Manuel Villar Jr. Podcast Transcript

  • Uploaded by: Manuel L. Quezon III
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Manuel Villar Jr. Podcast Transcript as PDF for free.

More details

  • Words: 6,118
  • Pages: 22
Manuel Villar, Jr. podcast interview transcript, part 1 Posted March 07, 2007 13:09:00(Mla Time) INQUIRER.net Editor's Note: What follows is the first part of a preliminary transcript of the Eleksyon2007 podcast interview with senatorial candidate Manuel Villar.

JV Rufino : Our guest for this podcast is Senate President Manuel Villar. Villar is running for re-election as an Independent. Welcome to the show, senator. Manuel Villar : Well, nais kong batiin ang ating mga tagapakinig. Thea Alberto : Brief and simple. Ok, sir, first question: Given the cost of campaigning and the lack of immediate [effect] legislation has on running a country, why seek re-election? Manuel Villar : Again, again? Thea Alberto : Given the cost of campaigning and the lack of immediate [effect] legislation has on running a country, why seek for re-election? Manuel Villar : Alam mo, after a while ay hindi naman puro pera lamang 'yan. Gusto mo rin naman na somehow yung ipagpatuloy yung iyong nasimulan na. Maraming consideration yun kasi ang pagiging senador eh, no? Kung senador ka na, nakakahiya namang matalo ka.

Number two, siyempre marami ka pa ring programa na gusto mong ituloy, na at least kung mawawala ka na sa mundo, ay may maiiwan ka. Dun naman sa gastos, eh uubusin lang ng mga manugang mo 'yan eh. Ikaw na lang umubos.

Thea Alberto : Sir, what would you still like to achieve, which you think you have not accomplished in your previous term/ Manuel Villar : Well, hindi naman natatapos 'yan eh. Bawat taon, mayroon kang iniisip na gawin and then nagbabago 'yun depende kung nagawa mo 'yung binalak mong gawin. Like ako, naging Senator President nitong last year. Nakita ko na malaki pala ang nagagawang tulong ng Senado sa kaunlaran ng bansa. Normally, ang Senado, in the last 10 years, ay nakakapagpasa ng apatnapung panukala taon taon. Nuong ako'y maging pangulo, nakapag-pasa kami ng one hundred sixty four at natutuwa naman ako dahil napakarami naming bills na na-approve. And nagawa namin 'yung hirap, yung sinasabi nilang hindi pwede na tuloy ang imbestigasyon pero para mahanap yung mga katotohanan, pero hindi magiging abala kami sa kaunlaran sa pamamagitan ng pagpasa ng iba't ibang mga panukala. Lahat halos ng mga bills na ekonomiya ay aming pinasa. Kaya palagay ko nangunguna Senado sa pagtulak ng ekonomiya ngayon at pagtaas ng antas ng kabuhayan. Kaya ngayon, nag re-election ako, naisip ko na ituloy 'yan. In fact, ang tingin ko sa ekonomiya, bagamat medyo masigla rin naman, hindi naman kasamaan, nagkukulang sa paggawa ng mga hanapbuhay. Marami sa mga sektor na umuunlad ay ang mga sektor na wala masyado naibibigay na hanapbuhay. Kaya wala pa rin mahanap na trabaho yung ating mga kabataan. Marami pa ring lumalabas ng bansa. Pangalawa, 'yung sa larangan ng pabahay, mura interest ngayon at nanghihinayang naman ako na hindi nagagamit ito para magkaroon ng higit na maraming pabahay ang mga mahihirap. At pangatlo, wala namang tigil 'yung ating pag-hahangad o hangarin na mabago 'yung pag-iisip ng ating mga kababayan tungkol sa pagsasarili. Naniniwala ako na ang kaunlaran natin ay dun pa rin

manggagaling sa, 'yung karamihan ng ating mga nagsasariling kababayan eh matulungan ng ating pamahalaan para makapag-sarili. Maging maliliit na negosyo. Pag dumami ang maliliit na negosyo, magkakaroon tayo ng masiglang ekonomiya, madidiretso pa 'yung benepisyo sa higit na nakakaraming mga Filipino. Kasi 'yung sistema natin ngayon na bagamat tumataas ang ekonomiya ng konti, ay matagal bago mararamdaman 'yan. Itong ganitong klaseng pagsigla na ekonomiya, mas mabilis mararamdaman ng higit na nakakaraming Pilipino. Ito's itutuloy natin. Hindi ko pa rin sigurado kung anim na taon ay sapat para magawa natin 'yan pero ganyan talaga ang buhay e. Hindi naman lahat ng papangarapin mo e matutupad mo. Pero at least, masasabi mo pag retiro mo, na ginawa mo 'yung magagawa mo. Ginawa mo lahat para matupad 'yung iyong mga hangarin. Thea Alberto : Sir, if ever re-elected, how will you define the first three years? Manuel Villar : Well siyempre, bilang pangulo ng Senado, 'yun muna ang ating titignan, kung magiging pangulo pa rin tayo ng Senado. Mas madaling kasing maimpluwensiya ang mga direksyon, kung saan ang direksyon natin sa ating gobyerno at ekonomiya, kung tayo'y pangulo ng Senado. Kung hindi naman, siyempre, iba namang klaseng programa ang gagawin mo. Kung ako'y papalarin pa ring maging pangulo ng Senado, ay palagay ko dun sa mga sinabi kong objectives o adhikain ang aking itutulak. Marami akong nakikita eh. Kasi nakita ko nuon, nung una akong senador, parang nakikita ko na naisip ko na mahirap magpasa ng panukala sa Senado, pero nung ako’y maging pangulo, pwede naman pala. Basta desidido ka lang. Pwede naman palang magpasa at dito nakikita ko na basta maging responsive ang Senado sa business sector, at sa mga pangangailangan nung karamihan ng ating mga mamamayan, e malaki na ang magagawa.

