ANG MUNTING PAHAYAGAN NG MAHARLIKA TOASTMASTERS
Buwan ng Wika, Pinagdiwang sa Maharlika
Nagmistulang galing sa binyagan ang mga Maharlikano na dumalo sa pulong na pinamagatang, “Ako’y Isang Pinoy.”
Pinagdiwang ng Maharlika Toastmasters ang Buwan ng Wika nuong ika 18 ng Agosto sa pamamagitan ng pagpupulong na ginawa sa wikang Filipino. Ang Pulang ay pinamagatang 'Ako's Isang Pinoy.' Pinangunahan ni Ed Fabonan bilang Punong Tagapagdiwang ang palatuntunang ito. Ang pulong ay dinaluhan ng 20 tao na nagsipagsuot ng iba't ibang katutubong damit. Si Odessa Andal mismo ay nakabihis bilang isang Prinsesang Maranao at si Pedro Guzman ay nakabarong na pamburol. Pinadugo ni TC Chua ang ilong ng mga Toastmasters ng pangunahan niya ang Maikling Talakayan (Table Topics) kung saan ang lahat ng mga paksa ay tinalakay sa Filipino. Bagaman napakahirap isalin ang ilang
IKA 21 NG AGOSTO, 2009
mga salita at mga pangungusap na karaniwan ng bukam-bibig sa ingles, ipinakita ng lahat na tinawag ang kanilang tapang at giting nang buong yabang nilang sinagutan ang lahat ng mga katanungan sa loob ng dalawang minuto. Matapos ito ay sumunod ang mga talumpating lahat ay hango sa Advanced Manual. Sinimulan ni Pedro Guzman sa kanyang talumpating pinamagatang “Confessions of a Shoppaholic” na isa palang hinaing ng kasintahan ng isang shoppaholic. Eto'y isang talumpating pang aliw. Sumunod si Pangulong Bong sa kanyang ”A Walk To Remember,” isang projyektong nasa ilalim ng Interpretive Reading Manual. At ang pangatlo ay si Third Catayoc na naglahad ng isang Folk Tale, “Ang Datung May Dalawang Asawa.”
Tampok Sa Siping Ito: Buwan ng Wika Ang mga Bagong Pinuno ng UP Manila Ang Unahan sa Pagiging “President’s Distinguished Club” Hanap Buhay-Hanap Pag-Ibig Ang Datung Dalawa Ang Asawa Mga Kaganapan sa Maharlika Kung Ang Larawan Ay Nakapagsasalita
Nang akala namin ay tapos na ang lahat, biglang humabol si Jess Bato sa pagbigay ng isang Roast. Naging matalinhaga ang kanyang
To know more about us, visit our site at http://maharlika.freetoasthost.info. Or be our guest at our club meetings, every Tuesdays, 7pm at the Jade Vine Restaurant, U.N. Ave. cor. Bocobo St, Manila. Just walk in. You will be welcome.
Issue No. 41 Page 1
pagtusta at sa huli lang namin nalamang para pala kay Ed Fabonan ang kanyang mga pasaring. Si ACG Edith Garde ng Powehows Toastmasters ang naging punong tagapaglimi. Nakiusap siyang gamitin na lang ang Ingles at sa kanyang papel at siya nama'y pinagbigyan. Ang iba pang nagsigpaganap ay sina Aida Valles, tagapaglimi ng Maikling Paksa; Mely Fernandez at Odessa Andal, tagapaglimi ng mga talumpati; Odessa Andal, taga balarila; Kai Alix, tagabilang ng Ah at Haha; at January Martin, taga-oras. Dumalo rin sa pulong sina Wyndale Wong at Michaelson Lim ng UEC. Pinakita ng pulong na ito na makulay at mayaman din pala ang wikang Filipino. Ito’y maaring maging isang mabisang kasangkapan sa komunikasyon at ito'y maaring gamitin nang hindi tayo nababansagang baduy.
Proklamasyon (1041) ni Pangulong Ramos noong 1997. Paano nga ba naging Ama ng Wikang Pambansa si Manuel Quezon? Nuong dekada 30, nang nalalapit na ang paglaya ng Pilipinas mula sa mga Amerikano, pinagpulungan ng mga pinuno ng bansa kung ano ang magiging pambansang wika. Sapagka’t napakarami at iba iba ang mga katutubong wikang ginagamit sa buong kapuluan, kinailangang mamili ng isa sa mga ito na maaring maging pundasyong wika na palalawigin sa pamamagitan ng pagdagag ng mga salitang mula sa iba pang katutubong wika at ito ang palalaganapin bilang pambansang wika. Ang Tagalog at Cebuano ang naging sentro ng atensiyon; Ang Tagalog dahil ito ang wikang gamit sa Maynila (na kabisera) at karatig puok at Cebuano dahil nuong panahong iyon, ito ang wika na pinakamarami ang gumagamit. Ang pagpili ng Tagalog bilang pambansang wika ay tinuturing na tagumpay ni Manuel Quezon, isang purong Tagalista mula sa Baler, Tayabas, na ngayo’y tinawag na probinsyang Quezon. Si Manuel L Quezon ang unang pangulo ng Pilipinas sa Republikang itinatag pagkatapos tayong makatiwalag mula sa bansang Amerika nuong 1935.
