sa pribadong sektor. Tinatayang mayroong 25 hanggang 30 milyong bariles ng langis ang maaaring marekover mula sa Malampaya. 5. Ano ang patakaran ng imperyalistang US sa layunin nitong kontrolin ang industriya ng langis sa buong mundo? Pinakamalaking namumuhunan sa industriya ng langis ang imperyalistang US. Sa katunayan, ang mga pandaigdigang monopolyo tulad ng ExxonMobil, Chevron Texaco at ConocoPhilipps ay pag-aari ng mga monopolyo kapitalista ng US. Maging ang mga matataas na opisyal ng gobyerno ng US sa pangunguna ni George W. Bush ay kumikita mula sa mga malalaking korporasyon ng langis. Ayon sa Center for Responsive Politics, nakatanggap si Bush mula sa Enron ng mahigit US$1.89 milyon para sa kanyang kampanya noong 2000 eleksyon. Bukod pa rito, may nakuha si Bush na dagdag na US$85,500 mula sa mga indibidwal na may koneksyon sa mga kumpanya ng langis. Malaki rin ang ibinigay kay Bush ng mga kumpanya ng langis noong tumakbo siyang gobernador ng Texas. Bukod kay Bush, nakikinabang din ang iba pang opisyal ng administrasyong Bush na sina Bise Presidente Dick Cheney, Henry Kissinger, Senador Murkowski, Don Young at Attorney General John Ashcroft. Napakahalaga ng langis sa ekonomya ng US. Sa katunayan, nangungunang konsyumer ng langis at ng mga produktong petrolyo sa buong mundo ang US. Sa kabuuang populasyon nito na aabot lamang sa 4.5% ng mundo, kinakailangan ng US ng 10

mahigit 20 milyong bariles ng langis bawat araw o 25% ng kabuuang produksyon ng langis sa buong mundo. Kinakailangan ito ng US sa mga malalaking industriya nito. Pangunahin na rito ang pagmamanupaktura ng mga kagamitang pandigma para sa mga gera at proxy wars nito. Aabot sa mahigit 40% ng kabuuang enerhiyang kinakailangan ng US ang pangangailangan nito ng langis. Ngunit mayroon na lamang 3 porsyento ng reserbang langis sa mundo ang US. Noong 2001, nasa 11-12 milyong bariles ng langis bawat araw o 54% ng kailangang langis ang inangkat ng US mula sa mga bansang prodyuser ng langis. Samantala, tinatayang nasa 2/3 ng reserbang langis sa buong mundo ang matatagpuan sa Persian Gulf. Sa reserba pa lamang ng Iran, Libya at Algeria, aabot na sa 590 bilyong bariles ang reserbang langis. Kaya naman mahalagang usapin sa pagbubuo ng patakarang panlabas ng US ang langis. Sangkot ang US sa mga direktang pananalakay at proxy wars, pagpapabagsak ng mga rehimeng tutol sa US at trade embargo para lamang seguraduhin na ang langis na kinakailangan nito para sa kanyang ekonomya ay makukuha nito nang mura sa pamamagitan ng mga monopolyo sa industriya ng langis tulad ng ExxonMobil, Chevron Texaco at ConocoPhilipps. Nanghimasok ang US sa Persian Gulf at Indian Ocean matapos ang World War II. Pinalawak din nito ang saklaw nito hanggang sa pagdedepensa sa Israel laban sa mga Palestino, panghihimasok sa Iran at panggigipit sa Iraq. Matapos ang September 11 bombing ng World Trade Center at Pentagon sa US noong 2001, nagdeklara si George W. Bush ng gerang walang hangganan laban sa terorismo. Una niyang sinalakay ang Afghanistan kung saan nagpadala ang administrasyong Bush ng 11,000 tropang Amerikano kung saan maraming sibilyan ang namatay. Matapos maluklok si Zalmay Khalilzad, konsultant ng Unocal, bilang adviser ni Bush sa Afghanistan, nasiguro ng administrasyong Bush na mabilis na mabubuksan ang US$ 2.5 bilyong-1,000 milyang-pipeline project na dadaan sa Afghanistan patungong Pakistan mula sa Caspian Sea at may kapasidad na 1 milyong bariles ng langis bawat araw. Noong Marso 2003, sinalakay ng administrasyong Bush ang Iraq, pangalawang may pinakamalaking reserba ng langis sa mundo, sa balangkas 11

