"kasal" By Kristian Suratos

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View "kasal" By Kristian Suratos as PDF for free.

More details

  • Words: 4,547
  • Pages: 20
KASAL By: Jan Kristian Suratos INTRODUCTION Narrator: Ano nga ba ang sukob? Sabi raw ng ating mga nakatatanda, kapag ang magkapatid ay nagpakasal sa loob ng isang taon, sila ay mamalasin. Meron namang nagsasabing bawal rin magpakasal kapag ang isang kapamilya ay patay sa panahon na iyon. Marami ng mga Pilipinong hindi naniniwala sa Sukob pero may roong maliit na persyentong naniniwala pa. Ngunit, ito’y isang pamahiin lamang na hindi natin dapat seryosohin, hindi ba? (Fade) Narrator: Sa ilalim ng mga mabibigat na ulap ng ulan, merong isang maliit na subdivision sa Manila. Duon nakatira ang magkaibigang Luisa at Sally. Nagsimula ang kanilang pagkaibigan nuong bata pa sila, kaya halos magkapatid na ang turing nila sa isa’t isa. Ngunit sa isang pagkakataon magbabago ang lahat. Tuluyan ng masisira ang pagkakaibigan nila…

I Narrator: Habang nag-uusap ang dalawang magkaibigan sa parke, biglang dumating si Jakob, ang isang matangkad na lalaki. Ngumiti ang dalawang dalaga habang tinitingnan ang binata. Muling tumibok ang puso ni Sally habang minamasdan niya si Jakob, ang binata ay ang pinaka-unang pag-ibig niya. May lihim siyang

pagtinigin sa lalaking ito. Ito ang tanging sikretong hindi niya sinasabi kahit kanino man, kahit sa kanyang itinuturing kapatid na si Luisa. Luisa: Ah, Sally, meet Jakob pala, my boyfriend! Sally: Ha? Boyfriend mo siya? Luisa: Nagulat ka, noh? Siyempre. Alam kong hindi mo akalaing ang pinakaguwapong lalaki dito ay magiging labidabs ko. Hindi ba, honey? Jakob: Huh? Ay, hehe, oo naman love… (Nakatingin kay Sally) Sally: (Nakangiti) Hmmm… Jakob, bakit parang paimiliar ang pangalang iyon…hmmm… Bakit kaya… Jakob: Kaklase kita noong elementary pa tayo. Naalala mo pa? Sally: Hindi masyado. Could you refresh me? Jakob: (Nakangiti) Hay. Sure, ako yung batang lalaking lagi nagaasar sayo noon. At lagi mo nga akong kinukurot at tinatawag na— Sally: Jakobina. Oo, naalala ko na, Jakob Eduard Perez. Jakob: Kilala mo naman pala ako eh. Ikaw talagang babae ka. Sally: Of course, ikaw ang seatmate ko hanggang naggraduate tayo. How could I ever forget you. I will never fail to remember such a face. Maaalala kita kahit ano pa man ang mangyari sa akin o sayo, Jakob. Jakob: (Nakatingin kay Sally) Wow, ang lalim nun, ha. Don’t worry, I miss you too, Sally. Luisa: Ehem! May tao pa kaya dito! Jakob: (Yinakap si Luisa) Ay, sori. Pasensya na, teddy bear. Sally: (Nanahimik na lang.) Narrator: Dahil sa madalas na pag-gimmick ni Sally kay Luisa habang kasama si Jakob, mas lalo pang namuo ang labis na pagmamahal niya sa binata.

II Narrator: Sa isang kapani-panibagong panahon, nagkita ang dalawang dalagita sa Starbucks. At dahil may inasikasong ibang bagay si Jakob, hindi siya nakasama sa kanila.

Sally:

Luisa:

Sally: Luisa: Sally: Luisa:

(Nagiinom ng kape) O, Bakit mukhang ang saya-saya mo diyan? Kulang na lang tumalon kia diyan sa upuan mo. Ay, hihi… Monthsary kasi namin kahapon ni hon. Tingnan mo, rinegalohan niya ako ng singsing. (Ipinakita ang singsing sa daliri) Ang ganda-ganda, noh? Original iyan, hindi iyan binili sa mga Muslim. Grabe ka naman, hindi lahat ng tinda ng mga Muslim peke. Anyway, pakita nga. (Tinanggal ang singsing at iniabot kay Sally) O, ingatan mo iyan. Masmahal pa iyan sa buhay mo. (Isinukat ang regalo ng kanyang ibig sa sariling daliri, iniisip na para sa kanya dapat iyon) O, tama na iyan. Akin na, baka madumihan pa.

