"multo..." By Kristian Suratos

  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View "multo..." By Kristian Suratos as PDF for free.

More details

  • Words: 2,545
  • Pages: 18
Multo

(Isang Kuwentong Kadiliman at Katakutan)

Ginawa ni:

JK Suratos

Marami na... Marami na ang mga kuwento tungkol sa isang paaralang tinitirahan ng mga multo. Nakaabot ang mga kuwento sa mga paaralan nina Cris, Stan, Tony, Sara at Mayelle. Araw-araw nilang naririnig ang mga kuwentong ito sa kani-kanilang mga paaralan hanggang sila ay nagsawa na at napagkaisahan nilang tapusin na ang mga kuwentong ito. Kaya isang araw, sa pamamagitan ng pakikipag text, sila ay nagplanong mag-ghost hunting kahit hindi pa nila kilala ang isa’t isa. Sang-ayon naman ang lahat, kaya natuloy ito...

6:00 ng gabi Tumunog na ang kampanapara sa curfew. Nagsiuwian na ang mga natitirang mga estudyanteng naroroon. Umikot na ang mga guwardya sa bawat silid upang tingnan kung may estudyante pang natitira. Sa liblib na lugar ng canteen sila nagtago. Hinintay nilang umalis ang security guard. Wala sakanilang isipan na magpahuli at ipatawag ang kanilang mga magulang. Dahan-dahang silang naglabasan sa silid at nagtago ulit sa likod ng isang puno nang makita nila ang isang titser na dumaan. Nagtungo sila sa quadrangle at duon nagkita-kita ang buong grupo. “O, handa na ba ang lahat?” tanong ni Cris habang ibinababa niya ang kanyang bag. “Oo na. Ano ang plano?” sagot naman ni Sara. “Maghihiwa-hiwalay tayo para masmadali tayong matapos at makauwi ng maaga.” sabi ni Cris. Inilabas niya ang tatlong video cam, tatlong camera, tatlong flashlight at tatlong cellphone. “Mag buddy-buddy tayo pero meron sa atin na magsosolo.” sabi niya. “Ako na lang ang magsosolo, Cris.” boluntaryo ni Tony.

“O, sige maggrupo na tayo at sasabihin ko na kung saan kayo pupunta. Sara at Mayelle, ang pupuntahan niyo ay ang CR ng girls at ang greenhouse. Stan sumama ka sa akin, pupunta tayo sa grade school at titingnan natin ang multo sa hall at playground. Tony, alam kong mahirap ito dahil solo ka, pero ang pupuntahan mo ay ang gym at ang parte sa may bandang workshop, malapit sa may grotto.” sabi ni Crishabang ini-abot na niya ang mga gamit sa mga pares. “Gamitin niyo itong mga kagamitan ng mabuti. Naka-full charge naitong mga video cam at camera. Bago rin ang mga battery nitong mga flashlight. Ingatan niyo rin itong mga cellphone dahil ito lang ang ating kumunikasyon sa isa’t-isa. Okay, ayos na ba ang lahat? Good luck nalang sa inyo. Magkita-kita na lang tayo ulit dito.” Nagpaalam naang mga magbabarkada sa isa’tisa at nagtungo na sa kanilang mga sariling destinasyon. Bilog ang buwan at malamig ang simoy ng hangin, maganda ang panahon para sa takutan… (Tony) Mahangin ang gabing iyon kaya yinakap pa ng lalo ni Tonyang kanyang dyaket. Sa kanyang bulsa