Ang mga makabayang kasapi ng Maharlika.
Buwan Ng Wika Sa Pilipinas, ang buwan ng Agosto ang itinalagang ‘Buwan ng Wika.’ Isang buwan ang inilaan sa pagdiriwang at pagkilala sa kahalagahan ng Pambansang Wika. Bago tumuntong ang taong 1997, ang pagdiriwang na ito’y ginagawa lang ng isang linggo (kaya noon ang tawag dito ay ‘Linggo ng Wika’) na nagtatapos sa Agosto 19, ang kaarawan ni Manuel L. Quezon, ang tinuring na Ama ng Wikang Pambansa. Ginawang buong Agosto ang pagdiriwang sa bisa ng isang
Si Manuel L. Quezon.
Tinawag na nuong 1959 nagsimulang sa paaralan
To know more about us, visit our site at http://maharlika.freetoasthost.info. Or be our guest at our club meetings, every Tuesdays, 7pm at the Jade Vine Restaurant, U.N. Ave. cor. Bocobo St, Manila. Just walk in. You will be welcome.
Pilipino ang wikang pambansa ng Kawani ng Edukasyon. Dito gawin itong pangunahing wika sa buong Pilipinas kung kaya’t Issue No. 41 Page 2
unti-unting dumami ang nakakaintindi sa wikang ito sa buong bansa. Nuong 1987, sa Saligang Batas na ipinagtibay sa ilalim ng pamahalaan ni Cory Aquino, ang pambansang wika ay tinawag na Filipino.
titulong "President's Distinguished taong 2008 – 2009.
Club" sa
Ang Mga Bagong Pinuno ng UP Manila Iniluklok ang mga bagong opisyal ng UP Manila Toastmasters nang silay nagtipon noong ika 14 ng Agosto sa UP Manila Campus. Ang bagong pinuno ng UP Manila ay ang sumusunod: Mahdi Khadematolrasoul Pam Castro Dianne Agbayani Mark Marinas Val Ramos Yolly Meru Aristotle Magallanes
President VP Education VP Membership VP Marketing Secretary Treasurer Sgt at Arms
Nagsipagdalo ang mga opisyal ng distrito na sina Division Governor Katrina Letargo at Area 12 Governor Rudy Reyes. Si Gina Mapua, dating District Governor ang nagbigay ng Keynote Speech. Pinapurihan niya ang mga kasapi ng klab dahil sa biglang pagdami ng miyembro nito, na kitang kita sa dami ng nagsipagdalo sa pulong. Hinamon din niya ang mga Toastmasters ng UP Manila na umalindayog tulad sa Agila at habulin ang matayog na mga layunin.
Si Mahdi Khadematolrasoul, ang bagong pangulo ng UP Manila, kasama ang dating pangulo naman ng Maharlika na si Mely Fernandez.
Ang Unahan Sa Pagiging “President’s Distinguished Club”
Nagpasalamat si Michelle Gojar, sa lahat ng mga tumulong sa kanyang termino bilang pangulo. Sa talumpati naman ng bagong pangulong si Mahdi Khadematolrasoul ay pinahayag niya ang kanyang mga pangarap na makamit ng UP Manila sa kanyang panunungkulan. Sa gabing iyon, pinarangalan din ang mga opisyal at kasapi na nakatulong ng nakaraang taon upang makamit ng UP Manila ang
Rumatsada agad ang mga Toastmasters Club ng District 75 sa pagpasok ng bagong termino. Sa talaan ng Toasmasters International noong ika 14 ng Agosto, 7 sa 156 mga club ang nakakuha na ng dalawang DCP goal. Tatlo sa pitong ito
To know more about us, visit our site at http://maharlika.freetoasthost.info. Or be our guest at our club meetings, every Tuesdays, 7pm at the Jade Vine Restaurant, U.N. Ave. cor. Bocobo St, Manila. Just walk in. You will be welcome.