III Narrator: Pagkalipas noon, matagal ng hindi nagkita ang magkaibigan. Dahil doon, nagsimula ng magdalawang isip si Sally kung ipagtatapat na niya ang nararamdaman sa kababata. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkasalubong sila Jakob at Sally. Agad namang yinaya ng binata ang dalaga na kumain sa isang restaurant. Sa labas ng kainan… Sally: Jakob, ayaw ko na. Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko para sa iyo. Alam ko na kahit nasa puso ka ng aking pinakamatalik na kaibigan, hindi pa rin kita maalis dito. (Hinawakan ang dibdib) Araw-araw kitang naiisip at naaalala, and it hurts so much to know that you already belong to someone else. Please, bago ka mag-react, gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Oo, totoo yung mga narinig mong mga tsismis nung bata pa tayo na crush kita! Totoo iyon, Jake! At hindi tumigil ang pagmamahal na iyon. Hanggang ngayon, tumitibok pa rin ang aking puso para lang sayo. Sana nauunawaan mo ako! Jakob: (Hinawakan ang kamay ni Sally) Sally, naiintindihan kita dahil nararamdaman ko rin ang mga iyon. Tuwing

Sally: Luisa:

Sally:

Luisa: Sally: Luisa:

Sally: Jakob:

sumasapit ang umaga, ikaw lang ang aking naaalala. Tama ka nga, mahal ko si Luisa pero hindi ng buong puso. Akala ko noon, siya na ang aking nararapat na maging kasintahan, ngunit may nararamdaman akong harang na pumipigil sa akin na mahalin ko siya ng lubos. Sabi ko sa sarili ko, bakit parang may kulang sa akin, kahit kasama ko na si Luisa parang hindi pa rin ako masaya. Ngunit ngayon, alam ko na kung bakit. Ikaw pala ang dahilan ng lahat. Ikaw ang kulang na piyesa sa aking buhay. Ikaw lamang ang nakakapagtibok ng aking puso at wala ng iba. You complete me, Sally. Without you I feel nothing, but when you’re here with me I feel everything. (Hinawakan ang pisngi ng babae) I love you. (Hinawakan naman ang kamay ni Jakob) I love you, too. Kailangan na nating ipagtapat ito kay Luisa. (Nagpakita sa likod ng mga halaman) Hindi na kailangan! Mga lapastangan kayo! Walang kwenta! Mga ahas! Lalo na ikaw, Sally! Itinuring kita ng isa kong kapatid, tapos ganito ang gagawin mo sa akin! Wala kang hiya! Ako naman talaga ang nauna kay Jake, ha! Matagal kong kinimkim ang nadarama kong ito kapag nakikita ko kayong dalawa! Alam ko na doon ka sasaya Luisa! Alam ko iyan, dahil parang na rin ikaw kapatid ko. Ngunit hindi hahayaan na hindi ko maibulaslas ito! Bakit hindi mo sinabi sa akin? Dahil masasaktan ka lang. Kahit papaano, best friend pa rin kita. Oo na, alam ko na ang lahat. Sorry Jakob, it’s over. Okay, magsama kayong dalawa! (Umalis habang umiiyak) Huwag, Luisa! Hintay! (Tinigil si Sally) ‘Wag mo na. Hayaan mo na siya. Marahil hindi na niya tayo mapapatawad.

Narrator: Tatlong taon na ang nakalipas, wala ng koneksyon sa isa’t isa ang magkaibigan. Naging executive producer ng pelikula samantala si Sally naman ay isa ng assistant manager ng isang kumpanya. May mga sariling buhay na sila at pareho ng may asawa at sariling bahay. Si Luisa ay napangasawa ng direktor ng pelikulang prinoduce niya. May anak na rin sila.

