Isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat! Taas noo Rizaleno!
Tayo po ay nagkakatipon sa umagang ito upang ipagdiwang ang taunang Kindergarten Moving Up ng Paaralang Elementarya ng Madilaydilay na may Paksang “PAGKAKAISA SA PAGKAKAIBA-IBA: KALIDAD NA EDUKASYON PARA SA LAHAT.”
I. UNANG BAHAGI (Pagpasok ng mga kikilalanin, mga magulang, mga guro at mga panauhin). Upang simulan ang palatuntunan sa araw na ito, saksihan po natin ang pagpasok ng mga batang kikilalanin sa kindergarten, mga magulang, mga guro, mga panauhin mula sa DepEd Family sa pangunguna ng ating pinunong Namamahala, Tanggapan ng Tagamasid Pampurok ng Purok ng Tanay II-A, Gng. Nenita A. Gaspar. Gayundin po ang galing Sangguniang Barangay sa pamumuno ng ating Punong Barangay, Kgg. Gregorio C. Manalo
II. IKALAWANG BAHAGI (Pambansang Awit/Panalangin) Pilipinas, bansang pinagpala, buhay ay inalay ng maging Malaya. Ating awitin ng buong pagmamahal at pagmamalaki ang Pambansang Awit ng Pilipinas, Lupang Hinirang sa pagkumpas ni Jhaedi More M. Tabayag, batang kikilalanin… na sussundan ng Panalangin sa pangunguna ni Charles Kraven A. Berja, Batang kikilalanin.
Pag-awit ng HIMNO CALABARZON MARCH, RIZAL MABUHAY, AT TANAY DAKILA KA
Manatili po tayong nakatayo para sa pag – awit ng Himno ng CALABARZON, Rizal Mabuhay at Tanay Dakila ka sa pagkumpas ni G. Ramil B. Dela Cruz, Guro sa ikaapat na baitang.
Maaari na pong maupo ang lahat.
Bating Pagtanggap Atin pong pakinggan ang bating Pagtanggap ng aming butihing punong-guro, G. Roberto L. Musa.
Maraming salamat po.
Pagpapakilala sa mga Kindergarten Completers, Pagpapatunay at Pagpapatibay ng mga batang completion
Mga isipang pinanday, handa nang makibaka. Sa susunod na hakbang ay di nangangamba, sila po ngayo’y ating tingalain at bigyan ng pagkilala.
Ang PAGPAPAKILALA sa mga batang completers na gagampanan ng ating Officer In Charge (OIC), G. Jessie T. Manalo ….na PATUTUNAYAN ng pinuno ng ating paaralan, G. Roberto L. Musa. Susundan ng PAGPAPATIBAY ng Completion sa pangunguna ng ating pinag kakapitaganang pinunong Namamahala, Tanggapan ng Tagamasid Pampurok ng Purok ng Tanay II-A, Gng. Nenita A. Gaspar.
Maraming Salamat po!
Paggawad ng Katibayan ng Paglilipat Antas Tunghayan po natin ang paggagawad ng katibayan ng Paglilipat antas sa mga batang completers na pangungunahan ng ating punongguro, G. Robert L. Musa.
Inaanyayahan sa tanghalan ang gurong tagapayo ng mga batang completers,Gng. Donna Sheena M. Saberdo. Maraming salamat po. Mga bata, nawa’y ang katibayan na inyong natanggap ay magsilbi ninyong inspirasyon upang lalong higit na magpursigi na matuto at madagdagan pa ang inyong kaalaman, Na siya naman ninyong magagamit sa pagkamit ng inyong mga pangarap.
Paggawad ng laso at sertipiko sa mga natatanging mag – aaral
Inaanyayahan po sa tanghalan ang Pinuno ng Paaralan, G. Roberto L. Musa, gayundin ang Kapitan ng Barangay, Kgg. Gregorio C. Manalo at kagawad ng Barangay, Kgg. Joel B. Villamor upang maggawad ng mga laso at sertipiko sa mga natatanging mag – aaral.
Muling inaanyayahan sa tanghalan ang gurong taagapayo ng Kindergarten, Gng. Donna Sheena M. Saberdo.
Bigyan po natin ng masigabong palakpakan ang mga natatanging mag-aaral.
Sa yugtong ito, makakarinig po tayo ng isang mensahe na magmumula sa ating butihing punong Barangay Kgg. Gregorio C. Manalo. Salamat po kapitan sa isang makabuluhang mensahe. Ngayon po ay matutunghayan natin ang bating pang wakas na ipagkakaloob ng kagawad ng Barangay, Tagapangulo ng Komite ng Edukasyon, Kgg. Joel B. Villamor.
Awit ng mga completers At ngayon ay pakinggan natin ang awit ng mga Batang Completers na pinamagatang “PANGAKO.”
III. IKATLONG BAHAGI Paglabas ng mga panauhin, guro, magulang at mga batang kinilala
Bawat pahina ng buhay ay may simula at katapusan, may ligaya dahil sa nabuong samahan at lumbay dahil sa nalalapit na paghihiwalay. Ngayon po ating masasaksihan ang paglabas ng mga panauhin, mga guro, mga magulang at mga batang kinilala.
PASASALAMAT Ang mga guro at punongguro sa paaralang Elementarya ng Madilaydilay ay buong pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang at iba pang taong may magandang kalooban na kusa at walang sawang nagkaloob ng kanilang tulong upang ang palatuntunan ng Paglilipat taon ay maging ganap na tagumpay.
Ito po ang inyong lingkod, Bb. Jane Carine A. Benitez, na nagsasabing Maraming Salamat po at Mabuhay!
Muli Maraming Salamat po!