First three years lang, palagay ko sapat na 'yan e. Marami ng magagawa d'yan. Thea Alberto : Sir, something light. Bakit parang orange lagi ang ating suot? Manuel Villar : Well, ito ang una kong kulay nung una kong kumandidato ko, nung ‘92 ito ang ating kulay, at naiisip kong ito uli at siguro sabi ng mga akong mga kasamahan, eh tinitignan nila 'yung iba't-iba kong t-shirt, eh dito siguro mas pogi tayo. [laughs] Thea Alberto : Mas nakakaputi ba, sir? Manuel Villar : Hindi naman. Nakaka-attract ng atensyon. Kasi alam mo naman siyempre, pagka hindi na naman kilala, pagka kinakawayan mo, at least kung naka orange ka, sasabihin nila, kandidato ka siguro dahil wala naman nag-oorange normally. Kung di lang kandidato o supporter ng kandidato o talagang mahilig sa makulay na suot. Thea Alberto : 'Yung lang sir. Thank you very much. Joel Guinto: Sir, ako po si Joel Guinto. I cover the defense beat for INQUIRER.net. Manuel Villar : Hello. Joel Guinto: Sir, aside from the thirty point two million pesos (P30.2M) na you reportedly spent for TV ads, how much more do you intend to spend? Manuel Villar : Basta, well, may limit ang Comelec, so kailangan sundin natin 'yang limit ng Comelec. So 'yun ang limit. Joel Guinto: Tama ba 'yung figure na 'yun sir? Thirty point two million? (30.2M)

Manuel Villar : Kasi alam mo pagka ganyan, hindi ka nag-aaccounting eh. Kasi baka araw araw, iinit lamang ang ulo mo, kaya saka mo na lang susumahin 'yan pag tapos na eleksyon, para isang init ng ulo na lang. Joel Guinto: Sir, nung ano, the last time you ran, magkano nagastos n'yo, sir? Manuel Villar : Actually, hindi ko na rin nasusundan, eh. kasi pag talaga, totoo 'yun, akala ng lahat eh ikaw e nag-aacounting ng ganyan, pero, ang totoo n'yan eh marami ka ring gagastos na hindi mo narerecord o ni hindi mo na nalalaman, dahil may mga kontribusyon ka din naman, eh. Minsan, yung mga kontribusyon mo, hindi na dumadaan sa 'yo. Minsan may mga discount ka. So hindi mo na rin talaga alam ang talagang total na magagastos mo. Joel Guinto: Sir, part ba ng strategy mo 'yung mas mag-concentrate on political advertisement? Manuel Villar : Well, andyan talaga ang kinabukasan. 'Yun ang future, wala tayong magagawa dyan. Yung mga ibang style, passé na 'yun, eh. Talagang…kasi nung araw, wala naman 'yan, hindi allowed 'yan. Tapos last elections, sobra sobra nga ang pagkakaallow nila last elections. Medyo nga ngayon e nilimitahan nila. Pero 'yan na talaga, kasi padami ng padami ang mga Filipino at hindi na--imposible na maski mga mangamay ka araw-araw, at kami nagkakamay pa rain kami arawaraw, umiikot pa rin kami, subalit nakikita mo sa mga habang tumatagal ang panahon, na talagang hindi mo na maaabot lahat at kinakailang ay advertising. So, iyang mga communication medium na 'yan, iyan ang mga sa darating na panahon magiging mas gamit. Halimbawa, 'yang Internet, 'yang cellphone, 'yang radio, TV. 'Yan na lahat. Joel Guinto: Sir, nabangit mo ang Internet and cell phones. May plans ba, sir, to use this [in your campaign]?

Manuel Villar : Well, hindi ko pa alam, eh, kung gagamit kami n'yan. Hindi ako masyado mahilig sa cellphone. Kasi sa 'kin pagka--hindi ako masyado mabilis sasagot sa telepono, eh. Matagal ako sumagot. Kaya titignan ko muna. Magtatanong tayo. Kasi may mga adviser naman tayo. Pagka gusto nilang gumamit ng cell phones, gagamit din tayo d'yan. Joel Guinto: Sir, si ano po, si former senator [Ernesto] Maceda from GO [Genuine Opposition], sabi n'ya, kayo daw po ang dapat sisihin kaya may falling out between the Genuine Opposition and si Senator [Francis] Pangilinan. Manuel Villar : Alam mo, si manong Ernie naman ay iginagalang natin at hindi naman ako nakikipag-away kanino man. E alam mo ang mga ganyan e, lilipas din 'yan at mabuti na wag mo na lamang ako komentahan. Basta ako ay, tuloy ang kampanya ko, wala naman akong inaabalang tao at hindi ko naman inaasahan maabala rin. Joel Guinto: Sir, on your part, meron ba kayong efforts para mapaattend si Senator Pangilinan dun sa mga rallies ng GO, specially sa Plaza Miranda. Did you try to convince…? Manuel Villar : Wala naman, dahil sa sa aking palagay ay malaki na 'yung mama, alam na nya ginagawa n'ya. Joel Guinto: Sir, can we expect you dun sa mga future sorties ng GO? Manuel Villar : Hindi naman kasi ang naniniwala na sa mga ganun eh, na style of campaigning, at yan ay sinabi ko na sa kanila nuon pa. Na mas type ko talaga 'yung mas systematic na lang at gawin na lamang 'yung inaakala ko na mas effective, para mas marami ako marating na ating mga kababayan para mailahad ko sa kanila 'yung aking mga plataporma at mga ideas, at mas maraming makarinig sa aking mga idea at mga plano. Pag kasi masyado marami kayong gumagalaw, halos hindi ka na napapansin din at hindi na naririnig ang iyong mga gagawin. Kaya sa