IV Narrator: May bagong proyekto ang mag-asawang Direk Mateo at Luisa. Gumagawa silang pelikulang kailangan ng produkto ng kumpany nila Sally. At sa set mismo nagkita uli ang dating magkaibigan… Luisa: Hoy, babae! Anong ginagawa mo sa set nitong pelikula? Umalis ka nga dito, baka masira mo pa ang mga equipment sa camera. Sally: (Nakatalikod kay Luisa) Madali lang po ito, ma’am. May isinusulat kasi ako para kay boss eh. Luisa: (Hinawakan sa balikat) Sinabi ng umalis, eh. Kung hindi ka aalis tatawag ako ng security. Sally: (Kinuha ang gamit at humarap) Ay huwag na ho. Aalis na po ako— Luisa: (Nagulat) Sally?! Sally: (Aalis na sana ngunit pinatigil ni Luisa, dahan-dahang humarap siya uli) Sorry Luisa dun sa ginawa ko sa iyo. Sinira ko buong buhay mo at pinerwisyo ko ang pamilya mo. Luisa: (Hingang malalim) Hay naku, bes. Kung napatawad ka na ng Diyos, wala na ako magagawa niyan. Kalimutan na lang natin ang nakaraan, okay? So, ano, let’s start all over uli tayo. Hi, my name is Luisa can you be my bff? Sally: (Yinakap si Luisa ng mahigpit na mahigpit) Why wouldn’t I? Narrator: Sa opisina ni Luisa… Luisa: O, kamusta na ang buhay?

Sally:

(Ipinakita ang singsing) As you can see, I’m already a married woman. Luisa: (Ngumiti) Kay Jake? Sally: Kanino pa naman ba? Pagkatapos ng lahat. Luisa: (Natahimik, kahit papaano nasaktan pa rin siya) Sally: Ay, sorry. Luisa: Hindi, okay lang. Kasal na rin kaya ako. May anak na nga. Sally: So who’s the lucky man? Luisa: Si Mateo. Sally: Oo? As in si Direk Mateo P.? Luisa: Oo naman. Sino pa ba ang Mateo dito na pede ko mapakasalan? Sally: Sabagay. Luisa: Hay. Alam mo namiss kita, Sally. Sally: Ako rin nga. Siguro, kung may oras kayo, punta kayo sa bahay. Luisa: Sure. Narrator: Ngunit hindi na natuloy ang plano ng magkaibigan. Sa hindi malamang dahilan, nagkaroon ng kumplikasyon sa paghinga ang siyam na buwang gulang na anak nila Luisa. Hindi nagtagal ay sumakabilang-buhay din ang bata.

V Narrator: Sa burol ng sanggol, dumating ang dalawang kapatid ni Luisa na sina Mary at Joyce. Nakiramay rin ang tiyain nila na si Tita Laura. At sa tabi ng kabaong ng bangkay ay ang nanghihinang si Luisa. Mateo: Luisa, honey, magpahinga ka muna. Pagod ka na. Ako na muna ang magbabantay. Tita Laura: Mabuti nga at magpahinga ka na. muna, anak.

Kumain ka

Narrator: Sa oras din yung, dumating ang mag-asawang Sally at Jakob…

Sally:

Luisa, Mateo… makikiramay kami.

Jakob:

Pare, Luisa…

Luisa:

(Yinakap si Sally, at naghagulhol…) Ang sakit… hindi ko matanggap…

Sally:

Shhh… Tahan na…

VI Narrator: Pagkalipas ng ilang oras, nagpahinga muna si Luisa. Napansin naman ni Sally na isang bata ay nagwawalis. Agad-agad naman niya itong pinahinto. Sally: Bata, halika nga. Bata: Ako po? Sally: Oo, ikaw. Yung nagwawalis. Bata: (Lumapit kay Sally) Ano po ba, ate? Sally: Hindi mo ba alam na bawal magwalis sa loob dahil may patay? Bata: (Kumakamot sa ulo) Bakit naman po? Madumi na kasi dito, eh. Sally: Kahit na. Akin na nga iyan. (Kinuha ang walis sa bata) Bata: Sorry po,ate. Gusto ko lang po kasi maging malinis itong lugar. Sally: Hayaan mo na. Lilinisan na lang natin ito kapag tapos na ang lamay. Okay? Bata: Opo.

VII Narrator: Pumasok sa CR si Tita Laura upang maghugas ng kamay ngunit nakita niya ang magkapatid na Mary at Joyce na nanunuklay at nananalamin. Laura: Hoy, mga babae! Di ba sabi ko, huwag manuklay at manalamin sa harap ng patay? Ano ba naman kayo? Mary: Ay sorry ho, tita. Joyce: (Nanunuklay pa rin) Sus naman si tita, naniniwala pa rin kayo sa mga pamahiin. Ang korni na niyan ngayon. Mary: Joyce, ano ba? Tigilan mo na yan na panunuklay mo.

Joyce: Mary: Joyce: Laura:

Grabe talaga, pati ikaw naniniwala ka na rin. Konting respeto naman sa patay, ate. O sige na nga. Ang korni niyo talaga. Mga bata talaga ngayon, hindi mapagsabihan ng isahan.

