Ara Angelika R. Liñan BEED 1-1
Detalyadong Banghay Aralin sa Science II
I.
MGA LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang panimulang pang-unawa sa limang pandama. B. Pamantayang Pagganap Naipamamalas ang panimulang kakayahan sa pagtukoy ng limang pandama. C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Sa pagtatapos ng aralin, ang bawat mag-aaral ay inaasahang: Kognitibo: Natutukoy ang limang pandama. Apektibo: Naipapakita ang pagpapahalaga sa katawan. Psykomotor: Naipapaliwanag ang kahalagahan ng limang pandama.
II.
NILALAMAN ANG LIMANG PANDAMA (The Five Senses)
III.
KAGAMITANG PANTURO A. Sanggunian 1. Mga pahina sa gabay ng guro: Pahina 16-21 2. Mga pahina sa gabay ng pangmag-aaral: Pahina 18-24 3. Mga pahina ng teksbuk: Pahina 15-24 4. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng kagamitang panturo: Ang Aking Limang Pandama ― https://openclipart.org/ B. Iba pang kagamitang panturo: Cartolina Manila Paper Mga Larawan Kendi, Krayola, Laruan, Sabon para sa pangkatawang gawain.
IV.
PAMAMARAAN Gawain ng Guro
Gawain ng Mag-aaral
A. Pre-lesson Assessment Magandang umaga mga bata! Magandang umaga rin po, Titser! Maaari bang tumayo muna ang lahat para sa panalangin. Pangunahan mo, Arjen. Mga kamag-aral, tumayo ng tuwid. Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen… Magandang umaga ulit mga bata! Bago kayo maupo tingnan muna ang ilalim at gilid ng inyong upuan kung may kalat o dumi ito. Pagkatapos ay maaari na kayong umupo. Salamat po, Titser! Kalihim Mae, sino ang liban sa klase? Wala po, Titser. Mahusay kung gayon. Ngayon bago tayo dumako sa ating bagong leksyon, natatandaan niyo pa ba ang ating tinalakay kahapon? Sige nga, Bobby? Ano ito? Ang atin pong tinalakay kahapon ay ang mga bahagi ng katawan. Mahusay Bobby! Tama, ang ating tinalakay kahapon ay ang iba’t ibang bahagi ng ating katawan. Sino makapagbibigay ng iba’t ibang bahagi ng ating katawan? Magbigay ng isa, Ailyn? Kamay po, Titser!
Magaling, Ailyn! Ano pa, Edward? Paa po! Tama Edward, paa! Magbigay pa ng isa, Jessie?
Ulo po.
Mahusay Jessie. Anong bahagi naman ng katawan ito? (hinawakan ang balikat) Sige, Anna? Balikat po, Titser! Tama Anna! Eh, ito naman? (hinawakan ang tuhod) Shasha? Mahusay Shasha! Ako’y natutuwa sapagkat natatandaan niyo pa ang ating tinalakay kahapon. Ngayon ay maaari na tayong dumako sa panibagong talakayan! Handa na ba kayo, mga bata?
Tuhod po Titser!
