1
KABANATA I MGA SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL Ang bahaging ito ay naglalaman ng pangkalahatang paksa at layunin, paglalahad ng mga problema at suliranin, pagtalakay sa kahalagahan ng pagaaral, paglalatag ng saklaw at limitasyon, at pagbibigay depinisyon sa ibat-ibang terminolohiya.
PANIMULA Sa paglipas at pagbabago ng panahon iba’t ibang mga uso at mga bagay ang tinatangkilik ng bawat mamayang Pilipino. Iba’t ibang mga trends ang lumilitaw at naglipana sa bansa dahil sa impluwensya ng iba’t ibang bansa at ng mga dayuhan. Bukod dito nagbabago rin ang mga gusto at pananaw ng mga tao pagdating sa kanilang pagkain, pananamit, pagsasalita at sa mga palabas o pelikula na kanilang napapanood. Ang panonood ng pelikula ay libangan ng isang pamilya, magkaibigan, at ng magkasintahan. Ito ang nagsisilbing panahon upang magkabuklod-buklod at magkasama-sama ang bawat isa. Sa isang sanaysay na pinamagatang Why Filipinos Love Going to the Movies, sinabi ni Michael Tan (2018) na ang panonood ng pelikula nang sama sama ay isa nang “social activity” ng mga Pilipino. Ang pagbili o paghiram ng Betamax, VHS, VCD at mga DVD ay isang halimbawa ng pagkahilig at pagkanais sa iba’t ibang palabas. Sa kasalukuyang milenyo, malaki ang nagiging impluwensya ng mga banyaga sa bansa pagdating sa larangang ng sining at pelikula. Sa katunayan, maraming mga Pilipino ang nahihilig at patuloy na tumalakilik ng mga foreign movies kaysa sa mga lokal na pelikula o pelikulang Pilipino. Ang pelikula ay isang masining at nakakamanghang paglalahad ng isang kwento na ipinapalabas sa mga sinehan o sa mga telebisyon. Ito ay isang obra
2
na nagpapakita ng damdamin at talento, tradisyon ng isang lugar o bansa, kultura ng isang komunidad, kaugalian ng isang tao o grupo, saloobin ng bawat mamayan at pagpapahalaga ng mga tao sa kanyang bansa at sa lugar na kanilang
ginagalawan.
(http://hiwagangpelikulangbollywood2007-
2008.blogspot.com/2014/10/kabanata-ii-mga-kaugnay-na-literatura.html) Sa pag-aaral na ito na pinamagatang “Epekto ng Pagtangkilik ng mga Pilipino sa Iba’t- ibang Pelikulang Pilipino” nais ng mananaliksik na malaman kung anu- ano ang mga epekto at mga batayan na nakakaapekto sa pagpili ng mga Pilipino ng isang palabas o pelikula.
LAYUNIN NG PAG-AARAL Ang pananaliksik na ito ay naglalayo na malaman ang mga epekto at mga salik na nakaaapekto sa pagtangkilik ng mga Pilipino sa lokal na mga palabas at pelikula. Bukod dito, ito ay naglalayon din na buhayin at gisingin ang puso at kaisipan ng bawat isa sa tamang pagpili ng mga palabas. Layunin din ng pagaaral na ito na makapagbigay ng mga kasagutan kung paano at bakit dapat tangkilikin at suportahan ang pelikulang Pilipino.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang malaman ang iba’t ibang salik o dahilan na nakaaapekto sa pagtangkilik at pagsuporta ng mga Pilipino sa lokal na pelikula ng bansa. Ang mga sumusunod ay ang mga batayan na susuriin at bibigyang kasagutan sa pag-aaral na ito. 1. Anu-ano ang mga bagay na nagtutulak o nakakaimpluwensya sa isang tao para manood ng isang pelikulang Pilipino?
3
2. Paano nakakaapekto ang lokal na pelikula ng bansa sa kaisipan at pananalita ng isang tao? 3. Paano nakaapaekato ang edad sa pagpili ng mga pelikulang tatangkilikin? 4. Bakit patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga foreign movies? 5. Paano mas mahihikayat ang ibang mga Pilipino na tangkilikin at suportahan ang pelikulang Pilipino?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maghatid ng kaalaman sa bawat mamayang Pilipino. Sa tulong ng pag-aaral na ito ay malalaman at matutuklasan ang iba’t ibang salik na nakaapekto sa pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga lokal na pelikula, mabubuksan at maghahatid ng mga kasagutan sa mga mamayan kung bakit mahalaga na pagyabungin ang pelikulang Pilipino. Anuman ang matuklasan sa pag-aaral na ito ay mag sisilbing patnubay at makakatulong sa mga sumusunod:
Sa mga guro. Mabubuksan ang kanilang mga kaisipan at malalaman kung paano mas susuportahan at hihikayitin ang kanilang mga estudyante na manood ng iba’t ibang pelikulang Pilipino na may kapupulutan ng aral. Sa mga pamunuan ng paaralan. Maaaring mabigyang ng pansin ang pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad na may kinalalaman sa pagpapalabas ng pelikulang Pilipino o educational film showing. Magsisilbi rin itong instrumento upang tumaas ang kalidad ng edukasyon na kanilang binibigay. Sa mga magulang. Magsisilbi itong gabay upang mabantayan ang inyong mga anak sa panonood ng hindi kanais-nais na palabas. Maaring hikayatin ang inyong anak manood ng mga lokal na palabas sa tulong ng iyong patnubay.
4
Sa mga mag-aaral. Magsisilbi itong karagdagang kaalaman na kanilang mapapakinabangan sa hinaharap. Makakatulungan sila sa pagsuporta at pagpayabong ng pelikulang Pilipino. Sa mga susunod na mananaliksik. Maaari itong gamitin at makatulong sa iba pang mamanaliksik na may katulad na pag-aaral bilang isa sa kanilang references.
SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga mamayang Pilipino na patuloy tumatangkilik sa pelikulang Pilipino. Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay kung anu-ano ang epekto at mga batayan na nakaaapekto sa pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga lokal na palabas.