ang flashlight at cellphone, habang ang video cam ay hawak niya sa kanyang kanangkamay at ang camera naman ay nakasaklay sa kanyang leeg. Hindi siya makapaniwala na siya ay nagboluntaryong solong maghanap ng multo. Pero nandito na siya ngayon, naglalakad patungo sa gym. Sa kanyang isipan, nagsasayang lang sila ng oras dahil lang dito, kaya magsimula pa lang ng plinano itong “ghost hunting”, tumututol na siya. Napilitan lang siya dahil sa kanyang mga makukulit na kaibigan. Magmulang pagkabata ni Tony, ayaw talaga niya sa lahat ng bagay na tungkol sa mga multo. Hindi naman sahindi siya naniniwala sa mga espiritung ligaw. Ayaw lang niya talagang pakialaman ang mga bagay na hindi dapat paglaruan. Satotoo lang, naniniwala siya sa mga multo dahil nakakita na siya nung bata pa siya. At yun nga ang dahilan kung bakit ayaw niyang magghost hunting dito sa paaralan dahil alam niyang merong talagang multo dito…Kinilabutan si Tony, binilisan niya ang kanyang paglakad… (Sara at Mayelle)

Nakayukong lumakad sina Mayelle at Sara habang nagtatago sa mga anino ng mga puno. Dumaan ang isang guwardya namay flashlight. Tumigil sila sa paglakad at tahimik na naghintay na umalis ang security guard. Nang nakita nilang wala na ang guwardya, tumayo ulit sila at nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan nila ang guwardya, habang sila’y nagdadahan-dahang lumalakad samga gilid. Nang nakaabot sila sa may hagdan, humiwala’y na sila sa likod ng guard at deretsong umakyat sa third floor papunta ng girl’s CR. Pagkaakyat nila sa huling baytang ng hagdan, tumigil muna sila atnagpahinga. Kinuha ni Mayelle ang cellphone at tinext sina John: “Nand2 na kmi sa thrd flor. Hntay sa lbas ng CR. Mgsismula na kmi.” Pagkatapos ng ma-send ni Mayelle ang message sumagot kaagad sina Stan: “OKAY…..GUD LUCK!!” Tiningnan ni Mayelle si Sara at binigyan niya ito ng thumbs upsignal. Tumango naman si Sara at kinuha ang video cam sabag. Simula na ng takutan…

(Cris at Stan)

Walang ingay na gumapang sina Cris at Stansa ilalim ng mga upuan sa isang klasrum. May guard kasing fina-flashlight ang bawat silid at tinitingnan ang loob. Nang makaabot sila sa may pinto saka ring dumating ang guwardya at tiningnan ang loob gamit ang flashlight. Wala na sila Cris doon, saktong nakalabas sila sa klasrum nang dumating ang security guard. Nagtinginan ang dalawa at ngumiti. Muntikan nasilang mahuli, hindi pa nga sila nakakaalis sa quadrangle. Pumunta sila sa isang madilim na lugar at doon sila dumaan palabas ng quadrangleat papunta sa playground. Habang naglalakad sila, nakita nila ulit ang guwardya na pabalik sa kanilang direksyon! Nagtago sila sa likod ng isang santan bush at hinintay lumampas ang guard sa kanilang tinataguan, nang biglang tumunog ang cellphone ni Stan. Huminto ang guardya at kinuha ang kanyang flashlight sabulsa. Tahimik silang tumakbo paalis sa lugar na iyon at nagtago na lang sa likod ng isang pader. Doon sila nagpahinga. “Bakit hindi mo pinahinto yan na cellphone mo kanina?” tanong ni Cris na may halong pagka-irita. “Sorry, nakalimutan ko.” sagot naman ni Stanna kumakamot ng ulo. Kinuha niya ang kayang cellphone at binasa ang message galing kay Mayelle. Tinext agad ni Stan sila ng :“OKAY…..