Handa na po Titser! B. INTRODUCTION Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa limang pandama. May ideya ba kayo kung ano ang pandama? Para magka-ideya kayo ay may ipapabasa ako sa inyo na tula. Gusto ko ay basahin ninyo ng sabay-sabay. Nauunawaan ba mga bata? Opo, Titser! ANG AKING LIMANG PANDAMA Sa aking pag-aaral at pagkatuto
Limang pandama ang mga katulong ko. Paningin, pandinig, pansalat, pang-amoy at panlasa, Araw-araw sa kanila ako umaasa. Ang aking paningin ay mahalag sa akin. Ginagamit ko ito sa halos lahat ng gawain. Gamit ang mga mata, ako ay nakakikita Sari-saring hugis, matitingkad na kulay, Kagandahan ng galaw at marami pang iba. Aking pandinig binibigyan ko ng pansin. Ingay sa kapaligiran ay kaya kong alamin. Gamit ang aking dalawang tainga, Alam ko kung maingay o tahimik na. Napakikinggan ko bawat tunog at tinig, Bawat awit at huni, tono at himig. Kung pagkain naman ang hanap ko, Gagamitin ko ang pandama na ito. Sa aking pandamana panlasa, Ang dila kong pula ang bida. Dila ko’y magsasabi kung ang aking kinain Ay matamis, maalat, mapait o maasim. Ang aking pang-amoy ay trabaho ng ilong Sa pagbibigay ng babala, ito’y tumutulong. Bagong luto na pagkain o sukang maasim, Masangsang na basura o mabahong hininga,
Ang ilong ko at dalawang butas nito Nalalanghap ang anumang baho at bango. Ginagamit ko ang aking balat Sa ika-limang pandama―ang pansalat Ito’y nagsasabi kung may Makati o masakit, Kung ang panahon ay malamig o mainit. Malambot, matigas, magaspang o makinis, Alam ko ‘to dahil sa balat kong manipis. Kay halaga ng limang pandama Balat, ilong, dila, tainga, at mata. Ang mga ito ay biyaya ng buhay Kaya tamang pag-aalaga ay dapat ibigay. ANG AKING LIMANG PANDAMA Sa aking pag-aaral at pagkatuto Limang pandama ang mga katulong ko. Paningin, pandinig, pansalat, pang-amoy at panlasa, Araw-araw sa kanila ako umaasa. Ang aking paningin ay mahalaga sa akin. Ginagamit koi to sa halos lahat na gawain. Gamit ang mga mata, ako ay nakakikita Sari-saring hugis, matitingkad na kulay, Kagandahan ng galaw at marami pang iba. Aking pandinig binibigyan ko ng pansin. Ingay sa kapaligiran ay kaya kong alamin. Gamit ang aking dalawang tainga Alam ko kung maingay o tahimik na. Napakikinggan ko bawat tunog at tinig, Bawat awit at huni, tono, at himig.
Kung pagkain naman ang hanap ko, Gagamitin ko ang pandama na ito. Sa aking pandama na panlasa, Ang dila kong pula ang bida. Dila ko’y magsasabi kung ang aking kinain Ay matamis, maalat, mapait o maasim. Ang aking pang-amoy ay trabaho ng ilong Sa pagbibigay ng babala, ito’y tumutulong. Bagong luto na pagkain o sukang maasim, Masangsang na basura o mabahong hininga, Ang ilong ko at dalawang butas nito Nalalanghap ang anumang baho at bango. Ginagamit ko ang aking balat Sa ikalimang pandama―ang pansalat. Ito’y nagsasabi kung may Makati o masakit, Kung ang panahon ay malamig o mainit. Malambot, matigas, magaspang o makinis, Alam ko ‘to dahil sa balat kong manipis. Kay halaga ng limang pandama Balat, ilong, dila, tainga at mata. Ang mga ito ay biyaya ng buhay Kaya tamang pag-aalaga ay dapat ibigay. Ang ganda ng tula, hindi ba? Mga bata, naunawaan niyo ba ang tula na inyong binasa? Kung gayon, may ideya na ba kayo kung ano ang pandama? Sige nga, ano ang limang pandama, Ashley?
Opo, Titser!
Paningin, pandinig, pansalat, pang-amoy,
at panlasa po, Titser! Mahusay Ashley! Ang ating limang pandama ay paningin, pandinig, pansalat, pang-amoy at panlasa. Ano ang kahalagahan ng mga ito? Natututo tayo sa mga bagay sa ating paligid. Dahil sa ating pandama ay natututo tayo sa ating nakikita, naririnig, nararamdaman, nalalasahan at naaamoy. Nararanasan natin ito dahil sa ating Sense Organs―ang mata, tenga, ilong, dila at balat. Sa palagay niyo, ano ang mangyayari sa atin kapag wala ito sa atin o kaya’y nawawala ang isa sa mga ito sa atin? Camille? Kapag nawala po ito sa atin hindi po tayo makakakita, makakrinig, makakaramdam, makakalasa at makaka-amoy. Mahusay Camille! Tama ang sagot niya. Kaya mga bata, pangalagaan natin ang ating Sense Organs dahil mahalaga ito sa ating katawan. Nauunawan ba mga bata? Opo, Titser! C. MODELLING Ngayon ay tingnan niyo ang mga larawan.
Ang unang larawan ay mata at ang mata natin ay ito (tinuro ang mata). Ano nga ang tawag sa larawan na ito at saang parte siya sa katawan ninyo? Andrei?
Ang nasa larawan po ay mata at makikita po siya dito (tinuro ang mata). Tama si Andrei. Ito ay napakahalaga dahil kung wala ang ating mga mata ay hindi tayo makakakita. Anong pandama ito? Monica? Paningin po, Titser!
