Lp Sa Ap 8 Revised.doc

  • Uploaded by: Regel Parane Bulao
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Lp Sa Ap 8 Revised.doc as PDF for free.

More details

  • Words: 730
  • Pages: 4
MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8 I.

Layunin 1. Napaghahambing at naipapaliwanag ang mga pangunahing ideolohiyang pangpolitikal at pang-ekonomiko 2. Napapahalagahan ang mga edeolohiyang pinakamalapit sa personal na paniniwala

II.

Nilalaman A. Paksa: Pangunahing Ideolohiyang polikal at ekonomiko B. Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon, Grace Estela C. Mateo, Ph. D., et. al., Vibal Publishing House, Inc., 0290 Nivel Hills, Lahug, Cebu City Philippines, p. 148-154 C. Kagamitan: PowerPoint Presentation, visual aids, pen and other learning resource materials D. Pagpapahalaga: pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba E. Tinatayang oras: 60 minuto

III.

Pamamaraan

A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin 2. Pag tsek ng Attendance 3. Balik-aral

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL Ano nga ulit ang mga dahilan ng ikalawang digmaan pandaigdig Pasismo po. digmaan? 4. Pangganyak 4 PICS & 1 WORD Pamilyar ba kayo sa larong 4 pics and 1 word? Ngayong araw ay maglalaro tayo nito. Maaring itaas lamang ang kanang kamay kung ikaw ay may ideya ukol sa bawat larawan at salitang papahulaan. Kung maari ay huwag tayong masagot ng sabay-sabay o mauunang magbigkas ng sagot hanggat wala pang napipili si Titser na sasagot.

B. PAGLINANG NG ARALIN 1. Paglalahad ng Paksa GAWAIN NG GURO Batay sa mga nakita ninyong larawan, sa palagay ninyo ano kaya ang tatalakayin natin ngayon?

GAWAIN NG MAG-AARAL Sir! Mga pangunahing ideolohiyang pampolitikal at ekonomiko.

Magaling! a. Gawain KWL CHART Kompletuhin ang KWL chart. Sagutin sa know kung ano ang alam mo at kung may panimula kang ideya tungkol sa paksa at sa want to know kung ano ang gusto mong mapag-aralan at mamaya pagkatapos ng aralin ay sasagutin naman ang learn o ano ang natutunan nyo. KNOW (Ano ang alam mo?)

WANT TO KNOW (Ano ang gusto mong mapagaralan?)

LEARN (Ano ang natutunan)

Pangkat 1 Pangkat 2

b. pag-aanalisa GAWAIN NG GURO Ano ang ideolohiya?

GAWAIN NG MAG-AARAL Sir! Ang ideolohiya po ay huwaran o balangkas ng mga patakaran at sitemang politikal at ekonomiko ng isang kilusan o bansa.

Magaling! Ano ang lineralismo?

Sir! Batay sa ideolohiyang ito, ang tao ay likas na mabuti; may kakayahang makabuo ng wastong pasiya, may kakayahan para sa sariling pag-unlad

Tama! Ano naman ang Konserbatismo?

Sir! Ang konserbatismo ay pagpapanatili ng status quo sa lipunan, gayundin ang kultura at kaayusan sa bansa..

Magaling!. Ano naman ang kapitalismo?

Sir! Ang kapitalismo ay ang pagtataguyod ng kompetisyon sa pamilihan at kakayahang pangasiwaan ang sarili nang walang panghihimasok ng pamahalaan.

Tama! Ano naman ang sosyalimo?

Sir! Binibigyan diin ng ideolohiyang ito ang kolektibismo kaysa sa indibidwalismo sa kabutihan ng nakakarami kaysa sa kubutihan ng iisa o iilan lamang.

Magaling! Ano naman ang komunismo?

Sir! Ang komunismo po ay tumutukoy sa perpektong lipunan kung saan lahat ng produksiyon ay pantay-pantay at lahat ng salik ng produksiyon ay pagmamay-ari ng tao.

Ano naman ang Pasismo? Magaling!

Sir! Ang Pasismo ay ideolohiya na higit na nagpapahalaga sa kapakanan ng estado kaysa sa mamayan.

c. Paglalahat Para kompletuhin na ang KWL chart sagutin ang learn o ano ang natutunan sa aralin. KWL CHART

KNOW (Ano ang alam mo?)

WANT TO KNOW (Ano ang gusto mong mapagaralan?)

LEARN (Ano ang natutunan?)

Pangkat 1 Pangkat 2 d. Paglalapat MEME KO ‘TO Pumili ng isang napapanahong isyo. Bumuo ng paninindigan hinggil sa isyu. Gamit ang isang ideolohiyang natutunan sa araling ito at larawan na ibibigay ng guro, hikayatin ang mga tao na pumanig sa iyong pananaw o magsagawa ng aksiyong naaayon sa iyong paniniwala sa pamamagitan ng meme. Isaalang-alang ang mga sumusunod na pamantayan sa pagmamarka ng meme. RUBRIC SA PAGMAMARKA NG MEME PAMANTAYA DESKRIPSIYON PUNTO NAKUHANG N S PUNTOS Nilalaman Wastong naipahayag sa meme ang paninindigan sa 15 napapanahong isyo at gumamit ng particular na ideolohiya sa ginawang meme. Presentasyon Maliwanag sa mga titingin ng meme ang ginamit na 15 ideolohiya at paninindigan sa isyu. Pagkamalikhain Mahusay, malinis at malikhain ang pagkagawa ng meme. 20 IV. Pagtataya Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at isulat sa patlang ang titik: (5 puntos) A. Demokrasya _________1. Pagpapanatili ng status qou. B. Kapitalismo _________2. Pribadong pagmamay-ari. C. Komunismo _________3. Pagkapantay- pantay sa lipunan D. Konserbatismo _________4. Kolektibismo kaysa sa E. Sosyalismo at indibidwalismo. F. Pasismo _________5. Ang tao ay likas na mabuti. V.

Takdang Aralin

Pag-aralan ang dahilan ng cold war. Gumawa ng maikling paliwanag ukol sa mga dahilan at isulat ito sa isang buong papel Prepared By: Regel P. Bulao

Related Documents

Lp Sa Ap 8 Revised.doc
June 2020 11
Bwisit N Proj. Sa Ap!
November 2019 14
Ap Biology Lab 8
April 2020 18
Thora Sa Asman 8
July 2020 5
Thora Sa Asman 8
November 2019 6
Lp-demo-8
October 2019 15

More Documents from ""

Lp Sa Ap 8 Revised.doc
June 2020 11
April 2020 2
Rich-app.docx
April 2020 22