Saklaw ng pag-aaral na ito ang
makapaghatid ng mga kasagutan sa pagpapalawig at pagsuporta sa lokal na pelikula. Ang pag-aaral na ito ay kalalahukan ng hindi bababa sa 20 at hindi hihigit sa 50 respondente mula sa pinaghalong estudyante, guro at mga mamayang Pilipino. Ang mga respondente na ito na mayroong iba’t ibang pananaw, persepsyon at edad ay pinili upang mas maging wasto ang pag-aaral o ang pagsusuri.
BATAYANG TEORETIKAL
Ang pag-aaral na ito ay nauugnay sa Planned Behavior Theory ni Ajzen (1975). Ito ang magiging batayan ng mga variables nakasama sa pag-aaral. Ang Planned Behavior Theory ay nauugnay at nakadepende sa paniniwala at kaugalian ng isang tao. Ayon kay Ajzen (1975), ang ugali at
5
paniniwala ng isang indibidwal ay nagbabago dahil sa impluwensya ng nakararami at sa lugar na kanya ginagalawan. Sinasabi ng teorya na ito na ang behavioral attitude ng isang tao ay naapektuhan dahil sa pabago- bagong panahon at kaugalian ng mga indibidwal.
BATAYANG KONSEPTWAL
Input
Process
Output
Profile ng mga repondente: 1. Edad 2. Kasarian 3. Persepsyon ng mga Pilipino sa pagpili ng Pelikula.
Pagkalap at pagsusuri ng mga datus sa pamamagitan ng: * Pakikipanayam * Survey Questionnaire
Malaman ang epekto at batayan ng pagpili ng mga Pilipino sa lokal na mga pelikula at palabas.
Feedback Figure 1 Batayang Konseptwal ng listahan ng epekto at batayan ng pagpili ng mga Pilipino sa lokal na mga pelikula at palabas.
Ang batayang konseptwal ng pananaliksik na ito na ipinapakita sa Figure 1 ay nagsasaad ng iba’t ibang aspekto kailangan sa pag-aaral. Isinasaad sa unang kahon ang input kung saan nakapaloob ang profile ng mga repondente (edad, kasarian at persepsyon ng mga Pilipino sa pagpili ng pelikula). Ang kasunod na kahon naman ay tumatalakay sa proseso kung paano kukuha at
6
susuriin ng mga mananaliksik ang mga datus, samantalang, ang huling kahon naman ay tumutukoy sa output o maaring kalabasan ng pag-aaral.
DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA
Betamax Ito ay isang uri ng videocassette tape na ginawa ng Sony at unang inilabas noong 1975 (urbandictionary.com). Ginamit ang salitang Betamax sa pag-aaral na ito bilang isang bagay na ginagamit ng mga tao upang makapanood ng iba’t ibang pelikula.
DVD Ito ay kilala rin sa tawag na Digital Versatile Disc, isang data storage o video data storage na kadalasang ginagamit upang makapanood ng mga pelikula (depinisyon.com). Ginamit ang salitang ito sa pananaliksik bilang isang makabagong materyal na ginagamit upang makapanood ng iba’t ibang palabas.
Foreign Movies Ito ay mga pelikulang nagmula sa iba’t ibang bansa o pelikula na nagmula sa mga dayuhan. Ginamit ang terminolohiyang upang maihalintulad ang mga katangian at epekto nito sa pelikulang Pilipino.
Lokal Ito ay likas, ordinary at natural na gawain, pananalita o kaugalian ng isang tao o ng isang bansa. Ginamit ang salitang ito sa pagbibigay kahulagan ng sariling atin.
7
Pelikulang Pilipino Ito ang pinakabatang uri ng sining sa Pilipinas at isang popular na libangan ng mga Pilipino. Ginamit ang terminolohiyang ito sa pag-aaral bilang bigyang diin ang pangunahing pokus ng pnanaliksik.
Trends It is what's hip or popular at a certain point in time (vocabulary.com). Ginamit ang terminolohiyang ito bilang pagbibigay kahulagan sa mga ninanais ng mga Pilipino.
VCD Ito ay tinatawag din na Video Compact Disk, isa itong klase ng video media storage na kung saan naglalaman ng iba’t ibang mga palabas at panoorin (depinisyon.com). Ginamit ang salitang ito sa pananaliksik bilang isang bagay na binibili o hinihiram ng mga tao upang makapanood ng iba’t ibang panoorin.
VHD Ito ay kilala rin sa tawag na Virtual Hard Disk na ginagamit upang makapanood ng mga palabas (urbandictionary.com). Ginamit ang salitang VHD sa pag-aaral na ito bilang isang bagay na tinatangkilik ng mga Pilipino.
8
KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Makikita sa bahaging ito ang mga publikasyong may kinalaman sa pagaaral na ito. Kasama na ang mga pahayagan, aklat at web page, gayundin ang ibang mga kaugnay na pag-aaral.