Mahusay Monica! Ang sunod na larawan ay tenga. Nasaan ang tenga natin? Ito, dalawang tenga. Bakit mahalaga na mayroon tayong tenga? Saan ito ginagamit? Sige nga, Ji-Ann? Magaling Ji-Ann! Ang tenga ay ginagamit para makarinig tayo at ang pandama nito ay pandinig
Mahalaga po Titser ang tenga natin dahil para makarinig tayo.
Ano naming nakikita niyo sa pangatlong larawan? Sige nga, Ken? Ang nasa pangatlo pong larawan ay ilong. Tama Ken. Ilong ang nasa pangatlong larawan. Ginagamit ang ilong para makahinga at maka-amoy tayo. Ang pandama nito ay pang-amoy.
Ano sa tingin niyo ang ika-apat na larawan? Anong pandama ito, sige Alvin? Ang nasa pang-apat pong larawan ay pansalat. Mahusay Alvin! Ang pansalat ay itong mga balat natin dahil ito ang nakakaramdam. Sa salitang Ingles, ang pansalat ay sense of touch. Nauunawaan ba mga bata? Opo, Titser!
At ang panghuling larawan naman ay dila. Ilabas niyo nga ang dila niyo mga bata. Ayan! Ang pandama naman nito ay panlasa na nagagamit natin sa pagkain, pagtikim o pag-inom. Ngayon, naiintindihan na ba ang limang pandama mga bata? Opo, Titser! Ano nga ulit ang limang pandama? Sinong makapagbibigay, Mary Ann? Ang limang pandama po ay paningin, pandinig, pansalat, pang-amoy at panlasa! Mahusay Mary Ann! Mahusay ang lahat. Ngayon ay dadako na tayo sa ating pangkatang gawain.
D. GROUP PRACTICE
Ang gagawin niyong pangkatang gawain ay pinangalanan kong, “HULAAN MO AKO” Kayo ay may apat na pangkat hindi ba? Opo, Titser! Mag-grupo na kayo mga bata. Ang gagawin niyo ay huhulaan niyo ang bagay na ilalabas ko mamaya dito sa lamesa. Magpipiring kayo gamit ang inyong panyo. Hindi niyo gagamitin ang paningin ninyo kundi ang pandama, panrinig, pansalat at pang-amoy lamang. Nauunawaan ba? Ibibigay ko ang rubriks para sa aktibidad na ito. Opo, Titser! RUBRIKS Kawastuhan Kaalaman Kooperasyon Kabuuan
50% 25% 25% 100%
Kawastuhan kapag nahulaan niyo ng tama ang bagay; kaalaman kapag naipaliwanag niyo kung paano niyo nahulaan ang bagay; at kooperasyon kapag lahat kayo ay gumagawa. Maliwanag ba mga bata? Maliwang po, Titser! Magaling! Lumapit na kayo dito mga bata sa lamesa. Ilabas ang mga panyo at piringan ang sarili. Bibigyan ko kayo ng sampung minute para hulaan ang bagay. Walang mandadaya mga bata ha.
Para sa unang pangkat.
Ikalawang pangkat.
Pangatlong pangkat.
Ika-apat na pangkat.
Tapos na ba? Sige, ang una ko munang tatanungin ay ang unang pangkat. Unang pangkat, ano sa tingin niyo ang napunta sa inyo na bagay? Hmm, kendi? Tingnan nga natin, maaari niyo nang tanggalin ang piring. At ang sagot ng unang pangkat ay tama!
Titser, ang hula po naming ay kendi!
Yehey!
Paano niyo nasabi na kendi ang hinuhulaan niyo?
Mahusay unang pangkat! Sunod, pangalawang pangkat.
Gamit po ang aming pang-amoy, panlasa at pansalat nalaman po naming na kendi ito dahil sa amoy at lasa.
Ang hula po namin ay ito po ay isang sabon! Sige, tanggalin niyo na ang piring. Ang sagot ng pangalawang pangkat ay..tama! Paano niyo naman nahulaan na sabon nga ito? Gamit po ang aming pang-amoy ay natukoy namin na sabon ito. Magaling pangalawang pangkat! Sunod pangatlo. Pakitanggal na ng piring. At ang inyong sagot ay tama! Paano niyo natukoy na krayola mga bata?
Sa amin naman po Titser ay krayola!