GUD LUCK!!” at tinago ulit ang kanyang cellphone. Pumunta na sila ni Cris sa playground…

(Tony) In-on na ni Tony angvideo cam at nagsimula ng magvideo. Sa screen na lang siya ng camera tumitingin dahil madilim na at hindi na siya nakakakita. Gamit-gamit niya ang infrared ng video cam kaya lahat itim at puti ang nakikita niya. Malapit na siya sa may gym. Unti-unti na siyangkinakabahan. Biglang naging tahimik ang paligid. Tumigil ang huni ng mga ibon. Ang tanging naririnig na lamang niya ay ang kanyang paghinga at ang hangin sa malayo. Naramdaman niya ang kanyang cellphone nanag-vibrate. Hindi niya muna ito kinuha. Hindi niya inaalis ang kanyang mga mata sa screen, dahil kahit anong oras pwedeng magpakita na ang multo. Nagvibrate ulit ang kanyang cellphone. Tsk! Nakita ng nagvivideo ang tao! galit na inisip ni Tony. Kinuha niya ang kanyang cp at binasa ang unang message. Galing ito kina Cris nanagpapaalala na ang meeting place ay sa quadrangle. In-erase niya ang message at tiningnan ang pangalawang text…

(Sara at Mayelle) Dali-daling binuksan ni Mayelleang pintuan ng CR. Sa likod niya ay si Sara na nagvivideo. Madilim ang loob kaya kinuha niya ang flashlight at ginamit ito. Tiningnan nila ang bawat cubicle pero wala silang nakitang multo. “Wala naman ditong babae ah. Textan mo sila Cris na dederetso na tayo sa may greenhouse,” wika ni Mayelle habang in-off na ang flashlight. “Sige. Sayang lang ng oras natin dito.” sabi naman ni Sara at kinuha niya ang cellphone. “O, natextan ko na siya.” sabi niya. “Tara, alis na tayo dito.” “Hintaylang. Maghuhugas lang muna ako ng kamay.” “O, sige. Basta dalianmo lang. Hintayin kita dito sa labas.” Binuksan ni Saraang gripo at naghugas ng kamay. Pagkatapos, nagpunas siya gamit ang kanyang panyo. Paalis nasana siya nang bumukas ulit ang gripo. Napatigil si Sara. Lumingon siya at nakita ang isang grade five na batang babae na naghuhugas ng isang madugong kutsilyo. Sumigaw si Sara. Walang tao sa loob ng CR sa oras na iyon maliban lang sa kanya…

(Cris at Stan) Binuksan ni Cris ang isang kending Snowbear at kinain. Binigyan niya rin si Stan at nagtungo na sila sa playground. Pagdating nila doon, tiningnan ni Cris si Stan. “Nararamdaman mo ba iyan?” tanong niya. “Oo, parang may tumitingin sa atin sa malayo.” sabi ni Stan. Tiningnan nila ang buong paligid, walang tao. “Kunin mo na ang camera, Stan. Magsisimula na tayo.” sabi ni Cris. Kinuha ni Stanang camera sa kanyang bag. Habang kinukuha niya ito, nakita niya namay message sa cellphone, binasa niya ito: “Wlang multo d2 sa CR ng grls. Punta na kmi ng greenhouse.” Nagreply naman siya: “Okay. Bsta wag nyo klmutan na ang meeting place natn ay sa quadrangle.” Pagkatapos niyang i-text ito sa mga babae, sinend niya rin ito kay Tony. Binigay ni Stan ang camera kay Cris at nauna na siyang lumakad patungo sa palaruan. Hindi pa sila nakakalayo nang may nirinig silang sigaw ng babae... (Tony)

Ang pangalawang message ay galing sa isang tao na wala namansa contacts ng cellphone. Binasa pa rin ni Tony ang linalaman dahil baka galing ito kina Mayelle. “Tingnan mo ang screen ng iyong camera...” Namutla si Tony. Pakiramdam niya, merong multong nakatayo saharap niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nagsimula siyang magdasal ng “Ama Namin”. Hindi siya titingin sascreen ng kanyang camera, pangako niya sa sarili. Nagvibrate ulit ang cellphone. Nagdalawang isip siya kungtitingnan pa niya ang message. Unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata at tiningnan kungsino nagpadala ng text. Si Cris ang nagpadala, pwede niya itong tingnan. Binuksan niya ang message ngunit wala siyang nakitang nakasulat. Pinindot niya ang scroll down ng ilang beses at nakita niya ang mga salitang nagpahinto ng isang tibok ng kanyang puso... “Tumingin ka sa screen...” At sa hindi malamang dahilan, nanginginig na itinaas ni Tonyang kanyang ulo at tiningnan ang screen. Wala siyang multong nakita, mga puno at halaman langang naroroon. Biglang tumawa ng mahina si Tony. Wala man palang multo. Siya man langang tumatakot sa kanyang sarili. Magpapatuloy na sana siyang lumakad nang

