MGA MANLALARONG PILIPINO Rafael "Paeng" Nepomuceno Si Rafael "Paeng" Nepomuceno ay Filipinong bowler na nasa unang hanay ng pandaigdigang manlalaro, at maibibilang sa isa sa matatagumpay na atletang nag-ambag nang malaki upang sumulong ang bowling sa Filipinas. Kinikilala rin siya bilang pinakamagaling na bowler sa buong mundo nang makamit niya nang anim na ulit ang pandaigdigang kampeonato. Mga Parangal Humamig ng mahahalagang parangal si Paeng, at kabilang dito ang medalya ng Legion of Honor mula sa pangulo ng Filipinas at Presidential Medal of Merit. Ginawaran din siya ng limang ulit na "Atleta ng Taon" ng Philippine Sports Association (PSA), at pagkaraan ay nakamit ang PSA Hall of Fame. Kikilalanin din ng Senado at Mababang Kapulungan ng Filipinas si Paeng bilang "Pinakamahusay na Filipinong Atleta sa Anumang Panahon."
Ginawaran ni Juan Antonio Samaranch si Nepomuceno ng IOC President's Trophy na kauna-unahan sa kasaysayan ng bowling. Ginawang inmortal naman sa museo ng St. Louis Missouri, United States si Paeng, nang itanghal ang kaniyang pitong talampakang retrato na nakakahon sa salamin para sa karangalang International Bowling Hall of Fame. Noong 1994, inilabas ng Guinness Book of World Records ang mga rekord ni Nepomuceno, nang makamit nito ang pinakamaraming bilang ng World Cup sa loob ng tatlong dekada. Sa edisyong 2003 ng Guiness, kinilala si Nepomuceno bilang pinakabatang nagwagi ng pandaigdigang kampeonato sa edad 19. Samantala, kinilala ng World FIQ si Nepomuceno bilang "International Bowler of the Millennium" upang kumatawan sa mahigit 100 milyong bowler sa buong mundo.
MANNY PACQUIAO: KAMPEON HABANG BUHAY Sa wari, kuta-kutakot na swerte ang dumarating sa buhay ng Filipino boxing idol na si Manny Pacquiao. Pagka’t pagka-tapos ng matagumpay niyang pakikipaglaban kay Oscar Larios, ginawaran naman siya ng Order of Lakandula Award na mismong ipinagkaloob ni Pangulong Gloria MacapagalArroyo sa Malacanang noong ika-3 ng Hulyo.
Lydia de Vega Si Lydia de Vega, na kilala ngayon bilang Lydia de Vega-Mercado, ang itinuring na pinakamabilis na babaeng tumakbo sa paligsahan sa Asya noong dekada 1980. Dalawang ulit siyang nakapag-uwi ng medalyang ginto sa Asian Games sa takbuhang may layong 100 metro, ang isa noong 1982 Asiad, at ang ikalawa ay noong 1986. Noong Asiad Games sa Seoul, South Korea, nagwagi ng medalyang pilak si Lydia sa takbuhang may layong 200 metro. Dalawang medalyang ginto ang nakamit niya sa Southeast Asian Games na ginanap sa Maynila noong 1981. Siya ang kauna-unahang babaeng lumahok at tumakbo sa lárang ng atletika noong Olimpiyada. Noong 1983, ipinakita ni Lydia ang kaniyang husay sa pagtakbo nang muling makamit niya ang medalyang ginto sa SEA Games na ginanap sa Singapore noong 1993.
Kayumanggi, matangkad, malantik ang balakang, mahahaba ang binti, at may ngiting makaaakit sa sinumang lalaki ang mga katangian ni Lydia na nagpatingkad sa kaniyang karera. Higit pa rito, laging bukambibig niya ang pagwawagi para sa bayan, at para sa ikalulugod ng kaniyang mga kababayan.
Akiko Thomson Isa naman si Akiko Thomson sa mga natatanging manlalaro sa paglangoy. Marami na siyang nakuhang medalyang ginto sa larangang ito. kabilang sa mga medalyang ito ang napanalunan niya sa Asian Games na ginanap sa Pilipinas noong 1991.
Gabriel "Flash" Elorde Isa sa mga batikang boksingero ng Pilipinas si Flash Elorde. Marami siyang napanalunang medalya sa larangan ng boksing na internasyonal. Matulungin tao siya. Nagpatayo siya sa isang gusali sa Parañaque na pinagdarausan ng mga paligsahan sa boksing sa kasalukuyan. Tinatawag itong Elorde Sports Compex.
Eugene Torre Hindi lamang sa boksing, track and field, at bowling kilala ang mga Pilipino kundi pato na sa paglalaro ng chess. Si Eugene Torre ang magaling na Pilipinong manlalaro sa chess. Kilala siya sa ibang bansa tulad nina Nepomuceno, Elorde, at De Vega.
Robert Jaworski
Tala ng medalya Panlalaking Basketbol Mananaligsa para sa Pilipinas FIBA Kampeonato ng Asya Ginto 1967 Seoul Pangkoponan Ginto 1973 Maynila Pangkoponan Pilak 1971 Tokyo Pangkoponan Tanso 1969 Bangkok Pangkoponan Si Robert Salazar Jaworski (ipinanganak Marso 8, 1946 sa Baguio, Pilipinas), kilala rin bilang Sonny Jaworski, Bobby Jaworski, Jawo, at Robert Jaworski, Sr., ay isang dating senador ng Pilipinas at isang sikat na manlalaro sa Philippine Basketball Association (PBA).
Kilala bilang The Big J noong panahon ng kaniyang paglaro sa PBA, nairangal si Jaworski na isa sa “25 Best PBA Players of All Time”. Noong 1998, tumakbo siya sa pagkasenador at nanalo.