Natukoy po namin dahil sa aming pangamoy at pansalat. Naramdaman po naming na matilos ito at amoy krayola. Mahusay pangatlong pangkat! At ang panghuli, pang-apat na pangkat?
Ang hula po namin ay laruan. Laruan? Sige, tanggalin na ang piring. At ang sagot niyo ay tama rin! Paano niyo natukoy na laruan ito? Natukoy po naming ito dahil sa aming pansalat at pandinig. Ang laruan po ay tumutunog. Magaling ika-apat na pangkat! Magaling ang lahat! Palakpakan nga ang mga sarili. Klap! Klap! Klap! Kung wala ang pang-amoy, panding, pansalat at panlasa niyo ay hindi niyo mahuhulaan ang mga bagay. Pero siyempre, mahalaga rin ang ating paningin dahil kapag ito ang ginamit natin ay agad-agad malalaman ang hinuhulaan. Ngayon, magkakaroon naman tayo ng indibidwal na gawain. E. INDEPENDENT PRACTICE Para sa indibidwal na gawain, guguhit kayo ng sense organs―ang mata, ilong, balat, dila at tenga. Pipili lang kayo ng isa na pinakamahalaga para sa inyo ipapaliwanag sa unahan kung bakit napili ito at ano ang dahilan. Gawin niyo sa inyong papel. Nauunawaan ba mga bata? Opo, Titser! Maaari na kayong magsimula at bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto.
Tapos na ang limang minute. May tapos na ba? Sige nga Melissa, maaari mo bang ipakita dito sa unahan ang iyong ginawa at ipaliwanag?
Ang akin pong iginuhit ay mata. Ito po ang iginuhit ko dahil ito ang pinakamahalaga. Gamit ang aking mga mata ay nakikita ko ang mga nasa aking paligid at ang mga mahal ko sa buhay. Magaling, Melissa! Palakpakan natin si Melissa! Klap! Klap! Klap! Ngayon, tapos na ba ang lahat? Ipasa na sa akin ang mga papel mga bata. F. GENERALIZATION Bago matapos ang araw na ito, susubukin ko ulit ang inyong kaalaman. Tatanungin ko ulit kayo kung may natutunan ba talaga kayo mga bata sa pinag-aralan natin ngayon. Ano nga ang ating sense organs? Albert, sige nga. Ang atin pong sense organs ay mata, tenga, balat, dila at ilong. Magaling Albert! Para saan naman ang ating sense organs? Saan ginagamit? Anong pandama ang mga ito? Sige, Hannah.
Ang mata po ay para sa paningin, ilong ay para sa pang-amoy, ang ating balat ay para sa pansalat, ang tenga ay pandinig at ang dila ay para sa panlasa po Titser!
Napakahusay Hannah! Palakpakan ang mga sarili. Sana ay may natutunan kayo at isa-isip ang pinag-aralan natin ngayon. Pahalagahan din natin at alagaan ang ating mga sarili. Naiintindihan ba mga bata? Opo, Titser!
G. APPLICATION
Kumuha ng papel at lapis at sagutin ito sa inyong papel. Panuto: Tukuyin kung anong lasa, amoy, hugis, texture at kulay ang mga sumusunod. 1. 2. 3. 4. 5.
Pinya Asukal Lamesa Lapis Kalamansi
H. EVALUATION Panuto: Isulat ang titik ng tamang pandama. 1. Umuulan ba? a. Paningin b. Pansalat c. Pandinig 2. Kulay ng bahaghari. a. Pansalat b. Paningin c. Pang-amoy 3. Mabangong bulaklak a. Pang-amoy b. Pandinig c. Pansalat 4. Mapait na ampalaya. a. Panlasa b. Paningin c. Pansalat 5. Malambot na unan.
1. Pinya (Bilog, maasim, magaspang, dilaw) 2. Asukal (Magaspang, matamis) 3. Lamesa (Pari-haba, kayumanggi, matigas) 4. Lapis (Mahaba, matigas) 5. Kalamansi (Maasim, bilog, berde)
a. Pang-amoy b. Pansalat c. Paningin 1. 2. 3. 4. 5. V.
ASSIGNMENT
Panuto: Maglista ng mga gamit o bagay na nasa inyong bahay at sabihin ang mga pandama nito.
C. Pandinig B. Paningin A. Pang-amoy A. Panlasa B. Pansalat