Mga Sense Organ - 1b

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Mga Sense Organ - 1b as PDF for free.

More details

  • Words: 676
  • Pages: 6
UNAWAIN ANG PAGGANA NG ATING MGA SENSE ORGANS Session Guide Blg. 1B I

MGA LAYUNIN 1. Naipaliliwanag ang gamit ng tainga 2. Natutukoy ang mga bahagi ng tainga 3. Naipaliliwanag ang gamit ng mga bahagi ng tainga 4. Nakagagawa ng paraan para mapangalagaan ang tainga

II

PAKSA A. Aralin 1B : Ang Pandinig; pahina 9-16 Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay: Kakayahang makiisang damdamin, pansariling kamalayan, pag-aangkop ng sarili sa mga emosyon o saloobin, kasanayang magpasya o magdesisyon at kasanayang makipagkapwa o makibagay sa kapwa B. Kagamitan : Larawan ng tainga, manila paper, pentel pen, scotch tape

III

PAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral Isang Tanong, Isang Sagot a. Anong sense organ ang ginagamit upang makita ang kagandahan ng kapaligiran? b. Anu-anong parte ang bumubuo sa panlabas na bahagi ng mata? c. Paano dumadaloy ang imahen na natanggap ng mata papunta sa utak? Ang pinakamaraming sagot ang panalo. 2. Pagaganyak 1. Patayuin ang mga mag-aaaral.

2. Magparinig at gayahin ang tunog ng iba’t ibang uri ng hayop. 3. Magparinig at gayahin ang tunog ng sasakyan, ulan at bagyo.

B. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad Magbrainstorming session sa klase. pasagutan ang mga sumusunod na tanong: a. Anong bahagi ng katawan natin ang ginagamit upang marinig ang mga tunog na ginawa ninyo? b. Ipakita ang larawan ng tainga. Katulad ng mata, ang tainga ay binubuo ng iba’t ibang bahagi. c. Ipabasa nang tahimik ang Pag-aralan at Suriin Natin sa pahina 9-10. 2. Pagtatalakayan a.. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng manila paper. b. Gagawin ng unang pangkat ang unang bahagi at ang pangalawang bahagi naman sa pangalawang pangkat. Ang sagot ng bawat miyembro ng grupo ay hindi dapat magkapareho. Unang bahagi 1. Gumawa ng balangkas o outline tungkol 3 suson/rehiyon sa tainga at mga bahagi na bumubuo rito. tainga 3 suson/rehiyon

2. Ilarawan ang mga bahagi ng tainga na nasa panlabas na suson. Bahagi

Deskripsyon

Gamit

a. auricle b. external auditory canal Pangalawang bahagi 1. Ilarawan ang panggitnang suson ng tainga at ang mga butong maliliit na matatagpuan dito. Bahagi a. eardrum b. auditory ossicles

Deskripsyon

2. Ilarawan ang panloob na suson ng tainga

Gamit

Bahagi a. cochlea

Deskripsyon

Gamit

3. Bigyan ang bawat pangkat ng 10 minuto upang makapag-isip at maisulat ang ideya na kanilang nabasa. 4. Pagkaraan ng 10 minuto, magpalitan ng papel at ipasulat ang kanilang ideya. 5. Ibabahagi sa bawat pangkat ang kanilang kasagutan sa pamamagitan ng pagpili ng isang miyembro na siyang maguulat 6. Talakayin ang mga naging kasagutan ng mga mag-aaral. 7. Itanong: a. Paano dumadaloy ang tunog sa loob ng tainga? Ipakita sa klase ang daloy ng tunog. tunog eardrum

auricle

external auditory canal

auditory ossicle

cochlea

utak

3. Paglalahat Kunin ang kuru-kuro ng bawat mag-aaral sa pamamagitan ng sagot sa mga tanong na: •

Anong bahagi ng katawan ang ginagamit upang marinig ang ibat ibang tunog?



Ilang suson/rehiyon mayroon ang ating tainga?



Anu-ano ang mga maliliit na buto ang matatagpuan sa ating tainga? Pagsasamahin ang kuru-kuro at buuin tulad nito:



Ginagamit ang tainga upang marinig ang iba’t ibang tunog.



Ang tatlong suson/rehiyon ng tainga ay panlabas na suson, panggitnang suson at panloob na suson. Ang hammer,anvil at stirrup ay mga maliliit na buto na matatagpuan sa ating tainga.



Ipasulat ito sa kanilang individual journal. 4. Pagpapahalaga Ipakita ang ilang gawain na nagpapakita ng paggalang sa mga taong may kapansanan sa pandinig. Humingi ng volunteer para sa gawaing ito. Paglalapat

5.

Magpasulat ng kanilang mungkahi at ipaskil sa pisara. Anu-ano ang mga dapat gawin para mapanatiling maayos at maganda ang ating tainga? Analisahin ang mga suggestion. Magbuo ng consensus sa mga dapat gawin at isulat ito sa pisara. Kopyahin sa kanilang notebook. IV

PAGTATAYA Sagutin ang mga sumusunod: Ano ang Ano ang Ano ang dapat ko Ano ang nalalaman ko? natutunan pang matutunan? naramdaman ko? ko?

V.

KARAGDAGANG GAWAIN 1. Gumupit ng isang artikulo sa newspaper tungkol sa tainga

2. Magsaliksik tungkol sa mga bahagi at gamit ng organ na pangamoy, panlasa at pandama. Ihanda ito upang magamit sa susunod na aralin.

Related Documents

Mga Sense Organ - 1b
November 2019 3
Mga Sense Organ - 2
November 2019 7
Mga Sense Organ - 3
November 2019 10
Mga Sense Organ - 1a
November 2019 7
1b
October 2019 47
1b
November 2019 42