akin, mas maganda na 'tong aking ginagawa at siyempre kanya kanya namang opinyon yan. Hindi naman sa ayaw ko silang makasama, actually gusto ko rin, eh. In fact, mga kaibigan natin lahat 'yan at mga iginagalang natin, pawang magagaling ang mga kandidato na 'yan at isang malaking karangalan sa akin na makasama sila. Nga lamang ay naniniwala ako na mas effective itong paraan na ito ng pagkampanya. Joel Guinto: So, we can expect more political ads? Manuel Villar : May limitasyon nga, merong time limit, at wala kang magagawa kundi sumunod sa limit na 'yan. Yun naming--may nasabi yung nagagastos, alam mo, timing timing rin 'yan, ano. Siyempre, strategy 'yan. Yung iba, gustong gastusin lahat nung kanila oras, sa first month, yung iba sa second month, yung iba sa third month, ung iba first and third, yung iba second and third, yung iba lahat sa third, yung iba lahat naman sa first. So, hindi rin tama 'yung after two weeks, imo-monitor mo kung sino yung leader sa spending and hindi rin tama ‘yon kasi nasa strategy 'yan. Maaaring dalawang buwan mo na mino-monitor, wala pang ginagastos 'yung isang kandidato, 'yun pala ang balak nya ibuhos lahat sa last month. So, hindi rin talaga meaningful yung ganung klaseng analysis sa expenses. Joel Guinto: Thank you, sir. Manuel Villar : You're welcome. Veronica Uy: Magandang araw po Senador. Manuel Villar : Magandang araw naman. Veronica Uy: Itatanong ko lang po, yung kampanya nyo po, parang nakasentro sa sipag at tiyaga. Tingin nyo po ba 'yun ang [dahilan] -

ang patuloy ng pagiging mahirap ng mga Pilipinas ay hindi masipag at hindi matiyaga ang Filipino. Manuel Villar : Maaring kulang, maaring kulang sa sipag at tyaga. At saka mahirap mo sabihin sa buong Pilipinas na ang nasasabi ko lang ay isa yan sa malaking kadahilanan. Kaya lang siyempre, kapag ka meron kang mensahe, mas maganda 'yung ang mensahe mo ay isa lang o dalawa. Hindi pwede yung ang mensahe mo, halimbawa, para pagtagumpay ka, kailangan ikaw eh labindalawa sasabihin mo. Eh malilito na 'yung tao. Ang message, kailangan, isa dalawa. Pinakamarami na ang tatlo, para madali matandaan at madeliver mo talaga sa dapat maka deliveran. Ang sa 'kin, sa buhay ko, ay iyon talaga ang aking dinanas, talaga namang, kagaya nga nun nasa advertisement ko, pinanganak naman talaga kami sa squatter sa Tondo, at 'yan ay hindi naman, 'yan ay katotohanan 'yan sa Sta. Maria, Moriones. Yung iba nga gustong check-in e, actually hanggang ngayon ay binibili ko pa 'yung lupa na kinatitirikan ng bahay namin, although medyo nagbago na itsura. Pero siyam kaming magkakapatid, ako ang pinakamatanda sa lalaki, kaya ako ang kasama ng aking nanay nagtitinda sa palengke sa edad na labing isang taong gulang. Nagtitinda kami ng hipon hanggang makatapos ng kolehiyo. Yan ang ginawa ko naman nun, kaya parang gusto ko rin ipakita, kasi napuna ko dun sa Divisoria na somehow yung mga kasamahan ko na masisipag at matitiyaga, karamihan ha, hindi lahat, meron talagang malas e, karamihan ay nag-succeed naman. Kaya nakikita ko na malaking bagay 'yan at kung meron mang kakulangan ay 'yan ang makakapuno. Yung iba kasi and sabi nila, nag try naman sila, kaya nga may tiyaga eh, kaya nga pag nagtry ka minsan, hindi mo nakuha, mag try ka uli, pangalawa. Kung hindi makuha, pangatlo, pang-apat, panglima. Magtiyaga ka lang. Persistent ka dapat.