ng pagtugis nito sa mga weapons of mass destruction ng Iraq. Pagkatapos mapatalsik ang rehimen ni Saddam Hussein, naseguro ng US ang kontrol nito sa mahigit 112 bilyon bariles ng langis ng Iraq. Sa pagnanais ng imperyalistang US na pangibabawan ang buong daigdig sa harap ng tumitinding pandaigdigang krisis, tumitindi ang paggamit nito ng lantay na kapangyarihang militar at agresyon laban sa mga mahihirap na bansa. 6. Paano nakikinabang ang Rehimeng Arroyo sa patakarang deregulasyon? Ipinapatupad ng gobyerno ang patakarang deregulasyon alinsunod sa dikta ng IMF-WB. Isa ito sa mga kundisyon ng IMF noong 1994 para aprubahan ang US$650 milyong pautang sa Pilipinas. Bilang mga ahensiyang dominado ng imperyalistang US, layunin ng IMFWB kasama ng World Trade Organization (WTO) na ilatag ang kondisyon para sa paborableng pagnenegosyo ng mga dayuhang monopolyo kapitalista sa mga neokolonya tulad ng Pilipinas. Bahagi ng paglalatag na ito ang mga repormang tulad ng deregulasyon ng iba’t ibang industriya upang makaakit ng mga mamumuhunan; pagliberalisa ng kalakalan upang malayang makapasok ang mga itinatambak na labis na produkto; pagsasapribado ng mga pampublikong korporasyon at panlipunang serbisyo para makontrol ng mga dayuhan at lokal nilang kasosyo; pangungutang sa lokal at internasyunal na bangko; at pagpataw ng mabibigat na buwis sa mamamayan. Bilang isang neokolonyal na estado, ipinapatupad ito ng lokal na rehimen sa dahilang malaki rin ang kanyang Talahanayan 8. Buwis sa mga pakinabang dito. Bukod sa pagtitiyak ng Produktong Petrolyo kasalukuyang rehimeng Macapagal-Arroyo ng pagpapanatili nito sa kapangyarihan, (nasa piso kada litro) milyun-milyong buwis ang kanyang Premium 5.35 nakukupit at nakukurakot mula dito. Batay sa RA 8184 o Excise Tax on Petroleum Products Act, naniningil ang gobyerno ng buwis sa bawat produktong petrolyo. Noong taong 2002, nakakolekta ang gobyerno ng P85.4 milyon sa bawat araw (P31.2 bilyon sa isang taon) mula sa 342,000 bariles bawat araw (54 milyon litro bawat araw) sa P1.58 bawat litro na weighted average tax. Noong 2003, ang gobyerno ay nakakulekta ng P29.9 milyon araw-araw 12

Unleaded

4.35

Regular

4.80

Diesel

1.63

Kerosene

0.60

Fuel Oil

0.30

Weighted Ave

2.84

Source: Pinoy Weekly 2004

mula sa buwis lamang sa diesel. Pinakamalaking konsyumer ng diesel ay ang pampublikong transportasyon. Sa kabuuan, may P101.4 milyon arawaraw ang nakukuha mula sa buwis sa mga produktong petrolyo pa lamang. Sa kasalukuyang paglala ng ekonomya ng Pilipinas sa pagsambulat ng fiscal crisis, itinutulak ni Gloria MacapagalArroyo na ipasa ng Kongreso ang House Bill 1323 ni Rep. Danilo Suarez na magpapataw ng dagdag na P2 buwis sa mga produktong petrolyo. Balakin nitong makakalikom P29.7 bilyong minimum revenue sa pamamagitan ng dagdag na buwis sa langis. Ngunit ang katanungan ng mamamayan, saan napunta ang siningil na buwis ng gobyerno? Lalong walang katiyakang mapapakinabangan ng mamamayan ang dagdag na buwis na muling ipapataw ng gobyerno. Ang bagong panukalang batas para sa dagdag na buwis ay tiyak na dagdag pasanin ng mamamayan. Malinaw na palusot lamang ito ng gobyerno sa kawalan ng kontrol nito sa kartel ng langis at dahil sa pagpapakatuta nito sa imperyalismo. 7. Ano ang solusyon sa kinakaharap ng mamamayan na sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis? Ang nasyunalisasyon o pagsasabansa ng industriya ng langis ay ang pangmatagalang solusyon sa kinakaharap na problema ng mamamayan sa langis upang magkaroon ng ganap na pagkontrol sa presyo ng langis at pagwakas sa dayuhang kontrol sa industriya. Sa pamamagitan ng pagsasabansa, matitiyak ang murang presyo ng langis na makakayang bilhin ng mamamayan. Ang mga socially-sensitive na produkto katulad ng diesel, LPG at kerosene ay mabibigyan ng prayoridad at subsidyo ng gobyerno para matiyak na mabibili ito sa murang halaga. Sa pamamagitan din ng pagsasabansa, ang pambansang interes ay mapangangalagaan dahil nasa gobyerno ang kontrol sa industriya ng langis. Titiyakin na ang industriya ng langis ay ayon sa prayoridad at tunguhin ng pagpapaunlad sa buong ekonomya ng bansa. Ang buong industriya ng langis ay gagamitin para sa kapakinabangan ng mamamayan at hindi na para sa pagkakamal ng tubo ng iilan. Gayundin, ang pagkontrol ng gobyerno sa industriya ng langis ay makatitiyak ng pangangalaga sa kalikasan at reserbang mapagkukuhanan ng langis sa bansa. Ang pagsasabansa sa industriya ng langis ay maaari lamang ipatupad sa balangkas ng pambansang industriyalisasyon. Ito ay nangangailangan ng pagtalikod ng gobyerno sa mga neoliberal na patakaran ng GATT-WTO, at sa 13

