MOA-AD Bakit Hanggangg Ngayon ay Pinag-uuspan.doc
Page 1 of 5
MOA-AD - Anong Mapapakinabangan dito ng mga Bangsamoro at taga Mindanao? Posted in http://dxupfm.i.ph/--http://dxup.multiply.com/Jan 14, '09 9:57 AM
Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh. (Ang kapayapaan ay Sumasaatin lahat) Sa muli heto na naman ang inyong, Kaka Alih o si Bapa I Maryam sa programang “Suara Talaiged” (the Voce of the Native Inahabitants) na sumasahimpapawid tuwing ika-anim hanggang ika-pito ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes. Tuloy-tuloy na tayo sa ating mga tatalakayin ngayon gabi ng Martes, 27 ng Enero 2009 at pangalawang gabi ng Safar sa 1430 sa Hijri calendar. Ayon sa Text kagabi: ”DXUP, anong mapapala ng mga taga Mindanao kong napirmahan ang MOA AD?” Ito lang ang text na di natin nasagot dahil kinakapos tayo ng oras kagabi at nangako tayong subukan nating pag-usapan ang MOA AD, ngayon gabi. MOA AD, Nagimbal ang buong mundo, lalo na ang mga Bangsamoro ng mabigo na maisakatuparan ang “pormal” na pirmahan ng Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at pamahalaan ng Pilipinas. Ang MOA AD ang nagiisang solusyon na nabuo at napagkasunduan ng magkabilang panig na nag-gigiyera, at kong minsan ay nag-uusap sa matagal ng panahon Ang layon ng MOA AD ay upang wakasan ang matagal na hidwaan at sigalot sa pagitan ng kalakhang estado ng Pilipinas at ng mga Bangsamoro sa Mindanao. Napaloob din sa kasunduan upang tuldukan ang tatlong dekadang digmaan sa Mindanao sa pamamagitan ng pagpapalawak ng Autonomous Region of Muslim Mindanao o ARMM at pagbibigay ng ilang kapangyarihang administratibo sa mamumuno sa itatatag na BJE. Tinatayang
MOA-AD Bakit Hanggangg Ngayon ay Pinag-uuspan.doc
Page 2 of 5
mahigit na 700 barangay sa Sultan Kudarat, Lanao Del Norte at North Cotabato ang maidaragdag sa ARMM kung matutupad ang kasunduan. Nakatakda sanang lagdaan ang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas , sa pangunguna ni Presidential Chief Adviser on Peace Process Hermohenes Esperon, at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pangunguna naman Mohagher Iqbal, punong negotiator ng MILF, noong ika-5 ng Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia. Isang araw bago pa magkakapirmahan -Agosto 4 pa lamang ay dumating na ang mga imbitadong mga lider, kilalang diplomats, stakeholders at reporters sa buong mundo sa Kuala Lumpur, Malaysia. Nakakalunos isipin na hindi pa man pormal na napagtitibay ang nasabing kasunduan, pinukol na ito ng batikos at kritisismo mula mga lider na sila sana ang mangunguna upang lutasin ang problema ng mamayan. Tulad ni Zamboanga City Mayor Celso Lobregat. Simpleng rason: “….walang pormal na konsultasyong isinagawa ang pamahalaan” sa mga lugar na masasakop ng Bangsamoro Juridical Entity (BJE). Ang salungat na lider sa MOA AD at naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang layon nais lamang malinawan sa nilalaman ng MOA-AD, kaya agad naman naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang korte upang pigilan ang pirmahan. Sa kabilang banda, habang patuloy na pinagtatalunan ang legalidad ng nasabing kasunduan, hindi naman maiiwasang sumulpot ang mga spekulasyong na nais manatili ni Pangulong Arroyo sa puwesto. Hindi kaila sa marami na masugid siyang tagapagtaguyod ng pagbabago ng sistema ng pamahalaan -- mula sa sistemang presidensiyal tungo sa parliyamento. Sinasabi ng ilang kritiko na ang hakbang tungo sa MOA-AD ay katumbas ng palihim na paniniguro ng pangulo na maipagpapatuloy ang kanyang pagkapangulo sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2010. Ayon sa mga kritiko, ang probisyong nilalaman ng MOA-AD ay nangangailangan mismo ng suporta mula sa konstitusyon, at dahil hindi ito