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL
Ang pelikula sa Pilipinas ay isa sa pinakatanyag at kilala sa lahat ng art forms sa industriya ng sining sa bansa. Ayon kay Domma, et al., (2009), mayroong 1000 sinehan sa buong Pilipinas at higit-kumulang 2.5 milyong katao ang pumupunta upang manood ng pelikula noong 1980’s kada araw. Simula pa lamang noong una ay likas ng mahilig ang mga Pilipino sa panonood ng iba’t ibang genre ng pelikula, kagaya ng drama, action movies at comedy film. Sa paglipas ng taon at pagbabago ng sistema ng mundong ginagalawan ay ang pagbabago din ng mga lenggwahe, salita pelikula at mga palabas na nakasanayan. Kapansin-pansin na malaki ang pinagkaiba ng pelikulang Pilipino noon at ngayon. Ayon sa pag-aaral ni Alberto et al., (2008), ang dekada nobenta at ang kasalukuyan panahon, ay may mga kaibahan batay sa mga aspetong pampelikula. Bagamat magkapareho lang ang proseso ng paggawa ng pelikula sa mga nakalipas na panahon, nagkakaiba naman ang kalidad nito sa pagbabagong nagaganap sa industriya. Sa panimula ika-20 siglo, iba’t ibang klase ng pelikula at mga palabas ang dumating sa bansa mula sa iba’t ibang panig ng mundo, kung kaya’t untiunting nagbago ang hilig at gusto ng mga Pilipino. Ang paglaganap ng mga adaptasyong teleserye at pelikula sa Asya ay nagbibigay pagkakataon upang
9
malaman ang kanilang kakaibang pamumuhay at kultura kumpara sa mga Pilipino. (Abierra, 2008) Ang paglaganap ng iba’t ibang palabas mula sa ibang bansa ay nagdudulot ng iba’t ibang positibo bagay sa Pilipinas, lumalawak ang kaalaman ng mga Pilipino sa kultura at iba pang tradisyon ng iba’t ibang bansa. Dito rin nalalaman ang pagkakapare-pareho at pagkakaiba ng tradisyon, kultura at pamahiin ng iba pang bansa. Natututo din silang linangin ang kaalaman ng bawat isa sa paggawa ng isang pelikula o teleserye. (Abierra, 2008) Subalit, kahit may mga positibong bagay na nakakatulong sa bansa, inilahad din ni Abierra (2008), ang mga negatibong epekto nito sa buong Pilipinas. Sinasabi sa kanya pag-aaral na hindi na nasusuportahan ang likha ng mga Pilipino na kung saan nagiging dahilan upang bumabagsak ang industriya ng pelikulang Pilipino. Hindi na rin alam ng mga Pilipino ang sariling kultura’t tradisyon sapagkat nakapokus na lamang sila sa panonood ng mga adaptasyong teleserye at pelikula. Bilang isang Pilipino, marapat lamang na alam ng bawat isa ang limitasyon at responsibilidad nila pagdating sa pagtangkilik sa ganitong mga bagay. Kahit na marami ng nahihilig at nahihikayat sa panonood ng iba’t ibang foreign movies and shows, may mga natitirang Pilipino pa rin ang patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa lokal ng pelikula. Ayon kay Canete (2017), kinagigiliwan ng marami ang panonood ng pelikula dahil nakakuha sila ng mga aral at mga bagong kaalaman. Totoo na marami na ang nahihilig sa panonood ng mga pelikulang banyaga pero walang tatalo sa mga Pelikulang Pilino na nagpapakita ng pagkakaisa ng bawat isa. Ang mga pelikulang Pilipino ang nagpapakita kung gaano kahalaga ang pamilya sa isa’t isa. Ang mga pelikulang Ikaw Lamang, Bahay Kubo, Anak at Dubai ay isang halimbawa kung gaano kaimportante ang pagpapahalaga sa pamilya. (Canete, 2017)
10
Ang panunuod ng pelikulang Pilipino ay isa sa nangunguna at pinakasikat na pampalipas oras ng mga Pilipino maging ito man ay sa sinehan o kahit sa sarili nilang mga tahanan. Nagiging oras din ito upang magkabuklodbuklod ang isang pamilya at pati na rin ang mga magkakaibigan. Marami na ang naging pagbabago sa mga pelikulang Pilipino. Ayon kay Canete (2017), karaniwang genre ng mga pelikula ngayon ay horror, comedy, drama at ang pinakapatok na romance na huli ang kiliti ng mga kabataang manonood. Gusto rin nila ang mga pelikulang may daloy ng kwento na naiiugnay nila ang kanilang mga sarili tulad ng mga family-oriented films at drama.
KAUGNAY NA LITERATURA
Sa panahon ngayon, malayo na ang narating ng pelikulang Pilipino. Mas naging malawak at halo-halo ang sakop ng nilalaman ng mga pelikula. Dahil sa mga pagbabagong naganap, nagkaroon ito ng iba’t ibang genre kagaya ng comedy, drama, romance at action. Ang pelikula ay isang modernong anyo ng panitikan. Malaki ang naitutulong ng teknolohiya nito upang mabigyan ng panibagong kulay at buhay ang mga natatanging akda..Ayon kay Magcamit (2013), na isang katangian ng panitikan ay kaya nitong makisabay sa daloy ng panahon. Sa tulong ng mga alagad ng sining at manunulat, ang mga kwentong unang narinig at nabasa ay maari ng mapanood. Ayon kay Jabiniao (2017), ang pelikula ay kilala rin sa tawag na sine o pinilakang tabing. Isa itong anyo ng sining, at tanyag na anyo ng libangan, at negosyo. Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrerekord ng totoong tao, at bagay sa kamera.
11
Inilahad din niya na ang panonood ng ibat ibang palabas, katulad na lang katutubong kwento, epiko, talambuhay at nobela na sumasalamin sa kultura ng kasaysayan ay naging daan upang tayo ay makasunod sa pag-unlad. Noong 2011, nakapagtala ng mataas na bilang ng mga nailabas na pelikulang Pilipino subalit sa kabila nito, hindi pa rin nito napantayan ang tinaguriang “first and second golden age” kung saan nakapagtala ng 165 na pelikula kabilang ang "Tinimbang Ka Ngunit Kulang" ni Lino Brocka noong 1974, “Burlesk Queen” ni Celso Ad Castillo noong 1977, at Mike de Leon’s "Itim" noong 1976. (Bunoan, 2012) Bagaman, iba ang lenggwahe ang naririnig at ginagamit sa mga foreign movies, maraming mga Pilipino ang patuloy na nahihilig at tumatangkilik sa mga pelikulang banyaga. Marami ng mga dulang adaptasyon at foreign movies ang sumisikat sa bansang Pilipinas ngayon. Halos napapantayan na nito ang mga dulang orihinal ng ating bansa. Dahil dito, may mga pagkakataon na mas napagtutuunan ng pansin ng mga manunuod ang mga dulang galing sa ibang bansa. Dahil sa tuloy tuloy na pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga dulang ito, unti-unti naring nawawala ang interes ng mga manunuod sa mga palabas na purong Pilipino ang may gawa. (http://hiwagangpelikulangbollywood20072008.blogspot.com/2014/10/kabanata-ii-mga-kaugnay-na-literatura.html) Ang pagtaas ng antas ng sining at kakayahan ng isang bansa ay lubhang mahalaga. Ang bawat bagay at kakayahan na meron ang isang lugar ay napakalaking tulong para sa lahat, kung ano ang mga hilig at gusto ng mamayan, kung ano ang paniniwala nila o anong lenggwahe at diyalekto ang ginagamit nila. Ngunit, ayon kay Balisong (2012), ay pinakaimportante ay ang patuloy na pag-unlad ng sining hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa buong mundo.
