Nais Mo Bang Laging Makasama Ang Diyos Na Naghahari

  • Uploaded by: Jun Tabac
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Nais Mo Bang Laging Makasama Ang Diyos Na Naghahari as PDF for free.

More details

  • Words: 552
  • Pages: 2
NAIS MO BANG LAGING MAKASAMA ANG DIYOS NA NAGHAHARI? Kung gayon, aminin mong IKAW AY NAGKASALA : • “Huwag kang pumatay.” “Mamamatay-tao ang napopoot sa kanyang kapatid.” Ikaw ba'y nagtanim ng galit sa puso? ... “Ang sinomang magsabi sa kanyang kapatid, ‘Tanga/ Bobo/ Mahinang utak!’... o ‘Ulol!’ ay manganganib na mapunta sa impiyerno…” 1 Ininsulto mo ba ang pagkatao ng iba? ... • “Huwag kang … magsinungaling…” 2 Sinabi o pinasabi mo bang ‘Wala!’ samantalang mayroon o naroon naman?… Sa pagkakasala mo, nalayo ka sa Diyos 3 at NANGANIB na mapunta sa impyerno: “... sa mga nakikipagsiping sa kapwa lalaki/babae ... mamamatay-tao ... mapakiapid ... mangkukulam ... sumasamba sa diyus-diyosan … lahat ng mga sinungaling, ang bahagi nila ay sa lawa na nagliliyab sa apoy at asupre —ang ikalawang KAMATAYAN .” 4 … Bilang alipin ng kasalanan 5, maging ang katuwiran mo ay maruming basahan sa harapan ng banal na Diyos 6. Dahil dito, walang pag-asang mailigtas mo ang sarili dito lang ang makapagliligtas sa iyo 7—ANG MESIAS! Sa pasimula pa’y kasama na Niya ang iisang Diyos at Ama 8. Di Siya nilikha. Sa pamamagitan Niya, na Siyang SALITA NG DIYOS, nilikha ng Ama ang lahat ng bagay 9. Tinawag din Siya ng Ama na 'DIYOS' 10. Hinulaan sa Kasulatan na Siya ay IPANGANGANAK NG ISANG BIRHEN 11, MAMAMATAY PARA SA KASALANAN at BUBUHAYING MULI NG DIYOS 12. Bilang PANGINOON AT HARI, uupo Siya sa kanan ng Diyos at hahatol sa iyo at sa akin 13. Iisa

Sa mga nagsabing sila ang Mesias, si Jesus lamang ang muling binuhay ng Diyos at “nagpakita sa mahigit na 500” 14. Kaya nga, DAPAT MONG TANGGAPIN SI JESUS na iyong Mesias. Pangako niya, “…TUMAYO NA AKO SA PINTUAN AT KUMAKATOK; KUNG ANG SINOMAN AY DUMINIG NG AKING TINIG AT MAGBUKAS NG PINTO, AKO’Y PAPASOK SA KANYA AT MAGHAHAPUNANG KASAMA NIYA….” 15 Ganito ang idinalangin ng ilang tumanggap sa Kanya: “O Jesus na muling nabuhay, binubuksan ko na po ang pinto ng buhay ko at tinatanggap kita bilang aking Mesias— Tagapagligtas sa kasalanan at kapahamakan. Susundin kita bilang Panginoon at tatalikdan ko na ang kasalanan.” Ang mungkahing dasal bang ito ang nais ng iyong puso?… Kung gayon, idalangin mo ito NGAYON… Batay sa pangako ni Jesus, pumasok na ba Siya? ... Pangako Niya rin, “HINDING-HINDI KITA IIWAN...” 16 Kung gayon, LAGI MO NA BA SIYANG MAKAKASAMA? ... Dahil makakasama mo Siya maging sa hapunan, ano ang ginawa na Niya sa mga kasalanan mo?...Oo,PINATAWAD!17  May Biblia ba sa bahay ninyo? … Kung mayroon, magsimulang magbasa ng Juan (John) 18 . Makinig sa DZAS 702 khz AM radio. Isama ang pamilya/kaibigan sa pag-aaral ng Biblia 19 sa araw ng: ____________, oras: ________ at lugar: __________________________________________. 1 Exodo 20:13; 1Juan 3:15; Mateo 5:21-22 2 Levitico 19:11 3 Isaias 59:2 4 Pahayag 21:8; Qur'an Sura 4:93 5 Juan 8:34-36 6 Isaias 64:6 7 Gawa 4:12 8 Mica 5:2; 1Corinto 8:6 9 Awit 33:6; Sura 4:171 10 Awit 45:6; Juan 1:1-18; 11 Isaias 7:14 12 Isaias 52:13-53:12; Awit 16:10 13 Awit 110:1; Gawa 2:36; 17:31 14 Roma 1:4; 1Corinto 15:3-5 15 Pahayag 3:20 16 Hebreo 13:5 17 Colosas 2:13,14 18 Juan 20:31; 1Pedro 2:2 19 Hebreo 10:23-27; Sura 10:94. Kontakin si Jun sa +639178481928, (02) 3633823, [email protected], o www.equippers.spaces.live.com; si Buboy/Joy sa (02)3598323/09282896165; o si Ed/Eve sa 09275043756 o si

Related Documents


More Documents from ""