Issue No. 41 Page 3
ay galing sa Division B, ang Manila Bay, CPA & Friends at Bayanihan. 17 naman ang nakakuha na ng isang DCP goal. Narito ang mga nangunguna: Club
Div
Goals Achv’d
Details
B
No of Members 26
Manila Bay
2
Bayanihan CPA & Friends Bacolod Square & Compass First Farmers Hablon
B B D
21 20 11
2 2 2
1 ACS, 1 CL 4 CL 2 CL 2 CL
D D
22 17
2 2
Pines City
G
29
2
Sa paghahanapbuhay, paano kung maranasan mong nahanap mo rin dito ang pag-ibig? Maaaring tanungin ang sarili o hingin ang payo ng mga kaibigan kung nararapat bang umibig sa lugar ng pinagtatrabahuan. Sa aking palagay, mali ang katanungan na iyan. Sa larangan ng pag-ibig ang mas mahalagang katanungan ay kung nararapat bang mahalin, o tuluyang mahalin ang isang minamahal (kahit saan man siya at ikaw namamasukan).
2 CL 11 New Members 4 CL
Hanap-Buhay, Hanap-Pag-Ibig Leonore Laluna
Paano kung main-love ka sa iyong ka-opisina, o kasapi sa isang organisasyon? Hahayaan mo bang yumabong ito? Ilalahad mo ba, o kikimkimin na lang? Paano kung ika’y mabigo, o kaya’y magtagumpay ngunit sa kalaunan kayo’y maging mortal na magkaaway? Basahin natin ang pananaw ni Leonore Laluna, isang dalubhasa sa larangan ng sikolohiya. Si Leony ay dating Division C Governor, Kampeon sa pagtatalumpati at pagpapatawa at kasapi ng Aboitiz Toastmasters Club. Isa siyang Trainer, eksperto sa larangan ng Human Resources at guro sa sikolohiya. Siya ay naninirahan sa Cebu. Ang akdang ito na nalathala na sa Facebook ay ibinabahagi sa inyo sa pahintulot ng may-akda. Kusang dumarating ang pag-ibig. Hindi ito naghahanap ng panahon, o ng oras, o ng tamang lugar. Sabihin mo man sa sarili na ito ang nanaisin ko sa taong mamahalin, isang araw ay magigising ka na lang, at matatanto na ikaw nga ay umiibig. At yun ay isang bagay na dapat ikaliligaya ng sinuman.
Talasan lang ang inyong paningin. Baka ang pag-ibig na inyong hinahanap ay nasa tabi tabi lang.
Sa kasalukuyang panahon, kung saan mas malaking oras ang inaatupag ng sinuman sa loob ng opisina, ay madaling mangyari na mahanap nga ang sariling swerte sa pag-ibig dito. Ang taong madalas mong kasama tuwing overtime ay maari mo ring magustuhan over time. O magugulat ka na lang na sa isang teambuilding makitang may nabubuo ding relasyon. O di kaya sa pagtitimpla ng kape ni sekretarya ay nahuli na rin ang panlasa ng among sinisilbihan. Kung hindi man sa iyong karanasan, malamang ito ay nangyari na sa iyong kaibigan o kakilala. Sa masalimuot na mundo ng pag-ibig, ang opisina ang siyang panibagong entablado ng pakikipagrelasyon. May maganda at may masamang ikadudulot ang ganitong kwento. Sa isang banda, kung ikaw ay may kakilala sa HR, madali nang makuha ang lahat ng impormasyon tungkol sa
To know more about us, visit our site at http://maharlika.freetoasthost.info. Or be our guest at our club meetings, every Tuesdays, 7pm at the Jade Vine Restaurant, U.N. Ave. cor. Bocobo St, Manila. Just walk in. You will be welcome.
Issue No. 41 Page 4
kanyang katauhan (talaga bang wala siyang asawa? Saan siya nakatira? Kelan ang kaarawan niya – para malaman kung tugma sa compatibility ang zodiac signs nyo). Alam mo kung kailan ang sweldo niya, bigayan ng bonus, kung kelan wala syang trabaho, kung kelan may trabaho siya, kung talagang totoo ang paliwanag nya na sya ay subsob sa trabaho. Maari ding kumain kayo ng sabay sa kapetirya, o magkape tuwing breaktime, o sabay na ang pauwi o paalis para mag-date. Mas maiintindihan ninyo ang mga pagsubok at problemang naikukwento sa isa’t isa tungkol sa trabaho, at sa takbo ng inyong career. Maari tumulong at maging kaagabay kayo sa isa’t isa. Marami na rin ang nagkatuluyan at nahanap ang taong napangasawa sa opisina.
kakaibang mga pagsubok kung ang pagiibigan ay nangyayari sa opisina. Maaring hindi lang sa opisina, o sa kahit ano pang pagtitipon o organisasyon, gaya ng, sabihin na natin, ng Toastmasters. Dahil kahit sabihin na nating pumuputok na ang iyong dibdib sa emosyong nararamdaman, kailangang huminahon at magpakadalubhasa o magpakapropesyonal.