12
KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa disenyo at paraan ng pangangalap ng datos sa pananaliksik. Nakapaloob dito kung anong mga istrumento ang ginamit sa pangangalap ng datos, paraan ng pagkuha ng datos, at mga tagatugon ng pag-aaral o respondente.
DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng deskriptibanalitik. Ang deskriptib-analitik ay isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Nais ng pag-aaral na ito na malaman ang epekto ng pagtangkilik ng mga Pilipino sa pelikulang Pilipino at malaman ang kung bakit dapat pagyabungin ang lokal na mga palabas o pelikula.
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Sa instrumento ng pananaliksik, gaumamit ng sarbey-kwestyoner sa mga respondente upang makakalap ng mga datos na kinakailangan sa pag-aaral. Ang unang hakbang na isinagawa sa pagbuo ng sarbey-kwestyoner ay ang paglalahad ng mga katanungan na ipamamahagi at bibigyang kasagutan ng mga respondente. Gumamit ng scale na may bilang 1 hanggang 4; kung saan ang 1 para sa lubos na hindi sumasang-ayon, 2 para sa hindi sumasang-ayon, 3 para sa sumasang-ayon at 4 para sa lubos na sumasang-ayon. Sa pamamaraang ito, matutugunan ang pananaliksik na nangangailangan ng madaming mag-aaral para sa tiyak at relayabol na resulta. Sa paraang ito, malalaman ng mananaliksik
13
kung anu-ano ang mga epekto at salik na nakaaapekto sa pagtangkilik at panood ng mga Pilipino sa pelikulang Pilipino. Kinabibilangan ito ng limampu (50) respondente na pawang mga magaaral, guro at iba pang mamayang Pilipino. Ang mga respondenteng ito ay ang pinaka angkop na pagkuhanan ng datos sapagkat ang edad at propesyon nila ay naaangkop sa pananaliksik na ito.
TRITMENT NG MGA DATOS
Matapos masagutan ng mga respondente ang talatanungan, ang kanilang mga sagot ay pinagsama-sama at itinallly. Ang mga mananaliksik ay nagdesisyong gumamit ng weighted mean at frequency bilang instrument sa interpretasyon sa mga nakalap na impormasyon. Upang makuha ang weighted mean gumamit ang mananalisik ng formula na:
kung saan: X = mean = kabuuang bilang ng mga respondente n = kabuuang bilang ng mga sagot
Upang makuha ang frequency gumamit ang mananaliksik ng formula na:
F = n/N (100%)
14
Kung saan:
F = bahagdan ng mga respondente n = bilang ng mga respondente sa isang sistema na kabilang sa propayl o talatanungan N = kabuuang bilang ng mga respondente.
Para sa interpretasyon ng weighted mean, and sumusunod na scale ay ginamit:
Scale
Range
Interpretasyon
1
0.00– 1. 44
Lubos na hindi sumasang-ayon
2
1.45 – 2. 44
Hindi sumasang-ayon
3
2. 45 – 3. 44
Sumasang-ayon
4
3.45 – 4.00
Lubos na sumasang-ayon
15
KABANATA IV PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULGAN NG MGA DATOS
Sa kabanatang ito, ipinapakita ang pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga datos na nakuha batay sa instrumentong ginamit sa pag-aaral. Ang mga datos ay inilarawan sa pamamagitanng tekstuwal at tabular o grapikal na paglalahad.
Profile ng mga Respondente
TALAHANAYAN 1 Edad ng mga Respondente
Edad
Frequency
Porsyento
Ranggo
17-20 taong gulang
28
56%
1
21-25 taong gulang
8
16%
3
26-30 taong gulang
9
18%
2
31 taong gulang pataas
5
10%
4
Kabuuan
50
100%
Ipinapakita sa Talahanayan 1 ang edad ng mga respondente sa pagaaral. 28 na respondente ang may edad na 17 hanggang 20 taong gulang na katumbas ng 56%, 9 (siyam) sa mga ito ay ang mga nasa edad 26 hanggang 30 taong gulang, na katumbas ng 18%, walong (8) respondente ang nasa ika-21 hanggang 25 taong gulang na nakatumbas ng 16% at limang (5) respondente naman nasa ika-31 taong gulang pataas na katumbas ng limang porsyento (5%) ng populasyon. Maoobserbahan dito na pinakamadami ang mga respondenteng
16
nasa edad na 17 hanggang 20 taong gulang, samantalang ang mga respondenteng nasa edad 31 pataas ang pinakakaunti.
TALAHANAYAN 2 Pelikulang tinatangkilik ng mga Respondente
Frequency
Porsyento
Ranggo
Pelikulang Pilipino
30
60%
1
Foreign Movies
20
40%
2
50
100%
Ipinapakita ng Talahanayan 2 ang pelikulang tinatangkilik ng mga respondente. Kung saan, 30 na respondente ang nagsabing tinatangkilik ang Pelikulang Pilipino, samantalang, 20 na respondente naman ang nagsabing tinatangkilik ang Foreign movies. Maoobserbahan dito na ang Pelikulang Pilipino ay may mataas na ranggo kaysa sa Foreign movies.