Veronica Uy: Pero meron po bang mga polisiya ang pamahalaan na tingin nyo ay makakatulong sa entrepreneurship. Manuel Villar : Ang tingin ko, kalimutan mo na ang pamahalaan e, at kung talagang gusto mong magtagumpay sa hanap buhay, sa pagsasarili, you have to do it despite the government, not because of the government. Pagka hinintay mo ang gobyerno, baka hind na dumating e. matatagalan, mahihirapan ka lamang. Well, kami, I think on the part of the government, we should always try, in fact yun nga ang gusto kong gawin. Pero my personal advice dun sa mga mismong entrepreneur e gawin mo na, kalimutan mo muna ng gobyerno. Ngayon, sa gobyerno naman, kahit papaano, e pilitin nating makatulong. Magkaroon ng mga programa para makautang sila, pero iyan ay hindi magiging pangunahing dahilan. Ang pangunahing dahilan pa rin ay nasasa-tao. Nakikita ka 'yan nung ako kasi ay maging sa palengke, nakita ko na malaking diperensya eh, parang maaga tayong umaatras na Filipino at pagka nag graduate na sa…yungh ating mga anak, pag nagtapos na, tayo ay ano na kaagad e, gusto na nating mag retire, hindi natin parang gusto palakihin 'yung ating maliit na negosyo. Kulang ang ambisyon din sa ano, karamihan. Hindi lahat, marami ring nag-aambisyon na Pinoy, hindi ko sinasabi na ito'y lahat, no. Marami ring nakikita ko na talagang nahihirapan din. Subalit, sana kung maencourage natin ang mas nakakarami, marami kasing naniniwala na kailangan Chinese ka muna, kailangang Japanese ka, kailagan American ka, kailangan Kastila, pero tingin nila, Filipino, dapat maging empleyado lamang. And kaya tayo we have become a nation of employees, and somehow, nakikita ko na siguro dala ito ng tatlong daang taong nasa Kastila tayo, na ang paniniwala natin ay tayo ay talagang maninilbihan na lang. Kaya we like to serve and we like to be employed. Hindi natin

nadevelop 'yung kultura ng pagsasarili. 'Yan ang gusto kong baguhin na kultura. Manuel Villar, Jr. podcast interview transcript, part 2

INQUIRER.net First Posted 13:10:00 03/07/2007

Veronica Uy: Ano pong tatlong problema ng Pilipinas na nakikita n'yong pinaka matindi? Manuel Villar : Walang pera, unang una d'yan, walang pera. At dapat 'yan ang unang unang resolbahin, kasi kahit papano mas maraming magagawa ang gobyerno, kung meron siyang pera. Walang disiplina, pangalawa rin 'yan na kailangan resolbahin. At yung peace and order. Veronica Uy: Paano ho kaya ito masusolusyonan, lalong lalo na from the legislation point of view? Manuel Villar : 'Yung legislation kasi bagamat, alam ko na iyon ang tungkulin namin, ano? Subalit napakarami na nating mga batas ngayon at nasa implementasyon. Ang mas malaking timbang, mas malaki ang weight ng implementasyon na ngayon sa pagiging successful na mga batas. Marami na kasi tayong batas eh, at nakikita ko na kulang ang determinasyon din at implementasyon ng National Government and even local governments. Kailangan lang desidido ka na implementa 'yan. Gaya sa peace and order, kailangan ipakita to talagang desidido ka, sa disiplina, kailangan din at 'yung sa pera naman, sa pagbabayad ng taxes, at pagtataas nung ating tinatawag na revenues over the GDP o Gross Domestic Product. 'Yan ang ating dapat pataasin, bumaba 'yan masyado eh, umabot ng twelve percent 'yan. From a high of seventeen percent. So dapat ngayon, I understand mga kinse porsiyento na. Dapat siguro bumalik pa ng konti 'yan sa isang level ng isang maayos na bansa.

Veronica Uy: Sir, ibang topic naman po, ano ho ang tingin nyo sa Visiting Forces Agreement, dapat po bang reviewhin ng Senado ito? Manuel Villar : Ang pag re-review ang isang agreement na ganyan ay ano yan, dalawang parte nag rereview nyan, kasi pwede naman nating, basta tigilan na 'yan at wala ng magagawa ang isang party. Sa akin, dapat i-try talaga natin na reviewhin yan, bagamat hindi tayo nakakasiguro na papayag ang America, kasi in same manner na tayo ay may karapatan na reviewhin 'yan, may karapatan din naman sila na i-reject 'yan. Kaya walang kasiguraduhan na yung ating pagbabagong gagawin ay papayagan ng America. So dapat pag babaguhin natin 'yan, ay nahahanda tayong mawala 'yan. Sa akin, personal, okay lang mawala 'yan. Veronica Uy: Bakit po? Manuel Villar : Well, masyado naman injustice kasi e ang ating aabutin, kung talagang hindi sila willing na irenegotiate 'yan, sa aking palagay e hindi naman tama. Nakaka kawawa naman ay bayan natin kung, yung sa mismong bayan mo ay ikaw ang magiging biktima ng injustice. Kahit papano ay malaking sampal naman sa atin 'yun. Veronica Uy: Isa pa hong ibang topic, marami hong extra-judicial killings. Ano po ang inyong opinyon dito? Manuel Villar : May batas naman tayo dyan eh. 'Yan ay kailangan desidido ang government dyan na lutasin 'yan. Bawal 'yan. Alam natin na iyan ay bawal, labag sa batas 'yan at anuman ang labag sa batas, dapat naman talagang lutasin at hindi naman dapat nating hinihintay pa ang komenta ng mga foreigners dito sa mga bagay na ito. Hindi natin dapat hinahayaan 'yan in the first place at kaya ako naniniwala na obligasyon ng ating gobyerno na hanapin at bigyan ng hustisya yung mga napatay doon sa, yun yung mga nangyaring killings