VIII Narrator: Pagkalipas ng libing ng anak ni Luisa, nagsisimula na siyang kalimutan ang nangyari sa anak ngunit wala pa ngang sampung araw ng biglang may narinig na malakas na sunod-sunod na katok sa pinto nila. Binuksan niya ito at nakita si Sally… Sally: Luisa! Luisa! Dalian mo! Sina Mary at Joyce nagkulong sa kuwarto! Paulit-ulit silang sumisigaw! Luisa: Ha? Ano ba ang nangyayari, Sally? Sally: (Hinila ang kamay ni Luisa) Basta, sundan mo ako! Narrator: Dali-daling tumakbo sila papunta sa apartment ng magkapatid, nasa third floor pa. Nang nakarating ana sila, nakita nila ang mga taong nagkukumpol-kumpol sa labas ng kuwarto. Tama nga si Sally, rinig na rinig ang mga sigaw ng mga dalagita sa labas. Luisa: (Kumakatok) Mary? Joyce? Ano ba? Buksan niyo itong pinto! Mary: Aaaaah! Ate huwag! HUWAG! (Sigaw) Luisa: Mary! Anong nangyayari? Mary: AAAAAaaaah! Tulong! TULONG!! Ang buhok ko! Luisa: Mary! Joyce! Buksan niyo itong pinto ngayon din! Joyce: Hahahaha!! Mary: AAAAaaaaaaaHhh! Ate Joyce, huwag na po! Tama na! Joyce: Bwuhahahahaha! Luisa: (Sa mga tao) Tulungan niyo akong buksan ang pintong ito! Mary: Aaaaah! Tama na Ate Joyce! Pawang awa mo na! Sally: Ayaw mabuksan! Luisa: Saklolo! Tulungan niyo po kami! Mga kapatid ko! Pinapatay sila!

Jakob: Sally:

Anong nangyayari dito? Jakob! Salamat nandito ka! Tulungan mo kaming buksan itong pinto! Jakob: (Sinipa ang pinto) Narrator: At duon nila nakita ang nangyayaring eksena sa loob ng kuwarto ng magkapatid. Si Joyce ay mukhang nakapulupot sa kanyang kapatid na si Mary, napuno ang kuwarto ng dugo ni Mary. At dahil nakatalikod sila sa pinto, hindi masyado nakikita ang ginagawa ni Joyce. Gumagalaw ng mabilis ang kamay ni Joyce at mukhang may tinatanggal sa ulo ni Mary. Joyce: Hahahaha! Mary: (Mahina na ang boses) Ate… Luisa: Joyce! Anong ginagaw mo?! Bitawan mo si Mary! Joyce: (Tumingin sa kapatid) Hahahaha! Luisa: Ano iyan sa kamay mo? Joyce: (Itinaas ang hawak-hawak na pinutol na mga buhok ni Mary, may kasama pang balat at may tumutulo pang dugo) Hahahahaha! (Natumba si Mary, patay. Wala ng buhok siya at nakikita na ang parte ng kanyang bungo.) Luisa, Sally: (Nagulat at sumigaw) Joyce: (Lumingon sa bintana) Aaaah! Ang ganda ng reflection ko! (Tumakbo papunta sa bintana) Jakob: Huwag, Joyce! Huwag! Joyce: Ahihihihi! (Dire-diretsong sinalubong ang bintana. Nabasag ang salamin at nahulog siya) Luisa: (Natulala) Sally: (Sumigaw) Joyce!!! Jakob, tawag ka na ng pulis! Jakob: Oo. Luisa:

(Paulit-ulit na sinasabi) Patay na sila… ko….