17
Interpretasyon ng Datos
TALAHANAYAN 3 Mga salik na nakakaimpluwensya sa mga Pilipino upang manood ng Pelikulang Pilipino
1. Nanonood ako ng pelikulang Pilipino dahil sa impluwensya ng mga kaibigan ko at mga taong nakapaligid sa akin. 2. Nanonood ako ang pelikulang Pilipino dahil nagpapakita ito ng kultura at tradisyon nating mga Pilipino. 3. Nanonood ako ng pelikulang Pilipino dahil nagpapakita ito ng mga totoong pangyayari sa ating mga buhay. 4. Nanonood ako ng lokal ng mga palabas dahil sa mga sikat na artista na gumaganap dito. 5. Nanonood ako ng lokal na pelikula dahil sa magandang visual effect at video quality. 6. Sinusubaybayan at tinatangkilik ko ang mga lokal na palabas dahil sa kakaibang kwento ng mga ito. 7. Nanonood ako ng pelikulang Pilipino dahil sa genre nito. COMPOSITE MEAN
Weighted Mean
Berbal na Interpretasyon
Ranggo
3.32
Sumasang-ayon
2
3.26
Sumasang-ayon
4
3.38
Sumasang-ayon
1
3.18
Sumasang-ayon
6
3.1
Sumasang-ayon
7
3.28
Sumasang-ayon
3
3.3
Sumasang-ayon
5
3.2
Sumasang-ayon
Inilalahad ng Talahanayan 3 ang mga salik na nakakaimpluwensya sa mga Pilipino upang manood ng Pelikulang Pilipino. Ang weighted mean ng mga salik na ito ay iniranggo mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa
18
kung saang mayroon itong composite mean na 3.2 at berbal na interpretasyong sumasang-ayon. Karamihan sa mga respondente ang sumang-ayon at nagsabing nanonood sila ng Pelikulang Pilipino dahil nagpapakita ito ng totoong pangyayari sa buhay; ito ang nasa unang ranggo na mayroon weighted mean na 3.38. Ayon kay Canete (2017), karaniwang genre ng mga pelikula ngayon ay horror, comedy, drama at ang pinakapatok na romance na huli ang kiliti ng mga kabataang manonood. Gusto rin nila ang mga pelikulang may daloy ng kwento na naiiugnay nila ang kanilang mga sarili tulad ng mga family-oriented films at drama. Bukod dito, sumasang-ayon din ang mga respondente na tintangkilik nila ang lokal na pelikula dahil sa impluwensya ng mga kaibigan at mga taong nakapaligid sa kanila. Sa kabilang banda, nakakuha ng weighted mean na 3.1 at berbal na interpretasyon na sumasang-ayon ang pinakamababang ranggo kung saan sinasabi ng mga respondente na nanonood sila ng lokal na pelikula dahil sa magandang visual effect at video quality.
19
TALAHANAYAN 4 Epekto ng lokal na pelikula sa kaisipan at pananalita ng isang Pilipino
1. Nababago nito ang paniniwala ng isang tao tungkol sa tradisyon at kultura. 2. Pinapanatili at binubuhay nito ang pusong Pilipino ng bawat mamayan dito sa ating bansa. 3. Pinapanatili nito ang tradisyon at kultura nating mga Pilipino. 4. Mas madaling nauunawaan at naiintindihan dahil sa paggamit ng sariling wika. 5. Lumalawak ang bokabularyo natin dahil sa patuloy na paggagamit ng wikang Filipino 6. Nakakatulong sa pagpapalawak at pagpapalago ng industriyal na kakayahan at kaisipan ng bansa. COMPOSITE MEAN
Weighted Mean
Berbal na Interpretasyon
Ranggo
3.32
Sumasang-ayon
5.5
3.38
Sumasang-ayon
4
3.32
Sumasang-ayon
5.5
3.54
Lubos na Sumasang-ayon
1
3.5
Lubos na Sumasang-ayon
2
3.46
Lubos na Sumasang-ayon
3
3.4
Sumasang-ayon
Ipinapakita sa Talahanayan 4 ang epekto ng lokal na pelikula sa kaisipan at pananalita ng isang Pilipino. Ang weighted mean ng mga ito ay iniranggo mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa kung saang mayroon itong composite mean na 3.4 at berbal na interpretasyong sumasang-ayon. Makikita na nakakuha ng weighted mean na 3.54 at berbal na interpretasyon na lubos na sumasang-ayon ang pinakamataas na ranggo, kung saan, sinasabi ng mga respondente na mas madaling nilang nauunawaan at naiintindihan ang isang pelikula dahil sa paggamit ng sariling wika. Dagdag pa rito, lubos ding sumasang-ayon ang mga respondente na dahil sa panonood ng pelikulang lokal ay lumalawak ang kanilang bokabularyo at industriyal na kaisapn ng bansa. Sa kabilang banda, nakakuha ng weighted mean na 3.32 at berbal na interpretasyon na sumasang-ayon ang pinakamababang ranggo kung saan
20
sinasabi ng mga respondente na nababago at napapanatili nito ang tradisyon at kultura ng isang tao at ng ating bansa. Ayon kay Jabiniao (2017), ang panonood ng ibat ibang palabas, katulad na lang katutubong kwento, epiko, talambuhay at nobela na sumasalamin sa kultura at kasaysayan ay naging daan upang tayo ay makasunod sa pag-unlad.
TALAHANAYAN 5 Epekto ng edad sa pagpili ng pelikulang tatangkilikin
Weighted Mean 1. Tinatangkilik ko ang mga pelikulang nakakarelate ako. 2. Tinatangkilik ko ang mga pelikulang naaayon at napapanahon. 3. Tinatangkilik ko ang isang pelikula depende sa genre nito. 4. Tinatangkilik ko ang isang pelikula dahil sa mga artista na gumaganap dito. 5. Tinatangkilik ko ang isang pelikula dahil sa aral na makukuha dito. COMPOSITE MEAN
3.52
Berbal na Interpretasyon Lubos na Sumasang-ayon
Ranggo 1
3.36
Sumasang-ayon
3.5
3.38
Sumasang-ayon
2
3.06
Sumasang-ayon
5
3.36
Sumasang-ayon
3.5
3.3
Sumasang-ayon
Ipinapakita sa Talahanayan 5 ang epekto ng edad sa pagpili ng pelikulang tatangkilikin. Ang weighted mean ng mga ito ay iniranggo mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa kung saang mayroon itong composite mean na 3.3 at berbal na interpretasyong sumasang-ayon. Kung saan nakakuha ng weighted mean na 3.52 ang pinakamataas na ranggo at may berbal na interpretasyong lubos na sumasang-ayon na nagsabing nanonood ang mga respondente ng pelikulang nakakarelate sila. Bukod dito, sumasang-ayon din ang mga respondente na tintangkilik nila ang isang pelikula depende sa genre,
21
panahon at aral na mapupulot. Ayon kay Abierra (2008), dahil sa panonood ng iba’t ibang pelikula lumalawak ang kaalaman ng mga Pilipino sa kultura at iba pang tradisyon ng iba’t ibang bansa o ng lugar. Dito rin nalalaman ang pagkakapare-pareho at pagkakaiba ng tradisyon, kultura at pamahiin ng iba pang bansa. Sa kabilang banda, nakakuha ng weighted mean na 3.06 at berbal na interpretasyon na sumasang-ayon ang pinakamababang ranggo kung saan sinasabi ng mga respondente na tinatangkilik nila ang isang pelikula dahil sa mga sikat na artista.