na yun, dapat bigyan ng hustisya ng ating pamahalaan yung mga napatay. Veronica Uy: Tingin nyo ho sinasadya ng gobyerno na hindi hanapan ng solusyon ang mga... Manuel Villar : Hindi natin masasabi 'yana pero para mangyari 'yan ako, nakikita ko na hindi desidido ang gobyerno. Kasi masyado marami na at ang tugon ng gobyerno parang hindi naman malakas. Parang masyadong mahina. Kasi sa lakas ng tugon ng gobyerno, dun mo malalaman kung talagang desidido gobyerno eh. Minsan, makikita mo na nahihirapan sila. Pero talagang nagta-try, mahahalata mo naman 'yun kung talagang nagta-try. Parang hindi eh. Lira Fernandez : Good afternoon, senator. Ako po si Lira Fernandez. Manuel Villar : Hi, Lira. Lira Fernandez : Nag co-cover po ako ng Malacañang. Sir, nabanggit nyo po kanina na parang hindi lang importante na manalo sa Senado. Kung saka-sakali pang babalik kayo dun, makuha ulit ang Senate Presidency, kasi mas marami kayong magagawa, posible po ba ito kung nandyan na si.... kung nandyan pa rin si [Senator Edgardo] Angara? Manuel Villar : Oo naman, posible naman lahat. Pwede namang gawin 'yan eh, kahit na sino ang nanduon at sanay naman tayo sa mga--alam mo sa Senado, siyempre mga negosasyon 'yan sa pagpasa ng panukala at okey naman si Senator Angara. Lira Fernandez : Kung saka-sakaling magkakaroon po ng division of the House, saan po kayo mag-aalign? Manuel Villar : Ah oo, per issue basis. Ako talagang independent naman maski kailan. Maski na nung nasa--ako'y bagong senador pa lang, ang boto ko palaging independent.

Kung ano ang nasa isipan ko sa partikular na issue, iyon na ang aking ginagawa. Kaya mas maganda nga ngayon eh, na independent ako na mas libre ako na magdesisyon ngayon kung saan ako lilinya. Bagamat sa Senado, dapat natin isispin na, wala naman, ang linyahan dyan ay hindi Administration o Opposition. Ang linyahan dyan Majority, Minority. Iba linyahan dyan. Pagka ang mga tao ay nakarating na sa Senado, lahat dyan ay halos bawat isa ay independent. Lira Fernandez : Pagkatapos po ng Senate presidency, ano po yung susunod na presidency ang gusto niyo? Manuel Villar : Hindi natin masabi, dahil sa unang una, baka wala ng Senado. Alam mo, nagsasabi ang Pangulo na talagang tatangkain nya na mag-initiative uli. So, hindi natin alam. Siyempre, sasanggahin natin 'yan, ipaglalaban natin ang kalayaan ng Senado. Yang aking gustong idiin, kaya isa pang kadahilanan yan kung bakit tumatakbo ako ng independent dahil talagang gusto kong idiin yung pagiging malaya na Senado. At yun ay ipaglalaban natin. Bagamat, realistically, may posibilidad talaga na mawala 'yan kung magtagumpay yung initiative. Ngayon, palagay ko mas may oras pa sila sa initiative at mas maitatam na nila yung kanilang gagawin. Ang sa akin naman, nahihirapan akong kumandidato sa halimbawa, kakandidato ka naman sa Team Unity na ang plataporma mo ay tanggalin ang Senado, napakahirap naman nun. Parang kumandidato ka na iboto ka, tapos ang plataporma mo tatanggalin ang Senado. Parang inconsistent naman 'yon. Lira Fernandez : So kung may ganito pong initiative ulit, maaasahan po ng tao na haharangan ninyo 'yung Cha-cha? Manuel Villar : Haharangan natin 'yan, pero nais ko lamang sabihin dito na ang hinahararangan natin 'yung ilegal na paraan ng, yung unconstitutional na paraan ng pagbabago ng Saligang Batas. Sapagkat

pag ang Saligang Batas ay binago ng naaayon sa Saligang Batas, wala tayong magagawa dyan. Kokontrahin natin 'yan, kokontrahin ko 'yan, kokontrahin namin 'yan sa Senado--subalit kapag natalo kami at nagdesisyon ang mga mamamayan, walang kaming magagawa kundi tanggapin 'yan. Kaya ang kailangan dito, maging listo kami na maharang, dun pa lang sa unang chapter or unang yugto pa lamang ng pagtatangka na magkaroon ng initiative. Pagka kasi nakarating na sa plebiscite 'yan at natalo, ay wala kang magagawa duon, dahil sa tama 'yung proseso. Lira Fernandez : Pero may mga provisions po ba ng Constitution na dapat talagang ireview na or palitan? Manuel Villar : Alam mo 'yung mga tanong na ganyan kasi…Ako kuntento naman ako sa present na constitution e, hindi naman ako masyadong hot na baguhin ito at naniniwala ako na wala naman dito ang problema. Subalit 'yang pananaw na yan sa isipan ng ibang tao ay hindi ganyan, sa isipan na ibang tao, kailangan baguhin ang Constitution. Tsaka kasi konti, kung mga amendment lang eh, minor amendments lamang, gaya ng pagbabago nila ng American Constitution. Imbes na babaguhin nila isang provision, dalawang provision, 'yung from time to time eh talaga namang pwedeng i-amend and Constitution. And mahirap lang 'yung babaguhin mo na 'yung sistema ng gobyerno, kaya 'yung ang medyo mahirap. Lira Fernandez : May ilang obserbasyon po na kaya ganito 'yung pananaw niyo dito para daw po malaya yung plans niyo if ever sa 2010? Manuel Villar : Alam mo mahirap kung nagpaplano ka ng ganyan e dahil hindi mo pa nga alam kung papano ka magpaplano. Halimbawa, ano ba ang form of government natin sa 2010. Presidential ba o parliamentary? At kung presidential, ikaw ba ay papalarin na magkaroon ng pagkakataon na kumandidato?