pinahihintulutan sa kasalukuyang saligang batas, kailangang magbago ng konstitusyon. Kabilang dito ang pagkilala sa mga heograpikal at paghihiwalay ng kapangyarihan na inaasahang magiging mapagtaya sa pagbabago ng umiiral na batas sa kapuluan. Dahil sa mga ganitong pagbatikos, nakikini-kinita na ng mga kritiko ang pag-gamit ng pamahalaan ni Gloria sa isyu ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao upang matuloy ang mga personal na balak at intensyon ng iilan. Sa ganitong tagpo, hindi lingid sa sambayanang Pilipino ang mahabang pakikibaka ng mga Muslim sa katimugang Pilipinas. Pakikibakang maghahatid ng tunay na kapayapaan, katiwasayan at kaunlaran sa mayamang lupain ng Mindanao. Ang MOA-AD ay pagkilala sa kahalagahan ng pagbibigay-pansin sa mga lehitimong hinaing ng
MOA-AD Bakit Hanggangg Ngayon ay Pinag-uuspan.doc
Page 3 of 5
mga kapatid nating Muslim ngunit sa hindi maiiwasang pagkakataon, ay hindi nilulubayan ng marka ng maruming pulitika ang sana 'y isang kasunduang magpapatatag pa sa Mindanao dilang bahagi ng estado ng Pilipinas na nag-aasam lamang ng kalinga, pansin at pantay na pagtingin. Ang mga makasariling intensyon na naglalagay sa bansa sa bingit ng alanganin ay inaasahang magbibigay sa sambayanan ng dagok na magdidiin pa lalo sa atin sa malalim nang mga problema na nais nating lagpasan para makamtan ang kaunlaran at kasaganaan. Sa ngayon, patuloy ang pag-inog ng kwento ng Memorandum of Agreement at ng BJE. Mga kwentong magsasapin-sapin pa't patuloy na guguhit ng mas malalim na mga sugat sa ating kasaysayan. Mga sugat na noon pa natamo ng isang bansang nais lumipat patungo sa paraiso-ang bansa ng Bangsamoro. Heto pa ang isang Text, bagamat nasagot na natin, para sa kaliwanagan ng lahat medyo babalikan natin: “Kaka, gusto kong itanong kong bakit hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng mga peace advocates, lalong lalo na ninyong mga Bangsamoro ang MOA-AD, hindi ba wala na iyan, dahil inihayag na ng supreme court na “unconstitutional”? Sagot ni Kaka Alih: Ang ginawa ng korte suprema, na diniklarang ”unconstitutional” ang MOA-AD ay katulad na din sa pagdeklara na walang karapatan ang mga Bangsamoro na masolb ang kanilang malaking problema, ang katarungan na inagaw at ipinakagkait na maibalik sa kanila, ang pagmamalakad ng pamamahala sa kanilang mga mamayan at Sultanato, kahit na umalis na ang mga mamankop na Espanya at Amerika. Kinakailangan marahil na malaman mo (natin) kaibigan ang mga ilan sa mga mahahalagang puntos na nakapaloob sa Memoramdum of Agreement ng Ancestral Domain (MOA-AD). Napakahalaga ito kaibigan na malaman natin dahil ang nasabing kalatas na ginawa at napagkasunduan ng GRP at MILF panel sa loob ng 3 taon at 8 buwan at ito ay ang nag-iisang mapayapang sulosyon sa problema ng mga Bangsamoro: I - Konsepto at Paninindigan (concept and principles) 1. Ang Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas (GRP) at ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay nagkasundo at tumalima sa karapatan ng bawat isisilang na Moro at katutubo sa Mindanao upang makilala at tanggapin bilang Bangsamoro. Ang kalayaan pumili ng mga katutubong tao (indigenous people) ay igagalang. 2. Ang pagmamay-ari ng lupang minana ay sa mga Bangsamoro dahil sa kanilang naunang karapatang manatili doon bilang maramihang tumpok ng mamayan na kinikilala ng kanilang mga ninuno simula’t sapul pa at dahil sila ang unang maayos na manirahan doon. 3. Ang dalawang panig na nagkasundo ay tumalima na ang lupang minana ay hindi kabilang sa lupain ng pamahalaan ng Pilipinas bagkos ito’y sumsakop sa lupang minana, pinagkaisahan, nakaugaliang lupain, karagatan, mga lupian at tubig at ang mga likas na kayamanan na sumasailalim sa kaugaliang pagmamay-ari.