mga dikta ng IMF-WB. Sa kasalukuyang papet na rehimen, hindi makakaasa ang mamamayan na ito ay maisasakatuparan. Tanging sa magiting at sama-samang pagkilos lamang ng mamamayan para sa pambansa demokrasya makakayanang wakasan ang dayuhang kontrol sa ekonomya, pulitika at relasyong panlabas ng ating bansa. 8. Ano ang alternatiba sa gitna ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis? Sa kagyat, kinakailangan nating ipaglaban ang sumusunod para sa paglalatag ng pundasyon para sa pagsasabansa ng industriya ng langis: a) Pagbasura sa Oil Deregulation Law o RA 8479 Sa kagyat kinakailangan nang ibasura ang RA 8479 upang magkaroon ng kontrol sa presyo ng langis at mapigilan ang mga monopolyo kapitalista na magtaas ng kanilang presyo. Sa pangunguna ng mga makabayang kinatawan natin sa Kongreso, isinusulong ngayon ang House Bill 1065 para sa pagbabasura ng Oil Deregulation Law. Kinakailangan itong isulong ng mamamayan at suportahan ng mga mambabatas upang mawakasan ang deregulasyon sa industriya ng langis. b) Sentralisadong pagbili ng krudo at iba pang produktong petrolyo ng gobyerno Ang pagkontrol ng gobyerno sa importasyon ng langis at iba pang produktong petrolyo ay may tatlong layunin: 1) tiyakin na ang suplay ng langis ay tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan 2) wakasan ang transfer pricing 3) tiyakin ang murang pagkukuhanan ng langis ayon sa mga concessional terms sa ibang bansa Noong 1999, dulot ng malawakang protesta ng mamamayan laban sa pagtaas ng presyo ng langis, nagpasa ng panukalang batas na HB 8710 para sa pagtatayo ng National Oil Exchange Corporation (NOEC) o mas kilalang OILEX. Ang itatayong NOEC/OILEX ay kontrolado ng gobyerno at ito ang bibili, mag-iimbak, magpapamahagi ng langis sa buong bansa. Ngunit ang panukalang ito ay pinalitan ng HB 12052 na hindi nagsasaad na pagkontrol sa presyo ng langis o pag-regulate sa pag-aangkat ng langis at sa halip ay nagtataguyod ng interes ng kartel. c) Pakikipagpalitan ng gobyerno ng kalakal sa ibang bansa Ang gobyerno ay direktang makikipagkalakalan sa ibang bansa na nageeksport ng langis katulad ng Tsina, Indonesia at Libya sa pamamagitan ng 14