XI

Mga kapatid

Narrator: Hindi pa nagtagal, binigla naman ang pamilya ni Luisa ng balita na namatay ang isang bata na nakiramay sa kanila nuon dahil nadurog ang ulo nito pagkatapos hampasin ng ilang beses ang ulo ng bata ng isang baliw gamit ang isang walis tambo. Nakilala naman ito ni Sally kaagad dahil ito yung bata na nagwalis sa lamay. At dahil sa mga sunod-sunod na nangyayaring hindi maintindihan, napilitan ang pamilya na humingi na ng tulong sa isang manghuhula. Damin: Anong kailangan niyo dito? Sarado na kami. Sally: Sarado? Umaga pa lang ho. Damin: Ano pakialam mo, iha. Kapag sinabi kong sarado, eh di sarado kami. Sally: Hihingi lang sana kami po ng payo at tulong. Damin: Ano ba ang hindi mo naiintindihan, ha? Sarado nga kami! Sally: Hoy! Babayaran ka na lang ---! (Tinigil ni Luisa) Luisa: Pagpasensyahan niyo na po kami. Ngunit, kinakailangan ho talaga naming ang iyong tulong. May nangyayari po sa amin na hindi naming po naiintindihan. Sunod-sunod pong namamatay ang aming mga kakilala sa hindi malamang dahilan. Please po, hinihingi lang po naming ang iyong konting oras. Damin: (Hingang malalim) O, sige. Upo na kayo. May sasabihin ako sa inyo. Sally: Ano iyon? Damin: Pagpasok pa lang ninyo, may naramdaman na akong pagkakaiba. Biglang lumamig ang hangin at parang dumilim ang silid na ito. Kaya ayaw ko sanang papasukin kayo. Luisa: Ano po ang ibig sabihin nun? Damin: May dala kayong masamang presensya o merong sumusunod na masamang maligno sa inyo. Ngunit hindi ako nakakasegurado dahil pilit niya akong hinaharangan na makapasok sa inyong isipan. Damin: Kailan at saan ba kayo kinasal?

Sally:

Nuong September 16, 2007 ho, duon sa cathedral malapit sa aming bayan sa Manila. Damin: At ikaw, iha? Luisa: June 6, 2007, sa Manila Cathedral din po. Damin: Parang alam ko na kung ano ang sanhi ng mga problema niyo. Magkapatid ba kayo? Dahil kung oo, malaki ang posibelidad na nasukob kayong dalawa. Sally, Luisa: Ha? Hindi po kami magkapatid. Damin: Baka naman magpinsan kayo? Sally, Luisa: Hindi po. Wala po kaming relasyon sa isa’t-isa. Magkaibigan lang ho kami. Damin: Sigurado kayo? Malakas kasi ang kutob ko na nasukob kayo. Sabay pa naman kayo kinasal sa loob ng isang taon at sa isang simbahan. Luisa: Hindi talaga po kami magkapamilya. Sigurado ho kayo na wala ng iba pang dahilan kung bakit ito nangyayari sa amin? Damin: (Nag-isip ng malalim) Wala na, iha. Ang sukob na lang talaga ang tanging dahilan nitong lahat. Kung hindi kayo nasukob, hindi ko kayo matutulungan. Luisa: Ano po ang pwede naming gawin? Damin: Alamin niyo ang iyong nakaraan, dahil posibleng magkapatid kayo. Sally: Paano po kung hindi? Damin: Wala na akong magagawa.

X Narrator: Sa loob ng kotse ni Luisa, pauwi na… Luisa, Sally: (Tahimik) Luisa: May naalala ka na ba? Sally: Wala. Luisa: Ang hirap naman nito. Sally: Magsimula tayo sa unang araw tayong nagkakilala. Luisa, Sally: (Nagisip) Sally: Wala akong maalala. Luisa: Ako rin. Naalala mo pa ba kung sino mga magulang mo?

Sally: Luisa: Sally: Luisa: Sally: Luisa:

Sally: Luisa:

Sally:

Luisa: Sally:

Luisa:

Sally: Luisa: Sally:

Luisa:

Hindi na. Namatay sila nuong bata pa ako. Ikaw? Naulila ka rin? Bigla na lang nawala mga magulang ko nuong bata rin ako. May mga kapatid ka ba? Wala. Inampon lang ako ng aking lola pagkatapos na aksidente ang parents ko. Ako rin nga. Ha? Paano sila Mary at Joyce? Wala akong totoong kapatid. Inampon rin ako ni Tita Laura. Mga anak niya sila kaya naging kapatid ko na rin sila. Grabe na ito, Luisa. Mukhang magkapatid nga talaga siguro tayo. Baka na sukob tayo. Sally! Huwag kang basta bastang magsasabi ng ganyan. May dahilan ito kung bakit nagkakaganito tayo. Tingnan mo naman Luisa. Hindi na natin maalala kung paano tayo nagkakilala. Hindi rin natin kilala mga magulang natin. Namatay sila nung pareho pa tayong batang bata. At wala tayong kapatid. Paano mo mapapaliwanag iyan? Mga pure coincidences lang iyan Sally. Coincidence? Paano rin nga ba naging tayong matalik na magkaibigan? Na tila magkapatid na ang turing natin sa isa’t isa? Hindi ko alam. Pero isa lang ang tanging paraan para malaman natin kung magkapatid talaga tayo. Tatanungin natin ang lola mo at ang aking Tita Luara. Hindi na pwede. Patay na siya. Si Laura na lang talaga ang ating pag-asa. Dapat na natin siyang ta--- (Nag-ring ang cellphone) Ako na ang sasagot niyan. (Kinuha ang cellphone sa bag ni Luisa) Hello? Sino ito? Tita Laura? O, ano ba ang nangyayari diyan? Bakit ang ingay? Ha?! Patay?! Sino?! Hindi kita maintindihan. Ang ingay. Sinong patay, Tita?! Oo, pauwi na kami. O, sige. Bye. Anong nangyayari? Sinong patay?