22
TALAHANAYAN 6 Mga salik na nakakaimpluwensya sa mga Pilipino upang manood ng Foreign Movies
1. Nanonood ako ng foreign movies dahil sa impluwensya ng mga kaibigan ko at mga taong nakapaligid sa akin. 2. Nanonood ako ang foreign movies dahil nagpapakita ito ng bago at naiibang kultura at tradisyon ng ibang bansa. 3. Nanonood ako ng pelikulang banyaga dahil sa mga sikat na artista na gumaganap dito. 4. Nanonood ako ng pelikula mula sa ibang bansa dahil sa magandang visual effect at video quality. 5. Tinatangkilik ko ang mga foreign movies dahil sa kakaibang kwento ng mga ito. 6. Nanonood ako ng pelikula mula sa ibang bansa dahil sa genre nito. COMPOSITE MEAN
Weighted Mean
Berbal na Interpretasyon
Ranggo
3.22
Sumasang-ayon
4
3.38
Sumasang-ayon
2
3.08
Sumasang-ayon
5.5
3.32
Sumasang-ayon
3
3.52
Lubos na Sumasang-ayon
1
3.08
Sumasang-ayon
5.5
3.3
Sumasang-ayon
Inilalahad ng Talahanayan 6 ang mga salik na nakakaimpluwensya sa mga Pilipino upang manood ng Foreign Movies. Ang weighted mean ng mga salik na ito ay iniranggo mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa kung saang mayroon itong composite mean na 3.3 at berbal na interpretasyong sumasang-ayon. Karamihan sa mga respondente ang lubos na sumang-ayon at nagsabing nanonood sila ng Foreign Movies dahil sa kakaibang kwento ng mga ito; ito ang nasa unang ranggo na mayroon weighted mean na 3.52. Ayon kay Abierra (2008), ang ng paglaganap ng mga adaptasyong teleserye at pelikula sa Asya ay nagbibigay pagkakataon upang malaman ang kanilang kakaibang
23
pamumuhay at kultura kumpara sa mga Pilipino. Bukod dito, sumasang-ayon din ang mga respondente na tinatangkilik nila ang Foreign Movies, dahil sa naiibang tradisyon, magandang video effects at dahil sa impluwensya ng mga kaibigan at mga taong nakapaligid sa kanila. Sa kabilang banda, nakakuha ng weighted mean na 3.08 at berbal na interpretasyon na sumasang-ayon ang pinakamababang ranggo kung saan sinasabi ng mga respondente na nanonood sila Foreign Movies dahil sa genre at mga sikat na artistang gumaganap. Bukod sa mga resultang ito, lumabas din sa pag-aaral ang iba’t ibang dahilan at paraan upang mas mapalawak at mahikayat ang isa’t isa na tangkilikin ang Pelikulang Pilipino. Isa na rito ang pagkakaroong bago at naiibang plot twist na may mas malalim na kahulugan na bibihag sa puso’t isipan ng bawat isa. Dagdag pa rito, lumabas din sa pag-aaral na dapat magkaroon ng mas maganda at makabagong graphics, visual effect at video quality ang mga lokal na palabas tulad ng mga pelikula sa ibang bansa. Sinasabi rin sa resulta ng pag-aaral na upang mas maipakita at mahikayat ang mga mamayan na manood at mahalin ang Pelikulang Pilipino marapat lamang na gamitin ang social media sa panghiikayat na tangkilikin at patuloy na suportahan ang pelikulang lokal.
24
KABANATA V LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Ang bahaging ito ay naglalaman ng buod/lagom, kongklusyon, at rekomendasyon ng pag-aaral tungkol sa “Sikolohikal na Epekto ng Cyberbullying sa mga Mag-aaral ng Senior High School sa University of Batangas – Lipa City”.
LAGOM
Ang pananaliksik na isinagawa ay tungkol sa Mga Epekto ng Pagtangkilik ng mga Pilipino sa Pelikulang Pilipino. Sakop ng pag aaral na ito ang mga estudyante, guro at iba’t ibang uri ng mamayang Pilipino mayroon iba’t ibang edad at paniniwala. Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik ay ang mga sarbey-kwestyoneyr, samantalang deskriptib-analitik ang ginamit na disenyo rito.
KONGKLUSYON
Batay sa natuklasan sa pag-aaral, nakabuo ang mga mananaliksik ng mga sumusunod na kongklusyon: 1. Ang pelikulang Pilipino ay patuloy paring tinatangkilik ng mamayang Pilipino kumpara sa mga Foreign Movies. 2. Malaki ang nagiging impluwensya ng mga kaibigan at iba't ibang tao sa pagtangkilik ng isang pelikula o ng isang palabas. 3. Ang Mga lokal na palabas ay nagpapakita ng totoo pangyayari sa buhay, ito ay sumasalamin sa bawat kaganapan na nangyayari sa atin komunidad at bansa.