pakikipagpalitan ng mga produkto nang hindi nangangailangan ng pagbabayad ng dolyar. Ito ay maaaring isaad sa pamamagitan ng mga kasunduan. Sa pamamagitan nito ang gobyerno ay makakatipid ng reserbang dolyar nito. Mababawasan din nito ang epekto ng pagbaba ng halaga ng piso sa mga produktong petrolyo. d) Paglalaan ng buffer fund para sa mga produktong petrolyo Ang paglalaan ng buffer fund ay isang mekanismo na nagtitiyak na ang mga presyo ng produktong petrolyo sa bansa ay hindi agad maaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Ito ay gagamitin sa pagbibigay ng subsidyo sa mga produktong sensitibo gaya ng diesel at LPG. Ang buffer fund na ito ay iba sa tinanggal na Oil Price Stabilization Fund (OPSF). Hindi ito manggagaling sa pagpataw ng dagdag na buwis sa mga produktong petrolyo na binabayaran ng mamamayan kundi mula sa naipong pondo mula sa mga transaksyon sa pakikipagpalitan ng kalakal sa ibang bansa. Ito ay gagamitin lamang ng gobyerno para sa pagpapagaan ng epekto ng pagbabago sa presyo ng langis. Sa nakaraan, ang OPSF ay ginamit sa pagbabayad ng utang ng NAPOCOR. Matitiyak lamang na ang buffer fund na ito ay makakatulong sa pagkontrol ng presyo ng langis kung ang gobyerno ay hindi inoobliga ng dayuhang kontrol. Kinakailangan ding maalis ang korupsyon at katiwalian sa gobyerno. e) Pag-alis sa buwis sa mga produktong petrolyo Katulad ng expanded value added tax (EVAT), ang buwis sa mga produktong petrolyo ay binabayaran pangunahin ng mamamayan. Kinakailangang alisin ang buwis sa mga produktong petrolyo upang matiyak ang murang presyo ng mga ito. Hindi dapat umasa lamang ang gobyerno sa pagkolekta ng buwis mula sa mga produktong petrolyo lalo’t kinakailangang abot- kaya ng mamamayan ang mga ito. f) Pagsasabansa ng Petron Corp. Noong 1993, isinapribado ang Petron Corp. kung saan ang 40% pag-aari ng PNOC ay ipinagbili nito sa ARAMCO at ang 20% nito sa publiko sa pamamagitan ng bidding. Ito ay bahagi ng programa noon ng rehimeng Ramos na malaganap na pagsasapribado ng mga pag-aari ng gobyerno. Kinakailangan ng pagbabalik ng kontrol at pag-aari sa Petron sa kamay ng gobyerno at pagbabago ng oryentasyon nito mula sa pagkakamal ng tubo tungo sa pagbibigay ng serbisyo para sa mamamayan. Kinakailangang maipailalim ang Petron sa kontrol ng gobyerno para sa interes ng bansa. 15

g) Pagsasabansa ng eksplorasyon ng langis sa bansa Mula pa noong 1896, mayroon nang eksplorasyon ng langis sa bansa ngunit nakaasa pa rin ang gobyerno sa pag-aangkat nito mula sa ibang bansa. Sa pamamagitan ng eksplorasyon ng langis sa bansa at pagpapaunlad nito, matitiyak na maibebenta ang langis sa murang halaga. Ang mga kikitain ng gobyerno mula rito ay gagamitin naman para sa higit pang pagpapaunlad ng industriya ng langis sa bansa. Upang matiyak na mapapakinabangan ng mamamayan ang sariling produksyon ng langis sa bansa kinakailangang malaya ang ekplorasyon ng langis mula sa dayuhang kontrol. Bukod sa eksplorasyon ng langis kinakailangan din ng research and development para sa pagmamaksimisa ng mga mapagkukuhanan ng enerhiya katulad ng hydropower. Natitiyak din nito ang pagsasaalang-alang sa kalagayan ng kalikasan. Sa kagyat nariyan ang Malampaya Deep Water Gas-to-Power Project sa Palawan na dapat ay isabansa upang mapakinabangan ng mamamayan at hindi ng mga dayuhang monopolyo. Ating mga panawagan:

Kontrolin, Presyo ng Langis! Oil Deregulation Law: Tutulan, Labanan, Ibasura! Pahirap sa Masa, Patalsikin si Gloria! Buwagin ang Kartel sa Langis! Wakasan ang imperyalistang kontrol sa industriya ng langis! Isabansa ang Industriya ng Langis! Isulong ang pakikibaka para sa pambansang demokrasya!

Mga sanggunian: Root of High Oil Prices, Aug 9, 2004, IBONRED Oil giants can control surge in world prices, Aug 5, 2004, IBONRED IBON Survey shows Filipinos want government to discontinue oil deregulation, Aug 6, 2004 Bill Repealing Oil Deregulation Gains Ground, Alex Remollino, Bulatlat.com ABS-CBN.com Pinoy Weekly Ekonomiks, Setyembre-Oktubre 1999, IBON Praymer sa Industriya ng Langis, 1999, BAYAN IBON Facts and Figures, Setyembre 1997 Recent Rollback Hides Overpricing of Oil Firms (Second of two parts), The Journal and People’s Journal, December 1998 FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ON OIL DEREGULATION (RA 8479) Farenheit 9/11 The Philippine Oil Industry, IBON Primer Series 2002 Photo/Art Credits: Beng Limpin & ST Exposure EILER & KMU Neil Doloricon www.taparts.org www.solidarity.com/ hkcartoons/huckoiltoon.html www.mindfully.org/Jonik/ Jonik-Iraq-Big-Oil.htm www.seppo.net/bush/ www.gwjokes.com/ cartoons/oilave.php www.ccmep.org/2002_articles/ 080102_Cartoons.htm

16

Related Documents

Oil Primer Sept04
November 2019 4
Wash Your Hands Sept04
November 2019 10
Oil
November 2019 57
Oil
May 2020 34
Primer
December 2019 57