biglang may boses ng matandang babaeng bumulong sa kanyang kaliwang tenga... “Nandito na ako...” Biglang may matalim na tumusok sa kanyang leeg at ibinaon pa ng mas malalim... (Sara at Mayelle) Sinipa ni Sara ang pinto at nagmadaling lumabas ng CR. Nagulat naman si Mayelle nang nakita ang kanyang kaibigan natumatakbo, kaya hinabol niya ito. Nang abutan niya si Sara, nakita niyang namumutla at nanghihina ito. “Sara, ano nangyari? Ano nangyari? Sabihin mo.” wika ni Mayelle sa barkada. “M-m-may...b-bata...s-sa...CR.” takot na sinagot ni Sara si Mayelle. “Huh? Anong bata? Wala namang tao saloob ng CR, maliban lang sayo. Anong pinagsasabing mong bata?” tanong ni Mayelle. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Pumasok siya at ipinakita kay Sara na walang bata o tao sa loob ng CR. “Anong bata, Sara? Wala naman akong nakikita dito ha?” “N-n-nasa...l-likod...m-mo...n-n-na!” “Ano?!” “Nasa likod mo na!!!”

Lumingon si Mayelle at nakita ang batang babaeng may hawak nakutsilyo. Sumigaw si Mayelle at nagtankang tumakbo. Pero huli naang lahat. Wala na ring nagawa si Sara kung hindi panoorin kung paano pinatayang kanyang kaibigan. Pagkatapos saksakin ng bata si Mayelle, nakita ni Sara na lumalapit na itosa kanya. Gusto niya sanang tumakbo pero hindiniya kaya. Naging mabigat kasi ang kanyang mga paa. May naramdaman na lang siyang isang madulas na bagay na dumaan sa leeg niya. At biglang dumilim ang mundo para kay Sara... 7:09 ng gabi Naka-duty si Guard Sanchez saoras na iyon. Tahimik siyang umiinom ng mainit na kape sa kanyang upuan habang nakikinig ng musika sa radyo nang biglang naputol ang tugtog at may nagbalita ng breaking news. “Pasensya na po para sa mga nakikinig, pero ang inyong kaligtasan ay ang numero uno naming prayoridad. Merong kasing kapapasok na importanteng balita lamang...” sabi ng DJ. Nilakasan ni Sanchez ang radyo at nakinig. “Kaninang mga ala-sais ng gabi, natagpuan ng mga security guard ng “Dr. Arevalo Confinement

Institute” na may nakatakas na dalawang lalaking menor de edad na wala sa kanilang pag-iisip. Ang mga pangalan nila ay si Bert Marco at si Dumas Kenyo. Nagbabala ang mga pulis na kung sino man ang makakita sa dalawa, ay umalis kaagad sa kanilang lugarat ibalita sa pinakamalapit na police station. Babala po sa mga tao, ang mga suspek ay kinikilalang bayolenteat mga mangloloko. Kaya para sa mga nasa labas ng bahay, pinapayuhan kayo na umuwi na at i-lock ang mga pinto...” nagkaroon ng konting paglabo ng tinig at nagpatuloy ulit “...Pinapasabihan rin ang mga lugar na malapit sa ospital na mag-ingat. Sila ay posibleng nandiyan na sa inyong lugar......at magpapatuloy po tayo sa ating musika...” In-off na ni Sanchezang radyo. Kinuha niya ang kanyang batuta at flashlight. Iikutin niya ang buong paaralan para i-tsek kung hindi nakapasok ang mga suspek...

