KATITIKAN NG BUWANANG PULONG NG KOMISYON NG LITURHIYA NG PAROKYA NI SANTIAGO APOSTOL NA GINANAP NOONG IKA-9 NG OKTUBRE, 2016 SA SILID ARALAN NG VOCTECH ------------------------------------------------------------------------NAGSIDALO: HINDI NAGSIDALO: 1. REV. FR. GARY TORIBIO, Spiritual Director 1. Linda Magsakay, Apostolado 2. LEOBIN GERUNDIO, Chair 2. Ted De Jesus, Camarero 3. JOJIT YUZON, Vice-Chair., PMM 3. SPPC Bagong Silang 4. MA. CECILIA ESPINO, Sec., LeCom 4. SPPC Balante 5. MITZ GATCHALIAN, Treas., Sto. Niño 5. SPPC La Mirada 6. TESS POLINTAN, Aud., Ostiarates 6. SPPC Tabang 7. JAY DAYAO, PRO, Banga 2nd . 7. Beth Javier, MBMG 8. LUVIM TUAZON, Altar Servers 8. SPPC Lalangan 9. ZALDY JUGUETA, TTBP 9. SPPCF Agnaya 10. ERNIE DELA PEÑA, ANF 10. Kapatiran ng Nazareno 11. CINDY SEBIO, Sakristan Mayor 11. SPPC Sumilang 12. JULIE GALLEGO, Sta. Ines Proper 12. SPPC Parulan 13. LINA LEONZON, Poblacion 14. DAISY BELEN, Banga 1st 15. ZENAIDA VICTORIA, Lumangbayan 16. AYEN ALEJANDRO, Komisyon sa Kabataan -----------Sinimulan ang pulong sa ganap na ika-10:00 ng umaga sa pambungad na panalangin ni Sis. Daisy Belen. Ang ebanghelyo para sa araw na ito ay binasa ni Bro. Jay Dayao. Isinunod ang maikling katahimikan para sa pagninilay. Nagbahagi sina Sis. Tess Polintan at Bro. Jojit Yuzon ng kanilang mga karanasan. Matapos ang mga pagbabahagi ay binasa ng tahimik ang nakaraang katitikan. Nagkaroon ng ilang pagtatama tulad ng napansin ni Bro. Jay na dalawa ang pangalan ni Sis. Lina Leonzon (Lina Leonzon at Lina Leongzon). Nabanggit rin ni Fr. Gary na kailangang kasama na sa attendance shhet ang pangalan ni Sis. Cindy dahil siya ang Sakristan Mayor ng parokya. Makaraan ang ilang pagtatama ay pinagtibay ito ni Bro. Jay na pinangalawahan naman ni Bro. Jojit. BUSSINESS ARISING: 1. Ayon kay Bro. Leobin ay nagging maayos ang pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Correa na pinangunahan ng Confradia dela Correa. 2. Nuong ika-27 ng Setyembre, sa paggunita sa ika-414 ng pagkakatatag ng parokya ay napansin niyang halos puro BEC cell groups/members ang dumalo sa Pilgrim Walk at iilan lamang ang dumalo mula sa komisyon. 3. Nuon namang Setyembre 26 na kung saan ang komisyon ang tagapanguna sa nobenaryo, mapapansin na iilan lang din ang dumalo at nakiisa sa Misa na mula sa mga samahan ng Liturhiya kaya’t nabanggit niya na kung pwede ay paalalahanan ang mga myembro ng bawat samahan/ministry na kinakailangang makiisa sila sa mga pagdiriwang ng parokya. FR. GARRY’S CONCERN: 1. Kaugnay sa pagpapatubog ng mga Sacred Vessel, nabanggit ni Fr. Garry na kung sakaling mas mura na lang ang bumili ng mga bagong Sacred Vessel kesa sa magpatubog ay bumili na lamang at itago na lang ang mga lumang kagamitan sa Misa kaysa mapamahal pa sa pagpapaayos ng mga ito. 2. Napansin nyang wala paring naglalagay ng Holy Water sa mga bisita. 3. Linising mabuti ang mga pinaglalagyan ng Holy Water bago ito gamitin upang maiwasan ang pagkakaroon ng alikabok o dumi. 4. Pina-alaala rin niya na ang Corporal lang ang binabaligtad kapag pina-plantsa at hindi ang purificator. 5. Ayon kay Fr. Garry, na ayon sa GIRM,Alak at Tinapay lamang ang kinakailangan ialay sa oras ng pag-aalay at hindi ang kandila at bulaklak. Sapagkat ang mga ito ay sa birhen inilalagay at hindi dapat sa altar. Bunsod nito, nabanggit niya na kung siya ang magmimisa, wag nang ialay ang kandila at bulaklak. Sinabi rin niya na mag-assign na agad ng mga taong magdadala ng alak at ostya bago magsimula ang Misa upang maiwasan na kung kalian panalangin ng Bayan ay saka maghahatak ng taong mag-aalay. 6. Huwag ilalagay sa altar ang mga inialay na in-kind (sardinas, biskwit,prutas, etc.) sa halip dapat itong ilagay sa isang lamesita sa isang sulok o maaari rin naming iderecho na ito sa sakristiya. 7. Concern naman ni Bro. Jojit sa mga Lecom na kung maaari ay pag-ingatan ang paggamit ng mga mikropono sa altar upang maiwasan ang pagkasira nito. Suhestyon ni Fr. Garry na kung maaari ay may stand ang mike para hindi na ito galawin at hawakan. 8. Nabanggit rin ni Fr. Garry na may mga bisita na kahoy parin ang altar. Hanggat maaari aniya ay naka-fixed ito at hindi maaring matinag o matanggal.
9. Napansin rin niyang may mga bisitang walang sacristan kaya’t hinimok niya na mag-recruit ang bawat SPPC upang may mag-serve sa mga misa sa baranggay. Nagbigay ng Bendisyon si Fr. Garry sa mga dumalo sa ganap na ika-11:11 ng umaga sa dahilang siya ang nakatakdang magbinyag. AGENDA 1. PAGDIRIWANG NG BUWAN NG SANTO ROSARYO- nagpamahagi ng programa ukol sa mga gawain sa buwan ng Oktubre at hinikayat ni Bro. Leobin na makiisa ang lahat. AGENDA 2. – PARADA NG MGA BANAL- Dumalo si Sis. Ayen ng Komisyon sa Kabataan sa pulong ng Liturhiya upang magpamahagi ng programa para sa parada ng mga banal. Tinalakay nya rin ang ilang detalye sa gagawing pagdiriwang na ito na gaganapin sa ika-31 ng Oktubre, 6pm.
IBANG BAGAY : 1. Ipinaalala ni Bro. Leobin ang nalalapit na pagdiriwang ng Kristong Hari na gaganapin sa Bisita ng Lumangbayan. Gayundin ang nalalapit na panahon ng Adbyento kung kaya’t sinabi niya na ihanda at linisin na ang mga advent wreath ng bawat bisita. Wala nang pinag-usapan kung kaya’t itinindig ang pulong sa ganap na ika-11:39 ng umaga sa pangwakas na panalangin ni Bro. Luvim
INIHANDA NI: SIS. CECIL ESPINO Kalihim BINIGYANG PANSIN NI:
LEOBIN GERUNDIO Chairman
PINAGTIBAY: REV. FR. EDGARDO TORIBIO, JR. Spiritual Director