25
4. Ang mga lokal na pelikula ay mas madaling maunawaan at maiintindihan nga mga Pilipino kumpara sa mga banyangang palabas dahil gumagamit ito ng wikang Filipino o sariling wika. 5. Ang panonood ng isang lokal na pelikula ng mga Pilipino ay nagpapalawak ng bokabyularyo at industriyal na kaisipan ng bawat isa at ng Pilipinas. 6. Batay sa edad ng mga respondente, pinipili nila ang mga palabas na malakatelate sila. Mga palabas na napapanahon at kikiliti sa kanilang mga puso at damdamin. 7. Ang mga Foreign Movies ay tinatangkilik ng mga Pilipino dahil sa naiibang kwento o plotwist nito at tradisyon kumpara sa pelikula ng Pilipinas. 8. Ang pagkakaroon ng naiibang plot twist at malalim na kahulugan ng isang Pelikulang Pilipino ay makakatulong upang mas mahikayat ang mga manonood. 9. Malaki ang magiging bahagi at maitutulong ng social media sa panghihikayat ng mga mamayan upang suportahan at patuloy na tangkilikin ang lokal na mga palabas.
REKOMENDASYON
Batay sa mga resulta ng pag-aaral, ang mga sumusuunod ang iminuumungkahi ng mga mananaliksik: 1. Sa mga manggagawa ng pelikula. Ang hinahanap ng mga manonood ay mga kwento o istorya na nagpapakita ng mga bagay na nangyayari sa tunay na buhay. Magiging isang maganda kampanya para sa pelikulang pilipino ang paglalabas at patuloy na paggawa ng mga pelikula sa sasalamin sa tunay na buhay ng mga pilipino.
26
2. Sa mga manonood. Upang lalong maengganyo sa panonood ng pelikulang Pilipino, humanap ng genre na tunay na nagrereflect ng iyong panlasa sa pagpili ng pelikula na papanoorin. 3. Sa mga netizens. Gamitin ang internet at mga social media accounts upang ikalat at manghikayat ng mga mga tao na patuloy suportahan at piliin ang Pelikulang Pilipino. 4. Sa mga magulang. Ipaiintindi sa mga kabataan at sa inyong mga anak ang kahalagahan ng panonood at pagsuporta sa pelikulang lokal. Patnubayan ang mga bata sa pagpili ng magaganda at maayos na palabas. 5. Sa
mga
estudyante
at
kabataan.
Maging
responsable
at
mapagmahal na Pilipino sa pamamagitan ng pagsuporta ng sariling pagmamay-ari ng Pilipinas. Maging daan upang pangunahan ang panghihikayat na tangkilikin ang Pelikulang Pilipino.
27
TALASANGGUNIAN Aklat Al Maskari, A. (2018). Theory of Planned Behavior (TPB) Ajzen (1988). In Technology Adoption and Social Issues: Concepts, Methodologies, Tools, and Applications
(pp. 46-67). IGI Global.
Online Resources Abierra, Alberto, Balisong, (2008). Pananaliksik sa Pilipino: Ang hiwaga ng Pelikulang Bollywood.
http://hiwagangpelikulangbollywood2007-
2008.blogspot.com/2014/10/kabanata-ii-mga-kaugnay-na-literatura.html Bunoan, V. (2012). The State of Filipino Movies. ABS-CBNnews.com Canete, A., Garcia, D., Jabiniao, J., Canadilla, K., Punate, R., Pacana, W. (2017). Angulo at
Pananaliksik sa Isang Pelikulang Layong Malaman Ang Mga
Mahalagang
Pangyayari
Sa
Pelikulang:
Heneral
Luna.
https://www.academia.edu/35373483/PANANALIKSIK_SA_ISANG_PELIK ULAN G_LAYONG_MALAMAN_ANG_MGA_ANGULO_AT_MAHALAGANG_PA NGYA YARI_SA_PELIKULANG_HENERAL_LUNA Dooma, R., Gaba, S., Paguyo, I.B., Panganiban, D., Parreñas, M. (2009). Mga Pananaw at Saloobin ng mga Kabataan sa mga Pelikulang Pilipino https://www.pdfcoke.com/doc/13243950/Mga-Pananaw-at-Saloobin-NgMga- Kabataan-Sa-Mga-Pelikulang-Pilipino Tan, M. (2018). Why do Filipinos Love Going to the Movies. Retrieved from https://edillor.wordpress.com/2011/09/02/why-filipinos-love-going-to-themovies/
28
Apendiks A Liham para sa mga Respondente
Pambansang Pamantasan ng Batangas Kolehiyo ng Agham at Sining Pablo Borbon Main I Nobyembre 8, 2018
Sa kinauukulan, Magandang araw! Ako po ay isang mag-aaral mula sa programang BS Development Communication na kasalukuyang nagsasagawa ng pag-aaral patungkol sa MGA EPEKTO NG PAGTANGKILIK NG MGA PILIPINO SA PELIKULANG PILIPINO. Mangyari pong sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na katanungan. Tinitiyak ko po na magiging kumpidensyal ang inyong mga kasagutan. Maraming salamat po!
Franzis Jayke P. Batallantes (Mananaliksik)
29
Apendiks B Sarbey- Kwestyuner Pambansang Pamantasan ng Batangas Kolehiyo ng Agham at Sining Pablo Borbon Main I Nobyembre 8, 2018
Sa kinauukulan, Magandang araw! Ako po ay isang mag-aaral mula sa programang BS Development Communication na kasalukuyang nagsasagawa ng pag-aaral patungkol sa MGA EPEKTO NG PAGTANGKILIK NG MGA PILIPINO SA PELIKULANG PILIPINO. Mangyari pong sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na katanungan. Tinitiyak ko po na magiging kumpidensyal ang inyong mga kasagutan. Maraming salamat po! Franzis Jayke P. Batallantes (Mananaliksik) PALATANUNGAN MGA EPEKTO NG PAGTANGKILIK NG MGA PILIPINO SA PELIKULANG PILIPINO I.
Profile ng respondente:
Pangalan (opsyunal): _______________________________ Edad: 17-20 taon 21-25 taon 26-30 taon taon- pataas Kurso/ Propesyon: ___________________
31
Direksyon: Lagyan ng tsek (/) ang kahon tumutugma sayong sagot. Ano ang mas tinatangkilik mo?