7:17 ng gabi Tinanggal ni Cris ang kanyang mahabang wig, paldaat puting pulbo sa mukha. Nakangiting sinalubong niya si Stan sa quadrangle habang nagkakanta ng “Makulay ang Buhay”.

“Asan na si Tony?” tanong pa niya kay Stan na pakanta. Ngumiti si Stan at sumagot...”Ayon na siya. Namamahinga na kasama ang mga damo.” Tumawa silang dalawa at nagsayaw ng paikot-ikot habang kumakanta ng “Twinkle, Twinkle little star...” Tumigil si Stan sa pag-ikot at tinanong si Cris. “Eh, ano naman yung mga babae?” “Hahahahaha!!! Lumalangoy na sila sa kanilang sariling dugo! HAHAHAHAHA!!!!” halakhak naman ni Cris. “Magaling, Master Dumas. You’re the best.” sabi ni Stan “Thank you Sir Bert. Same to you. HAHAHAHA!!!” wika ni Cris. Nagtatawanan sila habang pasayaw na umalis sa paaralan. Ang kanilang mga damit ay para sa dalawangestudyanteng sadyang buhay nuon. At sa ilalim ng liwanagng buwan, sila’y tumatalon, naghahalakhak at kumakanta. May isang bagay lamang silang dala, at ito’y kumikinang. Ang kutsilyo...ang madugong kutsilyo...

5:48 ng hapon

Si Cris De la Luna at Stan Villanueva ay lumabas sakanilang bahay at nagkita sa waiting shed malapit sa paaralan. Tuwang-tuwa sila at matutuloy na rin ang pinakahihintay nilang ghost hunting. Papunta na sana sila ng may humarang sa kanilang daan na dalawang lalaking nakaunipormeng puti na may nakasulat sa harap na“Inmate”. Nag-iba sila ng daan pero hinarangan pa rin sila ng mga lalaki. Alam na ni Cris kung ano ang susunod na mangyayari dahil isa sa mga lalaki ay naglabas ng isang kitchen knife. Tumakbo sila ni Stan palayo pero hinabol pa rin sila ng mga ito. Tumakbo sila ng tumakbo hanggang makaabot sila saisang ilog kung saan sila nahuli ng mga baliw. Tinangka pa nilang lumaban pero naunahan sila. Pagkatapos paslangin ng mga kriminal ang mga bata, nabasa nila sa cellphone na merong pupuntahanang mga estudyante. Tiningnan ni Dumas si Bert. Alam nilang mas marami pa silang mabibiktima, kaya kinuha nila ang damit ng mga bata at nagtungo sa malaking paaralan. May plano na sila... Epilogue

Kinabukasan, dumating ang mga pulis sa paaralan dahil sa tawag ni Guard Sanchez. Kinuha nila ang mga malamig na bangkay ng dalawang batang babae at isang lalaki. Sa hapon naman, nadiskubre nila ang mga katawan nina Cris De La Luna at Stan Villanueva sa tabing isang ilog. Sa tulong ni Detective Gabriel Nidon, nagkaroon ng masusing paghahanap sa mga salarin. Pagkalipas ng ilang araw, nahuli rin ng mga pulis ang mga suspek. Isinakay sila sa mobile ng pulis. Sa loob ng kotse, ngumiti si Dumas at tiningnan si Bert. Tiningnan naman ni Bertang katabing lalaki. Alam niya kung anoang ibig sabihin ng ngiting iyon. Merong ulit silang papatayin. Ngumiti rin si Bert ng tila demonyo. At habang nakaposas ang kanilang dalawang kamay, inilabas nila ang dalawang malaking karayom sa kanilang mga bibig...

Wakas…

Multo, 2009 © SuratosBooks; All Rights Reserved.

Related Documents