MOA-AD Bakit Hanggangg Ngayon ay Pinag-uuspan.doc
Page 4 of 5
4. Ang magkabilang panig ay tumalima na ang Bangsamoro ay ay may karapatan mamahala sa sarili na nag-uugat sa kaugalian pinaman ng mga Sultan sa Sulu, Magundanao at ang Pat a pangampong ko Ranaw. Ito’y mga estado na may sangkap ng bansa sa makabagong panahon. Sila’y mga “Unang Bansa” (First nation) na may teritoryo at sistema ng pamahalaan na nagkaroon ng mga kasunduang pagkakaibigan at pangangalakal sa mga banyagang bansa. Ang dalawang panel ay nagkasundo na ang Bangsamoro Juridical Entity (BJE) ang may karapatan at huridiksyon sa lupiang minana kasama na ang lahat ng lupaing nasasakop ng kanilang pamayanan at kasaysayan. (6) Sa parte naman ng teritoryo o lugar na nasasakop, ay ganito ang nakasaad doon: 1. Ang lupang minana at makasaysayang teritoryo ng Bangsamoro ay ang lupain, karagatan at kalawakan sa itaas ng rehiyon ng Mindanao-Sulu-Palawan. Datapuwat may mga hangganan na pinagkasunduan uko dito: · Ang dalawang panig ay nagkasundo at sumang-ayon na ang kalakhang ng BJE ay ang kabuuan ng kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindananao (ARMM) kasama na dito ang mga municipyo ng Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagoloan at Tangkal sakop ng lalawigan ng Lanao Del Norte, na bumuto upang mapasama sa ARMM noong plebisito sa 2001. (1-c) · Ang GRP ay sumang-ayon na siyang magsagawa ng isang plebisito sa loob ng labing dalawang (12) buwan pagkatapos mapirmahan ang MOA-AD sa lugar na napabilang sa listahan at ipinakita sa mapa bilang Category A na hindi lalabag sa kasunduan. (1-d). · Sa Panloob na karagatan, ang BJE ay may huridiksyon sa pamamahala, pagtitipid, pagpapaunlad, pangangalaga, paggamit at pagpapabili sa lahat ng likas na yaman, may buhay man o wala, na sakop ng karagatan sa layong labing kilometro (15 KM) mula sa dalampasigan ng BJE. (1-f) 2. Lahat ng mga teritoryo at lugar sa Mindanao at ang mga kalapit na isla kasama ang Palawan at Sulu na nakilala at naihiwalay bilang lupaing minana ng mga Bangsamoro, kasama na ang mga panirahan doon at ihiniwalay na lupain ay maaring gawin o limbagin bilang pamayanan ng mga Bangsamoro kong saan ang pagkapantay-pantay ng mga tao at may paggalang at proteksyon sa karapatang sibil, pamamahala, pangkabuhayan at pangkultura. (4) Sa parte naman ng likas na yaman na nasasakop, ay ganito ang nakasaad doon Kaibigan: · Ang BJE at ang Pamahalaan Nasyonal ay nagkasundo na pagbabahaging yaman na naayon sa pinakasunduang porsyento pumapabor sa BJE sa pamamagitan ng isang kasunduan pagtutulungan sa kabuhayan sa kita na galing sa pagbungkal, paggamit at pagpapaunlad ng likas na yaman para sa kapakanan ng mamamayang Bangsamoro. (3) · Ang BJE ay malayang makipagkasundo sa anumang pagtutulungan pangkabuhayan at pangangalakal sa mga banyagang bansa subalit ang naturang kasunduan ay hindi makakasama sa pamahalaan ng Pilipinas, subalit ang obligasyong pagtatanggol mula sa dayuhang mananakop ay mananatili sa GRP. (4) · Ang paghahati ng BJE at GRP mula sa pangkalahatang produksyon ay 75%-25% pabor sa BJE. (6) · Ang mga lehitimong hinaing ng mga Bangsamoro na nagmula sa makatarungan pagkawala ng