Ang sa akin, bata pa lamang ako talaga ay independent-minded na ako, eh. At iyan naman ay naipakita natin sa ating mga action, maski nung ako'y House Speaker, maski ng ako'y Congressman, maski ng ako'y pangkaraniwang Senador ay parating namang independent ang akong posisyon na kinukuha. At maski nung ako'y nasa business sector pa, ay parati akong independent mag decide. Lira Fernandez : Hindi ho ba mahirap maging independent? Manuel Villar : Madali lang. Kasi alam mo, nung bata ako, talagang lumaki na ako na hindi nagdedepende maski kanino man eh. Talagang dumaan ako sa hirap at wala akong choice nun kundi pangatawanan lang yung sarili ko, magpundar sa sarili ko, at ang una kong ginawa ay magsarili kaagad, mag konting negosyo na maliit, napalaki ko naman, kaya simula pa nung ako'y bata, talagang napalinya na ko sa pagsasarili at yun ang naging panuntunan ko sa buhay, parang--kaya ka nga nagpapakahirap, para magawa mo yung gusto mo. Napakahirap naman nung, nagpakahirap ka, hindi mo naman magawa ang gusto mo. Lira Fernandez: Panghuling tanong po, parati pong sinasabi ni President [Gloria Macpagal] Arroyo na kailangan ang unity sa election na ito. Sa tingin nyo po possible kaya ito, pagkatapos ng May election? Manuel Villar: Well, depende sa interpretasyon mo ng salitang unity. Kasi, sa akin, kung ibig sabihin ng unity, iisa ng lamang ating kaiisipan, o iisa ang ating mga pananaw, e hindi naman ganyan ang sistema ng gobyerno natin. Tayo ay demokrasya at sa isang demokrasya talaga namang hinihikayat ang mga mamamayan na magsalita ng gusto nilang sabihin, open tayo. Sa ating media, sa press, sa mga demonstrasyon, sa kolehiyo, open tayo at 'yan ay pagkakaisa sa pagmamahal sa demokrasya. Kung unity sa pagmamahal sa demokrasya, yan ang magandang unity, pero kung ang ibig sabihin ng unity is susunod na lamang tayo, eh hindi naman tama 'yun, iba namang klaseng unity 'yun.

Manuel Villar, Jr. podcast interview transcript, part 3

INQUIRER.net First Posted 13:22:00 03/07/2007

Erwin Oliva : Hello po, senator. Ako po si Erwin Oliva, kinocover ko po 'yung Comelec [Commission on Elections] tsaka technology. Sa unang tanong ko po, ano po ang tingin nyo po sa pag-automate ng election sa Mayo. Manuel Villar : Well, ok lamang yan, basta magagawa ng maayos. Kasi, batas na yan, subalit kung partial lamang at hindi sigurado ang Comelec, ay ‘wag na lang. Ang sa akin, too late na 'yan. Napag-usapan pa dahil sa palagay ko ngayon ay imposible nang ma-automate ang eleksyon. Ang sa 'kin kasi kailangan yan, kumpleto dahil alam natin na may mga nagdududa sa ano 'yang election. Kalinisan 'yan kaya mahalaga na masiguro natin na kumpleto ang pag-automate natin ng eleksyon, otherwise, wag na lang. Erwin Oliva : Sa tingin nyo ba ho, mawawala yung mga katulad ni “Hello, Garci,” pag ating ino-automate and eleksyon? Manuel Villar : Baka hindi pa rin. Talagang magagaling din ang gumagawa na paraan eh, kaya maaaring ang isa lamang maganda rito, mabilis ang resulta at baka mabawasan. Subalit, hindi natin masasabing fool-proof. In fact, dapat alalay din tayo, magbabantay din tayo dahil, kung mas, bagamat mas mabilis ang paglabas ng resulta, baka mas mabilis din ang pagdaya. [laughs] Erwin Oliva : Dun sa aspeto ng teknolohiya ano ho--meron ho ba kayong plataporma tungkol sa pagdedevelop ng industry na 'to. Lalo na 'tong ICT na tinatawag nila. Manuel Villar : Well, sa akin, 'yang ang kinabukasan e at medyo nahuli na tayo sa manufacturing. Bagamat dapat ilaban pa rin natin