___ Pelikulang Pilipino
4 - Lubos na sumasang- ayon 3 - Sumasang-ayon 2 - Hindi sumasang- ayon 1 - Lubos na hindi sumasang- ayon
___ Foreign Movies
30
II.
Anu- ano ang mga bagay na nagtutulak o nakakaimpluwensya sa isang tao para manood ng isang pelikulang Pilipino? 4
3
2
1
8. Nanonood ako ng pelikulang Pilipino dahil sa impluwensya ng mga kaibigan ko at mga taong nakapaligid sa akin. 9. Nanonood ako ang pelikulang Pilipino dahil nagpapakita ito ng kultura at tradisyon nating mga Pilipino. 10. Nanonood ako ng pelikulang Pilipino dahil nagpapakita ito ng mga totoong pangyayari sa ating mga buhay. 11. Nanonood ako ng lokal ng mga palabas dahil sa mga sikat na artista na gumaganap dito. 12. Nanonood ako ng lokal na pelikula dahil sa magandang visual effect at video quality. 13. Sinusubaybayan at tinatangkilik ko ang mga lokal na palabas dahil sa kakaibang kwento ng mga ito. 14. Nanonood ako ng pelikulang Pilipino dahil sa genre nito. III.
Paano nakakaapekto ang lokal na pelikula ng bansa sa kaisipan at pananalita ng isang tao? 4 3 2 1
7. Nababago nito ang paniniwala ng isang tao tungkol sa tradisyon at kultura. 8. Pinapanatili at binubuhay nito ang pusong Pilipino ng bawat mamayan dito sa ating bansa. 9. Pinapanatili nito ang tradisyon at kultura nating mga Pilipino. 10. Mas madaling nauunawaan at naiintindihan dahil sa paggamit ng sariling wika. 11. Lumalawak ang bokabularyo natin dahil sa patuloy na paggagamit ng wikang Filipino 12. Nakakatulong sa pagpapalawak at pagpapalago ng industriyal na kakayahan at kaisipan ng bansa. IV.
Paano nakakaapekto ang edad sa pagpili ng mga pelikulang tatangkilikin? 4 3 2 1
6. 7. 8. 9.
Tinatangkilik ko ang mga pelikulang nakakarelate ako. Tinatangkilik ko ang mga pelikulang naaayon at napapanahon. Tinatangkilik ko ang isang pelikula depende sa genre nito. Tinatangkilik ko ang isang pelikula dahil sa mga artista na gumaganap dito. 10. Tinatangkilik ko ang isang pelikula dahil sa aral na makukuha ditto.
31 V.
Bakit patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga foreign movies? 4 3 2 1 7. Nanonood ako ng foreign movies dahil sa impluwensya ng mga kaibigan ko at mga taong nakapaligid sa akin. 8. Nanonood ako ang foreign movies dahil nagpapakita ito ng bago at naiibang kultura at tradisyon ng ibang bansa. 9. Nanonood ako ng pelikulang banyaga dahil sa mga sikat na artista na gumaganap dito. 10. Nanonood ako ng pelikula mula sa ibang bansa dahil sa magandang visual effect at video quality. 11. Tinatangkilik ko ang mga foreign movies dahil sa kakaibang kwento ng mga ito. 12. Nanonood ako ng pelikula mula sa ibang bansa dahil sa genre nito.
VI.
Paano ma mahihikayat ang ibang mga Pilipino na tangkilikin at suportahan ang Pelikulang Pilipino?
32
Apendiks C Tally
Age
Frequency
percentage
Rank
17-20
28
56%
1
21-25
8
16%
3
26-30
9
18%
2
30+
5
10%
4
50
100%
Frequency
Percentage
Pelikulang Filipino Foreign Movie
4 Q.1 Q.2 Q.3 Q.4 Q.5 Q.6 Q.7
20 19 24 20 18 22 22
30 20
Table 1 3 22 25 21 23 22 22 23
Rank 60% 40%
1 2
Weighted Mean 2
1 6 6 5 3 7 4 3
2 0 0 4 3 2 2
50 50 50 50 50 50 50
3.2 3.26 3.38 3.18 3.1 3.28 3.3 22.7
33
20 22 21 28 27 26
Table 2 3 26 25 24 21 21 21
28 24 23 15 20
Table 3 3 20 22 23 26 28
4 Q.1 Q.2 Q.3 Q.4 Q.5 Q.6
4 Q.1 Q.2 Q.3 Q.4 Q.5
4 Q.1 Q.2 Q.3 Q.4 Q.5 Q.6
20 22 16 22 28 27
Table 4 3 22 26 23 22 20 20
Weighted Mean 2
1 4 3 5 1 2 3
0 0 0 0 0 0
50 50 50 50 50 50
3.32 3.38 3.32 3.54 3.5 3.46 20.52
Weighted Mean 2
1 2 3 4 6 2
0 1 0 3 0
50 50 50 50 50
3.52 3.36 3.38 3.06 3.36 16.68
Weighted Mean 2
1 7 1 10 6 2 3
1 1 1 0 0 0
50 50 50 50 50 50
3.22 3.38 3.08 3.32 3.52 3.08 19.6
34
Apendiks D Curriculum Vitae
I. Personal na Impormasyon Pangalan: Franzis Jayke Penahermoso Batallantes Edad: 17 years old Birth date: May 21, 2000 Tirahan: Brgy. Tibig, Lipa City Relihiyon: Roman Catholic
II. Edukasyon Elementarya: Macalelon Central Elementary School Organizational Affiliations: Ang Lilom – Copyreader and Headline writer Mga karangalan: Top 5, Boy Scout of the Year
Junior High School: Macalelon High School Organizational Affiliations: Luntiang Papel – Copyreader and Headline Writer Macalelon Drum and Lyre Corporation – President Mga karangalan: With Honors (Rank 4)
35
Senior High School: University of Batangas Lipa City Organizational Affiliations: The Brahman Pillar – Editorial Section Editor Supreme Student Government – Business Manager Mga karangalan: With Honors (Grade 11) Academic Excellence Award (Grade 12)
Kolehiyo:
Batangas State University Bachelor of Science in Development Communication 2018