Sally: Luisa:

Ewan. Hindi ko maintindihan, parang may sumisigaw kasi. Pinapauwi na tayo nila. (Binilisan ang takbo ng kotse)

XI Narrator: Sa malayo pa lang nakikita na ang malawak na usok na kumakalat sa hangin. Nangangamoy na rin ng abo ang lugar nila Luisa. Luisa: Oh my God! Please Lord, huwag po ang bahay namin. Narrator: Ngunit sa pagliko ng kotse nakita na nila ang natitirang pundasyon ng kanilang bahay. Natupok na ng apoy ang kanilang malaking tirahan. Napuno ng kalungkutan si Luisa, hindi niya matiis na tingnan ang kanilang pinaghirapan ng kanyang asawa na biglang mawala. Ang kanyang asawa, na kanyang tinulungan na mapagawa itong dream house nila. Ang kanyang asawa! Bigla niya naalala si Mateo. Dali-daling lumabas siya ng kotse. Laura: Luisa!! ANAK!! Diyos ko! (Yinakap) Luisa: Tita! Anong nangyari dito? Asan si Mateo? Laura: Diyos ko!! Patawarin mo ako! Luisa: Asan po siya? Si Mateo?!! Laura: Anak ko, hindi na siya naabutan ng mga bumbero! Naiwan siya sa loob! Bigla kasing bumagsak yung bubong. Luisa: (Naiiyak) Sinong naiwan?! Si Mateo?!! Si Mateo ko?!! Laura: (Tumango) Luisa: (Tinulak si Luara at tumakbo patungo sa nasusunog pang bahay) AAAAaaaaaaah!! Mateo!! Mateo ko!! MATEO!! Huwag kang magaalala! Papunta na ako mahal!! Jakob: (Tinigil si Luisa) Luisa!! Huwag!! Luisa: Bitawan mo ako!! Mateo! Mateo… (Umiyak na lang) Sally: Luisa, I’m so sorry…

Luisa:

Laura: Luisa: Jakob: Luisa: Luara: Luisa: Laura: Luisa: Laura: Luisa: Sally: Luisa: Laura: Luisa: Laura:

Luisa: Laura: Luisa:

Aaaaaarrrgh!! Laura! Hanggang kaialan mo ba matatago itong sikreto mo sa aming dalawa ni Sally?! Ha?! Bakit kailangan mong itago sa amin?! Sabihin mo! Ha? Anong pinagsasabi mo? Demonyita ka! Bakit hindi mo sabihin na ang totoo?!! Luisa, tama na… Tigilan mo ako Jakob! Luisa, iha, tama na. Hayop ka! Sabihin mo na ang linilihim mo sa amin! Ngayon din! Sabihin ang alin?! Na magkapatid kami ni Sally! Kung nuon mo pa sana ito sinabi sa amin, hindi na sana nagkaganito! Anong pinagsasabi mo, Luisa? Hindi kita maintindihan! Sabihin mo na!! SABIHIN MO NA!! Luisa, tama na! Sabihin mo na!! Gusto kong marinig sa bibig mo na magkapatid kami. Hindi kayo magkapatid! Na aano ka na ba Luisa? Anak kita at kapatid mo sina Mary at Joyce at hindi si Sally! Inampon mo lang ako! Hindi mo ako anak! Sabihin mo kung sino ang aking mga magulang at totoong kapatid! (Nagalit na) Oo! Tama ka! Ampon ka lang! Hindi ko kilala ang iyong mga magulang dahil iniwan ka lang sa aming pinto! Pinalaki kita tulad kung paano ko papalakihin ang sarili kong anak! Ngunit, hindi mo kapatid si Sally! Sino ba nagsabi sayo niyan, Luisa? Sino?! Puro kasinungalingan! Ang totoo, Laura! Gusto ko malaman ang totoo! Sinabi ko na, ang dapat mong malaman. Hindi mo kapatid siya. Bakit hindi mo kayang sabihin ang tunay na nangyari? Bakit, Tita? Bakit?