Anung malay mo, baka ang dati-dating kabiruan mo lang ay may crush pala sa ‘yo.
Ang madalas mong makasama araw-araw ay maaring magustuhan mo din “over time.”
Ngunit paano kung hindi gayon ang naging katapusan? Hindi maaaring ipagsigawan sa kaibigan “Ni ayoko nang makita ang pagmumukha ng Hudas na yon, ni makita ang kanyang anino, o marinig man lang ang kanyang pangalan!” (sabay emote at hagulhol). Mahirap mangyari yon dahil pareho ang mundo na iyong kinagagalawan. Kahit nga hindi pa natapos ang relasyon, maraming katanungan: ipagsisigawan ba natin sa madlang pipol na tayo na? Paano kung magaway tayo? Paano kung may mga tao sa opisina na hindi gusto ang ating pakikipagrelasyon? Hahay, sadyang magulo ang landas na tinatahak ng pag-ibig, at may
Sa ganitong pagkakataon, kung ika’y iibig, o sumubok umibig, o sabihin na nating kahit ika’y hindi umiibig ngunit nakikilaro lamang, dapat isipin na kailangang unahin at igalang ang organisasyon o tipunang kinalalagyan, at pangalawa na lamang ang pakikipagrelasyon. Kaya kailangang matibay ang loob, marunong dumiskarte, at alam kung paano ilagay ang sarili ayon sa tawag ng sitwasyon. Sapagkat hindi sa lahat ng pagkakataon matiwasay ang kalalabasan ng pag-ibig, at sa pagitan ng isang lalaki at babae, sa isang relasyon, tiyak may apoy na maglalagablab. Maari itong makapagbigay ng ibayong init, ngunit maari din itong makapaso at makasunog. Hindi naman maaaring ipagbawal ang pag-ibig, sa anumang landas o lugar man ito tahakin, dahil ang pag-ibig, ayon nga kay Balagtas, kapag ito ay papasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang. Kaya kilatisin ng mabuti ang kakilalang madalas makasama, hindi mo alam, isang araw magisnan na lamang na kakaibang damdamin na ang sumibol. Dahil
To know more about us, visit our site at http://maharlika.freetoasthost.info. Or be our guest at our club meetings, every Tuesdays, 7pm at the Jade Vine Restaurant, U.N. Ave. cor. Bocobo St, Manila. Just walk in. You will be welcome.
Issue No. 41 Page 5
kahit masalimuot man ang landas ng pag-ibig, dito pa rin umiikot ang mundo.
Ang Mga Kaganapan Sa Maharlika July 28, Parangal Kay Michael Jackson Idolo pala ni Mimosa Maghanoy ang yumaong Rock Icon na si Michael Jackson. Kaya nga ito si MJ ang ginamit niyang tema sa pulong ng Maharlika na kung saan siya ang naging Punong Tagapagdiwang. Ano pa’t kumpleto sa suot na jacket, sombrero at guwantes ang bida ng gabi. Wala ni isang makagaya ng sayaw ng ‘King of Pop’ kaya ang bawat isang pinatayo upang magpakita ng “Jackson Impersonation” ay kumanta na lamang na may kasamang hikbi at ‘aaww.’
Si Michael Jackson at si Charlie Chaplin.
Uso na uli ang magmahal sa bayan.
Agosto 8, Badminton at Awitan sa Heart Center Upang ma-ehersisyo ang katawan at lalamunan ng mga Maharlikano, nagsagawa ng isang ‘kitakits’ noong Sabado nang hapon nang Ika-8 ng Agosto sa tuktok ng gusali ng Philippine Heart Center sa Lungsod ng Quezon upang maglaro ng badminton at magvideoke. Mahigit apat na oras na nagpapawis sina Peter, Bong, Kai, Ed,TC, Jing, kasama ang ilang mga kaibigang panauhin, habang sila Aida at Mimosa ay bumibirit ng mga awit ni Celine Dion at Pilita Corales. Dumalo rin si Jeeves de Veyra ng Makati Toastmasters at si Mahdi Khadematolrasoulng UP Manila sa kaganapang iyon. Nag uumapaw ang pagkain at beer ng hapong iyon kaya maaring hindi rin nakamit ang hangarin nila Peter at Jeeves na mabawasan ang kanilang timbang. Alas onse na nang gabi ng magsipag-uwian ang lahat.