ang manufacturing lalong lalo na export, at lalong lalo na, manufacturing dito sa areas na ito. Pero, sa services dyan tayo dapat lumaban at lamang, medyo nakakahabol tayo ngayon at dyan tingin ko dapat tayong ma-focus. Pati nga 'yung edukasyon na sa tingin ko dapat ano eh, dapat ay ifocus na lang ang edukasyon natin dun sa mga kurso na madaling makahanap ng trabaho at tungkol dito at sa akin kasi gusto kong iredirect natin yung ating education dun sa kinabukasan ba. 'Yung mga kurso na mga pinagdaaanan na nga panahon, dapat medyo huwag na muna nating pondohan 'yan at pondohan natin ang mga bago naman na parang duon patungo ang ating lipunan. Erwin Oliva : Sir, related to that, marami sa mga graduate natin ngayon sa kolehiyo, even yung galing sa mga matataas ng paaralan like UP, nagiging call center agents sila at tingin nyo problema ba 'to dahil nabanggit nyo nga ang edukasyon eh itong mga taong to nagiging empleyado? Manuel Villar : Well, sa kin, kung ang alternatibo ay lang namang trabaho, mas maganda na yan. Kasi mahirap di naman yung wala kang trabaho, at least kahit papaano rito, may trabaho ka. Siyempre mas gusto natin after a while ay tumaas ang kalidad nung kanilang ginagagawa pero maaari namang transistion lang ‘yan. Maaaring sa simula, magsisimula muna sila riyan, at.... Pero nakikita ko yung mga nanggagaling sa call center, medyo gumagaling magsalita, nagiging confident sila at yung kanilang ano, ang Ingles, mas maganda, baka maganda rin namang training, ‘wag natin sasabihin na dahilan sa tumatawag sa telepono lamang ay wala naman silang training na nakukuha. Palagay ko meron din, at tsaka siyempre hinahangaan din natin 'yang mga 'yan na maski na gabi nagtatrabago ang karamihan, nagtatrabaho pa rin. At least, masisipag. Kaya hindi ko nakikita na masama 'yan. Nakikita ko mabuti 'yan. May mas mabuti pero yan mabuti 'yan.

Erwin Oliva : Sa larangan naman po ng siyensiya. Ito'y isang industriya na nakakalimutan na if fact yung budget ho ng DOST [Department of Science and Technology] ngayon napakaliit. So ano hong pwede nyong gawin pag kayo'y naboto sa...? Manuel Villar : Sa tingin ko talaga dapat ang thrust natin dyan eh. Hindi lamang kasi dapat popondohan mo lang yung DOST or yung Departamento ng Science and Technology. Kundi dapat iredirect mo 'yung government machinery para dyan. Meaning yung buing education department, dapat idirecto dyan, yung buong health department, dapat i-direct mo dyan, dapat 'yung lahat ng mga departamento gagamit ng mga latest communication, at mga training nung mga tao, natin, yung mga empleyado natin, so hindi lamang naman, titignan natin 'to na papalakasin natin dito DOST, hindi magagawa 'yan. Dapat yung buong gobyerno. Yung DOST siguro, iyon ang pinaka lead department at yung ang pinaka gagawa nung mga mahihirap na aspeto nitong ating pagtungo dito sa kaunlaran ng siyensya. Erwin Oliva : Sir, maiba naman po yung pag-uusapan, meron hong mga religious issues ngayon na kinakalaban ng simbahan, katulad ng pag-gamit ng condom, sa reproductive health, Ano po 'yung position nyo ho dito? Manuel Villar : Ang sa 'kin, nasasa-tao 'yan. Sa tingin ko may katwiran naman ang Simbahan na sabihin 'yan at 'yan ay tungkulin nila pero may katwiran naman din 'yung tao na magdesisyon para sa kanilang sarili. Erwin Oliva : Sa larangan naman po ng rights ng mga bakla, or mga lesbians, ok lang ba kayo sa pag-lelegalize ng same marriage unions, mga ganun na issue, Manuel Villar : Well, sa akin, maraming rights ang mga ganyan, at dapat naman igalang natin 'yan. Yung namang sinasabing same sex marriage, hindi naman porke hindi ka pumapayag dun e hindi ka na

pumapayag sa rights nila. Baka lang masyadong lumalayo naman tayo sa basic na karapatan nung ating mga kababayan din. Erwin Oliva : Tungkol naman po sa kuwan, Senator, yung mga government officials na nagpapaskil ng mga pangalan nila sa public projects, dapat bang pagbawalang ito o dapat bang gawing criminal…? Manuel Villar : Alam mo, yan nga ang problema ng ganyan, kasi hindi nga malaman ng mga pulitiko din kung paano ang gagawin. 'Yung mga iba sinasabi, binubulsa daw nila yung proyekto, at ayaw na nila sabihin wala naman silang nagagawa. Yung iba naman gusto namang sabihin na, eto marami akong nagawa. Wala akong nakikitang problema d'yan, sapagkat pagka hindi mo naman sasabihin kung san napupunta yung, yung mga proyekto mo, pangit din 'yon, baka hinalain naman ng iyong mga constituents ay ninanakaw mo ‘yun. At least itong, kung sinasabi mo kung ikaw yung, transparent at nakikita nilang itong kalyeng itong ay ginawa nito, itong proyektong ito any ginawa nito, ginawa nitong congressman na ito, halimbawa. Subalit ‘wag naman masyado malaki. Ang masama rito kung gumagastos, gobyerno. Dapat pag mag cla-claim ka ikaw ang gagastos sa sarili mo. Erwin Oliva : So pwede hong abusihin? Manuel Villar : 'Yung sa sign, dapat ikaw yung magpapagawa nung sign mo, pero ang totoo nyan, between yung, between yung itatago mo kung ano proyekto mo, sa i-a-announce mo, baka mas maganda na ring i-announce para at least nalalaman ng tao na may ginagawa ka. Kasi alam naman natin na marami rin naman tayo naaakusahan na ginagastos lamang. Erwin Oliva : Sa issue po ng political dynasties, ano po yung tingin nyo ho dito?