Laura:

Luisa:

Sally: Luisa: Sally: Luisa:

Sally:

Luisa: Sally:

Dahil wala naman kailangan pang sabihin. Kaya kung maaari, Luisa, umuwi na tayo upang pag-usapan natin ito sa mas-pribadong lugar. Ayaw ko! Makakapag-hintay pa iyon. Ngunit ang kasalukuyang nangyayari sa buhay natin ay hindi! Kailangan kong bumalik duon sa manghuhula. Kailangan ko itong tapusin upang matigil na itong sunod-sunod na patayan. Mateo, mahal, patawarin mo ako ngunit kailangan kong umalis muna. Ngunit babalikan kita at magmamalasakit ako sa iyo. Pangako… (Sasakay na sa kotse) Luisa! Hintay! (Lumingon) Ano? Kailangan mo ng tulong, sasama ako. Huwag na, Sally. Hanggang dito ka na lang. Delikado na itong gagawin ko. Salamat na lang sa mga tinulong mo sa akin. (Tumango) Naiintindihan kita ngunit hindi ako papayag na hayaan ka na lang basta-basta. May ginawa akong pananan-palataya nuong panahon. Naalala mo pa ba? Best friends for ever. (Ngumiti) Oo, Sally. Naaalala ko pa. So, ano pa hinihintay natin? Let’s go.

XII Narrator: Sa bahay ni Madame Damin… Luisa: (Kumakatok) Tao po! Madame Damin? Sila Luisa at Sally po ito. Kami ho yung nagpahula sa inyo kaninang umaga. Please po, kailangan namin po kayo makausap. Damin: (Binuksan ang pinto) Kayo na naman? Ano? Nalaman niyo na ba na magkapatid kayo? Sally: Hindi kami sigurado, pero kung magkapatid talaga kami at nasukob. Paano naming ito maiitigil? Damin: Halika na kayo dito sa loob at pag-usapan natin tungkol diyan. Luisa, Sally: (Pumasok)

Damin:

Luisa: Damin:

Sally: Damin:

Sally: Damin: Sally: Damin:

Sally: Luisa: Damin: Sally: Damin: Sally: Luisa:

Nung pag-alis niyo kanina, agad-agad naman akong naghanap ng paraan upang matigil itong sukob. At sa kinarami-raming mga libro kung hinanapan, isa lang ang nagsaad ng paraan at hindi niyo ito magugustohan. Ano po? Teka, bago ko itong sabihin sa inyo dapat sigurado na kayo na magkapatid na talaga kayo dahil kung hindi, pinapayuhan ko kayo na huwag gawin ang aking sasabihin. Ano po ang paraan? (Hingang malalim) Kailangan na may magsakripisyo sa inyong dalawa upang mapahinto ang sumpang ito. Ngunit, gaya ng sinabi ko, posibleng hindi sukob ang dahilan ng mga panyayaring ito. Pwedeng ibang sumpa o kaya— Pero sabi niyo na ang sukob ang may pinakamalaking posibelidad? Oo. At sa pagsasakripisyo, ay ibig mong sabihin ay— Oo. Tama ang iniisip mo. Kailangan magpakamatay ang isa sa inyo, sa lugar kung saan lahat ito ay nagmula. Ha? Ang gustong sabihin niya ay dapat magpakamatay sa simbahan kung saan tayo kinasal, sa Manila Cathedral. Oo, tama ka iha. Ngunit, hindi ko kayo pinapayuhan na gawin niyo ito. Wala na po talagang ibang paraan? Subukan niyong magpa-bless sa isang pari, baka mawala itong kamalasan. Pero maliban doon, wala na. O sige po. Magpapa-bless po kami sa pari. Tara na Luisa. Hindi! Lahat lang ito mga baka sakali. Ang kailangan na natin ay ang sigurado. Hindi na natin kayang magsayang pa ng oras dahil ang buhay ng ating

Damin:

Luisa: Sally: Damin:

Luisa: Damin: Luisa: Sally: Luisa: Sally: Luisa: Sally: Luisa:

Sally: Luisa: Sally: Luisa: Sally: Luisa:

pamilya ay nakasalalay. Kapag ginawa po naming itong pagsasakripisyo, matatapos na po ba ito? Oo, pero uulitin ko, huwag niyo na itong gawin. Please, bata pa lang kayo at mayroon pang maliwanag na kinabukasan ang naghihintay sa inyo. Aanhin pa ba ang maliwang kinabukasan kung ang kasalukuyan ay lahat kadiliman at patayan. Luisa! Huwag kang magsalita ng ganyan! Wala sa ating dalawa ay mamamatay. Oo, tama ang iyong kaibigan. Pakinggan mo siya, sigurado ako na meron pang iba na mga paraan na hindi pa natin nalalalaman. Kung ikaw ang tatanungin, Madame Damin. Meron pa ba? (Natahimik na lamang) Sinabi ko na nga ba. Wala namang iba. Talagang ito ang tanging paraan. (Tumayo at lalabas na ng pinto) Luisa? Saan ka pupunta? Anong gagawin mo? Pupunta akong Manila Cathedral at bibigyang katapusan ang kamalasang ito. Ha?! Huwag, Luisa! Huwag mong gagawin iyan. Paano na si Tita Luara? Kaya na niyang mabuhay ng mag-isa. Paano si--Sino pa ba, Sally? Wala na ang mga taong nagmamahal sa akin. Patay na silang lahat. Sino pa ba? (Natahimik) Aalis na ako. Paalam. (Naglakad ng palayo) Luisa! Merong pang tao na nagmamahal sa iyfo na buhay pa. (Lumingon) Paano na ako? (Yinakap si Sally at umiyak) Huwag kang magaalala, best friend. Nariyan pa si Jakob para sa iyo. At sigurado akong hindi ka niyang papabayaan.

Sally: Luisa:

Sally:

Luisa:

Please, Luisa. Huwag mo na itong gawin. Hindi pwede. Dahil kapag hindi ko ito ginawa mawawala rin ang mga nagmamahal sa iyo. At hindi ko iyan kayang tanggapin. And besides, magkikita pa man tayo. (Umiiyak, tinanggap na ang desisyon ni Luisa) Hindi kita malilimutan. Lagi kitang ipagdarasal. Sigurado akong mahihirapan akong makahanap na panibagong kaibigan. I love you, Luisa at salamat sa lahat. (Umiiyak na rin) Ako rin, hindi rin kita kakalimutan. Babantayan kita kapag naroon na ako sa taas. Salamat rin Sally. Salamat rin sa mga kasiyahan na ibinigay mo sa akin and thanks for the memories. I will for ever cherish those moments. Salamat, kapatid at paalam.

XIII: Epilogue Narrator: Malungkot at umiiyak na umuwi si Sally sa kanilang bahay. Yinakap niya si Jakob na taimtim naming sinalubong siya. Mahirap sa kanya na tanggapin na wala na ang kanyang pinaka-matalik na kaibigan na parang na din niyang kapatid. Pagkalipas ng ilang araw, naging ng mapayapa ang buhay at wala ng namatay sa kanilang mga kakilala. Totoo nga ang sinabi ni Madame Damin na hindi na magpapatuloy ang mga patayan pero sa kapalit ng buhay ng isang tao. Masaya na ngayon si Sally at unting-unti na siyang nakaka-move on sa pagkamatay ni Luisa. Lilipat na nga sila ng bahay ni Jakob sa isang probinsya upang makalimutan na ang nangyari. Doon na rin sila magsisimula uli ng kanilang buhay. Sa loob ng kotse papunta sa kanilang bagong bahay… Jakob: (Nagda-drive) Hay naku, honey. Nasasabik na ako na makita ang bago nating bahay.

Sally:

Jakob:

Jakob:

Sally: Jakob:

Sally: Jakob:

Ako rin nga. Halos naiimagine ko na ang buhay natin dun. Walang problema sa polusyon, walang stress. Parang ang saya doon, Jakob. Oo nga. Sana naman mababait ang ating mga neighbor para wala talaga tayong problema. (Nagring ang cellphone ni Jakob) Hello? Tita Laura? O, kamusta ka na? Maayos lang ba ang-- Ha? Ano ho? Anong bagong sikretong gusto mong ipaalam? Ano po pinagsasabi niyo? Magkapatid? Sino? Ako? Hindi kita po maintindihan? Magkapatid kami nino? Dahan-dahan lang po tita. Ang bilis mo naman magsalita. Ha?! Magkapatid kami ni Sally?! Ano po ang sinasabi niyo? Hello? Hello? Sino ka? Asan si Tita Laura?! Bakit may sumisigaw? Hello? (Nanlaki ang mata) Ano iyon? Anong sinasabi niya na magkapatid tayo?! Ewan ko nga. May narinig na lang ako na boses na may sinasabi na parang “—ukob… tapos narinig ko na lang na sumisigaw si Tita Laura, at naputol na yung linya. (Natulala) Teka! Bakit parang may gumalaw sa rear view mirror?!! (Lights Off)

”To have and to hold from this day forward, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part.”

All

Rights

Related Documents