Agosto 4, Pagpupugay Kay Tita Cory Nanilaw ang Jade Vine sa pulong na inihandog sa yumaong dating pangulong si Corazon Aquino. Hindi maiwasang tumungo sa politika ang usapan ng gabing ito. Ang namuno sa pagpupulong ay si Cecille Azarcon. Mainit ang talakayan subalit pinalamig ng mga beteranong Toastmasters kaya naging mahinahon ang lahat.
Jeeves and Peter try out the Maharlika Fitness Program.
To know more about us, visit our site at http://maharlika.freetoasthost.info. Or be our guest at our club meetings, every Tuesdays, 7pm at the Jade Vine Restaurant, U.N. Ave. cor. Bocobo St, Manila. Just walk in. You will be welcome.
Issue No. 41 Page 6
Agosto 11, Wild Wild West sa Silangan Naging cowboy at cowgirls ng silangan ang mga Maharlikano sa pulong na pakana ni Odessa Andal. Pinaghalong ‘Pitong Gatang’ at ‘Broke Back Mountain’ ang naging tema ng pagtitipong ito.
Bandidas y bandido en El Rancho de Maharlika.
An Afternoon of Reading By Bong Pestañas, ACB
Proof that Toastmasters aren’t only adept in speaking inside meetings, the President and Vice President for Education of the Maharlika Toastmasters Club participated in a worthy activity for the children of Gawad Kalinga Concepcion Village last Aug 16, 2009. With the help of Fully Booked in Bonifacio High Street, yours truly and VP-Ed TC Chua assisted in the book-reading activity for the children of GKCV.
Each child was asked to pick a book written in English which they had to read and understand. They were asked to summarize the story and to highlight the words that were unfamiliar to them. The volunteers then had to translate the words for them and ask a few questions about the book and its contents. The children’s eyes lit up the minute they saw the multitude of books inside the store. There were all sorts of reading materials that they have never seen before. After the reading, the kids had a snack outside the store. There’s a park in Bonifacio High Street too so they had fun outside, even for a little while. This activity fulfills three of the five goals that the club has set at the beginning of the term. From this year’s motto, Let’s F.I.G.H.T. for F.I.V.E., the “Give. Help. Talk.” part is covered. We gave our time, helped the children’s needs, and talked to them, in a level that they could understand.
Ang Datung May Dalawang Asawa Third Catayoc
Ang sumusunod ay isang alamat na ginawang talumpati ni Third Catayoc ng Camanava Toastmasters sa Maharlika. Isang nakatutuwang paalala na minsan hindi rin maganda ang magmahal ng higit sa isa. May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng datu ang magasawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang magasawa upang magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya. Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait pa. Dahil sa wala
To know more about us, visit our site at http://maharlika.freetoasthost.info. Or be our guest at our club meetings, every Tuesdays, 7pm at the Jade Vine Restaurant, U.N. Ave. cor. Bocobo St, Manila. Just walk in. You will be welcome.
Issue No. 41 Page 7
siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.
Kung Ang Larawan Ay Nakapagsasalita
Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa. Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito, magmumukhang kasinggulang ko lamang siya. Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa. Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida ngunit kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda. Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa. Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang sarili. “ Kalbo! Kalbo, ako! ” sigaw ng datu. Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.
“Lintek! Naiwan na naman ako ng shuttle bus. Hooy! Intayin nyo ko!!!”
Maharlika Toastmasters Club Officers, 20092010 President VP Education VP Membership VP PR Secretary Treasurer Sgt. At Arms
Bong Pestañas TC Chua Mimosa Maghanoy Cecille Azarcon Maricar Alix Peter Guzman Jng Kanapi
917 2722177 917 8178273 916 4512681 921 4211915 905 2960644 917 8310606 906 4634308
Ang mga pangalang "Toastmasters International", "Toastmasters" at ang sagisag ng Toastmasters International ay mga tatak na kukop ng batas sa copyright sa Estados Unidos, Canada, Pilipinas at iba pang bansa kung saan mayroong Toastmasters Club. Mahigpit na pinagbabawal ang walang pahintulot na paggamit nito.
To know more about us, visit our site at http://maharlika.freetoasthost.info. Or be our guest at our club meetings, every Tuesdays, 7pm at the Jade Vine Restaurant, U.N. Ave. cor. Bocobo St, Manila. Just walk in. You will be welcome.
Issue No. 41 Page 8