MOA-AD Bakit Hanggangg Ngayon ay Pinag-uuspan.doc
Page 5 of 5
kanilang lupain at mga ari-arian at ang kanilang pagkamaralita ay dapat kilalalanin, kong sakali mang hindi maaring isauli ang mga ito, ang Pamahalaan ng Pilipinas (GRP) ay dapat gumawa ng mabisang pamamaraan upang mabayaran at mabinyayaan ang mga Bangsamoro. (7) · Ang dalawang panig ay tumalima sa madaliang pangangailangan upang magkaroon ng 5kataong Bangsamoro “Economic expert mission” na isinasang-alang-alang ang pagsulong ng ekonomiya at pananalapi at ipa pang kasangkapan sa pag-unlad na patakbuhin ng Bangsamoro Development Agency (BDA) lalong-lalo na sa koordinasyon at pagtutulungan sa lahat ng Gawain. Sa Pamamalakad (governance) · Ang pagkilala at pamayapang pag-ayos ng guo ay dapat magmula sa pakikipagsangguni sa mga mamamayang Bangsamoro na walang pilitan upang magkaroon ng pag-asang magtagumapay at buksan ang makabagong pamamaraan ng pangmatagalan upang matugunan ang adhikain ng mamayang Bangsamoro. (1) · Ang tunay na layunin para mailuklok ang BJE ay upang matiyak ang kanilang pagkatao at mga salinlahi, protektahan ang kanilang ari-arian at kayamanan at upang maitayo ang sistema ng pamahalaan angkop at katanggap-tanggap sa kanila bilang kakaibang mamamayan. Igagalang din ang karapatang mamili ng mga katutubong mamamayan. (3) · Ang relasyon ng Pamahalaan Sentral at ang BJE ay dapat pakikipagtulungan na may pinagtulungan autoridad at responsibilidad na may hiwalay na ehikutibo, lehislatura, hidikatura at institusyong administratibo na may poder at tungkulin na makikita sa malawakang kasunduan (comprehensive compact ). Anumang nilalaman ng MOA-AD na nangangailangan na amendahan ang mga kasaklukuyang batas ay magkakabisa pagkatapos pirmahan ang malawakang kasunduan at naayon sa pinaksunduang panahon na hindi lalabag sa naunang kasunduan. (4) · Ang partidong nagkasundo ay sumang-ayon na ang BJE ay may poder na magtayo, magpaunlad at magpanatili ng kanyang kasangkapan kasama na ang serbisyo sibil, pagpili ng magsisilbi, pananalapi at bangko, edukasyon, lehislatura, legal, pangkabuhayan at pulisya at panloob na seguridad, sistemang hidikatura at mga kulungan na kinakailangan para sa pagsulong ng maunlad na lipunang Bangsamoro sa ang detalye nito ay pag-uusapan sa malawakang kasunduan. (8) (Note: bahagi ng script na ginamit ni Kaka Alih sa programang "Suara Talainged" Jan. 27, 2009-ang Suara Talainged ay programa sa DXUP FM tuwing 6:00-7:00-Lunes hanggang Biyernes)