Manuel Villar : Ah wala akong ano riyan, sa tingin ko eh wala akong problema dyan dahilan sa iyan naman, nasasa-tao yan. Se demokrasya siyempre, ang tao mag de-decide. Kung ayaw nila ng ganyan, ‘di nila iboboto 'yung kandidato. Kung payag naman sila dyan, ay ibiboto nila. Sa tingin ko, iwanan natin sa ating mga kababayan yan at nalalaman nila ang kanilang gusto, nalalaman nila ang kanilang gagawn sapagkat kung halimbawa magkapatid e parehong magaling, papaano naman 'yun? Baka gusto din ng iba na nga constituents na iboto pareho. Hindi natin sila masisisi. Kaya sa akin, iwanan natin sa ating mga kababayan ang pagpapasya. Erwin Oliva : Huling tanong ko na lang, Senator. Sa spirit ng transparency, magkano po 'yung personal income tax na binayaran niyo nang in the past six years? Manuel Villar : Well, sa akin wala akong problema sa income tax. And dinedeclara ko lang diyan ay ang ating dividends at yung ating pong sweldo bilang senador. Erwin Oliva : Magkano po? Manuel Villar : Ah hindi ko lang alam ngayon, ginagawa ng accountants 'yan at and dividendo naman ay depende kung magkano idedeklara ng kompanya. Erwin Oliva : Maraming salamat po. Joey Alarilla : Kumusta pa, Senador. Manuel Villar : Ay, kumusta naman. Joey Alarilla : Ako po si Joey Alarilla, I'm the gaming ang multi-media editor na INQUIRER.net. Ito po ba Senador ang una nyo pong podcast?

Manuel Villar : Oo, ito ang una. Joey Alarilla : Ano pong tingin nyo dito sa bagong medium na 'to? Manuel Villar : Well, alam naman natin na ito na ang kinabukasan so maganda naman ito eh, exciting naman itong nasimulan na natin. Parang unang hakbang. Inaasahan ko na sa mga darating na panahon ay mas marami pa tayong mga ganitong mga gagawin. Joey Alarilla : Ang isa pong maganda dito sa podcast na 'to ay mapapakinggan po kayo ng ating mga kakabayan sa iba't ibang bansa. So ito po'y isang pagkakataon para malaman talaga nila ang mga issues na nangyayari sa Pilipinas. Sa tingin niyo po ba, dito sa eleksyon na 'to, malaki ang magiging impact ng ating mga absentee voters? Manuel Villar : Well, hindi pa sila masyadong madami pero ang laki na ng in-increase nila kaya may impact na rin. At nakikita natin na padami na ng padami kaya ngayon, itong eleksyon na 'to, siguro magiging unang eleksyon na may impact sila at itong impact na ito'y palakas ng palakas 'yan at habang tumatagal ang panahon. Joey Alarilla : Isa po sa mga nagiging issue dun sa kampanya ay nakikita po talagang mga artista na tumatakbo ngayon, at ang isa po ring napapansin ng mga tao yung mga senador na hindi rin naman, kahit hindi artista, kung anu-ano pong gimik ang kailangan gawin. Manuel Villar : May asawa.... Joey Alarilla : [Laughs] Sa tingin nyo po ba, I mean kunwari po, yung mga campaign jingles tapos 'yung pagsayaw, napilitan lang ho ba kayo dahil para to attract yung attention ng mga botante? Manuel Villar : Alam mo kailangan din, masaya naman din at hindi naman kailangan yung seryoso sila. Kung nag-e-enjoy ka naman din, wala naman akong problema sa mga ganun. Halimbawa, sa aking advertisement, wala naman akong ginawa dun na hindi ko ginagawa. Kami namang mag-asawa talagang mahilig din sumayaw. So walang

problema 'yun, basta pinapakita mo nga yung pangkaraniwang ginagawa. Joey Alarilla : Talaga pong kayo 'yun, walang pong stunt double talaga na gumawa nun.[laughs] Manuel Villar : Ako gumawa lahat nun at in fact, sa tingin ko, there should be some truth in advertising. Na pag ag-advertise ka sa election din, dapat totoo naman 'yung i-a-advertise mo. Mahirap naman 'yung parang ica-claim mo na di naman ikaw. Dapat, kapag ki-claim mong ganun ka, ganun ka talaga. Kasi naka, parang malaking bagay sa tao 'yan e, para kine-claim mong ganun ka tapos hindi ka pala ganun e iboboto ka ng tao dahil tingin nila ganun ka. E tapos hindi ka naman pala ganun. Sa tingin ko, parang produkto rin, that there should be some truth in advertising din. Joey Alarilla : At huli pong katanungan, kung mamarapatin nyo, pwede po bang samplelan nyo ano ng...[laughs] Manuel Villar : Alam mo, kasi timing timing 'yan e but may mg pagkakataon na tayo po'y sumayaw. Lalo pag may kapartner, me mga time naman na kahit ganito kaseryoso e wala. Joey Alarilla : Maraming salamat, po, sir. JV Rufino : Senator, thank you got guesting my show and for sharing your insights with the viewers and my editors and reporters. Manuel Villar : Walang anuman at ako'y nagagalak din at nagkaroon tayo ng pagkakataon na makaulayaw ang ating mga reporters dito sa mga kasamahan dito sa INQUIRER at nagkaroon po tayo ng pakakataon na maipaliwanag yung mga ibang ibang issues na nailahad po sa atin.

Related Documents


More Documents from "Tyler"